Followers

Saturday, May 11, 2024

Ang Aking Journal -- Hulyo 2023

 Hulyo 1, 2023

Alas-8 na ako bumangon, since wala namang pasok at mag-isa na lang ako sa bahay. Nakabawi ako ng ilang araw na puyat.

After kong mag-almusal, nagpalit ako ng tubig sa mga fish tank. Past 11:30 na yata ako natapos. Nagluto naman ako ng lunch ko.

Ang tahimik ng bahay, kaya after kong maligo, natulog ako sa sofa. Kahit paano, nakaidlip ako. Ang sarap mag-isa!

Past 6:30 na dumating ang mag-ina ko. Kasalukuyan akong nanonood ng review ng mini grinder. Nagkainteres akong bumili para mapagpraktisan ko na ang paggawa ng daiza ng aking rock collection. Ito na siguro ang birthday gift ko para sa sarili ko.

Hulyo 2, 2023

Kahit maaga akong nagising, hindi muna ako bumangon. Inabangan ko ang mag-ina ko kung babangon sila nang maaga. Aguy! Alas-8 na sila bumaba.

Inunahan din ako ni Emily na maglaba, kaya pagkatapos mag-almusal, nasa kuwarto lang ako. Maghapon akong tahimik. Nanood lang ako suiseki videos. Hindi ko pa kasi kinikibo si Emily.

Past 5:30, naglaba ako ng mga polo ko at dalawang shorts.

Six-thirty, namili ako ng mga pagkain. Ako na rin ang nagluto kasi wala pa si Emily. Pagdating niya, ready na ang dinner namin.

Hulyo 3, 2023

Ako ang naghanda ng almusal ko pagkatapos kong mamalantsa kasi tulog pa si Emily.

Ualis ako bago mag-8:30 kasi pakakawalan ko ang mga maliliit pang giant African land snail. Andami-dami na kasi nila. Bukod sa sikipan na sila sa maliit na kulungan, hindi ko na sila kayang pakainin. Mahal din ang pipino. Minsan P17 ang isang piraso. Apat na beses lang nilang kakainin. Since maraming-marami na sila --lampas 15, hindi na kaya. Mabigat din sa bulsa.

Hayun nga. Pinakawalan ko ang isang bakanteng lote. Malilim naman doon kasi may mga puno ng mangga. May mga damo naman silang makakain. At marami silang puwedeng puntahan. Bahala sila.

Past 11:30 na ako nakarating sa school kasi nagpa-GCash pa ako at nagbayad ng Pagibig. Dalawang beses akong nagpa-cash in kasi nadiskubre kong hindi pala ako nakapagbayad noong Mayo. Kinailangan ko pang mag-request ng transaction history sa GCash. Akala ko, na-scam ako ng P5000. Iyon pala ay pinadala ko kay Hanna. Iyon din pala ang dahilan kaya hindi ako nakapagbayad. Siguro inakala kong bayad na ako kasi naubos na ang pera. Haist! Sana hindi iyon nagkaroon ng problema sa amortization ko.

Tumulong ako sa rehearsal para sa Gawad Parangal. Hanggang 2pm lang naman iyon, kaya tumulong din ako kay Sir Hermie sa paglagay ng glitters sa styro letters. Tumulong din si Ma'am Ivy. Before 5, nandoon na rin sina Ma'am Jo ay Marekoy. Nanlibre ng pansit si Ma'am Jo, kaya happy tummy na naman kami.

Quarter to 7 na kami nakalabas sa school. At quarter to 9 na ako nakauwi. Nanood agad ako ng BQ. Pagkatapos, sinimulan ko ang Thai series na "Home School." Nakita ko lang sa FB ang links. Mukhang maganda.

Hulyo 4, 2023

Nagmamadali akong umalis sa bahay kasi past 8:30, nasa bahay pa ako. Natagalan ako sa paggawa ng FB Reels.

Sa biyahe, nakapagsulat ako nang kaunti. Natigil lang dahil may nakatayo sa tabi ko.

Pagdating sa school, inayos lang namin ni Ma'am Ivy ang aming mga forms. Pinapirmahan namin sa mga signatories. Then, umakyat na kami para tulungan si Air Hermie sa styro letter cutting. Tinulungan din namin ang Kinder sa stage decorations, since si Sir Hermie rin ang gumawa ng letter cuttings. Grabe, inabutan kami ng 8 roon. Mabuti, may pakain. Kaya pagdating sa bahay, pagod na ako at antok. Hindi na rin ako nakakain ng dinner.

Nakipag-chat ako kay Nathan Andrei Villamor-- dati kong pupils. Nagkita kami kanina sa school. Nabitin ako sa aming kuwentuhan.

Na-inspire ko siyang ituloy ang pagdo-drawing. Hayun, nanghingi siya ng kuwento na ido-drawing. Tuwang-tuwa ako sa kaniya.

Hulyo 5, 2023

Tahimik pa rin ako. Hindi ko iniimik si Emily. Umalis din ako agad.

Sa PITX, bumili muna ako ng charger bago pumunta sa school. Past 11 na ako nakarating doon. Hindi pa tapos ang Moving Up.

Nainis ako sa pakain ng principal sa Faculty. Tig-iisang Bread Pan at buko juice lang. Porke't alam niyang may mga magbo-blowout, inasa naman niya sa mga magulang.

Kaya, habang nagkakainan kami sa Avocado, nag-post ako sa GC ng pictures ng juice at Bread Pan. Then, nag-send ako ng "THANK YOU!"

Hayun! Nag-explain siya. Alam kong naramdaman niya ang disappointment ng mga guro.

Sumakit ang ulo ko habang nagmemeryenda kami. Nawala ako sa mood. Kaya kahit may gagawin pa kami, umuwi na agad ako, kasabay ng mga girls. Naiwan sina Sir Joel at Sir Hermie.

Nawala-wala ang sakit nang nasa biyahe na ako. Umepekto ang ininom kong First Vita Plus.

Eight-thirty, nasa bahay na ako. Medyo okey na ako kaya nakapag-dinner pa ako bago ako nanood ng BQ at Home School.

Hulyo 6, 2023

May pasorpresa ako kay Ion. Nagsulat ako ng HBD, P1000, at P500 sa papel at pinapili ko siya. Nabunot niya ang P500. Hayun, may instant P500 siya.

Pagdating ko sa PITX, nag-chat si Emily. Nagtatampo raw kasi wala raw kaming time sa kaniya. Gusto yatang makarating sa SM-Tanza. E, may lakad na naman si Emily.

