Followers

Friday, May 31, 2024

Ang Aking Journal -- Mayo 2024

Mayo 1, 2024

 

Nagising ako bandang 6 am, pero gusto ko pang matulog. Hindi naman ako nabigo dahil 8 am na ako nagising. Wala namang pasok ngayon. Wala ring is-send na worksheet sa GC kaya ayos lang.

 

Pagkatapos mag-almusal, humarap na ako sa laptop. Sa sala na ako nag-stay. Kagabi ko pa inayos ang dating study area ko sa ilalim ng hagdanan. Gagamitin ko uli ngayong summer. Hindi ko kasi kaya ang init sa kuwarto ko, lalong hindi naman maayos sa garden. Andami ko pa ring inilalabas na gamit doon. Mas okey na sa ilalim ng hagdanan.

 

Ngayong araw, nakagawa ako ng dalawang video. Nakapagsulat din ako ng nobela. Nag-start din akong magsulat ng 'Ang Kuwento ng Matsing." Isa isang pagsasalaysay muli.

 

Past two hanggang 4:30, umidlip ako. Hindi pa ako masyadong komportable, pero bukas sisikapin kong magkaroon ng komportableng higaan sa may study area ko. Sana mayroon akong reclining swivel chair.

 

Mayo 2, 2024

 

Hindi mahimbing ang tulog ko kagabi. Palibhasa, excited akong mag-digital illustrate sa kuwentong "Ang Gagamba at ang Langaw," iyon ang napanaginipan ko. Parang totoong nagpaplano ako. Kaya parang hindi ako natulog. Dagdagan pa ng mga insektong nangangagat.

 

Bago ako bumangon, nagbasa muna ako ng comic book na binili ko sa book festival. Unti-unti na akong naho-hook.

 

Pagkatapos mag-almusal, sinimulan ko na ang digital illustration. Nakakaadik! Kaya maghapon hanggang gabi ko ginawa. Mabuti, dumating si Kuya Emer. Siya nag nagluto ng ulam.

 

Past 9:30, tumigil na ako sa pag-illustate. Naka-12 na slides ako. Fourteen pa ang i-illustrate ko bukas. Kinailangan ko pa kasing gumawa ng worksheet para bukas. Saka, pagod na rin ang kamay ko. Hindi nga ako ngayon nakagawa ng vlog at nakapagsulat.

 

Mayo 3, 2024

 

Past 6, gising na ako dahil sa isang langaw na nakapasok sa kuwarto ko. Halik nang halik sa akin. Ilang beses ko nang hinampas, buhay pa rin. Hindi ako pinatulog uli, kaya nagbasa na lang ako ng libro ni Bob Ong na 56.

 

Eight, nag-attendance ako. At habang nagkakape, gumawa ako ng PPT ng GEMDAS, na para sa Numero. Naisip kong baka may F2F classes bukas. Mabuti na ang nakahanda ako.

 

Pagkatapos kong mag-almusal, gumawa naman ako ng video pata sa YT. Wala pang one hour, nakapag-post na ako.

 

Bago mag-10:30, nakapagsimula na akong gumawa ng MOV para sa asynchronous class ngayong araw. Natapos ko na ring isulat ang muling pagsasalaysay ng kuwentong "The Story of the Monkey." Isinunod ko naman pag-digital illustrate.

 

Wala pang alas-dos, tapos na ako sa digital illustration. Superb! Dalawang araw lang, may bago na naman akong obra maestra. Nakaka-amaze.

 

Pagkatapos kong maligo, nanood ako ng movie nina Carlo Aquino at Bela Padilla. May naalala akong tao sa kuwento nila.

 

Four, gumawa ako ng video. Five na ako natapos kasi umidlip pa ako. Paggising ko, nilagyan ko naman ng voiceover ang kuwentong sinulat at ginuhit ko. Seven ko na nai-post iyon.

 

Habang nanonood ng BQ, nagsusulat ako ng nobela. Naihanda ko na rin ang worksheet para sa Numero bukas.

 

Mayo 4, 2024

 

Pag-alis ni Emily bandang past 7, saka ako bumaba. Tapos na ako noon mag-send ng worksheet sa mga Grade 6 Numero students. Nag-almusal na ako para makapagsimula na ako sa mga gawain ko. Una kong ginawa ang MOV. Sinunod kong gawin ang pagsusulat ng nobela. Isiningit ko ang pagdidilig ng mga halaman. Dapat sana, hapon pa ako magdidilig, kaso naawa ako sa mga halaman. Then, nanood ako ng movie ni Bela at JC.

 

Pagkatapos niyon, gumawa ako ng video. Naisingit ko ang pag-idlip. Dalawang beses akong umidlip ngayong araw.

 

Nang mai-submit ko na ang IDLAR ng Numero, nag-isip naman ako ng mga gagawin ko. Gusto kong magsulat nang magsulat at magbasa nang magbasa, kaya lang humihikab ako. Gayunpaman, sinimulan ko na ang pagsusulat ng kuwento. Naputol lang nang lumabas ako para bumili ng ulam at grocery. Ipinagpatuloy ko ang pagsusulat pagkatapos manood ng "The Voice Teens." Past 10, nasa one-third na ako ng kuwento.

 

Nagbasa muna ako ng komiks bago natulog. Nalungkot ako sa libro-komiks kong nabili. Mahina ang pagka-bookbind. Sana next time na bili ko, maayos na.

 

Mayo 5, 2024

 

Bago ako bumangon, nagbasa muna ako ng Bob Ong book na 56. At nang bumaba ako, agad akong nagsalang ng mga labahan sa washing machine. Naghahanda naman ng almusal si Emily. before 9:30, tapos na akong maglaba.

 

Before 10, nasa harap na ako ng laptop. Nagsulat ako ng nobela. Past three na ako nakatapos ng isang chapter kasi umidlip ako pagkatapos kumain, at gumawa ako ng dalawang video.

 

Before 3:30, nanood ako ng Jadine movie. Tinapos ko talaga kasi ang ganda ni Nadine, este, ang ganda ng istorya.

 

Ngayong araw, marami akong accomplishments. Bukod sa panonood, nakagawa ako ng tatlong videos -- posted na lahat; nakapagsulat ng nobela at nakapagsimula ng isa pa -- Book 4; at nakapagbasa ng libro. Siyempre, umidlip ako kahit paano.

 

Alas-otso na yata ng gabi nang magdeklara ng suspension ng F2F classes ang city mayor. Natuwa ako kasi isang napakahabang bakasyon na ang naganap. Hindi man kami nakapag-swimming pa, at least nakapagpahinga ako sa pagbiyahe araw-araw. Marami akong nagawang makabuluhang bagay.

 

Mayo 6, 2024

 

Nagising din ako nang bumangon nang maaga si Emily para ipaghanda si Ion ng almusal. May pasok na siya ngayon.

 

Past 7, nagising ako uli. Pilit akong bumangon para makapag-send ng worksheets sa GC.

 

Past 8, nakapag-almusal na ako. Isinunod ko na ang paggawa ng video, paggawa ng MOV, pagsusulat ng nobela, at pagbabasa.

 

Before 12;30, nakapag-post ako ng isang video, nakagawa ako ng isang episode ng Bato Komiks, natapos ko nang basahin ang Incognito komiks, nakapaglipat ng mga halamang indoor, at nakapag-post ako ng isang chapter ng new novel ko sa WP. Bukod sa mga ito, palagi kong in-update ang paggawa ng MOV. Lagi kong tinitingnan ang GC kung may nagpasa na ng output at pics.

