Setyembre 1, 2023
Alas-8 na ako nagising. Hindi ako agad na bumaba. Hindi rin agad kami nakapag-almusal. Alas-9:30, nagkakape pa lang ako. Okey lang, wala namang pasok, e. Masakit din kasi ang bahaging singit ko. Panay ang ihi ko kagabi. Ang sakit ng pantog ko palagi. May problema na naman ang kidney ko. Kailangang agapan ko ito.
Bandang alas-10, umalis ako para mag-cash in-- pambayad sa Pagibig.
Inabutan ako ng ulan habang namamalengke. Kakainis! Kahit panahon, hindi na magpakakatiwalaan ngayon. Umaraw na kanina pag-alis ko, 'tapos biglang umulan pag-uwi ko.
Ako ang nagluto ng singang na ulo ng salmon. Nag-vlog ako habang nagluluto.
Past 1, nakagawa na ako ng MOV para ngayong araw na ipapasa ko mamaya.
One-thirty, nanonood ako ng K-Series. Kaso, naligo din agad ako at naglinis sa sala. Mag-aalas-3 na ako natapos nakapagpahinga, saka ko itinuloy ang panonood. Nang matapos ang Epi. 7, gumawa na ako ng video.
Bago mag-5, nakapagpasa na ako ng MOV sa principal. Then, nag-digital illustrate naman ako. Bago kami nag-dinner, natapos ko ang illustration ng pating.
Bago mag-8:30, natapos at nai-post ko na ang digital illustration ng giraffe, kasama ang pating. Isinunod ko naman ang paggawa ng designs ng quotes.
Ten pm na ako nakapanood ng series kasi katatapos ko lang manood ng BQ.
Setyembre 2, 2023
Bago umalis sina Emily at Ion, bumangon na ako. Nagpabili kasi ako sa kanila ng Revitalize Forte para sa aking kidney problem. Mga 6 na sila umalis. Natulog uli ako hanggang past 7.
Pagkatapos kong mag-almusal, nagpalit ako ng tubig sa tangke. Pinagpalit ko ang tangke ng mga guppies sa tangke ng betta. Nasa baba na ang mga guppies ko. Mas malaki na ang aquarium nila since pito naman sila.
Nine-thirty, nasa harap na ako ng laptop. Nag-encode ako ng journal. Pagkatapos, gumawa ako ng Tipaklong video. At bago at pagkatapos mananghalian, nanonood ako ng series.
Before 6, nakapag-illustrate ako ng kangaroo at tarsier. Nai-post ko na rin ang tula tungkol sa Bahagi ng Pananalita.
Bago ako lumabas para bumili ng ulam, gumawa at nag-post muna ako ng mga designed quotes. Mga past 9 na dumating ang mag-ina ko. Kumain na raw sila.
Setyembre 3, 2023
Past 8 na ako bumaba. Ako ang maghanda ng almusal. Nagprito ako ng itlog, talong, at dilis. Yummy! May tira pa akong pipino kagabi kaya ang sarap ng kain ko.
Past 9, naglaba ako. Binabad ko lang muna ang mga damit ko kasi kaunti lang naman.
Bago mag-10:45, nakagawa ako ng First Vita Plus video tungkol sa gout ko at ReVitalized Forte.
Past 11, nagbamlaw na ako ng mga damit.
Past 12-30, nakagawa na ako ng tipaklong video. Nakapagsampay na rin ako. Isinunod ko na ang paggawa ng digital illustration. Before 2:30, nakatapos na ako ng isa hayop--- kabayito. Nanood naman ako ng series para antukin ako at makatulog.
Past 5, after kong gumawa ng mga designed quotes, nangusina muna ako. Naghugas ako ng mga pinagkainan. Then, nag-illustrate ako ng dikya. Past 5:45, natapos ko ito.
Dahil natapos ko na ang pinanonood kong series, nakapagsulat naman ako para sa Wattpad. Before 11 pm, nai-post ko na ang Chapter 62.
Setyembre 4, 2023
Wala pang 6, gising na ako para mag-abang ng suspension of classes. Ang lakas ng ulan. Ang mga taga-Pasay ay nag-aabang na rin ng anunsiyo. Before 7, saka lamang nag-announce. Kawawa ang mga pang-umagang guro at estudyante.
Bago mag-8, lumabas ako para bumili ng mga pagkain. Tulog pa rin ang mag-ina ko pagbalik ko at kahit nang nakapag-almusal na ako.
Mga quarter to 10, nakagawa ako ng inspiring pero may hugot at patawang video ng mga guppy fish ko. Isinunod ko na ang encoding ng journal. Pagkatapos kong mai-type ang February 9, nag-illustrate na ako ng ostrich at camel. Past 11, nai-post ko na ang mga ito.
