Followers

Saturday, February 21, 2026

Pasalubong

 

 

Pasalubong

 

 

           Nasa sala ang mag-asawang Chris at Evelyn dahil dumating si Tiya Menchie.

 

Evelyn: Kumusta sina Papang at Mamang? Siguro gusto nilang sumama sa iyo sa pagpunta rito.

 

Menchie: Tama ka, Ate Evelyn. Anila, gusto nilang magbakasyon dito kahit one week.

 

Chris: Sana sinama mo na.

 

                Dumating sina Apple at Griffin. Napahinto silang dalawa nang makita ang bisita.

 

Chris: Mga anak, magmano kayo sa Tiya Menchie ninyo. Siya ang bunsong kapatid ko.

 

                Nahihiyang lumapit ang magkapatid kay Tiya Menchie, saka nagmano.

 

Menchie: Bless you! Ang lalaki na nila, Ate Evelyn at Kuya Chris. Parang kailan lang.

 

Apple: Tita, ano’ng pasalubong ninyo sa amin?

 

                Marahang hinila ng ina si Apple.

 

Evelyn: Hindi ganyan, Apple, ha? May pasalubong o wala, dapat masaya kayo sa pagbisita niya o ninoman.

               

Apple: (Napayuko muna siya, saka tumingin sa tiya.) Sorry po, Tiya Menchie.

 

Menchie: Okey lang `yon. (Ngumiti siya.)

 

Evelyn: Sige, mga anak, doon na kayo. Pumunta kayo sa kusina. May dalang mga durian at mangosteen ang Tiya Menchie ninyo.

 

                Namilog ang mga mata ng magkapatid. Nagpasalamat sial, saka mabilis na tumakbo patungo sa kusina. Nagngitian na lang ang tatlong naiwan.

No comments:

Post a Comment

Sina Passerine at Siloy

  Sina Passerine at Siloy Mahilig umawit ang magkaibigang sina Passerine at Siloy. Pakanta-kanta sila habang naghahanap ng pagkain. Si P...