Sa school, alam naming mga guro na may pa-blowout ang mga magulang ng honor pupils namin kaya hindi kami nag-lunch. Pero nasorpresa kami kasi may issue ang mga parents. Ala-una na kami nakakain. Nagmamadali pa kasi may praktis pa.

After praktis, bumalik kami sa taas. Tinulungan namin at kinulit si Sir Hermie. Then, nag-celebrate kami ng birthday ni Sir Joel. Nagpainom siya roon. Inimbita niya ang dalawang guard-- kasama ang head guard na si Kuya Mange.

Mga 5 yata iyon, bumaba uli kami para nagkabit ng styro letters sa stage. Doon, kinulit namin si Sir Hermie kaya napikon siya. Nagulat ang lahat, pero nang umakyat kami naging okey na ang lahat. Nag-inuman uli kami hanggang past 8. Tinawanan at ginawang pulutan na lang namin ang nangyari.

Napagod lang talaga ang lahat kaya naging sensitive at insensitive.

Natuwa ako kasi nag-send nang videos si Emily. Nag-mall pala sila. Nag-enjoy sila sa arcade. At least, napasaya ko ang birthday boy. Sana pala pinapili ko pa siya kahapon ng isa pa para napili niya ang P1000. Parang kulang ang P500, e. Pero, okey lang kasi natuto silang maging kontento.

Past 10:30 na ako nakauwi. Dala ko ang malaking cake na bigay ng parent para sana sa salusalo, ang kaso hindi nila kinain. Sa dami ng pagkain kahapon-- kabi-kabilang grades, hindi naman kaya ng sikmura. Sumuko na rin ang appetite, lalo na't halos one week nang may nagbo-blowout.

Hulyo 7, 2023

Muntik pa akong ma-late dahil walang dyip sa PITX na patungong Mabini-Divisoria. Mabuti, naisip kong mag-iba ng ruta.

Maaga pa naman akong nakarating. Hindi pa ako huli sa kainan. Marami pa ring pagkain, na bigay ng mga parents ng Grade 1.

Past 1, nagsimula ang part 2 ng Gawad Parangal. Hindi kami pinapansin ni Sir Hermie nag-leave pa siya sa mga GC. Kaya after nito, umakyat kami sa Avocado classroom. Nagkuwentuhan at nagmeryenda kami roon.

Hindi pa ako natatapos kumain, tinatawag na ako sa Kinder room. Naroon sina Sir Hermie-- tumatagay na. Bumaba naman ako nang maubos ang pagkain ko. Doon, naging okey na kami ni Sir. Binibiro-biro ko na uli. Alam kong nagtatampo lang siya.

Naging masaya ang inuman at kantahan namin. Naki-join ang dalawang guard, si Ma'am Venus, Sir Ren, Sir Archie, Sir Joel siyempre at misis niya.

Naunang lumupaypay si Sir Hermie, pero may mga nakauwi na. Since, past 9 na, sumabay ako kay Sir Joel hanggang Buendia. Kukunin niya ang van at babali para sunduin ang pamilya. Nakaupo habang natutulog si sir Hermie. Iko-convoy na lang daw niya ito kapag nahimasmasan na.

Nakauwi ako bandang past 10:30. Medyo hilo lang ako. Hindi sumakit ang ulo ko. Umiinom kasi ako ng maraming tubig habang tumatagay. Hindi nga napansin ni Emily na nakainom ako.

Hulyo 8, 2023

Alas-8 na ako bumangon. Ang sarap lang kasing humilata. Pero, kailangan kong maglaba. Tambak na kasi ang mga labahan ko since hindi talaga ako nakapaglaba last week.

Ginawa ko ang paglalaba at pagpapalit ng tubig sa mga fish tanks ko nang salitan. Hayun! Natapos ako bandang 10:30. Nagpahinga ako habang nanonood ng "Sense8." Isa itong series. Maganda at exciting ang plot nito kaya maghapon hanggang gabi ako nanood. Umidlip din naman ako.

Natuwa nga sa akin si Nathan Andrei Villamor na siyang nagkuwento sa akin nito. Nagulat siya dahil nagustuhan ko.

Bago ako natulog, nabigyan ko siya ng sample ng lathalain. May susulatin daw kasi siya. Binigyan ko rin siya ng panonooring Thai drama.

Hulyo 9, 2023

Maaga akong nagising pero hindi agad ako bumangon. Hinayaan kong si Emily ang maghanda ng almusal.

Ngayong araw, nanood lang ako nang nanood. Naki-join din sa akin si Emily sa panonood ng "Home School."

Siyempre, umidlip ako nang inantok ako habang nanonood. Paggising ko, nagluto ako ng sweet potato fries.

Nanood pa ako ng series hanggang past 11.

Hulyo 11, 2023

Dahil birthday ngayon ni Emily, hinayaan ko siyang mangusina. Siya ang nagluto ng almusal, habang nagdidilig ako ng mga halaman. Then, naghanda na rin siya ng spaghetti. Ako naman ang nagluto ng tofu-mushroom sisig.

Maghapon akong nasa kuwarto-- nanood, umidlip, nanood, at umidlip. May dalawang bisita kasi si Emily.

Gabi, pagkatapos kong gumawa ng Reels, mag-edit ako ng nobela kong 'Double Trouble." Hanggang Chapter 15 lang ang natapos ko. Bukas naman ang iba.

Hulyo 11, 2023

Kahit naunang bumaba si Emily, ako pa rin ang naghanda ng almusal. Naglalaba kasi siya.

Pagkatapos kong mag-almusal, nagdilig naman ako ng mga halaman. Then, umakyat na ako. Gumawa ako ng vlog. Actually, tinapos ko muna ang dati kong gawa, saka ako gumawa ang bago. Tungkol sa paggsulat ng epistolary novel ang ginawa ko.

After lunch, umalis ako para bumili sa SM Rosario ng sapatos at slacks, na susuutin o ipapares ko sa uniform bukas sa graduation. Past 3 na ako nakauwi.

Umidlip muna ako, saka ako nagpatuloy sa paggawa ng vlog. Gabi ko na ito natapos at nai-upload. Worth it naman.

Hulyo 12, 2023

Maaga akong gumayak para sa pagdalo ko sa graduation ng Grade 6. Inutusan ko si Emily na bumili ng ulam para makakain ako bago umalis.

Wala pang 11, umalis na ako sa bahay kahit 3 pm pa naman ang start ng grad. Sabi kasi ng school head, may pictorial daw kami ng 2pm.