Eleven-thirty-five, nakapag-post na ako ng mga digital illustration s ko ng mga hayop. Bale 41 animals ang na-create ko. Marami pa ang kulang. Gagawan ko muna ang mga iyon ng tula bago i-illustrate.
Bago ako nag-lunch, gumawa muna ako ng tipaklong video. Then, nagsulat na ako ng mga tula tungkol sa mga hayop.
Mga five na ako nagmeryenda kasi tinapos ko pa ang digital illustration ng sarili ko.
Andami kong nagawa ngayong araw. Salamat sa suspension of classess. Alam ko, bukas, may pasok na.
Nine, pagkatapos kong manood ng BQ, nanood naman ako ng One Piece Live Action.
Setyembre 5, 2023
Wala pang six am, gumising na ako. Madilim pa, pero wala nang ulan. Siguradong may pasok na.
Ako ang naghanda ng almusal. Paalis na ako nang magising ang mag-ina ko.
Nagsulat ako habang nasa biyahe. Kailangan kong regular na i-update ang Wattpad novel ko. Marami-rami na rin kasi ang nag-aabang. Sana nga mag-pay off naman ang effort ko rito. Sana may makapansin sa akda ko.
Wala pang 11, nasa school na ako. Si Ms. Krizzy lang ang naka-bonding ko sa library. Maaga nga lang siyang nag-lunch.
Ikatlong araw na maha-handle ko ang Buko. Madadaldal talaga sila, lalo na ang mga lalaki. Pero, hindi ko sila pinalampas. Ako ang naglista ang maiingay. Binigyan ko sila ng rewards at punishment.
Maghapon, nakaraos naman ako. Nakakapagod man, pero hindi ako susuko. Sana lang, hindi ako magkaproblema sa mga magulang na mareklamo. Sana wala namang mareklamong magulang dahil sa totoo lang ay wala namang karekla-reklamo sa akin. Ang lahat nga magagandang paraan at teknik ay ginagawa ko para sa kabutihan ng kanilang anak.
Eight-thirty na ako nakauwi. Pagkatapos kong magpakain ng mga isda, kumain agad ako para makanood ng BQ at makapag-design at makapag-post ng quotes. Past 10 na ako natapos.
Wala akong nai-post na Reels at TikTok video ngayong araw. Wala na naman akong time masyado. Okupado na ako ng trabaho. Mabuti, nakakapagsulat ako sa biyahe.
Past 11:30 na ako natulog.
Setyembre 6, 2023
Pinilit kong matulog uli nang magising ako nang wala pang six am. After 30 minutes, bumangon na ako.
Napanaginipan ko si Ate Diyang. Dinalaw ko siya sa kaniyang inuupahang bahay. Weird, magulo, at mabaho ang kuwarto noya. Kinuwento niya sa akin na pangarap niyang magkaroon ng isang magandang kubo, na kagaya ng natataanaw namin mula sa kaniyang veranda.
Sana okey naman si Ate Diyang. Normal ang pag-iisip niya sa panaginip ko. Sana sa real life din.
Habang nagkakape, gumawa ako ng tipaklong video. Natapos ko iyon bago mag-8. Nagulat na lang ako kasi 8:00 na. Hindi pa ako naliligo. Nagmadali ako, kaya wala pang 9, nasa biyahe na ako. Haist, sana wala akong nakalimutan.
Sa biyahe, hindi ako nakapagsulat nang maayos kasi nasusuka ako. Ang hula ko, dahil ito sa puyat. Napuyat ako kagabi dahil sa malilit na langgam sa higaan ko.
Past 9:30, nasa PITX na ako. Umupo at sumubok muna akong umidlip sa waiting area. Hindi man ako nakatulog, pero nawala kaunti ang hilo at nausea ko. Past 10 na ako sumakay ng dyip patungo F. B. Harrison
Past 11, nasa school na kami. Naka-bonding ko sina Ms. krizzy at Cinderalla sa Guidance hanggang 12.
Nagpa-elect ako ng classroom officers sa Buko. Nagawa namin iyon nang maayos. Sa tingin ko, napili nila ang mga tamang tao sa bawat posisyon.
Medyo nakikilala ko na ang pangalan, ugali, kakayahan, at kahinaan ng Buko. Sa tantiya ko, wala pang isang buwan, gamay ko na sila. Kailangan ko lang tanggalin ang pagiging madaldal nila.
Alas-7 na kami nakalabas sa school dahil sa madugong.pangyayari sa IV-Mangga. Kinailangan pa naming i-first aid ang isang eatudyante dahil hinampas ng tumbler ng kaklase. Duguan ang ulo nito. Hinintay rin namin ang magulang ng agrabyado.