 

Ala-una, pagkatapos kong kumain, nadiskubre kong may copyright pala ang God's Story Book na ginawan ko ng videos kahapon at kanina. Sayang! Deleted lang. Apat na videos na ang nagawa ko. Next time, magiging maingat na ako. Sayang ang oras at effort.

 

Pagkatapos kong maligo, nanood ako ng movie na 'Wonka.' Umidlip muna ako sa kalagitnaan ng pelikula. Nang matapos, tinapos ko na rin ang paggawa ng MOV para makapasa na ako. Past 5:30, gumawa ako ng video.

 

Wala pang alas-siyete, dineklara na ng city mayor na suspended uli ang face-to-face classes bukas hanggang May 8. Pero pupunta pa rin ako sa school bukas para magpa-install ng hard drive. Kukunin ko na rin ang malong na inorder ko.

 

 

 

Mayo 7, 2024

 

Maaga akong nagising kahit hindi naman ako bibiyahe. Hindi natuloy ang naka-schedule na hard drive installation.

 

Past 8, lumabas ako para mag-withdraw ng allowance. Bumili na rin ako ng ilang makakain. Before nine, nakauwi na ako. Saka lang ako nakapag-attendance. Muntik ko pang makalimutan.

 

Pagkatapos magpahinga nang kaunti, umalis uli ako para magpa-cash in. Humingi si Hanna ang monthly allowance niya.

 

Pagdating ko, at nang mai-send ko na ang pera, gumawa na ako ng video para sa YT ko. Nang mai-post ko, gumawa naman ako ng bago. Bago ako nag-lunch, tapos ko na ang PPT. Hindi ko pa malalagyan ng voiceover kasi maingay pa sa sala. Nagsulat na lang ako ng nobela. Qaurter to 4 na ako nakapag-post sa WP kasi umidlip at naligo pa ako. Pero worth it naman. Siguradong maganda na namn ang feedback mula sa mga avid readers ko.

 

Pag-alis ni Emily bandang past 4:30 pm, nag-voiceover na ako. Nai-post ko sa YT ang video bandang 5:45.

 

 

 

Past 6, nagdilig ako ng mga halaman. Nagpatay rin ako ng mga lamok doon, gamit ang raketa. Sa garden na rin ako nanood ng BQ.

 

Bago ako natulog, bandang 11 pm, nakapag-post ako ng isa pang chapter sa nobela kong bago. Ginaganahan akong magsulat.

 

 

 

Mayo 8, 2024

 

Past 7, gising na ako. Past 8 na ako bumaba. Nag-attendance muna ako at nag-send ng worksheet sa GC.

 

Past 8, nanonood ako sa YT, habang nag-aalmusal, ng talk ni Michael Angelo Lobrin. First time ko siyang ma-encounter, at naaliw ako sa kaniya. Witty siya. Aliw na aliw na sana akong manood kaya lang nabasa ko ang chat ng aking [rincipal. May online meeting daw kami bandang 9 am, kaya itinigil ko muna ang panonood. Nagbanyo muna ako at naghanda.

 

Tungkol sa Recogniton at Graduation Days ang meeting. Na-tackle din ang mga school forms, attires, at marami pang iba. Nakaka-stress na.

 

Past 10:30 na natapos ang meeting. Agad akong naglagay ng voiceover sa PPT na ginagawa ko kanina habang may meeting. Past 11, naka-post na sa YT ang video.

 

Ngayong araw, dalawang video ang nagawa ko. Nakapagsulat din ako ng isang chapter ng nobela. At siyempre, nakaidlip ako habang nanonood ng movie.

 

Suspended na naman sana ang F2F classes, kaya lang ay may final decision na ang mga school principals. May test bukas hanggang Friday ang mga estudyante, kaya papasok sila nang may dalang consent form.

 

Past 9, umakyat na ako sa kuwarto para magpaantok. Nagsulat muna ako.

 

Nadiskubre ko na binura ng WP ang mga stories at nobela ko. Hindi ko na kinaya pang ma-recover. Ni isa, wala akong na-save. Ang saklap ng ginawa nila. Nakakatakot nang gumamit nitong app na ito.

 

 

 

Mayo 9, 2024

Masama talaga ang loob ko sa pagtanggal ng Wattpad sa account ko. Kinuha ko pa sa isa kong account ang mga chapters na potential na tanggalin. Natatakot na akong mag-post. Kaya sisikapin kong makakuha ng backup at mailipat sa ibang storage.

 

 Hindi agad ako nakatulog. Nagbukas uli ako ng wifi para maghanap ng kasagutan kung paano narerekober ang mga stories ko roon. Pero bigo ako. May mga questions din sa Quora, gaya ng case ko. Ayon sa mga sagot, wala na raw pag-asa. Maging lesson na lang sa akin ang nangyari. Hindi na ako magpo-post sa WP. Banmed na siya sa akin. Wala naman akong kinita, nalugi pa ako. Sayang ang effort ko.

 

Kahit ang mga panaginip ko, feeling ko, bigong-bigo ako at parang kinukutya ako ng mga nakakakilala sa akin. Kaya naman, nagdasal ako sa Pangiinoon. Sabi ko'y tanggap ko na ang nangyari. Magmo-move on na ako. Nagpasalamat din ako kasi magkakaroon na ako ng panahon para sa iba ko pang nobela. Makakasulat na ako ng ibang genre, na tanggap ng lahat. Napagtanto kong tinulot ito ng Diyos dahil may gusto Siya para sa akin.

 

Quarter to 6, bumangon na ako para maghanda sa pagpasok. After one hour, umalis na ako sa bahay. Wala pang nine, nasa school na ako. Habang naghintay sa time, kinalap ko muna ang mga files ng mga akda ko sa Messenger ni Ion. Nakuha ang halos lahat, maliban sa pinakamamahal kong nobela. Wala talaga pala akong naisalba.

 

Unti-unti ko nang natatanggap. Naisip kong magsulat uli ng nobelang kaparehas ng genre niyon, pero hindi na masyadong graphic.

 

Thirty-two lang ang pumasok sa Buko para mag-test. Okey lang, wala rin naman bearing iyon. Hindi naman talaga kayang i-assess kakayahan ng mga estudyante sa periodic test. May mga talion at galing sila sa iba’t ibang larangan.

 

Naging maayos naman ang unang araw ng periodic test. Walang nahilo. Walang untoward incident. Napauwi ko sila nang payapa.

 

Nag-stay ako sa classroom hanggang past 2:30, nanood ako ng Showtime habang gumagawa ng PPT.

 

Wala pang 5, nasa bahay na ako. Umidlip muna ako pagkatapos magmeryenda at maglagay ng voiceover sa PPT, at bago magdilig ng mga halaman.

 

Before 7, humarap na ako sa laptop. Ready na ang dinner. May nilutong ulam si Emily. Iyon na rin ang ulam namin.

 

Marami-rami na akong files na naisalin sa hard drive ko. Nilagay ko rin sa Google Drive, laptop, at Messenger. Ewan ko na lang kung mawalan pa ako ng kopya. Balak ko ring magkaroon ng hard copies. Pero itutuloy-tuloy ko muna ang pag-copy paste mula sa Wattpad at Blogger.

