Followers

Thursday, February 19, 2026

Paano ang Wastong Pagsagot sa PhilHealth Request Letter Form

Paano ang Wastong Pagsagot sa PhilHealth Request Letter Form


 

 

Mahalaga ang PhilHealth Request Letter form dahil ito ay isang opisyal na dokumento na ginagamit ng miyembro o kinatawan upang humiling ng iba-ibang serbisyo mula sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Dapat masagutan ito nang wasto upang mapabilis ang pagproseso ng kahilingan at maiwasan ang pagkakamali.

 

            Paano ito masasagutan nang wasto?

           

            Unang-una, basahin at unawain ang bawat bahagi ng pormularyo.

 

Ikalawa, lagyan ng petsa kung kailan mo sinagutan ang form.

 

Ikatlo, lagyan ng tsek ang kahon o mga kahon ng nais mong hilingin. Siguraduhing alam mo na ang uri ng dokumento o serbisyong hihilingin mo. Sa form na ito, may anim na dokumento o serbisyo kang maaaring i-request -- ang Member Data Record (MDR), Summary of Contribution, ID/Pic, Claims Status Report, Confinement, o Updating of Documents.

 

Ikaapat, punan ang Member’s Information. Ilagay ang kompletong personal na impormasyon ng miyembro, gaya ng PhilHealth Identification Number (PIN), buong pangalan (Last, First, Middle), petsa ng kapanganakan (MM/DD/YYYY). Siguraduhin na wasto at malinaw ang lahat ng detalye upang maiwasan ang pagkaantala o pag-uulit. Ang PIN ay dapat wasto. Ilagay ang bawat digit sa bawat kahon. Ang last name, first name, at middle name ay mahalagang tama at malinaw ang pagkakasulat. Halimbawa: Dela Cruz, Juan, San Miguel. At ang date of birth naman ay may tamang pattern, kaya dapat na maging maingat sa paglagay ng petsa ng kapangakan. Ang MM ay month. Ang DD ay day. At ang YYYY ay year. Halimbawa: 07/19/1980.

 

            Ikalima, punan ang Authorization Letter, kung lalakarin ito ng kinatawan (representative). Ang kinatawan ay maaaring asawa, anak, magulang, kapatid, o tagapag-alaga ng totoong miyembro. Dapat lamang na mailagay ang dahilan ng pagkakaroon ng kinatawan, pangalan ng kinatawan, at relasyon nito sa miyembro. Kailangan din ng lagda at ID number ng miyembro at kinatawan para sa pagkakakilanlan. Ilalagay rin ang petsa at lugar kung kailan at saan pinirmahan ang form.

 

            Kung wala namang kinatawan, huwag nang sasagutan ang Authorization Letter. Dumiretso na sa Pinted Name and Signature of Member, gayundin sa Member’s ID presented at Member’s ID Number presented.

 

Napakahalagang masagutan nang wasto ang PhilHealth Request Letter form sapagkat, hindi lamang ito magpapabilis sa proseso, kundi nagpapakita ito ng pagiging responsable at disiplinadong miyembro.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

No comments:

Post a Comment

My Journal - April 2009

April 1, 2009 At 4:30, I was already wide awake. And at 5:00, Mama and I left the house. It was 6:30 when we arrived at East Avenue Medical...