Ang Itim na Libro
Binuklat pa rin niya ang itim na libro sa municipal library, kahit ipinagbabawal
na galawin iyon dahil hihigupin ang sinomang magbabasa nito.
Habang binabasa niya ang mga nakasulat sa itim na libro,
naramdaman niyang tumigil ang ikot ng mundo, pero kusang gumagalaw ang mga
pahina.
Nakita niya sa dulo ng libro ang malalaking pulang letrang
nagsasabing “Mamamatay ka!” kaya agad niya iyong binitiwan, saka mabilis na
tumakbo palabas ng library.
Kinabukasan, pinaghahanap siya ng kaniyang mga magulang, at
labis na nag-alala ang mga ito sapagkat nakita ang pangalan niya na nakasulat
sa itim na libro.
Mula noon, tuluyang ipinasara ang municipal library, ngunit gabi-gabi raspas ng mga pahina, na
parang may nagbabasa ng itim na libro.
No comments:
Post a Comment