Followers

Thursday, February 19, 2026

KAWANGGAWA

 

KAWANGGAWA

 

Kapwa ay tulungang makaahon sa hirap ng buhay

Angat na pamumuhay sa kanila ay ibigay

'Wag ang panandaliang solusyon ang ialay

Ang nararapat ay pangmatagalang hanapbuhay

Nang hindi na umasa nang paulit-ulit sa kapitbahay

Galing sa puso at kakayahan nang sila ay magsikhay

Gawin niyang inspirasyon ang tulong mong bigay

Ang pagtulong mo sa kapwa ay hihipo pa ng kamay

Walang hanggang pagtutulungan ay magiging tulay

Aangat ang buhay ng bawat isa at liligayang tunay.

No comments:

Post a Comment

My Journal - April 2009

April 1, 2009 At 4:30, I was already wide awake. And at 5:00, Mama and I left the house. It was 6:30 when we arrived at East Avenue Medical...