 

 

 

Mayo 10, 2024

Mas maaga akong nakaalis sa bahay kanina, pero muntikan pa akong ma-late. Pero nakahuntahan ko pa ang mga ka-Tupa ko nang ilang minuto bago nag-akyatan.

 

Naging maayos naman ang ikalawang araw ng test. Mas marami na sila kumpara kahapon. Maiingay pa rin kahit nagti-test. Bihira sa kanila ang nakapokus sa test. Mabuti na lang, mabilis naming natapos. Nakapaglinis na kami bago ang time.

 

After uwian ng mga estudyante, kumain lang ako, then umalis na kami –ako at ang tatlong female co-teachers ko, para tumingin sa MOA ng damit na isusuot sa Recognition at Graduation Day.

 

Nakabili silang tatlo. Mabuti na lang may long sleeves polo na ako, na kakulay mismo ng nabili nila. Hindi na rin namin problema ang pambaba. Gagamitin namin ang ginamit namin last year.

 

Kumain kami sa Icebergs. Nagkuwentuhan kami roon. Mga past 4 na kami nakaalis sa upuan.

 

Past 5:30 naman ako nakauwi sa bahay. Agad akong nag-copy-paste ng mga akda ko mula sa Blogger at Wattpad. Marami-rami ulit akong na-save.

 

 

 

Mayo 11, 2024

Pinilit kong bumangon bandang 7 ng umaga para makagawa ng worksheet sa Numero. Before 7:30, nakagawa na ako at nai-chat ko na ang ilang estudyante ko.

 

Nagdilig muna ako ng mga halaman bago nagkape at nagtinapay. Iyon lang ang almusal ko.

 

Hinarap ko ang mga school forms. Kalahating araw na ang nagugol ko, pero kalahati ng original SF10 pa lang ang natapos ko. Sobrang sakit na ang mga mata ko, lalo na’t inaantok ako pagkatapos kumain.

 

Pinagbigyan ko ang sarili ko. Kahit paano at kahit mainit, nakaidlip ako. Past 3:30 na yata ako nagising. Ipinagpatuloy ko ang panonood ng video.

 

Gabi, nag-save uli ako ng mga akda ko mula sa WP. Then, sumubok akong mag-illustrate para sa kuwentong pambata na pang-Mother’s Day, kaya lang, kailangan ko ng mahabang panahon. Hindi maganda ang magiging output kung mamadaliin ko. Nakapag-illustrate na ako ng ina at bata, kaya ginawa ko na lang greeting image.

 

 

 

 

 

 

Mayo 12, 2024

Hinarap ko ang mga school forms pagkatapos kong mag-almusal. Sinikap kong matapos bago tumindi ang init. Nagawa ko naman.

 

Hapon, ang mga akda ko naman ang hinarap ko. Masyadong marami na akong naisulat. Matatagalan pa ako bago matapos sa pagka-copy paste. Pero ayos lang kasi kailangan na talaga ng backup files.

 

Sobrang init ngayon. Hindi ako nakatulog. Sana pala nag-stay ako sa baba. Siguro, mas marami akong nai-save na files.

 

 

 

 

Mayo 13, 2024

Sobrang init kagabi. Ang hirap matulog nang mahimbing. Pero marami pa rin akong panaginip. Parang totoo pa naman ang mga iyon. Pakiwari ko, may mensaheng nais iparating sa akin.

 

Bago ako nakapag-almusal, nadiskubre ko na kayang ma-open ang deleted stories ko sa WP. Hindi man halos lahat mabuksan, pero may ilan akong na-screenshot at na-record screen. Nakakalungkot pa rin kasi hindi na maibabalik ang mga pinaghirapan at pinagpuyatan ko.

 

Bago nga ako nag-save ng files mula sa WP, nag-encode muna ako ng isang chapter, na na-screenshot ko.

 

Maghapon, nasa sala ako. Panay ang save ko ng mga akda ko. Sobrang dami pala talaga. Hapon na ako nakagawa ng isang video para sa YT. Kailangan ko nang kumita nang mas malaki. Lumalaki na ang expenses namin. Kapag nagkolehiyo na rin si Zj, paano na?

 

Past 7, lumabas ako para mag-withdraw. Natagalan ako kasi offline ang ATM sa malapit. Pumunta pa ako sa terminal. Pag-uwi ko, nag-grocery na rin ako. Grabe, ang mamahal ng bilihin! Ang P700 plus ko, isang maliit na plastic bag lang ang laman. Tsk-tsk!

 

 

 

Mayo 14, 2024

Nang umalis si Emily, saka lang ako nag-almusal. Mga 8 na iyon. Then, humarap na ako sa laptop para mag-save ng akda mula sa WP. Gumawa rin ako ng video para sa YT. Dahil wala rin si Ion, nakapag-voiceover ako nang malaya. Naabutan nga lang niya akong nag-eedit, pero almost done na.

 

Kahit nasa bahay ako, andami pa ring reports at schoolwork. Abala sa ginagawa ko. Mabuti na lang, hindi naman gaano kahihirap.

 

Naghanda rin ako ng PPT para sa academic deliberation namin bukas. Apat ang estudyante kong nakakuha ng ‘with honors.’ Kaya apat na parents or guardians din ang inaasahan kong dadalo.

 

Hapon, ipinahinga ko naman ang kamay ko. Nanood naman ako ng movie.

 

Wala na namang F2F classes bukas hanggang Huwebes, pero pupunta ako sa school bukas.

 

 

Mayo 15, 2024

Grabe! Parang hindi ako natulog o nakatulog. Hindi ko mabilang kung ilang beses akong nagpabaling-baling sa kama. Tapos, hindi ko alam kung panaginip o nasa isip ko lang ang mga karakter sa nobelang isusulat ko. Bago ako natulog, nag-iisip ako ng plot. Aguy! Iyon yata ang nangyari buong magdamag.

 

Pero, hindi ko naramdaman ang pagbangon at pag-alis ni Emily. Basta paggising ko, nakaalis na siya.

 

Past , ako naman ang umalis. Tulog pa si Ion. Naiinis ako kasi walang signal ang internet. Hindi ako nakapag-attendance bago umalis. Sa school ko na nagawa. Ang traffic pa naman. Past 10 na ako dumating.

 

Ginawa ko sa school ang ilang kaya kong tapusin. Pero may mga dapat pa akong isingit. Hindi pa talaga ako puwedeng magpa-cross check ng mga school forms. Hindi pa rin nakuha ng dalawang transferees ang SF10 nila sa dating school. Kakainis!

 

Nainis din ako nang hindi dumating ang dalawang parents. Apat na nga lang ang honor pupils ko, dalawa lang ang dumating. Sayang ang inihanda ko. Mabuti na lang nakipagkuwentuhan sila sa akin. Quarter to 3 na kami natapos-- kasabay sa Avocado.

 

Isinabay na ako ni Ma'am Joan sa sasakyan nila kaya napabilis ako at nakatipid. Natagalan lang ako sa paghahanap ng Land Bank para sa MYB. Sa munisipyo pa ako nakarating.

 

Pagkatapo mag-withdraw, ginusto kong kumain o magpalamig, kaya pumunta ako sa food court ng Puregold. Kaso, nanghinayang ako sa pera, at naisip ko si Ion. Umuwi na lang ako. Camoteque na lang ang mineryenda namin. Nagkape pa ako.

