Pssst! Pssst! Estudyante k a ba?
Sa pagkamit ng edukasyon, hindi lang 1+1 at abakada ang dapat mong
matutunan. Madalas, mas mahalagang malaman natin ang tamang diskarte sa
buhay. Ang mga grades ay numero lang. Kayang-kaya mong gumuhit ng pahiga,
patayo tuwid at pahilis na guhit sa buhay mo para marating ang tagumpay.
Kung graduate ka, na may flying colors. Congrats! Pero, sorry. Better
luck next time kung boring ang student life mo. Pero, ayos lang ‘yan, sa
trabaho naman ay may adventure pa.
Kung high school ka pa lang, goodluck sa’yo! Balansehin mo ang studies
at family. Mahalaga sila pareho. Ang pagsyosyota, oo, inspiration ‘yan, pero,
kwidaw ka, baka mauwi sa desperation.
Kung nasa elementary ka pa lang, welcome! Napakasaya ng buhay mo. Marami
ka pang pupudpuding lapis at patataehing ballpen. Maglaro ka lang. Huwag puro
honors ang nasa isipan mo. Ang medalya ay binilog na bakal lamang. Hindi iyan
ang iyong karunungan.
Oo! Ang pag-aaral ay maraming ups-and-down. At makakarating ka kung
saan-saan. Pero, side-by-side ay may kababalaghan, may kabiguan, may kalokohan,
may katuwaan, may tawanan. Minsan, makikilala mo ang mga taong pinangalanan mo
ng Mam Lipstick o kaya Mr. Ego.
Kung nasubukan mo namang matulog sa klase. Normal lang 'yan. Pero kung
makatanggap ka ng award na 'Tataero of the Year', hanep! Bihira 'yan! Idagdag
pa ang 'Best Actor' Award. O di ba, parang Famas lang?!
Kung na-try mong manligaw o maligawan sa library, sus, common lang 'yan.
Subukan mo namang sumuka sa labas ng library. Astig 'yan dre! Lalo pa siguro
kapag hinimas pa ng librarian ang likod mo..
Sa pag-aaral, dalawa lang ang dapat mong gawin para magtagumpay ka:
magseryoso at magloko. Pag pinagsabay mo, sigurado, gragraduate ka sa
entablado. Pag isa lang, hmmm, delikado. Mental asylum ang abot mo.
Kung hindi ka pa marunong magbilang ng 1 up to 100, dito tiyak ikaw ay
makakarelate.
Basta, tandaan mo: walang 100% success. Laging may PAHILIS.
No comments:
Post a Comment