Followers

Saturday, May 30, 2015

BlurRed: Hadlang

"Hindi pwede ang sinasabi niya." mariing tanggi ni Mommy nang ikuwento ko sa kanila ni Daddy ang kondisyon ni Dindee sa akin.

"Mahal mo pa ba?" tanong naman ni Daddy. Tinanggal pa niya ang gardening gloves.

Nahihiya akong tumango.

"Pareho naming gusto ng Mommy mo ang desisyon mong maging teacher. Pero.. Mommy ikaw na nga. Ang hirap, e!" Nginitian pa niya kami.

Alam ko hindi siya sanay sa madramang usapan.

"Ang ibig sabihin ng Daddy mo.. hindi kami namimili ng babaeng mamahalin mo. Pero, gusto namin na maging teacher ka. Kapag may babaeng humadlang doon, hindi kami makakapayag, Red."

"Kahit si Dindee? Na anak ng bff mo?" Tumawa pa si Daddy.

"Oo, kisihudang anak siya ng bessy ko! Mali namang hadlangan niya ang pangarap ng anak natin. Hindi lang siya ang babae sa mundo, Red."

Tahimik pa rin ako.

"Hindi dahil anak ka namin, pero, alam kong marami na naman ang magkakagusto sa'yo. Mamili ka sa kanila. 'Yung pareho kayo ng gusto sa buhay." payo ng aking ama. "Tingnan mo kami ng Mommy mo."

Tiningnan ko nga sila. Nagtinginan din sila. Maya-maya ay nagtawanan sila. Nahawa ako.

"Ikaw, talaga.. " Kinurot-kurot ni Mommy si Daddy sa tagiliran. "May problema na nga itong anak natin, nagbibiro ka pa. Para namang maniniwala si Red sa mga sinasabi mo. Bolero!"

Nang mapag-isa ako, saka ko pinag-isipan ko ang lahat ng mga sinabi ng mga magulang ko.

Tama naman sila.

Gayunpaman, nanghihinayang ako sa relasyon namin. Sa simpleng bagay o dahil sa isang tao na hindi naman talaga hadlang, mawawasak ang sinimulan namin. Nakakapanghinayang. Bakit hindi niya ako ipaglaban? Bakit kailangang i-give up ko ang course ko? Ang labo niya talaga!

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...