Grabe ang mga estudyante ngayon. Nakaka-stress pa naman kapag may mga ganyang insidente.
Past 9 na aki nakauwi. Grabe! Ngayon lang yata uli ako na-late ng uwi. Gutom na gutom ako.
Pagkatapos kumain, nagpakain din ako ng mga isda at nanood na ng BQ. Gumawa at nag-post din ako ng quote designs.
Past 10:30, nag-send ako ng pera kay Hanna. Nag-message rin ako sa kaniya. Sabi ko: nak, kapag may sobra ka, ambunan mo na lang si Zj. hindi na kaya pa ng budget ko. Sobra-sobra na sa sahod ko ang gastos sa isang buwan. P5700 ang bahay, P1600 kuryente, P1500 ang wifi, P600 ang tubig. Pasamahe ko araw-araw at pagkain doon sa school. Plus allowance din ni Zillion. Matagal pang matatapos ang loan ko dahil sa bahay ni Tita Flor mo . Tapos ako lahat ang gumagastos sa bahay. Kaya sana pag-igihan mo ang pagbudget ng pera.
Totoo ito, kaya sana makaraos kami sa ganitong sitwasyon.
Setyembre 7, 2023
Natulog uli ako hanggang 6:30 nang magising ako bago mag-6. Kulang na kulang ako sa tulog. Pineste pa rin ako ng mga langgam. Paisa-isang nangangagat ang mga ito kaya madalas akong magising. Sa weekend ko pa malilinis ang kama ko.
Nakagawa ako ng tipaklong video bago ako pumasok. Maaga ngang pumasok ang mag-ina ko,.pero pandesal lang almusal nila, ako sumang kamoteng-kahoy. Tira nila kahapon.. Hindi talaga pinaghahandaan ang almusal. Dapat gabi pa pang, nakaplano na.
Sa bus, bad trip ako sa konduktor. Sinungaling! Sabi niya, makakaupo. Dinadaya niya ang mga pasahero. Nagkasagutan nga kami. Matapang pa. Kung mabait daw ako, papuupuin ko. Aguy! Gago talaga. Obligasyon ko pa palang magpaupo ng kapuwa-pasahero. Sana libre ang pamasahe ko. Sabi ko naman, kung mabait siya, hindi siya magsisinungaling. Ang mga tao nga naman-- kumita lang gagawin kahit hindi maganda.
Naka-bindinh ko sa lunch sina Cinderella, Ate Bel, Ms. Krizzy, at Ma'am Luzel. Ang sarap ng kainan namin. Sayang nga lang mabilis ang time.
Marami akong estudyanteng absent ngayon. Nalungkot at natuwa ako. Mababa ang sales noong recess namin. Pero, hindi masyadong magulo at maingay. Kayang-kaya ko na silang i-handle. Nakuha ko na ang mga kiliti nila. Puring-puri ko nga ang karamihan sa kanila kasi nakikinig, gumagawa, at nagbi-behave.
Masakit lang ang ulo ko bago matapos ang klase hanggang pagsakay ko sa bus. Pero, nang malapit na ako sa bahay, nawala naman. Nakatulong ang pag-idlip ko.
Pagkatapos kong mag-dinner, nanood agas ako ng BQ. Late na ako nakagawa ng quote designs.
Setyembre 8, 2023
Nauna pa akong gumising sa alarm ko. Ilang minuto na lang din naman, kaya bumangon na ako. Kailangan kong makarating sa school bago mag-11 para sa election of Faculty officers.
Hindi na ako gumawa ng tipaklong video, pero nagsulat ako ng episode at kumuha ako ng video ng tipaklong sa garden.
Ako uli ang naghanda ng almusal ko.
Nasa bus na ako bandang 8:50. Nakaupo ako kaya nagsulat ako ng pang-update sa Wattpad.
Wala pang 11 nang dumating ako sa school. Niyaya ko agad sina Ma'am Edith at Ms. Kris sa venue. Kami yata ang nauna roon.
Nag-start din naman agad ang orientation at election, pero andami munang tawanan kaya natagalan kami. Halos magmadali akong kumain para sa klase ko. Iniwan ko ang mga kaTupa ko habang nagla-lunch.
Mas marami ang pumasok ngayon kaya kahapon, kaya hirap na hirap ako. Pumasok kasi ang makukulit. Grabe ang sakit ng lalamunan ko kakasermon at kakapagalit.
Wew! Iba talaga ng henerasyon ngayon. Kung sino pa ang mahihina ang ulo, sila pang malalakas ang loob na magkulit at magpasaway. Ang sarap alimurahin ang mga magulang.
