Followers

Saturday, May 30, 2015

E Di, Wow!

"Pa, masaya ka ba dito!" tanong ng 5-anyos na anak sa ama.

"Opo! Masaya ako. Ikaw, masaya ka rin ba?"

"Hindi." mabilis na sagot ng bata. Nakangiti pa siya.

"Bakit naman?"

"Kasi kokonti ang laruan dito. Doon kay Lola, andami."

"Konti pa ba 'yan? Andami-dami na nga, e. Hindi mo pa nga maiayos, e."

"Gusto ko marami."

"Kaya nga mag-aral kang mabuti para bilhan kita ng kompletong Cars." Ang tinutukoy ng ama ay ang collection ng Cars The Movie.

"Kompleto?" ulit ng anak.

"Opo. Kompleto."

"E di wow!" Pilyong bata, tumawa pa.

"Sige ha? Hindi ko na sasagutin ang lahat ng tanong mo kasi sinasabihan mo ako lagi ng e di, wow." Tinalikuran niya ang anak.

"O, sige ah..hindi na ako magsasalita ng e di, wow, araw-araw."

Hindi na nga nagsalita ang ama. Hindi na rin namilit ang anak. 

Nakakaapekto talaga sa mga bata ang mga expression naririnig nila sa telebisyon. Nagiging matatas nga silang magsalita pero madalas, hindi nakakatuwa ang mga sinasagot nila sa mga nakakatanda.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...