 

Humarap ako sa laptop upang mag-save ng mga akda. Almost done na ako. Kaunti na lang. Buwisit lang ang Converge, dinaya na naman ang mga customers. Wala na namang internet. Naputol ang ginagawa ko. Gusto ko pa namang manood sana ng series, na nasimulan ko kagabi. 

 

Bago ako umakyat, nagbasa muna ako ng 56. Akala ko, babalik agad ang internet, hindi pala.

 

 

Mayo 16, 2024

Past 8 na ako bumaba kahit 7 am ako nagising. Parang kulang pa nga ako sa tulog. Ang init talaga. Nakatutok na ang electric fan.

 

Bago ako nagkape, nagdilig muna ako ng mga halaman. False alarm pa rin kasi ang ulan. Noong isang araw, umulan, pero saglit lang. Hindi masyadong nabasa ang mga lupa sa mga nakapasong halaman ko.

 

Maghapon uli akong mag-save ng mga akda ko. Ang journal ko na lang ang nahuhuling akda na dapat kong makopya.

 

Bilang pahinga, nanood ako ng series. Umidlip din ako saglit.

 

Bukas hanggang Sabado, wala pa ring F2F classes. Talagang bakasyon na ng mga estudyante. Kaya, bago ako matulog, nanood ako ng dalawang episodes ng series.

 

 

 

Mayo 17, 2024

Maghapon akong nag-edit ng isa kong completed novel. Ipapasa ko sa Immac Publishing. May Call for Submissions sila. Magbabakasakali ako. Sayang naman kasi ang mga nakatengga kong akda. Kailangang pagkakitaan. Sana lang makapagpasa ako.

 

Gumugol din ako ng oras para sa panonood ng series at pag-idlip.

 

Bago mag-seven, nagdilig ako ng mga halaman. Sana nga, hindi ko na lang ginawa dahil bumuhos ang malakas na ulan, sa wakas.

 

Bago ako umakyat, na-edit ko na ang 11 chapters. Isang chapter na lang ang ii-edit ko bukas. Then, gagawa pa ako ng prologue at synopsis dahil requirement iyon sa submission.

 

Nagdesisyon din akong hindi na muna ako sasali sa Palanca. Parang magagahol ako sa oras. Dapat nakapagpa-notary na ako ng entry ko, kaso wala pa akong time at drive. Sana makahanap ako ng motivation. Sayang din ang opportunity.

 

 

 

Mayo 18, 2024

Past 7 na ako nagising. At dahil Numero day ngayon, nag-send agad ako ng Google Form link ng post-assessment sa mga Grade 6 bago ako bumaba.

 

Pagkatapos kong mag-almusal, nagsimula na akong mag-edit ng huling chapter ng nobelang ipapasa ko sa isang pubhouse. Nang matapos ko iyon, sumulat naman ako ng prologue at synopsis. Bago mag-lunch, tapos ko na iyon. Pero nang ipapasa ko na ang Doc file, loading naman ang Google Form nila. Nanood na lamang ako ng series, at nang inantok, umidlip ako.

 

Dahil hindi na masyadong mainit, umakyat na ako bandang past 6 para manood ng series at The Voice Teens. Isiningit-singit ko ang pag-save ng mga akda ko mula sa WP. Nakopya ko nang lahat. Kahit i-delete na uli ng WP ang account ko, wala na akong pangamba.

 

 

 

 

Mayo 19, 2024

Past 7:30 na ako nagising. Ang sarap matulog kasi medyo malamig na. Kaya lang, kailangan kong maglaba ngayon. Past 8 na ako bumangon, kaya before 10 na ako natapos maglaba. Saka lang ako humarap sa laptop. Since tapos na ako sa pagrekober sa mga akda ko sa Wattpad, gumawa naman ako ng zine. “Tanong” ang title ng zine ko. Compilation ito ng mga tula na ang pamagat na nagsisimula sa tanong na Ano, Sino, Bakit, Kailan, Paano, atbp. Nilagyan ko na rin na sarili kong illustrations para mas interesting basahin. Kailangan kong mabili uli ng printer--- soon!

 

Nakagawa rin ako ngayong araw ng isang video mula sa aklat-pambata na binili ko sa Philippine Book Festival. Siyempre, may voiceover ko iyon.

 

Double purpose ang zine na ginagawa ko kasi ang mga tula roon na may design na ay ginagawa kong jpg para i-post sa mga FB pages ko like Makata O at Pamana.

 

Nakapag-edit na rin ako ng mga tula. At nakapanood ako ng documentaries at The Voice Teens Grand Finals. Nanalo ang bet ko. Hindi nasayang ang boto ko since last night.

 

Bukas, back-to-school na ako. Hindi na suspended, pero wala na rin akong papapasuking Buko. Gawa na ang cards nila.

 

 

 

 

Mayo 20, 2024

Halos sabay kami ni Emily na naghanda para sa pag-alis. Patungo sa FVP office. Patungo naman ako sa school. Pareho kaming hindi nag-almusal. Nagkape lang ako. Paano ba naman kasi, panay ang alis niya—kahapon nasa simbahan. Hindi nag-aasikaso ng pagkain. So, tama lang na magutuman siya. E, ako kaya kong kumain kasi may pambili ako, e siya? Nag-almusal ako sa Umboy bago sumakay sa bus.

 

Habang nasa bus, nagbabasa ako ng 56. Malapit ko nang matapos. Marami na akong natutuhan kay Bob Ong.

 

Past 9 na ako nakarating sa school, ang traffic kasi! Hindi ko na tuloy masyadong na-finalize ang mga school forms ko. Nag-cross checking na kami. Sina GL at Ma’am Ivory muna ang inuna namin. Pagkatapos niyon, nag-Tramway kaming apat. As usual, kami ulit ang magkakasama. Hindi sumasama ang dalawa pang boys.

 

Hindi ko na alam kung hanggang anong oras kami roon. Basta ang alam ko, marami akong nakain at marami kaming napagkuwentuhan. Pagdating naman sa school, agad kaming nag-cross checking. SFs nina Ma’am Joan at Sir Joel ang chineck namin. At dahil 4 pm na at hindi pa ako ready, bukas na ako. Umuwi na kami.

 

Past 6 na ako nakauwi. Bukod sa traffic, namili pa ako ng pagkain at iba pang kailangan. May almusal man lang ako bukas bago umalis.

 

Nag-suspend na naman si Mayora ng F2F classes bukas hanggang Miyerkoles. Gayunpaman, itutuloy ang naka-schedule na practice para sa Recognition Day.

 

 

 

 

Mayo 21, 2024

Wala pang alas-singko, gising na ako. Nagmadali akong maghanda para matapos ko ang SF10 bago dumating ang mga kasama ko. Siyempre, nag-almusal ako bago umalis. Past 8, nasa school na ako. Agad kong hinarap ang forms kaya by 10 na-cross check na ang SFs ko. Nakahinga na ako nang maluwag. Ang number of school days na lang ang isusulat ko sa card. Lahat naman kami ganoon. Magpi-print din ako ng SF 1, 3, and 5.

 

Nag-lunch muna kami bago bumaba para mag-practice ng mga batang kasali sa Recog. Nakapagkuwentuhan pa kami. Nasabi ko sa kanila na magiging mapili ako sa pagtanggap nt trabaho sa susunod na school year. Mamahalin ko ang sarili at health ko dahil may pamilya ako at may pinaaaral. Mas tatanggapin ko ang mga trabahong magbibigay ng extra income kaysa sa mga trabahong certificate lang ang kapalit. Kako, hindi naman magagamit sa hospital ang certificate. Agree naman sila.

