Paano
Makatulong sa Kaibigang may Depresyon
Malaki ang magagawa natin bilang kaibigan para
sa ating kaibigang nakararanas nito. Tayo ang higit na nakakikilala sa kaniya,
kaya alam na alam nating may pinagdaraanan siya. Kayang-kaya natin siyang
tulungan.
Hindi biro ang depresyon. At lalong hindi ito
maaaring pekein para makakuha ng atensiyon. Ito ay isang masalimuot na
karanasan, na nagtutulak sa tao upang piliin niyang mag-isa. Kaya ang
pinakamainam nating gawin, bilang kaibigan, iparamdam sa kaniya na hindi siya
nag-iisa at maging bukas sa anomang nais niyang ibahagi.
Madali lang gawin ito. Makinig lamang tayo sa
kaniyang pinagdaraanan. Huwag nating subukang ayusin ang kaniyang mga problema.
Huwag tayong magpayo, kung hindi naman niya hinihingi. Huwag nating husgahan
ang kaniyang nararamdaman.
Ilagay natin ang sarili natin sa kaniya. Ang
paghilom ng sugat niya ay hindi magaganap sa loob ng 24-oras lang. Kaya huwag
nating madaliin ang pagbabalik ng dating buhay niya. Sa halip, ipakita natin sa
kaniya ang ating pang-unawa, suporta, at pagmamahal.
Maraming tao ang naghahangad lamang ng unawa,
suporta, at pagmamahal. Kaya, bilang kaibigan ng taong nakararanas ng
depresyon, maaaring makatulong tayo sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kaniya.
No comments:
Post a Comment