Napaaga ako nang husto sa ABES. Past 1 pa lang ay naroon na ako. Mabuti,.may mas nauna sa akin. At hindi pa nagtatagal, dumating na rin sina Ma''am Rem, Ma'am Edith, at Papang. Nag-picture-picture kami hanggang sa dumami na kami.

Bumuhos ang malakas na ulan bago ang processional. Medyo lumamig ang paligid.

Mabilis lang sana ang ceremony, kundi lang sa mga politiko ng Pasay. Halos dumating lahat ang konseho. Sana ang congressman at mayor lang. Gumawa naman nilang political rally/campaign ang graduation. Bukod sa abala, pampatagal pa ng oras. Haist!

Past five na natapos ang graduation. Hindi kami nagsabay-sabay kumain kasi mali ang diskarte. Sa principal's office ba naman nilagay ang pagkain. Siyempre, hindi kami magkakasya lahat. So, naisip nilang pasalit-salit ang pagpunta at pagkain doon. Haist! Wrong move. Wala tuloy bonding nang lahatan.

Nanlibre si Ma'am Edith sa amin ni Sir Erwin ng large fries at chocolate sundae sa Jollibee. Natagalan kami kasi andaming estudyante at parents. Saka nagpatila kami ng ulan doon.

Past 9 na ako nakauwi. Hindi na ako nakapag-dinner. Uminom na lang ako ng First Vita Plus Melon Gold st nanood ng BQ.

Hulyo 13, 2023

Maaga akong bumangon para maaga akong makapaghanda sa pagpunta sa school. Pero, siyempre, gumawa muna ako ng mga videos para sa Reels at TikTok.

Past 8, almost ready na ako. Umuulan lang kaya hindi muna ako umalis. Before nine na ako umalis.

Nagsulat ako ng para sa Chapter 59 ng novel ko. Kahit paano, mahaba ang nagawa ko.

Before 12, nasa school na ako. Doon na ako nag-lunch.

Mga 1, namigay na kami ng card sa mga magulang. Hanggang past 4 kami roon. Twenty-six lang naman ang pumunta.

Pumunta ako sa CCP para sa Aliwan Festival. Dahil 7 pm pa naman ang concert, nag-stay muna ako sa may seaside para makapaghanap ng mga makukuhaan ng pictures at videos. Marami nga akong nakuhaan, gaya ng mga pusa.

Past 6, nasa may concert area na ako. Nakiramdam ako kung matutuloy sa kabila ng masamang panahon.

After 15 minutes, nagdeklara ng change venue. Sa halip na sa labas, sa harap ng Aliw Theater, sa loob na lang gaganapin.

Pumila na rin ako nang makita kong sa loob na gaganapin. Kaso nang malapit na akong makapasok, narinig kong bawal ang inumin at pagkain. Mayroon pa naman ako sa bag. Hindi pa naman ako nag-dinner. Hindi na lang ako pumasok. Umuwi na lang ako. Hindi naman ako nanghihinayang. Hindi ko naman alam kung sino-sino ang kakanta. Isa pa, may magandang bato akong nakuha sa tapat ng teatro. Worth it na ang pagpunta ko.

Past 9:00 na ako nakauwi. Namili pa kasi ako sa Alfamart.

Hulyo 14, 2023

For the first time, nagising ako ng almost 9 o' clock na. Salamat sa malamig na panahon!

Pagbaba ko, ready na ang almusal. Nagsangag na si Emily. Pero, hindi iyon ang kinain ko. Gumawa ako ng tuna and egg sandwich.

Tanghali, nagluto ako ng tinola. Nag-crave ako ng putaheng luto ko. May masarap kumain kapag sariling luto. Alam ko ang timpla. At alam kong malinis at walang MSG at magic.

After lunch, umalis si Emily. Nagpahinga naman ako sa kuwarto. Mahaba-haba rin ang tulog ko.

Pagkatapos kong magmeryenda, nag-edit uli ako ng Double Trouble. Fifteen chapters ang natapos ko.

After dinner, nanood ako ng BQ. Isinunod ko naman ang Sense8. Tinapos ko lang ang isang episode ng Season 2. Ang haba rin naman kasi isang episode. Masakit na ang mga mata ko.

Hulyo 15, 2023

Ang sarap ulit ng tulog ko! Kahit malamig, hindi masakit o hindi sumakit ang likod ko. Napagaling na ng First Vita Plus ang kidney problem ko.

Pagbaba ko, almost ready na ang almusal. Si Emily ang naghanda.

Nine-thirty, naglilinis ako sa kuwarto. Nag-iba ako ng ayos. Nagpalit din ako ng tubig sa mga fish tanks.

Twelve-thirty na ako natapos. Worth it naman kasi umaliwalas ang kuwarto ko. Ito na yata ang pinakamagandang ayos sa kuwarto ko. Kahit marami na akong bato sa kuwarto, maluwag pa rin tingnan.

Past 1:30, umalis ako para bumili ng mini grinder sa Ingco sa Gahak.

Mabilis lang akong nakabili. Mas matagal pa ang biyahe. Alam ko na kasi ang presyo dahil nanood na ako ng reviews sa YT.

Ngayong araw, nagpadala ako ng P5,000 kay Hannah. Humingi siya ng allowance para sa rehearsals nila, pambili ng uniform, gamit nila ni Zj, at iba pa. Kasama na rin doon ang pangkain nila sa labas sa birthday niya.

Natuwa ako sa kaniya dahil naipangako niya sa akin na lalo niyang pagbubutihin ang kaniyang pag-aaral.

Kahit may mini grinder na ako, hindi muna ako nag-try. Parang hindi ko alam kung paano gagamitin, e. Nanood muna ako ng daiza making sa YT. Kahit paano, lumakas-lakas ang loob ko. Sa palagay ko, kaya ko namang makagawa ng daiza para sa mga bato ko.

Bago ako natulog, nag-edit uli ako ng "Double Trouble." Hanggang Chapter 43 lang pala iyon. Kailangan nang i-update, pero hindi ko alam kung kailan ko magagawa. Sa dami ng gusto kong gawin at tapusin, hindi ko na talaga kaya. Kailangan ko ng motivation at inspiration para magawa ko ang mga ito. Kaya naman, nanood muna ako ng series.

Hulyo 16, 2023

Dahil nahirapan akong makatulog nang mahimbing bandang alas-2 ng umaga pagkatapos kung umihi, alas-9 na ako nagising. Ayos naman! Bawing-bawi ang puyat.

