Followers

Thursday, February 19, 2026

Tanza: Pugad ng mga Bayani

Tanza: Pugad ng mga Bayani

 

Ang Tanza, na isang bayan sa Cavite, ay naging sentro ng rebolusyon laban sa mga Kastila. Ito ang dahilan kung bakit kilalang-kilala ito bilang ‘Pugad ng mga Bayani.’

Isa si Felipe G. Calderón (18681908) sa mga bayaning tubong-Tanza. Nakilala siya hindi lang dahil ang husay-husay niyang abogado at estadista, kundi dahil siya ang sumulat ng Malolos Constitution. Ito ang unang-unang pambansang konstitusyon ng Pilipinas, na naging legal na batayan upang maitatag ang Unang Republika ng Pilipinas. Kaya kinilala siya bilang Ama ng Saligang Batas ng Malolos.

Si Antero S. Soriano (1886-1929) ay kinikilala ring bayani ng Tanza dahil sa kaniyang di-matatawarang kontribusyon sa serbisyo-publiko. Mahaba-haba ang kaniyang paglilingkod bilang gobernador ng Cavite-- mula 1912 hanggang 1919. Naging kagalang-galang na senador din siya ng Pilipinas mula 1919 hanggang 1925. At bilang pagkilala sa kaniyang walang-kapares na pamumuno, ipinangalan sa kaniya ang pangunahing kalsada -- ang Antero Soriano Highway, na nag-uugnay sa mga bayan ng Naic, Tanza, Kawit, at Bacoor.

Ang dating-abogado na si Epimaco A. Velasco (19352014) ay pulitikong-Tanzeño, na kabilang din sa kahanga-hangang bayani sa Tanza, Cavite dahil sa kaniyang walang-takot na pagganap sa tungkulin bilang direktor ng National Bureau of Investigation (NBI) noong 1992 hanggang 1995 at bilang gobernador ng Cavite (1995-2001). Higit siyang nakilala dahil sa kaniyang de-kalibreng imbestigasyon laban kay Nardong Putik na itinuturing na “public enemy number one’’ noon.

Ang nabanggit na mga bayaning Pilipino, na nagmula sa Tanza, Cavite ay mga tapat, disiplinado, at may malasakit sa mamamayan. Ang kanilang di-natatapos na ambag sa bayan ay magiging inspirasyon hindi lamang ng mga bagong pinuno sa bayang ito, kundi maging sa iba-ibang bahagi ng bansa.

 

No comments:

Post a Comment

My Journal - April 2009

April 1, 2009 At 4:30, I was already wide awake. And at 5:00, Mama and I left the house. It was 6:30 when we arrived at East Avenue Medical...