Followers

Thursday, February 19, 2026

Kahit Musmos Pa

 

Kahit Musmos Pa


 

Unang linggo ng pasukan sa eskuwela

Pagiging pinuno ko’y agad na nakilala

Mga kaklase ko’y sa akin ay humanga

Nagningning agad ang aking mga tala.

 

Huminto sila nang ako’y pumagitna

Sa dalawang tigreng galit sa isa’t isa

Walang nais lumapit baka sila’y malapa

Sa illaw kong hawak, sila’y tumigil na.

 

“Puso niyo’y pag-isahin,” payo ko sa kanila.

“Maglalayag tayo sa ilog nang magkakasama.”

“Kailangan ng pakikiisa at pang-unawa.”

“Kaya ang biruan at sakitan ay iwasan na.”

 

Naging maamo na sila’t nagpasalamat pa

Kahit ang aming guro, sa akin ay humanga

Isang mabuting hari, sa akin ay nakita

Kaya ng araw na iyon, ang kanilang itinakda.

 

Sa silid-aralan, ako ang pangulo nila

Na katuwang ng guro sa pagdidisiplina,

Pagpapanatili ng kalinisan at pagkakaisa

At maging modelong lider kahit musmos pa.

 

 

No comments:

Post a Comment

Elias Maticas 9

  Elias Maticas 9   “Elias Maticas, ang batang parabulong!” Nagpatuloy ang mga tao sa pagbigkas ng chant. Pakiwari ng mga maysakit ay n...