Ang Alamat ng Bulan
Kilala
si Datu Francisco sa pagiging mabait at mapagkanlong na datu. Kapos man siya sa
edukasyon, subalit lubos siyang hinahangaan ng
mga nasasakupan sapagkat marunong siyang makisalamuha sa mga tao.
Sa
kabilang banda, may mga datung
naghahanda na masakop ang kanilang teritoryo. Nais nilang maangkin ang lupaing
pinamumunuan ni Datu Francisco dahil sa taglay nitong kagandahan at kayamanan.
Isang araw, may ibinalita ang
isa sa mga kawal ni Datu Francisco. “Mahal na datu, usap-usapan sa kabilang
lupain ang tungkol sa kawalan ng pangalan ng ating lupain. Napag-alaman kong
nais sakupin ni Datu Irosin ang lupain natin habang hindi pa ito napapangalanan.”
“Kung
gayon, dapat na nating
pangalanan ang ating lupain upang hindi na nila ito masakop,”
nakangiting tugon ni Datu Francisco.
“May nais ka na ba, mahal na
datu?”
“Naku, wala pa nga, e.” Napakamot
na lamang sa ulo ang datu.
Nang gabing iyon, habang
maliwanag ang bilog na bilog na buwan, naglakad-lakad si Datu Francisco sa
dalampasigan. Hindi pa rin siya makaisip ng pangalan ng kanilang lupain. Labis
siyang nangangamba na baka maagaw ito sa kanila.
Nang pabalik na si Datu
Francisco, nakasalubong niya ang dalawang lalaki. Muntikan na siyang matakot at
magduda na baka mga tauhan ito ni Datu Irosin, kung hindi niya lamang nakilala
ang mga kasuotan ng mga ito.
Nagsalita ang mga dayuhang pari, subalit
wala siyang maunawaan. May itinuturo ang mga ito, kaya
naisip niyang itinatanong ng dalawa ang pangalan ng buwan.
“Bulan!” masiglang tugon ni Datu Francisco. “Bulan!”
“Bulan!” bulalas ng dalawang paring dayuhan, saka
yumukod-yukod, bago nagpatuloy sa paglalakbay.
Dahil sa nangyari, nabalitaan ni Datu Irosin na
may pangalan na ang teritoryo ni Datu Francisco, kaya pinadalhan siya nito ng liham
paanyaya.
Agad niya itong ipinabinasa nang malakas sa kaniyang
mapagkakatiwalaang kawal, sapagkat hindi siya marunong magbasa.
Lupain ng Bulan
Setyembre 11, 1525
Mahal na Datu
Francsisco,
Magandang
araw!
Binabati
kita sa pagkakaroon ng pangalan ng iyong teritoryo. Malugod kong ibalita na
kinakalimutan ko na ang plano kong sakupin ang iyong lupain dahil may pangalan
na ito.
Dahil
dito, inaanyayahan kita sa isang piging, na gaganapin sa Setyembre 20, 1925, sa
dito sa aming lupain upang magdaos ng “Araw ng Pakikipagkaibigan.” Imbitado rin
sa pagtitipong ito sina Datu Matnog at Dayang Magdalena.
Inaasahan
ko ang iyong pagdalo. Maraming salamat!
Lubis na gumagalang,
Datu Irosin
Pagkatapos
nito, nakilala ang lupain
ni Datu Francisco bilang isang payapa at papunlad na lupain ng Bulan, na
matatagpuan sa lalawigan ng Sorsogon.
No comments:
Post a Comment