Followers

Thursday, February 19, 2026

Mga Tunog ng Isang Umaga

 

Mga Tunog ng Isang Umaga


 

 

Kasabay ng tilaok ng mga manok ang paggising ko

Sabik akong masilayang muli ang perpektong kono

“Marhay na aga!” bati ko kina Nanay, Tatay, at Lolo

Parang binati rin ako amoy ng nilalagang kapeng barako.

 

Lalo pa akong nagising sa kalansing ng mga kurbyertos

Sa dami ng pagkain sa mesa, natulala ako pagkatapos

“Buboy,” tawag ni Nanay, “tawagin mo na sila,” sabay utos.

Pero, bago lumabas, kumuha ako ng isang pirasong ibos.

 

Paglabas ko, Daragang Magayon ang agad kong natanaw

Bumilog ang bibig ko, saka kumawala ang salitang ‘wow

Kay gandang pagmasdan, kay palad ng aking araw

Sabi ni Lolo, payapa ang kalikasan, kapag siya ay lumitaw.

 

Hahanapin ko na ang mga kapatid ko nang kumalembang

Klang-klang!” walang tigil ang kampana ng simbahan

Kasabay niyon, ang mga ibon ay sabay-sabay nagliparan

Saka ang pagyugyog ng lupa at pagyanig ng kapaligiran.

 

Kakaibang lindol ang aking naranasan nang araw na iyon,

Dinig ko ang dug-dug sa dibdib habang nakatingin sa Mayon

Nag-usal ako ng dasal. “Pakiusap, huwag naman ngayon.”

“Gawin Mong masaya at ligtas ang aming bakasyon.”

No comments:

Post a Comment

My Journal - April 2009

April 1, 2009 At 4:30, I was already wide awake. And at 5:00, Mama and I left the house. It was 6:30 when we arrived at East Avenue Medical...