Followers

Thursday, February 19, 2026

Sa Dulo ng Bahaghari

 

Sa Dulo ng Bahaghari


 

“Dulo ng bahaghari ba’y may kayamanan?”

Libo-libo na ang aking napagtanungan

Lahat sila-- ako’y kanilang pinagtawanan

Kahit tumanda ako, `di raw masusumpungan.

 

Libo-libo kong tanong, may milyong kasagutan

Ako na mismo ang tutuklas sa katotohanan

Kaya, isang araw, ako’y nag-alsa-balutan

Nang bahaghari ay natanaw sa kalayuan.

 

Umulan-umaraw, ako’y sumige lang

Walang pangarap na suntok sa buwan

Bawat hakbang patungo sa paroroonan

Ay walang katumbas, ni gintong makinang.

 

Laylay aking dila sa labis na pinuntahan

Paglakad at pag-abot ay walang katapusan

Nang malapit na, bahaghari’y nasaan?

Hindi na matanaw kahit sa kalawakan.

 

Pangarap na kayamanan ay kay layo naman

Sana, mga tawanan nila’y aking pinakinggan

Paniniwala ko’y biktima ng kasinungalingan

Kalaro ko nito’y tiyak ako’y pagtatawanan.

No comments:

Post a Comment

Elias Maticas 9

  Elias Maticas 9   “Elias Maticas, ang batang parabulong!” Nagpatuloy ang mga tao sa pagbigkas ng chant. Pakiwari ng mga maysakit ay n...