DENISE' POV
"Salamat, Denise dahil `di na ako nabanggit sa usapan n'yo kanina. Nahihiya ako," sabi ni Krishna nang palabas na kami sa gate ng school. Kabuntot namin si Kuya Dennis.
"Okay lang! Nahihiya nga rin ako. Pero, alam mo ba? Cool pala ang principal natin. Nagkuwento pa ng kaniyang love story. Kaya pala naging old maid."
"Mabuti kung gano'n. E, ang kuya mo?" sutsot pa niya.
"Wala lang. Ako lang yata ang nasermunan kanina. Buwisit nga, e."
Pumagitna na sa amin ang asungot kong kakambal. Medyo natabig niya pa ako.
"Kris, free ka ba bukas?" sabi niya. Tinalikuran ako't hinarap sa kaniya ang girlfriend ko.
"Kris, free ka ba bukas?" Inulit ko ang sinabi niya pero pinaarte ko. "Hay, naku! May gagawin siya bukas. Maglilinis. Maglalaba. Magluluto. Gagawa ng project..."
"Secretary ka ba niya? Umuwi ka na nga para makapaglinis ka sa bahay. Makapaglaba. Makapagluto. At makagawa ng project.."
Tawa nang tawa si Krishna.
Itinaas ko ang sleeves ng uniform ko at kinuyom ko ang kanang kamao ko. `Tapos, isinuntok ko ito sa kaliwang palad ko. "Ano'ng gusto mo? Tuloy na natin dito." Seryoso kunwari ako. Alam kong alam ni Kuya na nagbibiro lang ako.
Pero, ginaya niya ako. Mas nangangalit pa nga ang mga mata niya. "Hindi kita uurungan. Krishna, tabi ka muna." Nakatsansing pa siya sa gf ko nang hawakan niya ito sa magkabilang balikat.
"Tumigil nga kayong dalawa! Andaming nakatingin, o," sawata ni Krishna. `Tapos, hinila na niya ako. "Mauna na tayo, Denise. Lumayo ka na nga sa amin, Dennis!"
Natuwa ako. I win! Ang lambot pa ng kamay niya.
Nilingon ko pa si Kuya. Nakatayo pa rin doon. "Bwe!" sabi ko pa.
Nagplano kami ni Krishna bago kami naghiwalay. Gusto naming pahirapan si Kuya. It's gonna be fun!
No comments:
Post a Comment