Followers

Saturday, May 18, 2024

Kanino

 

Kanino

Sa ating katawan, may demonyong namamahay

Sumusutsot, nagmamatyag, at naghihintay

Tungo ay kasamaan, gawa'y kawalang-hiyaan

Umaga't gabi, diwa natin ay inaabangan

Kaya kung tayo ay pagagapi at paalipin,

Wasak na buhay at impi


yerno ang lalandasin.

Subalit sa ating puso laging may naghahari

Ating Diyos naTagapagligtas, kapiling palagi.

Walang kasamaang mananahan sa puso't isipan,

Kung Siya ang ating yayakapin at kakapitan.

Kahit sa unos, mga balakid o ating kahinaan

Siya ang sandigan, Siya ay laging maaasahan.

Katawan natin ay may itim at may puti,

May bahaging masama at may mabuti,

Ngunit marapating kabutihan ang umiral

Dahil ito ang nakasaad sa gintong aral

Panginoon natin, ito’y Kanyang ikalulugod

Si Satanas naman ay lalong mapopoot.

Ngayon ay kailangang magdesisyon ka na

Kung kanino mo iaalay ang iyong kaluluwa.

 

 

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...