Ang Munting Tinig
Gabi-gabi, tuwing papatayin ni Bernard ang ilaw sa kaniyang
kuwarto upang matulog, may munting tinig na tumatawa sa dilim. Ang kakaibang
pangyayaring ito ang dahilan kung bakit siya kulang sa tulog.
Noong una, labis ang takot niya sa tinig na iyon, kaya
magdamag na nakasindi ang ilaw. Subalit, pinagagalitan siya ng ina dahil dagdag
daw iyon sa konsumo ng kuryente. Hindi rin naman niya masabi ang tungkol sa
tinig.
Lumipas ang ilang linggo, unti-unti na siyang nasasanay sa
tinig. Inisip na lamang niyang bunga lamang iyon ng kaniyang imahinasyon.
Isang gabi, pagkatapos niyang patayin ang ilaw, narinig
niyang muli ang tinig ng batang lalaki. Agad siyang nagtalukbong ng kumot, at
nagtakip pa siya ng unan sa tainga.
“Bernard, laro tayo,” sabi ng tinig.
Napabangon siya nang maramdaman niyang tila hinihila nito
ang kaniyang kumot. Kasingbilis din ng liwanag ang pagtakbo niya patungo sa
pindutin ng ilaw.
Sa paglipas ng panahon, napansin ni Bernard na hindi lamang
nagpaparamdam ang bata tuwing papatayin niya ang ilaw, kundi palagi itong
sumusunod sa kaniya kahit siya magpunta.
Sa huli, natutuhan ni Bernard na maging matapang. Hinarap
niya ang nilalang, at nakipag-usap dito.
Sa mga sumunod na gabi, dalawa na silang naglalaro tuwing
madilim na ang kabahayan.
No comments:
Post a Comment