 

Past 2, natapos ang practice. Nag-decorate muna kami sa stage para sa Culminating Activity ng ilang school projects and programs, bago nagkuwentuhan. Past 3 na kami umuwi.

 

Past 5, nasa bahay na ako. Sa biyahe, sobrang antok ko, pero nang nasa kama na ako, active naman ako. Kaya after magkape, naglagay ako ng voiceover sa PPT na ginawa ko kagabi. Bago mag-BQ, uploaded na ang video sa YT.

 

 

Mayo 22, 2024

Hindi ko narinig ang tunog ng alarm ko. Five-twelve na ako nakamulagat, ang ganda kasi ng panaginip. Dream scene ko. Parang eksena sa nobela kong ni-delete ng WP.

 

Six-twenty, nasa bus na ako. Nagbasa ako ng 56. Malapit ko na itong matapos.

 

Eight-thirty, nasa school na ako. Ako ang pinakaunang dumating. Past 9 na nagsimula ang program. Andaming attendees. Nakakatuwa! Kaya naman, na-inspired akong basahin ang panalangin na isinulat ko. Nagandahan si Ma’am Joan. Ginandahan ko talaga para sa event na iyon. Hindi lang kasi iyon panalangin kung mensahe para sa mga estudyante, mag-aaral, at guro.

 

Past 10;30 na natapos ang program. Mga 11, nag-Tramway na naman kaming apat. Hindi sumama sina Sir Joel K at Ma’am Mel.

 

Past 1 na kami nakabalik sa school. Hindi na kami sumali sa rehearsal, sa halip ay naglagay kami ng number of school days sa cards, habang nagkukuwentuhan. Before 4, umuwi na kami.

 

Sa biyahe pauwi, tinapos ko na ang pagbabasa ng 56. Ang ganda! Andami kong natutuhan. Babasahin ko uli iyon para magamit ang ilang mga impormasyon doon para naman sa aking susulating mga akda.

 

Past 6, nasa bahay na ako. Sinalubong ako ni Herming, pero may sakit na naman siya. Ayaw na naman niyang kumain at uminom. Ilang gabi rin siyang hindi umuuwi o natutulog sa bahay. Ang laki rin ng sigat niya sa pisngi, Meron hindi siyang kalmot sa tainga. Grabe! Panay kasi ang pakikipag-ayaw.

 

Bago mag-BQ, nakagawa ako ng isang video mula sa kuwento ng iba.

 

Nanood ako ng Miss Universe Philippines habang may ginagawa sa LIS.

 

Inimbitahan pala ako nina Epr at Judy sa 6th year birthday ni Steelle Heart sa Lopez, Quezon sa May 26. Nag-confirm ako kasi Linggo naman iyon. Bibiyahe kami sa Sabado, 8 PM.

 

 

 

 

Mayo 23, 2024

Ala-una na ako natulog sa kaaabang ng nanalong MUPH. Nang magising ako bandang past 7:30, si Ms. Bulacan pala. Well-deserved naman niya.

 

Naka-ready na ang almusal nang bumaba ako. Nagluto ng si Emily ng sinangag na may giniling at itlog. Pagkatapos kong mag-almusal, nagdilig na ako ng mga halaman, saka ako nagsimulang gumawa sa laptop. Nag-encode muna ako ng journal ko noong May 2008, saka gumawa ng video ng kuwentong pambata. Pagkatapos, nagbasa ako ng Diary of a Wimpy Kid. Natapos ko na ang ikalawang book.

 

Then, maghapon akong nag-stay sa kuwarto para magpahinga, kahit sobrang init. Kahit paano ay nakaidlip ako. Nakapanood pa ako sa YT. Before 6 na ako bumaba para magmeryenda.

 

Nanghingi ng pagkain si Herming sa wakas. Ilang araw din siyang hindi pumapasok sa bahay para kumain. Mabuti, may tiring pritong isda. Hinimayan ko siya. Kahit paano ay marami siyang nakain. Nalagyan ko pa ng mineral oil ang sugat niya sa pisngi. Iyon siguro ang dahilan ang pagkakasakit niya. Ang tindi ng sugat.

 

 

 

Mayo 24, 2024

Almost nine o' clock na yata ako nakapag-almusal. Si Emily ang naghanda ng pagkain.

 

Then, after one hour, lumabas ako para magpagupit. Pagbalik ko, nakapamili na ako ng mga pagkain. Ako na rin ang nagluto.

 

Bago ako nagluto, inihanda ko ang space sa ilalim ng hagdan. Doon ako nag-stay maghapon. Gumawa ako ng video, nanoood ng YT, at gumawa ng zines. Sinubukan ko ring umidlip, pero parang andaming lamok kaya hindi ako nakatulog.

 

Past 8, nawalan ng internet connection. Nambubuwisit na naman ang Converge! Mabuti na lang, wala nang ipapasang report. Nagbasa na lang ako ng Wimpy bago natulog. Pero nahirapan akong matulog kaagad.

 

 

Mayo 25, 2024

Kulang ako sa tulog dahil sa sobrang init. Hindi ko mawari.

 

Past 7 na ako bumaba nang umalis na si Emily. Ako na ang naghanda ng almusal namin ni Ion. Pagkatapos niyon, nag-empake na ako ng mga damit nandadalhin ko sa Lopez, Quezon. Nang ready na, saka na ako gumawa ng video.

 

Past 1, umalis ako sa bahay kasi akala ko nasa school si Sir Hermie. Gusto ko siyang tulungan sa styro letter-cutting. Wala naman pala siya. Tumambay lang ako sa classroom ko hanggang 5:30. Umuulan naman nang bumaba ako kaya hindi pa ako nakaalis agad. Hindi pa naman ako nagdala ng payong.

 

Nang humina ang ulan, mga 6:30 yata iyon, naghanap na ako ng makakainan. At pagkatapos kumain, lumakas na naman ang ulan. Matagal-tagal din bago ako nakarating sa bus terminal. Pero mas matagal akong naghintay kina Epr at Judy. Mabuti, nakaupo ako sa ticketing office.

 

Nine-thirty na kami nakaalis sa DLTB-Buendia. Wala nang diretsong Calauag, kaya mag-two rides kami. Sa Lucena Grand Terminal muna kami.

 

 

 

Mayo 26, 2024

Twelve-thirty, nasa Lucena Grand Terminal na kami. Mga twenty minutes din kaming naghintay ng bus. Kulang na kulang pa ako sa tulog, pero okey lang.

 

Bumuhos naman ang napakalakas na ulan nang nasa traysikel na kami patungo sa bahay ni Judy.  Past 4 na kami nakarating doon. Brownout pa.

 

Pinagkape muna kami ng nanay ni Judy, saka kami natulog. Ginising naman ako bandang 7 yata iyon kasi naaambunan ako roon sa itaas. Nakiatabi ako kay Epr sa baba hanggang past 8 yata iyon.

 

Nagsimula na ang ka-busy-han ng lahat paggising ko. May mga nagluluto na.. May mga nagpapahangin na ng lobo. Pagkaalmusal, tumingin-tingin lang ako at naghanap ng pagkakataong makatulong. Pero wala naman akong nagawa. Sa halip, nagbasa ako ng libro  lalo na't umalis sina Judy para mamili.

