Followers

Thursday, February 19, 2026

Library

Library

 

 

Mahal, naalala mo pa ba…

Naalala mo ba noong tayo’y nagsisimula

Noong tayo ay mga totoy at nene pa?

Ang library ay ginawa nating parang lugar ng pulot-gata

Love nest, ‘ika nga

Love-rary ang tawag natin, ‘di ba?

Andaming babasahin, andaming dapat mabasa

Pero aanhin pa natin ang mga iyon

Tinginan pa lang natin, na kay tamis, ay sapat na

Hindi na natin kailangang magbasa ng libro

Dahil ang love story ay atin nang binubuo

Hindi na natin kailangang magbuklat ng diyaryo

Dahil mas updated ang laman ng ating puso

Hindi na natin kailangang tingnan ang Atlas

Kahit hindi pa noon uso ang Google Map,

Dahil natagpuan mo ako’t nahanap na kita, sa wakas

Hindi na natin kailangang sumangguni sa Almanac

Alamin kung ano-ano ang athmospherical phenomenon, na magaganap

Dahil sa kalawakan, pangalan natin ang nakatatak

Hindi na natin kailangang magpakadalubhasa sa encyclopedia

Upang humanap ng mga kasagutan sa siyensiya

Dahil alam na nating ikaw at ako ang itinadhana

Hindi na natin kailangang mag-browse ng mga magasin

At tumingin sa mga modelong kay gaganda sa paningin

Dahil ikaw ang pinakamaganda, para sa akin.

 

No comments:

Post a Comment

My Journal - April 2009

April 1, 2009 At 4:30, I was already wide awake. And at 5:00, Mama and I left the house. It was 6:30 when we arrived at East Avenue Medical...