Pagkatapos nga ng almusal, nag-isip na ako ng gagawin ko. Ang paggawa ng vlog ang pumasok sa isip ko.

Nag-research muna ako tungkol sa mga uri ng tula. Nang may nahanap akong reliable sources, sinimulan ko na ang paggawa.

Past 2, lumabas ako para kumuha ng golden kuhol sa kanal. Gusto ko kasing ilagay sa mga fish tank ko.

Sa daan, nakakita ako ng nagtitinda ng isda. Bumili ako ng isang supot. Sa isang supot na iyon, may tatlong molly fish at isang aquatic plant. Sixty-five pesos iyon. Not bad.

Nakakuha ako ng anim na golden apple snails. Maliliit lang ang mga iyon. May napakaliit pa ngang isa.

Nakakuha rin ako ng bato sa may tinatayong unit sa Phase 4. At may nakuha rin akong fern sa may kanal. Sobrang worth it ang paglabas ko sa bahay. Kaya naman, pag-uwi ko, may dala akong meryenda--- bananaque!

Tinatapos ko ang paglalagay ng voiceover sa vlog ko. Mga past 4, nakapag-upload na ako. Gumawa naman ako ng video para sa FB Reels at Tiktok.

Gabi, pinagmasdan ko ang mga molly fish at snails ko. So, far okey naman sila.

Gabi, mga past 11, bago ko matapos ang pinanonood kong cartoons, nadiskubre kong kinakain ng isang snail ang aquatic plants ko, kahit nilagyan ko naman ng gulay ang tangke. Nalungkot ako. Parang gusto kong magsisi na nilagyan ko pa ng kuhol.

Mabuti, hindi pa ganoon karami ang nakain niya. At bago ako nagpatay ng ilaw, nakita kong kinakain na nito ang gulay na nilagay ko.

Hulyo 17, 2023

Hindi ako nakatulog hanggang 9am kasi past 8, ginising ako ni Emily. Nanghingi ng pandagdag sa pamasahe niya papuntang First Vita Plus office.

Eight-thirty ko na nabati si Hanna. Debut niya ngayon. Sayang, hindi niya piniling magkaroon ng party. Sabagay, hindi naman talaga puwede kasi may graduation rehearsal siya ngayong araw. Tinulot ng Diyos na hindi matuloy ang party.

Pagkatapos kong mag-almusal, sinubukan ko ang mini grinder. Kahit kinakabahan ako, sinikap kong matuto. After 15 minutes siguro iyon, tumigil na ako. Kahit paano, may mga natutuhan na ako.

Nagsimula naman akong gumawa ng vlog. Tungkol sa depression tips naman ang vlog ko. Habang sinusulat ko ang article, ginagawa ko ang PPT nito.

Past 11:30, pagkatapos kong maligo, lumabas ako para bumili ng ulam at meryenda.

Hindi agad ako bumili. Naghanap muna ako ng mga bato sa ginagawang units. Grabe! May magagandang bato akong nakuha. Kahit saan pala talaga, may magandang bato. Tuwang-tuwa akong umuwi-- dala ang anim na bato. Ang dalawa niyon ay puwedeng pang-suiseki.

Hapon, nanood ako ng K-series na "Miraculous Brothers." Itinigil ko muna ang paggawa ng vlog. Umidlip din ako kahit sandali.

Gabi, inabutan ako ni Emily habang naghahanda ng hapunan. Past 7:30 na siya dumating.

After dinner, nanood ako ng BQ at ipinagpatuloy ko ang panonood ng series.

Hulyo 18, 2023

Pagkatapos kong mag-almusal, tinapos ko ang vlog na sinimulan ko kahapon. Natagalan ako sa pag-export. Naging paulit-ulit kasi maraming dapat i-edit.

Hapon, gumawa naman ako ng PPT tungkol sa Balagtasan. Gusto kong maging productive habang bakasyon.

Nanood muna ako ng K-series nang mapagod ang likod ko. Umidlip din ako.

Gabi, ako ang naghanda ang hapunan.

Pagkatapos kumain, ipinagpatuloy ko ang paggawa ng PPT. Medyo matatagalan ako nitp dahil almost 70 slides na ang natapos ko. Magbo-voiceover pa.

Gusto ko ring ipagpatuloy ang digital illustration, since nag-digital illustrate ako kanina para sa PPT. Nanumbalik ang eagerness ko. Kaya lang, gusto ko ring matutong gumawa ng daiza. Haist! Andami kong gustong gawin. May kailangan pa nga akong sulating chapter ng nobela.

Hulyo 19, 2023

Dahil birthday ko, bumangon ako nang maaga-- mga 7:00. Ako na ang naghanda ng almusal. Naghanda ako ng fried rice, fried egg, and fried hotdog. Ayan, puro fried!

Pagkatapos mag-almusal, nakita ko ang mag-ina ko na tinatamad kumilos. Parang ayaw nilang umalis, samantalang nakaplano na kahapon o kagabi na mamamasyal-- although wala pang itinerary, pero tuloy. Since, nagdadalawang-isip din ako. Ayaw kong bumiyahe kasi birthday ko. Naniniwala akong kapag birthday, dapat nasa bahay lang. Ayaw ko namang mapahamak kami kaya nagdesisyong akong mag-stay na lang kami. Binigyan ko na lang si Emily na pera para bumili ng mga lulutuin.

Hindi pa siya nakakaalis, nagsimula na akong maglinis sa garden. Tinanggal ko ang mini-forest ko sa may gate. Tinabasan ko ang Pink Tabebuia tree ko.

Grabeng sanga ang natanggal ko. Nahirapan akong imisin. Kinailangan kong tumigil-tigil sa pag-chop-chop sa mga sanga at paglagay nito sa sako. Masakit sa kamay.

May mga pebbles pa akong inipon at hinugasan. Sayang naman kasi kung itatapon na.

Umidlip ako pagkatapos magmeryenda. Past 5, bumalik ako sa paggawa. Grabe, inabutan ako ng 6:25. Hindi pa ako tapos. Marami pa akong aayusin at tatabasin.

Gabi, after dinner, binago ko ang aquascape ng 5-gallon tank ko, kung saan nakalagay ang tatlong molly fish ko. Puro mga batong rounded ang nilagay ko. Ang ganda! May mga matataguan ang mga isda.

Pagkatapos kong manood ng BQ, nagsulat ako ng article tungkol sa Goiter. Bukas, gagawin ko itong vlog.

