Alas-nuwebe na ako nagising. Nakilamay kasi ako kagabi. Sumama din ako sa paglibing, kaya alas-kuwatro na ako nakauwi sa bahay.
Sobrang pasalamat nga sa akin ang nanay ni Jeoffrey dahil sa mga pisikal at pinansiyal kong tulong. Masaya naman ako sa ginawa ko. Ang sarap sa pakiramdam na nakakatulong sa kapwa.
Kaya lang, hindi kompormi si Daddy sa ginawa ko. "Suwerte ng kaibigan mo sa'yo. Hindi ka lang nakilamay, nakiramay ka pa ng husto. Pag nagkasakit ka sa puyat at pagod, sigurado akong hindi ka niya maaalagaan.''
May punto si Daddy kaya nga hindi na ako kumibo. Sumubo na lang ako ng sumubo ng pagkain. Kaya lang sana naunawaan niya na ang pagtulong ay isang mahalagang bagay para sa magkaibigan. Mabuting kaibigan ako hindi lang kay Jeoff kundi sa lahat.
Nang naramdaman ko na hindi na galit sa akin si Daddy, nakibonding ako sa kanya sa panunuod ng pelikula sa cable. Ayos na..
Followers
Friday, May 8, 2015
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
May Kuwentong Nananahan sa Abandonadong Tahanan
Sa aking paglalakad-lakad, nadaanan ko ang abandonadong bahay na ito. Hindi ko maiwasang maalala ang dati naming tahanan, na malayo sa sentr...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment