Maghapon akong tulog sa bahay kanina. Alas-sais na kasi ako nakauwi.
Alas-kuwatro ako bumangon para naman mag-ensayo. Hindi na ako naghanda ng kanta na hindi ko pa nakakanta. Nag-recycle na lang ako para mapadali ang pagpa-practice ko.
Tumawag si Jeoffrey bandang alas-otso ng gabi. Papunta pa lang ako sa kanila. Sabi niya ay nasa bahay sila. Doon na daw ako tumuloy.
Pagdating ko, parang na-out of place ako kasi nagtatawanan sila. Parang close na close sila.
"Upo ka, Red!" Binigyan ako ng nangingitim na monobloc chair.
"Musta? Sabay na tayong pumunta sa bar. Kain ka muna."
Nakita kong maraming pagkain sa maliit na lamesa nina Jeoffrey.
"Sige po. Kumain na po ako."
Hindi na ako pinilit ng boss ko. Si Jeoffrey naman ay nilagyan ako sa disposable plate ng mga pagkain.
Kinain ko.
Nakamasid lang ako sa dalawa. May kakaiba sa mga kilos ni Boss Rey. Halata ang pagkasilahis niya. Panay kasi ang hawak niya kay Jeoffrey habang nag-uusap sila.
Pag nagtanong ba, kailangang hahawak ka pa sa binti ng kausap mo? Matagal pang nakapatong.
Iba rin ang kilos ni Jeoffrey. Mukhang gusto niya ang ginagawa niya. Shit! Kadiri.
Hindi na kami nakapag-usap ni Jeoffrey. Bukas kakausapin ko siya tungkol sa kanila ni Boss Rey. Babalaan ko siya. Ayokong maging biktima siya.
No comments:
Post a Comment