Hulyo 20, 2023

Kagabi, excited ako sa kalalabasan ng paglilinis ko sa garden. Kaya, bandang 11 pm, sumilip sa bintana upang tingnan ang garden. Ang ganda nang tingnan. Ang aliwalas na.

Sa sobrang excitement at saya ko, hindi ko akalaing maaaksidente ang daliri ko. Bigla ko na lang narinig ang tunog na biglang paghinto ng electric fan dahil sa isang bagay na nakapasok dito. Ilang segundo rin ang lumipas bago ko napagtantong daliri ko pala iyon. Tumulo ang dugo at maya-maya, namamahid na ang braso ko. Bakit kasi hindi ako nagsindi ng ilaw?!

Ginising ko si Emily. Nagpakuha ako ang tubig na panghugas at gasang pambalot. Ang sakit! Sobrang sakit. Nabiyak ang 1/3 ng hintuturo ko.

Hindi ako aggad nakatulog dahil sa sakit.

Naisip ko ang dahilan kungv bakit hindi kami umalis kahapon--- ayaw kong maaksidente kami kapag umalis kami dahil birthday ko, pero sa bahay lang pala ako maaksidente. Mabuti, hindi napuruhan ang daliri ko.

Namoblema tuloy ako sa mga dapat kong gawin at tapusin.

Paggising ko, medyo masakit pa rin. At hindi rin ako mapakali sa mga gawain ko. Inayos ko ang mga batong galing sa garden. Nilagay ko sa laundry area. Ang ganda na tuloy ng labahan namin. Ang sarap nang apakan.

Gumawa rin ako uli sa garden, pero nang dumugo ang sugat ko, huminto na ako. Gumawa na lang ako ng vlog.

Ngayong araw, nakapag-upload ako ng isang video sa YT. Natapos ko kasi ang Balagtasan.

Nasimulan ko rin ang Goiter.

Hapon, after meryenda, gumawa ako sa garden. Mabilis lang, pero kahit paano ay may natapos ako.

Hulyo 21, 2023

Hindi na masakit ang daliri ko, pero kapag nasasagi, siyempre, masakit. Kaya naman, pagkatapos kong mag-almusal, naglinis na ako sa garden. Nagtabas ako ng mga halaman. Nanghihinayang ako sa malalagong foliage, pero kailangan nang magbawas. Or else magiging gubat kami. Parami na rin nang parami ang lamok dahil sa dami ng halaman. Nangamamatay na rin ang iba dahil hindi naaabot ng araw.

Past 11, umalis ang mag-ina ko. Saka lang din ako nagpahinga.

Pahinga talaga ako maghapon. Umidlip ako saglit. Pagkatapos, nanood na ako ng YT videos tungkol sa rocks and minerals. Marami akong natutuhan mula sa isang video tungkol sa jade.

Paat 7, dumating na ang aking mag-ina. Gutom na gutom sila kahit galing sila sa handaan. Hindi pa naman ako nagluto kasi akala ko magdadala pa sila. Cake lang ang dala nila. Mabuti, may pritong tinapa at nilagang itlog. Ang mga iyon na lang ang inulam namin.

Hindi bale, babawi na lang ako bukas sa Tramway. Iti-treat ko ang mga ka-Tupa ko roon.

Habang patalastas ang BQ, gumawa ako ng video para sa Tiktok at Reels. Tungkol sa history ng suiseki ang ginawa ko. Iyon na ang ikatlong video. More to come.

Hulyo 22, 2023

Maaga akong bumangon para maghanda ng almusal at sa pagbiyahe. Mga 8, ready na ako. Gising na rin si eEmily, kaya alam niyang magti-treat ako sa mga kaibigan ko.

Nagsulat ako ng pang-update sa Wattpad habang nasa biyahe. Hindi man ganoong kahaba ang natapos ko, pero, st least, nadugtungan. Ang hirap lang talagang mag-isip ng konsepto, kaya nahinto na naman ako.

Past 10, nasa school ako para kunin ang mga school ID cards. Bibigyan ko ang isang parent na nag-request ng kapalit dahil nag-change ng contact person. E, kailangan na sa Lunes sa kuhaan ng financial assistance. Kaya, kahit malayo, nilakad ko patungong Leveriza, Manila --sa may Manila Zoo. Tamang-tama, nandoon din si Ma'am Edith, at maaga pa naman, kaya nagsabay na kami sa pagpunta sa Tramway.

Naroon na sina Ms. Krizzy at Ate Ging. Pumasok na agad kaminat kumain. Sunod na dumating si Putz. Magkasabay naman dumating sina Ate Bel at Ma'am Divine. At ang pinaka-late ay si Ma'am Mel. Si Papang lang ang wala dahil may checkup si Makki. Gayunpaman, sulit ang binayad ko. Nabusog na sa pagkain, busog din sa kuwentuhan.

Mga 2:30, pumunta kami sa SB BlueBay, as usual, para magkape at ipagpatuloy ang kuwentuhan. Doon, inabot kami hanggang past 6. Kung hindi pa ako nagyaya, nagkasarapan pa sa kuwentuhan. Nagugutom na nga uli ako. Isa pa, nakakahiya na sa staff. Mag-aapat na oras na kami roon.

Nagtanong ako sa kanila kung gusto pa nilang mag-MCDo. Hindi nila ako sineryoso, kaya umuwi na lang kami.

Before 8:30, nasa bahay na ako. Nakapamili pa ako ng kaunti sa Alfamart.

After dinner, umakyat na ako at nanood ng suiseki videos. Maaga naman akong inantok-- mga 10:30. Kaya, wala pang 11 nag-off na ako ng laptop, internet, at ilaw.

Life is good!

Hulyo 23, 2023

Ang sarap ng tulog ko! Andami kong panaginip. Ang gaganda. Parang totoo ang mga iyon.

Bumaba ako nang maaga para masimulan ko kaagad ang paglalaba. Wala pang almusal, nagpaikot na ako ng washing machine kasi may nakababad na mga damit ni Emily. Nilabhan ko muna ang mga iyon bago ang akin.

Nang matapos ko ang mga damit niya, sinunod ko na ang mga damit ko. Isinisingit ko ang paglilinis sa garden. Andami kong nagawa, kaya nang matapos bandang 11:30, pagod na pagod ako. Kinailangan kong mag-stay sa room. Si Emily naman ang pinagluto ko ng ulam.

Nag-stay na ako sa room maghapon. Umidlip ako at nangalkal. Hinanap ko ang mga papeles ng lupa. Magbabayad kasi kami ng amilyar. Nahanap ko naman after kong makalkal lahat ng gamit sa ilalim ng kama.