 

Dumami na ang mga tao, gayundin ang mga gawain, pero inaasikaso pa rin ako ni Epr. Inigiban niya ako ng pampaligo.

 

Inantok naman ako habang naghihintay ng 4 pm kaya pinatulog muna ako ni Judy sa mag-ama niya. Past 3:30 niya kami ginising.

 

Ang saya ng birthday celebration ni Steelle Heart. Ramdam ko ang ngiti sa mga labi nina Judy at Epr, gayundin ng lola at mga kamag-anak ng inaanak ko.

 

Pagkakain, lumabas ako para gumala-gala. Nag-stay ako sa may tindahan sa tapat, kahit may nag-iinuman doon. Full-packed na kasi sa loob. Hindi ko na alam kung paano pa pagkakasyahin ang sarili ko. Mabuti, huminto na ang ulan.

 

Past 8 na yata kami nag-dinner ni Epr. Pagkatapos niyon, niyaya kami ng bayaw niya na uminom. Game ako! Iyon ang hindi ko makalilimutang pakikipag-inuman ko. Bitin, peri worth it. Gusto kong maulit iyon. Sana imbitahan uli ako nina Epr at Judy.

 

Past 11 pm na yata iyon nang mahiga ako para matulog.

 

 

 

Mayo 27, 2024

Bumangon ako nang maaga. May hinahanap ako, pero hindi ko nakita, kaya nalulungkot nang mga sumunod na oras. Ang bayaw ni Epr na kainuman ko kagabi, hindi naman ako sinama sa pag-ani ng talong. Nakalimutan niya. Hindi pa naman siya masyadong lasing.

 

Tinulutan ako ng kape ng nanay ni Judy habang naghihtay. Nang matapos ko ang pagkakape, wala pa rin, kaya naglakad-lakad muna ako. Nakarating nga ako sa tindahan ng gulay at prutas na pag-aari ng pamilya ni Judy.

 

Pagbalik ko, nag-almusal na kami nina Epr. Then, bumalik uli kami roon para kunin ang mga gulay at prutas na ipapadala sa akin. Nag-stay kami roon hanggang past 10:30. Andaming padala sa akin!

 

Pagdating sa bahay nila, naligo na rin ako para umuwi.

 

Hinintay pa ang pagdating ng mga nag-ani ng talong kasi padadalhan pa ako. Kaya habang naghihintay ng pananghalian, nagbasa muna ako ng aklat. Sa 2nd floor ako puwesto. Inantok din ako kaya pinagbigyan ko. Ginising ako ni Epr nang kakain na. Maya-maya pa, dumating na ang pinakahihintay ko. Sumaya akong bigla. Pero nalungkot din ako nang pauwi na ako. Ang bilis ng mga pangyayari. Uwian na. Bitin. Sana puwede akong mag-extend.

 

Hinatid ako ni Epr sa highway. Past 1 na rin ako nakasakay sa bus na patungong PITX.

 

Hindi ko inaasahan ang pangyayari sa bus. Grabe! Muntikan na naman akong ipahamak ng tiyan ko. Nag-alburuto. Mabuti na lang, mababait ang konduktor at driver. Hinanapan ako ng gas station. Nailabas ko nang mabilisan. Nagpasalamat ako at nag-apologize sa abala.

 

Nag-alburuto uli, pero mabuti na lang ay mag-i-stopover naman talaga ang bus, kaya hayun, nailabas ko nang maayos. Hanggang sa makauwi ako ng 9:30, hindi na sumama ang sikmura ko.

 

 

 

Mayo 28, 2024

Past 9, umalis na ako sa bahay para dumalo ng Gawad Parangal sa school. Three PM pa naman ang start ng program, pero inagahan ko kasi ilang araw rin akong hindi nakapasok at nakatulong. Baka may mga gagawin pa sa stage. At para maabutan ko rin ang kainan o blowout ng mga honor parents/pupils.

 

Hindi nga ako nagkamali. Kararating ko lang, may kainan na agad. Pansit, palabok, at spaghetti. Pero kanin sana ang hinahanap ko, wala naman. Medyo disappointed ako. After the program na ako nakakain ng kanin. Pinakain kami ng principal ng palabok, kanin, chicken inasal, at hipon. Solb!

 

Kasisimula lang ng sipon ko kaya wala sana ako sa mood makipag-inuman kina Kaps, kaya lang kailangan kong tumulong sa pagtanggal ng stage decorations. Siyempre, hindi mawawala ang inuman at kantahan. Naroon sina Sir Ren, Sir Archie, Sir Joel, Ma’am Hannah, Kuya Mangi, Tristan, at isang bagong sikyu. Umalis din nang maaga sina Sir Joel at Kuya Mangi. Quarter to ten na kami nakaalis sa school. Eleven-thirty naman ako nakarating sa bahay.

 

Nagkape ako at nag-cheese bread bago matulog. Past 2 na iyon.

 

 

 

Mayo 29, 2024

Kahit alas-otso na ako nagising, kulang pa rin ako sa tulog. Gayunpaman, bumangon na ako para maglaba. Paalis din si Emily.

 

Past 10:30, nakapagsampay na ako. Humarap na ako sa laptop. Gumawa ako ng video.

 

Maghapon akong nasa sala. Matagal din akong umidlip, kaya kahit paano ay nabawi ko ang puyat ko. Wala tuloy ako halos na-accomplish ngayong araw. Okey lang naman. Uso pa rin naman ang pahinga. Mabuti nga, suspended ang klase ngayong araw. Bukas hanggang Friday, suspended pa rin, kaya lang kailangang pumunta sa graduation at bigayan ng card.

 

 

 

Mayo 30, 2024

Wala pang 6, gising na ako. Dapat 6 pa, pero dahil kaunting minuto na, bumangon na ako para maghanda sa aking pagdalo sa graduation. Nagprito ako ng saging at nagpainit ng tubig.

 

Alas-siyete nga ay umalis na ako sa bahay, pagkatapos kong mag-almusal at maligo. Makati ang lalamunan ko dahil sa sipon. Hinog na rin naman, kaya mas okey na ang pakiramdam ko kaysa noong nakaraang araw. Hindi nga lang okey ang lower back ko. Bigla akong napaaray kanina nang nabigla ang pagtayo ko. Nang kumurba ay parang mababali. Dahil ba ito sa paglamig ng panahon? O may something na naman sa sistema ko?

 

Past 9 ako nakarating sa school. Naabutan ko pa ang mga kasamahan ko sa may stage. Nag-picture-picture kami bago pumunta sa labas para sa processional. Confident ako sa suot ko, kaya game ako sa anomang pictorial.

 

Napaka-simple at solemn ng graduation rites, kundi lang sa mga politikong dumating at nagsalita sa harapan. Haist!

 

Past 11:30 na natapos ang graduation. Hindi na ako sumali sa group picture. Sumali na lang ako sa kainan. Gutom na gutom na ako, e.

 

Pagkatapos mag-lunch, pumunta kami sa Adventist Hospital para dalawin si Marekoy. Bagong opera siya sa gallbladder. Kasama ko sina Kaps, Sir Joel G., Sir Archie, Ma'am Milo, Ma'am Mel, Ma'am Bel, Ma'am Joan R., at Ma'am Edith.

