Followers

Sunday, May 10, 2015

BlurRed: Back Out

"Hello?!" si Sharon ang tumawag.

"Hello, Red! Kumusta? Tinext kita. Di ka nag-reply."

"Wala akong load. Sorry." May load talaga ako. Ayoko lang mag-reply. Kinukuha kasi akong abay sa kasal ng kuya niya. Kapalit daw ako ng partner niya na nag-back out.

"Okay lang. Ano? Pumapayag ka ba?"

"Kasi.. Sha, hindi ko alam kung.."

"Huwag kang mag-alala, tinawagan na ni Papa ang Daddy mo. Payag naman daw siya. Kaya lang, ikaw pa rin daw ang huling magdedesisyon. Don't worry din kasi may isusuot ka na. Magkasukat kayo ng dati kong partner.. Ano?"

Pinilit niya pa ako hanggang sa napa-oo ako. Tuwang-tuwa siya. Ako naman ay hindi man lang nakaramdam ng excitement. Kapag pala di mo gusto ang gagawin mo hindi ka man lang makakadama ng tuwa.  

Ayokong maging partner siya kasi nararamdaman kong gusto niya ako. Lalong ayokong mapalapit sa kanya dahil parang pinagkakasundo kami nina Daddy at Ninong. Ayoko ng ganun. 

May 25 ang sakalan, este kasalan..

"Dad, pumayag ka po pala na maging abay ako sa kuya ni Sharon. Sana po nalaman ko muna." May konting panunumbat ang sinabi ko but in a good way.

"Oo, Red! Sorry, ang kulit e. Saka, wala namang dipirensiya di ba, Mommy?" Ngumiti pa siya. 

Nainis akong lalong nang tumango at ngumiti din si Mommy. "May sakit ako sa May 25. Back out na ako." Tumalikod ako at pumasok sa kuwarto ko.

"Uy, Red, wag mong hilingin.'yan. Baka magkatotoo. Walang mag-aalaga sa'yo. Wala si Dindee." Si Mommy. Sinundan niya ako hanggang sa pinto ng kuwarto ko. "Bawiin mo 'yun, anak. Bawiin mo."

Natawa na ako. "Oo na po! Binabawi ko na."

"E, di..pumapayag ka na, na maging abay?"

Tumahimik ako. Naalala ko si Dindee. Selosa pa naman 'yun. Bahala na, naisip ko. "Wala na po akong magagawa. Pumayag na po si Daddy, e."

Nagtawanan ang mga magulang ko, kapagdaka. Naisahan na naman ako. Huhu

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...