Sinimulan ko rin ang pag-eencode ng journal ko. Nasa April 2008 pa lang. Mga two or three years pa yata ang hindi pa na-eencode. Matagal-tagal pang encoding ito.

Hulyo 24, 2023

Nagising ako kagabi--bandang 11:50 dahil sa sobrang lakas ng ulan. Akala ko, nag-landfall na si Egay. Hindi agad ako natulog hanggang hindi humina ang ulan. Gayunpaman, 8 na ako bumangon. Ginising lang ako ni Emily kasi aalis na siya. Pinagbabayad ko rin ng amilyar. Kailangang mabigyan ko ng pera.

Nang nakaalis na siya, bumaba na ako para mag-almusal. Habang nagluluto ng ramen, nagpalit ako ng tubig sa fishtank, na nasa ibaba.

Then, hinarap ko ang agenda ko ngayong araw-- ang pagpapa-register sa NBDB at pagsali sa mga writing contests.

Dahil ayaw ma-open ang Google Form ng NBDB, naghanap at nag-edit na lang ako ng kuwentong pambata na isasali ko sa PBBY-Salanga Prize. Ang kuwentong 'Walang Imposible' ang ipinasa ko. Nakagawa rin ako ng Statement of Originality.

Nang dumating si Emily, iritado siya. Porket P3k lang ang pinadala ko sa kaniya at hindi P8k na payo sa kaniya ng naniningil ng HOA monthly dues. Hindi ko raw siya pinagkatiwalaan. Wala talaga akong tiwala sa kaniya. Nagkasagutan kami kasi pati pag-treat ko sa mga kaTupa ko ay pinagseselosan niya. Kako, ilang beses ko kayong pinapakain sa isang araw, tapos ganyan ka. Ang punto niya, napagod daw siya. Babalik pa uli. Kako, iya lang ang gagawin mo. Aber, kako, ikaw nga ang magbayad niyan. Isa pa, sana binayad ko ang P3k. Puwede namang installment. Hindi raw puwede. Aguy! Kakanood ko lang kagabi sa YT ng tungkol sa pagbabayad ng amilyar. Ako pa ba?!

Binigyan ko uli siya ng P5k. Bale P8k na ang pera. I hope, mabayaran niyang lahat. Hindi na dapat maulit ang delayed payment na iyan. Mabigat sa bulsa.

Pag-alis ni Emily, umalis din ako. Magbabakasakali akong mag-withdraw ng salary ko sa Youtube.

Nang nag-balance inquiry ako sa 7Eleven, wala pang pera. Nalungkot ako, pero okey lang. Pumunta na lang ako sa Ingco Store sa Kawit para bumili ng folding saw.

Nakabili naman ako agad. Natagalan lang akl sa biyahe.

Mula Umboy, naglakad ako pauwi. Wala namang araw kaya maganda maglakad-lakad. Dumaan ako sa kalsadang hindi pa open for vehicles kasi hindi pa tapos sa dulo. Alam ko kasing makakakuha ako roon ng mga bato.

Hindi nga ako nagkamali. Marami nga akong naispatan. Hindi nga lang pang-suiseki, pang-decorate lang sa aquarium kasi mga matutulis kasi. Tira-tira ang mga iyon sa riff-raff. Maganda lang kasing tingnan dahil sa mga kulay at banding.

Natagalan ako roon kasi may naglilinis na BFP. Wina-wash out nila ang mga lupa sa kalsada. Hinintay kong malampas doon sa may mga bato.

Halos tatlong kilo rin ang mga batong naiuwi ko.

Pagdating ko, umakyat agad ako para magpahinga. Umidlip ako sandali, bago nagkape.

Pagkatapos kong magmeryenda, tinapos ko ang pagta-translate ng "Ang Kambal" para sa Iligan National Writers Workshop Children's Story Writing Contest."

Past 5, nai-submit ko na ang entry ko. May kasama ring Statement of Originality.

Ang gaganda ng mga sinalihan kong literary contests ngayong araw. Hindi mahirap ang mechanics. Wala nang ipapanotaryo, hindi tulad ng iba.

Then, bumaba ako para subukan sa garden ang bago kong foldable saw. Nilagare ko ang sanga ng puno sa may gate. Since, nakaharang ito, naging maluwag na ang daanan namin. Ang galing ng lagare! Napakadaling gamitin. Puwede na akong magsimulang gumawa ng daiza. Kahoy na lang ang kulang. Sana puwede kong gamitin ang mga driftwood na nakolekta ko.

Pagkatapos niyon, nagpalit naman ako ng aquascape sa molly fishtank ko. Ginamit ko na ang mga bagong pulot kong bato. Isinunod ko namang palitan ng tubig ang mga fish tank ko sa kuwarto.

Wow! Andami kong na-accomplish ngayong araw. Sana nagawa ko pang mag-encode ng journal ko. Hindi bale, bukas na lang.

Hulyo 25, 2023

Mga 10:30 kagabi, antok na antok na ako, kaya nagpatay na ako ng laptop at ilaw. Hinayaan ko lang munang naka-on ang internet kasi gumagamit pa ang mag-ina ko. Ang kaso, maingay sila. Naalimpungatan ako bandang 11 pm, kaya pinatay ko na.

Nagtuloy-tuloy na ang mababaw kong tulog. Parang gising ako magdamag-- pabaling-baling. At ang panaginip ko, mga ginagawa ko araw-araw. Naisip ko tuloy na dahil sa ininom kong Ascorbic, na inorder ko sa Tiktok. Pampa-hyper siguro iyon. Pero, sabi naman sa Live, after meal daw inumin. Isa sa umaga, isa sa gabi. Sana maging epektibo sa akin.

Past 7, namulat na ako. Hindi na ako makatulog uli. Okey lang kasi marami akong gustong gawin. Una na riyan ang paglilinis sa garden. Kailangan ko nang matapos iyon bago pa matapos ang bakasyon. Kailangan ko pang magpintura ng pader, gate, grills, at plant racks.

Pagbaba ko, dumiretso agad ako sa garden. Nagpapakulo ako ng tubig habang naglilinis na. Doon na rin ako nagkape.

Si Emily ang naghanda ng almkajahusal.

Pagkatapos mag-almusal, sinige ko ang paglilinis. Kahit paano, marami-rami nagawa bago umulan.

Habang umuulan, ginawa ko ang payroll ng financial assistance ng IV-Buko. At ipinagpatuloy ko paglagay ng audio sa ginagawa kong vlog.

