Followers

Thursday, February 19, 2026

Mga Paraan kung Paano Sinusuri ang Depresyon

 

 

 

Mga Paraan kung Paano Sinusuri ang Depresyon

 

 

Mahalaga ang pagsusuri ng depresyon o depression assessment upang malaman kung ang isang tao ay nakararanas lamang ng panandaliang lungkot o isang mas seryosong kondisyon.

 

 

Narito ang proseso ng pagsusuri ng depresyon.

 

Magpasuri sa doktor o mental health professional. Maaaring isagawa ang clinical interview, kung saan tatanungin ang pasyente tungkol sa emosyon, iniisip, pagtulog, pagkain, at pang-araw-araw na gawain. Susuriin din ang medical history, kung may pisikal na sakit, gamot, o kondisyon na maaaring nagdudulot ng sintomas. At ang psychiatric evaluation ay isasagawa rin upang matukoy kung kinakailangan ng gamot o therapy.

 

May mga screening tool or questionnaire ding maaaring gamitin sa pagsusuri, gaya ng PHQ-P (Patient Heakth Questionnaire-9), Beck Depression Inventoty (BDI), at Hamilton Deoression Rating Scale (HDRS).

 

Ang pagmamasid sa sintomas ay isa ring paraan ng pagsusuri. Inoobserbahan ang pasyente kung nararanasan ang mga sumusunod nang halos araw-araw sa loob ng 2 linggo o higit pa: matinding lungkot, kawalan ng gana, o pagkawalang-interes, pagbabago sa tulog (hindi makatulog o sobrang tulog), pagbabago sa gana kumain at timbang, pagkapagod at kawalan ng enerhiya, hirap mag-concentrate o magpokus, negatibong pananaw sa sarili o kawalan ng pag-asa, pag-iisip tungkol sa kamatayan o pananakit sa sarili

 

Ang self-reflection naman ay mahalagang salik sa pagsusuri ng depression. Ito ay ginagawa mismo ng taong nakararamdam nito. Sa pamamagitan ng pagsusulat ng mga nararamdaman, mababantayan niya ang kaniyang mood. Kung sumasaya ang pakiramdam, epektibo ito. Kung napapansin namang matagal na at lumalala pa ang lungkot, kumonsulta na sa doktor.

 

At kung may suicidal thoughts and tendency na, agaran nang kumonsulta sa mental health professional.

 

Mahalagang masuri nang maaga ang antas ng depresyon ng isang indibidwal upang hindi humantong sa malalang sitwasyon.

 

No comments:

Post a Comment

My Journal - April 2009

April 1, 2009 At 4:30, I was already wide awake. And at 5:00, Mama and I left the house. It was 6:30 when we arrived at East Avenue Medical...