Buksan ang Pinto ng Kaalaman sa
Pamamagitan ng NLP Library Card
Gusto mo bang mapabilis
at maging organisado ang panghihiram mo ng mga libro at paggamit ng mga resources sa Pambansang Aklatan ng
Pilipinas? Simple lang! Dapat magkaroon ka ng library card, na magsisilbing susi sa pinto ng kaalaman.
Ang
Pambansang Aklatan ng Pilipinas (National Library of the Philippines o NLP) ay
nag-aalok ng opsyonal na PVC library card
para sa mga mambabasa at mananaliksik. Napabibilis nito ang paghahanap ng mga
libro sapagkat mas kumpleto ang impormasyon dito. Karaniwan itong may barcode o QR code na puwedeng i-scan
sa circulation system. Mayroon itong direct access sa OPAC (Online Public
Access Catalog) kaya agad na makikita ang lokasyon ng libro sa aklatan at
puwede ring mag-reserve online. Bukod
pa sa mga ito, ang NLP library card ay
nag-aalok ng mas maayos ang transaksyon sa mga tagapamahala ng aklatan.
Sa
pagpaparehistro at pagkuha ng NLP library
card, pumunta lamang sa Registration Area, na nasa Cubicle 1 sa ground floor lobby. Tiyaking may dala
kang valid ID at pambayad na P120.
Sagutan
ang pormularyo sa online, gamit ang tablet na ibibigay sa iyo. Tiyaking
wasto ang mga impormasyong ilalagay sa online
form. Ihanda ang valid ID para sa
verification. Pagkatapos nito,
magtungo ka na sa Cubicle 2 upang makuhaan ng larawan.
Hindi
pa makukuha ang PVC library card.
Maaari pa itong magtagal ng ilang araw. Gayunpaman, makatitiyak kang masusulit
mo ito kapag nakuha mo na dahil wala itong expiration.
Ito ay may bisa hanggang ito ay masira o mawala.
Kung sa
araw na iyon ay nais mong magkaroon ng access
sa aklatan, maaari ka namang kumuha ng NLP Client ID / Transaction Stub.
Ito ay pansamantalang access lamang
sa library services. Subalit mas
mabilis mo itong makakuha. Wala pang 30 minuto ay makagagamit ka na ng aklatan.
Punan lamang nang wasto ang registration form. Magpresenta ng valid ID para sa verification. Paglipas ng 2 hanggang 3 minuto, may Transaction Stub
ka na. Libre ito, pero isang araw lang
ang bisa.
May ilang multimedia/online resources na nagpapakita o tumutukoy sa proseso
ng pagkuha ng library card sa
National Library of the Philippines (NLP).
Una, sa website ng NLP, sa seksyon na Reader Services, may paglalarawan ng
hakbang-hakbang na proseso sa paggamit ng Transaction Stub / Client ID at PVC
library card.
Pangalawa, Sa NLP Information Guide
(PDF) may bahagi na nagsasabing: “Proceed
to the Circulation Counter and present the NLP Transaction Stub / Library Card
to the Librarian on-duty…”
At mayroon ding mga videos sa Youtube, na nagbibigay ng
panuto kung paano magproseso ng library
card at transaction stub.
Kaya sa araw ng pagpunta mo, tiyak
na hindi ka mahihirapan o maliligaw.
Ang NLP
ay bukas mula Lunes hanggang Biyernes ng ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng
hapon. Kaya, ano pa ang hinihintay mo?! Pumunta sa Pambansang Aklatan ng
Pilipinas, na matatagpuan sa T.M. Kalaw Street, Ermita, Manila.
Ang library card ay access mo patungo sa iyong success
dahil hindi lang ito isang pirasong plastik — ito ang iyong susi sa mundo
ng kaalaman at tagumpay.
No comments:
Post a Comment