Sampung
Paraan upang Makaiwas sa Depresyon
Mahirap makaranas ng depresyon,
pero madali lang makaiwas dito.
May sampung paraan upang hindi
dapuan ng sakit na ito.
Regular na mag-ehersisyo. Maglaan ng kahit 20 hanggang 30 minuto sa
paglalakad-lakad o kahit sa simpleng stretching. Makatutulong ang
ehersisyo sa pagpalabas ng endorphins, na nagpapasaya ng pakiramdam.
Ugaliing kumain ng masusustansyang pagkain. Itigil, kundi man ay iwasan
ang sobrang pagkonsumo ng matatamis at processed food. Sa halip, kumain
ng prutas, gulay, whole grains, at pagkaing mayaman sa Omega-3, gaya ng
isda.
.
Sikaping magkaroon ng sapat na tulog. Inirerekomenda ang 7 hanggang 8
oras na tulog kada gabi upang makapagpahinga ang utak at katawan.
Panatilihing
konektado sa pamilya at mga kaibigan. Maglaan ng sapat na oras para
makipag-usap at makisalamuha sa kanila. Ang pakikipagkapwa-tao ay nakatutulong
sa paglaban sa kalungkutan.
Magkaroon ng sapat
na oras sa pagpapahinga. Gumamit ng deep breathing exercises, meditation, o
simpleng pag-upo sa tahimik na lugar.
Umiwas sa mga
bagay, tao, at gawawing nakapagdudulot ng labis na stress. Gumawa ng
iskedyul upang maisagawa ang gawain nang maayos at hindi mabigla sa dami ng
iniisip.
Gumawa ng mga
bagay na nakapagpapasaya sa `yo. Maaaring ito ay pagbabasa, pakikinig ng
musika, gardening, pagluluto o anomang nagbibigay saya at sense of
accomplishment.
Magbukas ng damdamin
sa pamilya o kaibigan. Huwag sarilinin ang suliranin o ang bigat na
nararamdaman. Lumapit sa mga taong pinagkakatiwalaan. Makikinig sila sa iyo.
Iwasan, kundi man
ay limitahan ang pag-inom ng alak o iba pang bisyo. Palalalain ng sobrang bisyo
ang iyong problema. Magdudulot lang ito ng chemical imbalance sa utak.
Humingi na ng tulong
sa eksperto kung kinakilangan. Kung nararamdaman mong hindi mo na kaya,
kumonsulta na sa guidance counselor, psychologist, o doktor. Sila ang
lubos na nakakaalam ng sakit mo.
Samakatuwid, ang
depresyon ay maiiwasan kung alam mo kung ano-ano ang mga hakbang na gagawin.
No comments:
Post a Comment