Bago ako bumaba uli para maglinis, nai-upload ko na sa YT at FB pages ko ang video. Then, naglinis uli ako. May improvements na sa ginagawa ko. Unti-unti nang lumuluwag at gumaganda. Tumigil ako nang mananghalian na.

After lunch, at habang nagpapatunaw ng kinain, nag-encode ako ng journal ko. Saka naman dumating si Kuya Emer. May dala itong avocado. Binigyan nga ako ni Ion. Ready to eat na.

Past 2, huminto ako sa encoding para manood ng suiseki. Nagpapaantok din ako.

Nang gumaan ang tiyan ko, naligo na ako para mas masarap ang tulog kung sakaling antukin.

Past 5 na ako bumaba para magkape.

At six pm, Nagawa kong magpa-register sa National Book Development Board as writer and author. Madali lang pala. Sana ma-approve ako at mapadalhan ng certificate.

Bago ako naghanda ng dinner, gumawa muna ako sa garden kahit gabi na. Na-excite kasi ako sa kalalabasan.

Nag-video nga ako at nag-post sa My Day nang matapos ako. Ang gandang tingnan. Superb! Nakatulong ang mga driftwoods sa aesthetic look nito. 

Hulyo 26, 2026

Napuyat na naman ako kagabi dahil sa ulan. Haist!

Kaya naman, past seven na ako nagising. At past 8 na ako bumaba. Pagbaba ko nga, tahimik pa rin ako kasi hindi ko pa iniimik si Emily.

Habang maghihintay na kumulo ang tubig ko na pangkape, gunawa muna ako sa garden. Tinanggal ko ang mga potted plants sa.isang 4-layer plant rack upang matanggalan ko ng kalawang. Pipinturuhan ko iyon.

Habang nagkakape, nag-aayos pa rin ako sa garden. Sinigurado kong safe ang mga halaman at may maluwag akong space para sa gagawin ko.

At hayun nga! Para akong seaman na tagatiktik ng kalawang. Mahirap pala. Ang kapal na ng kalawang. Nabudol yata ako ng gumawa. Hindi man lang inayos ang pagpintura. Wala yatang primer. At ang nipis ng pintura.

Umulan kaya natigil ako. Hindi naman ako nag-aksaya ng oras. Kinunsumo ko ang bawat sandali sa encoding ng journal ko. Nasa April 2008 pa rin ako. Hindi pa ako nangangalahati.

After mag-lunch, nakapagtiktik pa ako. Tapps, umulan uli. Umidlip na lang ako hanggang past 4.

Then, at past five, pagkatapos kong magmeryenda, umalis ako para pakawalan ang mga susong nahuli ko sa garden. Andami-dami kasi. Hindi ko na kayang pakainin ng gulay. Ang mahal kasi ng mga gulay ngayon.

Nanguha rin ako ng mga bato at dahon ng ampalaya roon. Ay siyempre, nag-video taking ako para sa Reels na gagawin ko.

Pag-uwi ko nga, bumili na ako ng monggo. Nagluto ma rin ako at nag-vlog pagdating ko.

Ang sarap ng monggong maraming dahon ng ampalaya. Mapait, pero mas mapait sa buhay ko nang iwan niya ako.

Pagkatapos kumain, gumawa na ako ng video. Tuwang-tuwa ako sa output. Sabi bga sa isang comment, may mga hugot daw.

Nanood naman ako ng BQ nang ma-post ko na. Bukas ko naman gagawin ang pagluto ko ng monggo. Nanood muna ako ng suiseki.

Hulyo 27, 2023

Sumakit na naman ang likod ko kagabi. Wala akong maayos na tulog. Dahil siguro sa lamig o dahil sa monggong inulam namin kagabi. May tama na naman siguro ang kidney ko. Ihi ako nang ihi kagabi.

Past 8 na ako bumaba. Naglaga agad ako ng saging para sa almusal namin. Then, nagkiskis na ako ng kalawang ng metal plant rack.

Dalawang beses bumuhos ang ulam kaya hindi ko pa rin tapos ang pagkiskis ng kalawang. Isiningit ko ang encoding. Kahit paano, hindi nabakante ang oras ko. Pero, after lunch, wala na akong ginawa kundi umidlip at manood ng suiseki videos. Mga 5 pm na ako bumalik sa garden. Nag-repot ako at nag-pruning ng bougainvillea.

Past 6, naghanda na ako ng hapunan namin. Naghanda ako ng fried tinapa at okra, nilagang itlog, kamatis, at pipino. Solb na ang dinner namin.

Hulyo 28, 2023

Wala pa ring tigil ang ulan. Ilang araw na. Nakakabulahaw ng tulog. Gayunpaman, kailangan kong humimbing. At sa tingin ko, nakatulog naman ako ng kahit anim na oras.

Paggising ko, lumabas ako para bumili ng almusal. Pichi-pichi at bihon ang nabili ko.

Pagkatapos mag-almusal, umalis uli ako para i-withdraw ang YT salary ko at bumili ng steel paint at steel brush.

Suwerte! May laman ang Landbank ATM SA 7Eleven.

Bago ako umuwi at pagkatapos bumili ng brush at paint, bumili muna ako ng mga pagkain sa bagsakan. Worth P600 plus ang nagastos ko roon. Ayos lang naman! Ayaw ko kasing walang makain sa bahay lalo na't tag-ulan.

Dahil umuulan nang dumating ako, hindi ko rin naman nagamit agad ang steel brush. Sa halip, nag-encode na lang ako ng journal ko. Naubos ko ang isang notebook. Laya lang, nadiskubre kong nawawala ang May 5, 2008 hanggang September 3, 2008. Hinanap ko iyon sa mga kasamahang notebook, pero wala talaga. Naisip kong baka nasa school o baka nasa ilalim lang ng kama. Kailangan ko pang magkalkal uli, kaso tinatamad pa ako. Hindi bale, ang September 4, 2008 muna ang ita-type ko.

After lunch, umidlip ako. Paggising ko, pinagpraktisan ko ang mini grinder. Na-hook akong bigla. Ang kaso, nabiyak ang ginagawa ko. Alam ko namang mangyayari iyon kasi may biyak talaga ang kahoy. Wala, e. Wala akong tabla. Mabuti nga, may napagpraktisan ako. Kailangan ko na rin sigurong bumili ng tabla upang maisagawa ko ang gusto ko.

Pagkatapos niyon, nag-brush ako sa metal plant rock. Forst time kong gumamit ng steel brush. Mahirap at masakit din pala sa braso. 'Tapos, nalalanghap ko pa ang kalawang-alikabok kahit may face mask.

