Followers

Tuesday, May 12, 2015

BlurRed: Karryle

Iniwasan ako ni Jeoffrey kagabi sa bar. Pero, di ko siya pinayagan na dedmahin ako. Alam ko kasing may problema siya. 

Kaya, pagkatapos kong mag-perform ay hinintay kong makapagperform ang banda niya.

"Ang sakit-sakit, Bro." Lumuha na naman si Jeoffrey pagkatapos niyang ikuwento sa akin ang nangyari.

Naunawaan ko na siya. Hindi nga lang ako nakapagsalita agad. Hindi ko akalaing siya ang gagalawin ni Boss Rey. 

"Anong plano mo?" Inakbayan ko siya.

Pinunasan niya muna ang luha niya. "Wala. Hindi ko alam."

"Si Boss, alam niya bang masama ang loob mo sa kanya?"

"Hindi. Ang alam niya, gusto ko ang ginagawa niya sa akin dahil masaya ako sa mga natatanggap ko sa kanya." Humikbi pa siya. "Shit! Kung alam ko lang na ganito.. Lecheng buhay 'to!"

"Gusto mo bang umiwas? I mean, iiwas ka na ba?"

Tiningnan na niya ako sa wakas. "Ngayon pa ba ako aayaw? Red, ang hirap ng buhay. Kailangan kong gawin ito. Masakit at nakakadiri..at nakakahiya pero kakapalan ko na ang mukha ko sa'yo. Red, pakiusap..atin-atin na lang ito. Pwede ba?"

Nablangko ako. Naalala kong naikuwento ko na kay Dindee. Bahala na! "Pwede. Sige. Pero, sana mag-iingat ka." 

Hindi na siya kumibo. Nakipag-apir na lang siya sa akin bago kami naghiwalay.

Hindi agad ako dinalaw ng antok, kahit hating-gabi na ako nakauwi. Awang-awa ako kay Jeoffrey. Sa sobrang hirap ng buhay niya, nagawa niyang kumapit sa patalim. Tsk tsk.

Nagtext na naman si Karryle. Kinumusta niya si Jeoffrey. Hindi ako nagbigay ng ideya. Ang sabi ko ay siya na lang ang itext niya dahil wala akong balita. 

Ewan ko lang kung gugustuhin niya pa siya si Jeoffrey kapag nalaman niya ang lahat. Ewan ko rin kung gugustuhin pa ni Jeoffrey na ligawan si Karryle gayong lalaki ang karelasyon niya. 


No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...