Followers

Thursday, February 19, 2026

Puno ng Pagmamahal

 

Puno ng Pagmamahal

 

Parang isang kaibigan ang puno

Pinapawi nito ang kalungkutan ko

Ang sanga nito’y animo’y mga braso

Yumayakap upang mapasaya ako.

 

Sa lilim nito ako’y nakapagpapahinga

Katulad ng yakap ng ina sa umaga

Tila sanggol ako nitong ipaghehele

Habang mga pipit, umaawit ng oyayi.

 

Ang puno ay gaya ng isang guro

Pagtitiyaga ang kaniyang itinuturo

Sa mga pagsubok, huwag agad sumuko

Kasingtibay ng mga dahon, kahit bumagyo.

 

Ang puno ay kawangis din ng tahanan

At tirahan ito ng maraming nilalang

Masayang namumuhay at nagmamahalan

Anomang panahon, matatag ang samahan.

 

 

No comments:

Post a Comment

Elias Maticas 9

  Elias Maticas 9   “Elias Maticas, ang batang parabulong!” Nagpatuloy ang mga tao sa pagbigkas ng chant. Pakiwari ng mga maysakit ay n...