Followers

Saturday, February 21, 2026

Paggalang sa Ideya ng Iba

Paggalang sa Ideya ng Iba

 

Pagbibigay at paghingi ng ideya sa iba

Ay dapat may kalakip na paggalang, `di ba?

Gaya ng pagpapasalamat sa kanila

Galing sa pus, `di ngiting-aso ang kagaya

At kung ideya nila’y hindi mo gusting talaga

Lagi mong isipin ang mararamdaman nila

Ayaw mo man ay magpasalamat pa rin sa kanila

Nang  maramdaman nilang ikaw ay nagpapahalaga

Ganyang pagtanggap ang ialay sa kapuwa.

 

Sa pagmamalasakit nila, nagbigay sila ng ideya

Ang makatulong sa iyo, ang tanging hangad nila.

 

Iyong tanggapin at igalang amh suhestiyong mabisa

`Di naman kapahamakan ang iyong mapapala

Ekis man dahil may napili ka nang mas maganda

`Yan ay hindi mahalaga, kundi iyong pagpapahalaga

Ang ideya ng iba ay igalang mo sa tuwina.

No comments:

Post a Comment

My Journal - April 2009

April 1, 2009 At 4:30, I was already wide awake. And at 5:00, Mama and I left the house. It was 6:30 when we arrived at East Avenue Medical...