Followers

Saturday, February 21, 2026

Mga Kaibigang Nagmamahal sa Kalikasan

 

Mga Kaibigang Nagmamahal sa Kalikasan


 

Ako’y may kaibigan-- siya si Maw-Maw

Ugali niya’y parang nakakatakot na halimaw

Mga halaman ay dinudurog na tila mga kaaway

Takot na takot naman sa mga prutas at gulay.

 

Kaibigan ko rin si Maak, na anak-mayaman

Katulad ng kaharian ang kaniyang tirahan

Kaya sa pag-aaksaya, siya ay number one

Tubig at kuryente, `di pinanghihinayangan.

 

May isa pa akong itinuturing na kaibigan

‘Trasha’ ang kaniyang tunay na pangalan

Gaya ng basura-- mabahong pakinggan

Basura niya’y tinatapon lang kung saan-saan.

 

Masasamang ugali at gawi ay aking puputulin

Tuturuan din na ang kalikasa’y dapat mahalin

Paninira, pag-aaksaya, at pagkakalat, tanggalin

Sa puso nila—pagmamahal ang panatilihin.

No comments:

Post a Comment

My Journal - April 2009

April 1, 2009 At 4:30, I was already wide awake. And at 5:00, Mama and I left the house. It was 6:30 when we arrived at East Avenue Medical...