Followers

Thursday, February 19, 2026

Kulay, Liwanag, at Pagkakaisa Sa Pagsalubong ng Chinese New Year Sa Binondo

 

Kulay, Liwanag, at Pagkakaisa Sa Pagsalubong ng Chinese New Year Sa Binondo


 

Sa bawat kutitap ng ilaw at kislap ng mga pulang parol sa Chinatown, muling nabuhay ang diwa ng kasaganahan at pagkakaisa nang pinailawan ang ‘Prosperity Tree’ noong Enero 24, 2025 sa San Lorenzo, Binondo. Sa pangunguna ni Manila City Administrator Bernie Ang, ang deputy chair ng Manila Chinatown Development Council (MCDC), masigla at makulay na nasalubong ng mga Tsino ang Chinese New Year 2025.

Ang simpleng seremonya ng pailaw na ito ay simbolo rin ng pag-asa at panibagong simula para sa mga Pilipino at Tsino. Ang pagdalo ng mga opisyal ng lungsod at ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang organisasyong Chinese-Filipino, na sabay-sabay nagbunyi sa panibagong taon ng pagkakaibigan, ay nagsilbing liwanag para sa pagkakaisa.

Sa mensahe ni Mayor Honey Lacuna, hindi niya naitago ang kasiyahan sa limang araw na selebrasyon. Binigyang-diin at pinuri niya ang pagkakaibigan at respeto sa pagitan ng mga Pilipino at Tsino. Aniya, isa itong tradisyong taon-taon nang inaabangan ng mga Fil-Chinese Community, pati ng mga lokal na residente at turista.

Pagkatapos ng pagpapailaw sa Prosperity Tree, isinagawa naman noong Enero 28 ang Chinese New Year Countdown sa Jones Bridge pagsapit ng alas-onse ng gabi. Kasunod nito ang Grand Parade na umikot sa paligid ng Chinatown kinabukasan.

Sa bawat pulang ilaw ng parol, bawat tambol, sayaw ng dragon, at halakhakan ng mga tao, may mahalagang mensahe ang Binondo. Ang Chinese New Year ay hindi lamang pagdiriwang ng kultura, kundi paggunita sa pagkakaibigang Pilipino at Tsino. At ito ang  patuloy na nagbibigay ng liwanag sa Maynila.

No comments:

Post a Comment

My Journal - April 2009

April 1, 2009 At 4:30, I was already wide awake. And at 5:00, Mama and I left the house. It was 6:30 when we arrived at East Avenue Medical...