Followers

Thursday, February 19, 2026

Coffee Capital of Cavite

 

 

 

Coffee Capital of Cavite

 

Ang pagkalawak-lawak na 47.90 kilometrong kuwadradong lupa ng Amadeo ay natatamnan ng mga puno kape. Ang bayang ito ang may pinakamalaking lupang inilaan para sa pagtatanim ng kape sa buong bulubunduking bahagi ng Cavite, kaya kinikilala ito noon pang 2002 bilang “Coffee Capital of Cavite.”

                Ayon sa naitalang kasaysayan, ang Amadeo ay matagal-tagal na sa larangan ng pagtatanim at produksiyon ng kape sa lalawigan. Tinatayang nagsimula ito noong 1880s pa, at hanggang ngayon, ang Amadeo pa rin ang may pagkalaki-laking industriya o pagawaan ng kape sa probinsya.

Samot-sari ang mga uri ng kapeng itinatanim sa Amadeo, gaya ng Arabica, Robusta, Liberica, at Excelsa. Ang mga ito ang ginagamit nila sa sikat na sikat at bukod-tangi nilang kape na "Pahimis Blend."

Dinarayo ang world-class na Pahimis Blend sa Amadeo. Pinauunlad nito ang ekonomiya at industriya ng kape sa bayan. Kaya nagsimula ang taon-taong selebrasyon ng Pahimis Festival. Kung saan nag-aalok ang bayan ng farmtour bilang bahagi ng pagdiriwang at agritourism.

Pinagpala at katangi-tangi talaga ang Amadeo sapagkat nabiyaaan ito ng dalusdos na lupain at volcanic soil, na akmang-akma sa pagpapalago ng kape. Kaya marami-maraming farms ang nagsasagawa ng sustainable at organic farming dito. Isa ang The Healing Orchard sa mga nagsusulong ng adbokasiya.

Ang ‘The Healing Orchard’ ay nagtatanim ng kape at iba pang prutas tulad ng langka, santol, guyabano, at saging. Hindi ito gumagamit ng kemikal na pestisidyo o abono, bagkus umaasa lamang sa natural at organikong abono.

                Dahil sa mga di-pangkaraniwan nitong katangian—mula sa malawak na taniman, matabang-matabang lupa, hanggang sa masinop na paggawa ng Pahimis Blend, nananatiling mahalagang-mahalaga ang Amadeo hindi lang sa Cavite, kundi sa buong Pilipinas. Ito ay patunay na umuunlad ang isang komunidad dahil sa pagpapahalaga sa agrikultura at kasaysayan.

 

No comments:

Post a Comment

My Journal - April 2009

April 1, 2009 At 4:30, I was already wide awake. And at 5:00, Mama and I left the house. It was 6:30 when we arrived at East Avenue Medical...