 

Past 2, nasa school kami. Nayaya ako ni Kaps na makipag-inuman. Nagkantahan kami roon at nagkuwentuhan. Nalasing ako hanggang ten pm, at kailangan ko pang sabayan si Ma'am Venus hanggang Gahak. Bumaba ako roon para i-make sure na nakasakay siya.

 

Past 11:30 na ako nakauwi, kumain pa kasi ako ng lugaw sa may Umboy. May binili rin ako sa Alfamart.

 

Masaya ako sa mga karanasan ko ngayong araw kahit may (bago sanang) kaibigan, na nam-block sa akin sa Messenger.

 

 

 

Mayo 31, 2024

Past 7 ako nagising. Ang ganda ng panaginip ko-- parang totoo. Nasa isang nayon ako. Nakita ko room sina Mama Leling at Ate Quennie. Ayaw ko sanang gumising kundi lang ako nakaramdam ng tawag ng kalikasan.

 

Nagdilig ako ng mga halaman pagkatapos mag-almusal. Then, bandang 10, nasa bus na ako. Card distribution ngayon sa school.

 

Siya nga pala, i-unblock ako ng kaibigan (kuno) ko. Pero nanghihingi na naman ng favor. Kapag hindi ko na naman mapagbigyan, siguradong totally blocked na ako. Gayunpaman, hindi na ako nag-reply sa chat niya. Manggagamit!

 

Past 12 na ako nakapag-time in sa school, kasi kumain muna ako ng pares sa may Chinese Temple. Pagdating ko nga sa classroom, may naghihintay nang parents sa akin.

 

Marami-rami rin ang kumuha ng cards. Nasa 30 plus. May mga parents akong kinausap ko sandal bago umalis. May mga estudyante ring dumalaw.

 

Past 4:30, tapos na, nagligpit na ako. Isinabay na ako, saka si Ma’am Ivory, ni Ma’am Joan sa kanilang sasakyan. Nakatipid ako ng pamasahe, gayundin ng oras. Kaya naman, mga past 5, nasa bahay na ako.

 

Pagkatapos kong uminom ng ginger tea, gumawa ako ng video. Simula bukas, bakasyon na, kaya siguradong mas marami akong magagawang reading materials.

 

Salamat sa isa school year na naman na natapos at napagtagumpayan!

 

Wednesday, May 29, 2024

Mga Kahanga-hangang Babae

Wala naman akong sasabihin masyado

Para sa mga babae o babayeng gaya ninyo

Pangako, maiksing-maiksi lang ito

Kaya bago ko bigkasin ang tula ko,

At dahil baka makalimutan ninyo...

Pahingi naman ng palakpakang masigabo.


Ayan, maraming salamat, mga babae!

Maraming salamat din sa mga pumalakpak na lalaki!

Pakiusap lang, sa akin ay huwag magagalit...

Alam ninyo, hindi ako masyadong nasasabik

'Pagkat ang araw na ito'y di-gaanong espesyal

Women's Month, isa lamang pagdiriwang na tipikal.

Dahil ang mga babae'y 'di lang nagpapakababae sa isang araw

Hindi sila lumalaban sa isang buwan, kundi araw-araw.


Marami nga akong kilalang babae

Lahat sila ay totoong may silbi

Sa kaibigan, sa pamilya, at sa lipunan

Kaya ang selebrasyong ito ay kulang na kulang

Upang ang lahat ng babae ay maparangalan.

Kaya ang ganitong kaiksing tula ay di-masyadong makabuluhan,

Pasensiya na, ito lang ang nakayanan.

Subalit sa pagkakataong ito, bibigkasin ang tulang aking hinabi,

Kikilalanin natin ang ilan sa mga kahanga-hangang babae.


Una na riyan si Martira Matibay.

Pangalan pa lang, mukhang matibay na

Pero hindi! Siya'y talagang mahina.

Sa kahinaang ito, siya'y humuhugot ng lakas

Kahit kamartiran ay animo'y walang bukas

Sinisikap niya lang magpakatatag

Dahil puso niya'y tigib ng pagmamahal

Kaya kahit anong sakit, kaniyang tinitiis

Paniniwala niya, kaligayaha'y kaniyang makakamit.

Sa mga katulad ni Martira Matibay,

isang yakap na mahigpit ang aking ibibigay.


Ang pangalawang babaeng kilala ko ay si Eenie Juana.

Kahit siya'y iniwan na,

Tingnan niyo, siya'y nakangingiti pa.

Ganyan niya kamahal ang sarili niya

Para sa kaniya, ang pag-iisa ay hindi pagdurusa.

Para sa kaniya, liligaya siya sa piling ng sarili niya.

Sa mga katulad ni Eenie Juana,

isang 'shot puno' ng serbesa.


Pangatlo kong kakilala ay si Issa D. Nag-iisa.

Aguy! Itong si Issa ay may kahati pa

Siya ang nauna, pero hindi siya ang inuuna

Masakit iyon, 'di ba?

Pero, itong si Issa, hindi lang dalawa, tatlo, o apat

Maraming beses siyang naging tapat

Palagi siyang tapat, pero hindi naging sapat

Sa kabila ng mga ito, ipinaglalaban niya ang dapat

Salubungin man siya ng mga sibat,

Sigurado siyang... siya ang karapat-dapat

Maghihintay siyang dumating

Na ang una ay maging tanging Issa.

Sa mga nauna, pero hindi nag-iisa,

Huwag mag-alala, puwede n'yo akong kasama.

Joke lang, kayo'y akin lang pinatatawa.


Kilala niyo ba si Pina?

Hindi siya ang nasa Alamat ng Pinya.

Siya si Pina Bayaan.

Naturingan siyang may asawa,

Pero walang natatanggap na ayuda

Suporta, kalinga, o kahit awa.

Parang nag-iisa sa pagtataguyod sa pamilya.

Katulad siya ni Martira Matibay

Na kay saklap ng buhay

Pero dahil sa pagmamahal

Siya ay lalong tumitibay.


Marami pa akong kilalang Pina

Nariyan si Pina Asa.

Nariyan si Pina Kawalan

Nariyan din si Pina KiligLang.

At para sa mga katulad ni Pina Bayaan,

Hindi kayo pababayaan ng Diyos, na may lalang.


Mabuti pa si Mrs. Vi Yuda

Kahit naiwanan ng asawa ay tanggap na niya

Dahil kaniyang asawang namayapa

Ay sa langit napunta, hindi sa piling ng iba.

Kaya siya ay mananatiling masaya

Dahil mga alaala ng asawa ay buhay na buhay pa.

Sa pagharap sa buhay na wala siya

At sa pagtaguyod sa naulilang pamilya,

Si Mrs. Vi Yuda ay matatag pa.

Para sa mga katulad ni Mrs. Vi Yuda,

"Family is life," at "Sila'y sapat na."

Salute! Salute, Mrs. Vi Yuda!


Kilala niyo ba si Farrah Way?

Siya ay malayo sa pamilya palagi.

Ang tanging koneksiyon ay Epbi.

Ginagawa niyang araw ang gabi.

Sa ibang pamilya o lahi, siya'y nagsisilbi.

Para may maipadalang malaki, tinitikis ang sarili

Para ang kaniyang pamilya, palaging happy,

Mga pangangailangan, pati luho ay mabili

Sa ibayong dagat, siya'y hindi palaging suwerte

May pagkakataong siya'y nasasaktan at nasasawi.

