Followers

Thursday, February 19, 2026

Lumang Baul

 

 

Lumang Baul

 

Naglilinis si Celine sa lumang bahay, kasama si Lolo Juaning. Ipinaalala nito sa kaniya na huwag bubuksan ang lumang baul. Lalo siyang nagkainteres.

Gustong-gusto ni Celine na malaman ang laman ng baul. Hinanap niya ang susi ng baul at natagpuan tokador ng kaniyang lolo. Binuksan niya ang baul sa kabila ng babala ni Lolo Juaning.

Umalingasaw ang nakasusulasok na amoy. Natagpuan niya ang manika at mga larawang kamukha niya. Simula noon, nagsimula ang mga hindi maipaliwanag na pangyayari sa kanilang lumang bahay.

Tinanong ni Celine si Lolo Juaning tungkol sa manika sa lumang baul. Sabi nito, ginagambala sila ng kaluluwa ng kakambal niya. Ikinulong sa baul ang espiritu nito para hindi makagambala.

Ibinalik nila ang manika sa lumang baul. Nagdasal siya upang matahimik ang espiritu ng kaniyang kakambal. At bumalik ang katahimikan sa kanilang bahay.

No comments:

Post a Comment

Walang Makita si Niño

    Walang Makita si Niño     “Nasaan ang dinosaur ko rito, Ading! Pinakialaman mo na naman?” pasinghal na tanong ni Ni ño sa na...