Ang Parusa kay Stefano
Mga
Tauhan:
1.
Stefano
Masanting
2.
Mrs.
San Juan
3.
Bartolome
Tagpuan:
1.
Sa
paaralan
Eksena
1: Loob. Silid-aralan. Biyernes. Tanghali.
Mananalangin muna ang klase.
Mrs.
San Juan: "Okay, class, pumila nang tahimik sa labas… Masanting, maiwan ka.
Mag-uusap tayo."
Bartolome: "Lagot ka, Stefano. Tsismoso
ka kasi."
Mrs.
San Juan: (Pinandilatan si Bartolome.) "Isa
ka pa, Bartolome! Hindi mo naman alam ang dahilan ng aming pag-uusap."
Bartolome: "Sorry po, Ma'am."
Nang
makaalis na ang mga estudyante hinarap na ni Mrs. San Juan si Stefano.
Mrs.
San Juan: "Totoo
ba ang kuwento sa akin ng mga kaklase mong babae?"
Stefano: (Mula sa pagkayuko, tumitig
siya sa kaniyang guro.) "Opo. Sorry
po, Ma'am. Hindi na po mauulit."
Mrs.
San Juan: "Paano
ba akong makakasigurong hindi na mauulit ang ginawa mong pagkakalat ng maling
istorya?"
Stefano: (Muling yumuko)
"Papaluin po ako ni Papa kapag pinatawag niyo po siya."
Mrs.
San Juan "Kaya
nga... Kaya lang... hindi talaga maganda ang iyong ginawa. Alam mo bang
pinatawag ako ng principal dahil
nakarating sa kanya ang sumbong mo sa Mama mo na hindi ako nagtuturo? Hindi
ba't madalas tulog ka lamang sa klase ko. Ngayon, paano mo mababawi ang maling
kuwento mo?"
Stefano: "Hindi ko po alam. Sorry po. Hindi na po mauulit. Parusahan
niyo na lang po ako. Huwag niyo na pong kausapin si Papa."
Mrs.
San Juan "Okay.
Pero, may dalawa akong kondisyon."
Stefano: (Tumingin sa kanyang guro.
Kumikislap na ang mga mata. Nangangatal na rin ang mga labi.) "A-ano po
ang mga 'yon?"
Mrs.
San Juan: “Una,
ipaliliwanag mo sa Mama mo, na nagkamali ka ng kuwento. Bawiin mo. `Tapos,
bawiin niya ang reklamo niya sa principal."
Stefano: "Opo. Gagawin ko po.
Ano po ang pangalawa?" (Medyo umaliwalas na ang mukha.)
Mrs.
San Juan: "Ang
pangalawa, susulat ka ng kuwento. Hindi ba hilig mo naman ang magbulid ng
buhangin? Bagay sa 'yo ang parusang iyan."
Stefano: (Hindi kaagad
nakapagsalita.) "Po? Paano po 'yon? Puwede po bang iba na lang?"
Mrs.
San Juan: "Ipapatawag
ko ang Papa mo o gagawin mo ang dalawang kasunduan?"
Stefano: (Matagal na nag-isip.)
Mrs.
San Juan: (Nakapagligpit
na ng kaniyang mga gamit sa mesa.)
Stefano: "Gagawin ko po ang
dalawang kasunduan."
Mrs.
San Juan: "Good. See you on Monday! Bye!"
Stefano: "Thank you po. Bye. (Alumpihit
na lumabas. Maya-maya, bumalik siya.) "Ma'am, ano-ano po ang sangkap sa
pagsulat ng kuwento?"
Mrs.
San Juan: (Napangiti.
Pagkuwa'y iniisa-isa niya ang mga iyon.)
Stefano: (Inulit naman ang mga sinabi
ng guro.) "Salamat po!" (Saka mabilis na tumakbo.)
Mrs.
San Juan: (Napangiti
si Mrs. San Juan. Hindi naman kasi siya kinausap ng principal. Nais niya lang na magbago si Stefano sa pagiging
tsismoso nito. Pero agad siyang nalungkot. Kilala niya kasi ito sa pagiging
tamad.)
Eksena
2: Loob. Silid-aralan. Lunes. Umaga.
Mrs.
San Juan: (Nag-tsek
ng attendance.) "Masanting,
Stefano?"
Bartolome: "Absent po, Ma'am."
Mrs.
San Juan: "Ha?
Bakit daw? Natakot ba sa kasunduan namin?"
Bartolome: "Hindi po." (Tumayo
upang ibigay guro ang nakarolyong papel.) "Dumugo raw po ang utak niya
para maisulat niya ito."
Mrs.
San Juan: (Pinilit
na hindi matawa sa tinuran ni Bartolome.) "Siya ba ang sumulat nito?"
Bartolome: "Siya po."
Mrs.
San Juan: "Paano
mo nasabi?"
Bartolome: "No read, no write po ang mga magulang niya. (Seryoso)
Pinaniwalaan naman iyon ng
guro dahil napatunayan niya iyon noong nakaraang HPTA meeting.
Mrs.
San Juan: (Tahimik
na binasa ang akda ni Stefano.) Excuse me.
Pupunta kang ako sa principal's office.”
Eksena 3: Loob. Banyo. Lunes. Umaga.
Mrs.
San Juan: (Umiyak
dahil nabagbag sa sinulat na kuwento ni Stefano.) “Nagkamali ako.”
Eksena 4: Labas. Banyo. Lunes. Umaga.
Mrs.
San Juan: (Nagulat
nang Makita si Stefano.) “O, akala ko, hindi ka papasok. (Nagpunas ng luha.)
Stefano: “Pasensiya na po, nagbago
ang isip ko. Sayang po kasi ang mga matutuhan ko kung aabsent ako.”
Mrs.
San Juan: “Tama!
Halika ka na, sumunod ka na sa akin.”
Stefano:
“Ma’am,
bakit hawak niyo po ang papel ko? Bakit po kayo umiyak?”
Mrs.
San Juan: “Ah,
e… Mahusay pala siyang sumulat ng
kuwento. Kahanga-hanga ang kakayahan mo. Naiyak ako.”
Stefano: “Salamat po!
Pinapatawad mon a po ba ako, Ma’am?”
Mrs. San Juan: “Oo. Huwag mo
nang uulitin `yon, ha? Saka mag-aral ka na nang mabuti. May angking husay at
katalinuhan ko, kaya huwag mong sayangin. Magpokus ko sa pag-aaral.”
Stefano: “Opo, Ma’am,
hindi na mauulit, at pangako, pagbubutihan ko na ang pag-aaral.
Mrs. San Juan: “Salamat naman
kung ganoon!”
Mula noon, nauunawaan ko na ni Mrs. San Juan si Stefano. Hindi na niya
ito napapagalan. At madalas, papuri at paghanga ang ibinibigay niya sa dating
pinakatamad na mag-aaral.
No comments:
Post a Comment