Kaya para sa mga katulad ni Farrah Way,

"Mabuhay ang mga makabagong bayani!"


Si Nanay Enlo ay isa ko pang kilala

Mapagmahal at maalaga siyang ina

Pero madalas hindi siya inuunawa

Halimaw, iyan ang tingin ng manugang niya

Pero sa isip at puso niya,

Labis-labis ang pagmamahal niya

Pamilyang binuo niya, ayaw lang mapariwara

Kaya kung siya ma 'y mabunganga,

Kabutihan ng lahat ang hangad niya.

Para sa mga katulad ni Nanay Enlo

Na madalas mahusgahan ng mga tao,

Hayaan n'yo, kayo na lang ay magpakatotoo.


Si Tita Perfecta ay isa pang babae

Na aking kilala at ipinagmamalaki

Siya ay katulad ng aking inang mabuti

Kapakanan ng pamangkin, iniisip niyang palagi

Naging kasama at katuwang sa aking paglaki

Kapag may suliranin, siya'y nasa aking tabi

Sa pinansiyal-emosyonal na tulong ay namamahagi

Subalit minsan siya'y may mga nasasabi

Puso ko'y nasusugat dahil kaniyang nasasagi

Dila niya'y matapat, ngunit animo'y lagari

Sa pangingialam sa buhay ko, siya'y busy.

Lahat halos ng gawin ko'y kulang at mali

Nais niya'y perpektong buhay, galaw, at pag-uugali.

Nakasasakal lang minsan, pero nang aking inintindi

Aba! Siya pala'y hindi nagkakamali.

Sa mga katulad ng aking Tita Perfecta,

"You're the best tita sa buong mundo!

Maraming salamat sa mga bigay na pera at payo!

Sa Pasko, don't forget my àguinaldo."


May kilala pa akong babae, ay, lalaki.

Ay, babae nga--- babaeng lalaki.

Kuya na, ate pa--- Siya si KuTe.

Anoman ang nangyari,

Anoman ang kaniyang pinili,

Si KuTe ay babae.

Puso niya'y puno ng pagmamahal

Pangarap naman niya'y marangal

Makabuo ng makabagong pamilya

Sa piling ng kapuwa-babaeng mahal niya.

Grabe si KuTe kung mag-aruga

Animo'y bruskong lalaki kung mag-alaga

Kaya partner niya'y hindi nagsasawa

Higit pang pagmamahal, isinusukli sa kaniya.

Para sa mga katulad ni KuTe,

"We are so proud of you!"

"Go lang, basta wala kayong naaapakang tao."


Isa pang babaeng aking kilala--

Ana K. Nalangangkulang ang ngalan niya

Masaya siya sa buhay may-asawa

May mga kaibigang mapagsuporta

May pamilyang nagmamahal sa kaniya

Wala pa man siyang supling

O sariling anak na maituturing

Sa Diyos, 'di napapagod humiling

At naniniwalang ang araw ay darating

Na isang anghel ay makakapiling.

Para sa mga katulad ni Ana,

Anak ninyo ay ako na muna.

Maging baby ninyo'y ako'y handa na.


Kilala niyo ba si Senyora C?

Siya ang pinakamatatag na babae.

Hinubog siya ng panahon

Pinatatag ng mga hamon

Puting buhok, balat na kulubot

Ay mga palatandaan ng mga naabot.

Minsan siya'y nakalilimot

Ngunit isip at puso niya'y di-maarok

Sa layo ng nilakbay tungo sa buhay na masalimuot

Pero si Senyora C ay nagpapatuloy sa paglibot

Mundo niya'y nananatiling umiikot

Dahil sa pamilyang kaniyang iniirog.

Para sa mga katulad ni Senyora C,

"Deserve ninyo ang discount na twenty

Sana gawin na nilang fifty o kaya'y sixty."


Kilala niyo ba si Love S. Blind, ha?

Naku! Hindi niya ako nakikita.

Wala siyang ibang nakikita kundi 'siya'--

Na wala namang mabuting ginawa

Kundi ang saktan at paluhain siya

Wala rin siyang naririnig... yata

Kasi sarili niyang pamilya ay dinidedma

Pagtutol ng kaniyang ama at ina

Ay hindi niya iniintindi at pinakikinggan

Dahil para sa kaniya, pinili niya ay number one.

Hindi niya nakikita ang mga kapintasan

Dahil para sa kaniya, love is blind.

Dahil wala sa hitsura, wala sa kulay,

At wala sa yaman ang pagmamahal.

Kaya kahit ano pang sabihin nila

Mahal niya ito at ipaglalaban niya.

Para sa mga katulad ni Love S. Blind,

"Hala, bira! Huwag kayong magpa-behind.

Manatili kayong bulag at nakapikit

Upang hindi makita ang anggulong pangit."


May kilala ba kayong Tina ang pangalan?

Oo, tama, sina Tina Boi at Tina Licuran!

Si Tina Boi ay hindi nga iniwan,

Pero siya ay pinagtulakan

Pagmamahal niya'y hindi kayang suklian

Kaya para siyang kalapating pinakawalan.

Si Tina Licuran naman ay 'di pinanagutan

Daig pa niya ang iniwan, nilapastangan

Taong kaniyang pinagkatiwalaan,

Hindi siya kayang panindigan

Paano na ang supling na isisilang?

Subalit sina Tina ay tumayo at humakbang

Hinarap ang buhay at katotohanan

Hanggang silang mga itinapon noon

Ay mga malayang babae na ngayon

Para sa mga katulad nina Tina,

"Congratulations, kayo'y malaya na!"


Kilala niyo rin ba si Abigail?

Short for "Aba, single!"

Parang sister, na pagdarasal ang hilig.

Kalendaryo'y ilang beses nang nagpalit

Pero si Abigail, walang makalapit.

Hindi naman siya pangit,

Hindi rin kapalit-palit,

Gusto niya lang sa tamang edad ay sumapit

Kapuri-puri itong si Abigail

Dahil marunong siyang magpigil

Sa trabaho'y ayaw niyang magpapigil

"Family first," ang kaniyang angil.

Ayaw niyang maging suwail

Career ay ayaw niyang madiskaril

Kaya ang pag-ibig ay itinigil

Kinalimutan ang feeling ng kilig.


May isa namang Abigail na palaging nanggigigil

Andaming crush, pero hindi siya kina-crush back.

Lahat ng gusto niya ay may gustong iba

Pero hindi siya nawawalan ng pag-asa

Anoman ang kaniyang hitsura,

tumaas nang tumaas man ang edad niya,

Maghihintay pa siya sa lalaking nakatadhana.

Para sa mga katulad ni Abigail,

Ang pag-aasam ay huwag itigil.

May taong nakatadhana at nakalaan

Hindi lang ako sure kung kailan.


O, hayan, nakilala niyo na ang mga babaeng aking kilala

Marami pa talaga sila, pero iyan na muna.

Magpapaalam na ako, at tatapusin itong maikling tula

Pero hayaan ninyo akong batiin kayo ng "Happy Women's Month!"


Mga babae, kayo 'y matitibay.

Matatag sa hamon ng buhay

Sarili at pamilya ay minamahal

Hindi lang nagsusumikap, kundi nagtatagumpay

Babae... Babai... Babaye... Babayi

Kahit ano pang lengguwahe,

Kahanga-hanga kayo!

Para sa aming mga lalaki, kayo ang mundo.


Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...