Followers

Thursday, February 19, 2026

Kampeon sa Eskuwela, Agila sa Komunidad, Prinsesa sa Tahanan

 

Kampeon sa Eskuwela, Agila sa Komunidad, Prinsesa sa Tahanan

 

Sa paaralan, ako’y atletang nangunguna

Pag-aaral ay itinuturing na isang karera

Kaya oras sa klase ay hindi inaksaya

Ang laban sa bawat aralin ang inuuna

Mga hadlang sa tagumpay ay sinisipa

Upang pangarap ko’y agad na makuha

Bawat pulgadang pag-usad ay mahalaga

Upang maging kampeon sa eskuwela.

 

Sa komunidad, ako’y bituing tinitingala

Mabubuting asal at kilos ang dala-dala

Umiiwas sa mga gawaing masama

Sumasali sa mga kawanggawa

Sa wastong pagtapon ng basura

Ako ay talagang nangunguna

Hindi lang upang ako pamarisan nila

Kundi maging magandang halimbawa.

 

Sa tahanan, ako ay prinsesa

Mahal ako ng hari at reyna

Kapatid na prinsipe’y nakikiisa

Palasyo nami’y palaging masaya.

Batas ng kaharian ay nasusunod na

Mga tungkulin ay naisasagawa pa

Higit sa ginto ang aming halaga

Ngiti sa puso nila’y kay lapad talaga.

 

No comments:

Post a Comment

My Journal - April 2009

April 1, 2009 At 4:30, I was already wide awake. And at 5:00, Mama and I left the house. It was 6:30 when we arrived at East Avenue Medical...