Bumuhos na naman ang ulan kaya natigil na naman ako. Hindi na naman natapos. Nagmeryenda na lang ako. Pagkatapos, nanood ako ng suiseki.

Nadiskubre ko rin na may email ang NBDB. May pinare-resubmit sila. Ginawa ko naman agad iyon. Sana mapadalhan na ako ng certificate.

Hulyo 29, 2023

Pagkatapos kong magluto ng ramen at mag-almusal, umakyat uli ako para mag-encode. Basa pa sa labas kaya hindi muna ako gagawa sa garden. Hindi rin ako puwedeng magpintura ng steel plant rack o kaya ng gate kasi baka umulan. Hindi nga ako nagkamali. Umulan nga. Maghapon ang ulan.

Okey lang naman. At least, natapos kong i-encode ang journal ko simula Sept.4 hanggang 30.

Grabe! Bumalik sa alaala ko ang mga nangyari, 15 years ago. Grabe pala talaga ang pinagdaanan ko at ng mga anak ko. Magkahalong lungkot at saya ang naramdaman ko. Malungkot kasi bata pa lamang sila, kahirapan na ang naranasan nila. Masaya naman ako kasi lumaki silang matatag. Nalampasan ko ang mga iyon.

Nabalikan ko rin ang friendship namin ni Epr. Nabasa kong muli ang mga tula sinulat ko at ginawa niyang kanta.

Naroon din ang ilang pangyayari habang kumukuha ako ng education units. Buhay na buhay pa ang mga mensahe ng mga classmates ko sa big book na ginawa ko para sa isang demo lesson. Nakaka-inspire ang mga mensahe nila. Nahulaan nilang magiging mabuting guro ako someday.

Hapon, habang nanonood ng suiseki videos, antok na antok ako. Gusto kong manood pero hinahatak ang mga talukap nga mata ko. Kaya, hayun, pinagbigyan ko.

Before 6, lumabas ako para bumili ng ulam. Ang saya palang lumabas at maglakad-lakad habang umuulan, lalo na't gamit ko ang malaking payong. Hindi ako nababasa o naanggihan.

Napansin ko nga, busy pa rin ang mga tao kahit umuulan.

Gabi, bago matulog, nanood ako ng dalawang animated films--- Mavka at Strange World. Ang gaganda! Worth it amg sakit sa mata.

Hulyo 30, 2023

Alas-8 na ako nagising. Hindi pa agad ako bumangon para maghanda ng almusal. Kaya pala ganoon kasi makikita ko lang na patay na ang dalawa sa tatlong molly fish ko. Nalungkot ako at nanghinayang.

Habang nagluluto, pinalitan ko ng tubig ang fish tank. Naisip ko, baka naman sa ammonia ang dalawa. Maaari ding dahil sa sobrang kabusugan. Andami kasi talagang residue ng mga pagkain sa tank. Haist! So sad.

Pagkatapos kong mag-almusal, umakyat na ako para mag-encode. Hindi pa rin kasi ako puwedeng magpintura. Panay pa rin ang ulan.

Past 1:30, almost done na ang October 2008. Kumain muna ako.

Pagkatapos kung kumain, inantok ako. Andami ko kasing nakain. Umeeepekto na ang Vitamin C na binili ko sa Tiktok Shop.

Past 2:30 na ako bumaba uli para magsipilyo at maligo. At pagbalik ko, nag-digital illustrate naman ako. Isang clipart ng baka lang ang natapos ko. Para iyon sa koleksiyon ng tula ng mga hayop, na ginagawa ko.

Nagmeryenda muna ako bago naman ako lumabas para bumili ng ulam. Pero, hindi muna agad ako bumili at umuwi. Naglakad-lakad ako patungo sa kalsadang bago. Binaybay ko iyon para alamin kung saan ang lusot. Dahil malayo, hindi ko nalaman kung saan, pero may mga bato akong naiuwi. Marami sana kaso may mga sasakyang dumaraan. At may security guard pa. Besides, hindi naman collectibles. Nagdala lang ako ng tatlong maliliit, na kasya lang sa bulsa ko.

Muntik pa akong kainin ng quicksand sa may creek. Lumusong kasi ako. Mabuti, mababaw lang.

Past 6 na ako nakauwi sa bahay. Agad akong naghanda ng hapunan.

After dinner, nanood ako ng movie. "Quicksand" ang title. Ayon sa characters, wala naman daw namamatay sa quicksand. Nata-trap lang talaga. May makakapag-rescue palagi.

Hulyo 31, 2023

Alas-nuwebe na ako bumaba. Almost ready na ang almusal kasi nagluto na si Emily.

Pagkatapos kumain, nagsimula na akong magpintura ng bakod. Natapos ako ang isang side, kaya sinimulan ko na ang metal plant rack na tinanggalan ko ng kalawang. Plano kong pinturahan ang kabilang side ng bakod kapag natapos ko na ang rack. Ang kaso, umulan naman. Natigil ako sa pagpipuntura.

Umalis si Emily bago ako natapos. Naawa ako sa kaniya kasi kailangan niya ng pera dahil sa paikot nila ng pay-in sa First Vita Plus. Isinasanla niya sa akin ang alahas. Hindi ako interesado sa alahas. Pero, mas interesado akong malaman kung bakit siya may alahas at saan galing.

Sabi ko, wala ako. Sa sanlaan niya isanla. May bawas daw kasi. Hindi ako nagpakita ng interes. Napapagod na ako sa katutulong sa kaniya. Hindi pa nga ako maka-move on sa sinabi niya sa akin noong isang araw. Kaya nga, hindi ko pa rin siya kinikibo.

Sa baba ako nag-stay maghapon hanggang sa dumating siya bandang 8. Nagsulat ako ng article tungkol sa prostate cancer. Nang matapos, ginawan ko ito ng PPT. Naglagay naman ako ng voiceover pagkatapos kaya lang na-pending. Kailangan ko na kasing magnood ng BQ.

Ngayong araw, graduation ni Jasleen. Hindi ako dumalo kahit matagal na akong inimbita ni Aileen. Hindi kasi siya nag-chat. Isa pa, wala ako sa mood umalis.

Gabi, after dinner, naghanap ako ng mapapanood. Matagal din bago ko naisip na panoorin ang K-series na 'Mouse.' Maganda raw ito. Nabasa ko lang sa FB. Serial killing nga lang, pero okey na rin.


No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...