Past 8:30 ako nakauwi. Kumain agad ako. Pagkakain, uminom na ako ng salabat. Guminhawa ang lalamunan ko.
Nalungkot na naman ako kasi namatay na naman ang isa kong betta fish. Dalawa na lang ang tira--- sina Philip at Sandy.
Setyembre 9, 2023
Past 7, gising na ako, pero hindi pa ako bumangon. Nag-cell phone muna ako at hinayaang si Emily ang maghanda ng pagkain.
Past 8, nagkakape na ako. At bago umalis si Emily, nakaharap na ako sa laptop. Nagrekord ako ng mga activities ng IV-Buko. Gumawa rin ako ng video ng compilation ang artworks nila.
Bago mag-10, natanggalan ko na ng tubig ang ibang aquarium. Hindi ko muna pinuno. Mag-iipon pa ako ng tubig na pinatining.
Pagkatapos kong i-tally ang mga sagot ng Buko sa gawain kong pagsulat ng mga katangian ng mga gurong hinahangaan, sumulat ako ng artikulo batay roon. Ginawan ko na rin PPT. Natapos ko bago, mag-2pm. Humiga muna ako para umidlip. Siyempre, nakapagpasa na rin ako ngayon ng reports, gaya ng diagnostic test results at reading profile.
Sinubukang kong umidlip sa kuwarto, pero nabigo ako. Sobrang init kahit wala namang araw. Bumaba ako bandang 3 pm upang lagyan ng voiceover ang PPT. Past five, uploaded na ang video sa YT. Gumawa naman ako ng iba pang reports at quote designs.
Bago ako nag-dinner, nanood muna ako ng balita at One Piece series.
Past nine, nasa kuwarto na ako. Ipinagpatuloy ko ang panonood. Nang matapos ang episode 3, nagsulat naman ako ng nobela. Kaya lang, inaantok ako.
Past 11:30 pm, kakapost ko lang ng Chapter 64 ng nobela ko sa Wattpad. Sigurado akong may maganda na namang feedback mula sa mga followers ko.
Setyembre 10, 2023
Bago ako bumaba para maghanda ng almusal, nagbasa muna ako ng mga comments sa nobela ko, at nagkomento na rin ako. Tama ako, maganda ang feedbacks.
Pagkatapos kong mag-almusal, bumili ako ng detergent powder. Namili na rin ako ng lulutuin. Salmon head ang binili ko.
Mga 10:30, tapos na akong maglaba. Kaunting oras lang akong nagpahinga, naligo na ako. Bago iyon, naglinis muna ako sa banyo.
Bago at pagkatapos kumain, gumawa ako ng vlog tungkol sa sampung benepisyo ng kape. Sinubukan ko ring umidlip nang inantok ako.
Habang sini-save as ang PPT ko, nag-print naman ako ngv mha DLLs. Hindi maganda ang printouts, kahit anong cleaning ko ng printer. Hindi presentable, pero wala na akong magagawa.
Alas-5, umalis ako, dala ang mga mga suso. Pinakawalan ko ang mga ito sa malayo. Gumawa ako ng vlog pagdating ko.
After dinner, gumawa naman ako ng quote designs at nanood ng One Piece Ep 4 at 5.
Maaga akong nag-off ng wifi. Grabeng antok ko, pero hindi rin nakatulog agad kasi nasa baba pa ang mag-ina ako. Kung kailan sila umakyat, nakapikit na ako. Hayun, puyat.
Setyembre 11, 2023
Parang hindi ako natutulog dahil sa mga panaginip kong totoong-totoong eksena. Ang gaganda! Parang gusto kong manatili roon. Mababaw ang tulog ko, pero andami kong panaginip na parang magkakarugtong.
Wala pang 6 am, bumangon na ako para magplantsa. Pagkatapos niyon, nagluto na ako ng almusal. Past 7, nakapag-almusal na ako.
Eight-thirty, umalis na ako sa bahay. Nakaupo ako sa bus, kaya nakapagsulat ako. Mahaba-haba rin ang naisulat ko bago ako nakarating sa school bandang 11 am. Ipinagpatuloy ko ang pagsusulat habang naghihintay ng lunch time.
Sa unang araw ng palitan ng klase, ginawa kong memorable ang experience nila. Gamit ang aklat-pambata na 'Ang Mahiwagang Sombrero,' nag-storytelling ako. Sinikap kong maging kuwela. Iniba-iba ko ang boses ko sa bawat pagsasalita ng tauhan. Alam kong naging inclined ang mga bata, kaya nakinig sila nang mabuti. Naunawaan nila at nakipag-engage sila sa akin.
Nakakapagod man ang ginawa ko, pero sana mag-long last ang good impression nila sa akin. Hidni lang talaga mawala ang mga pagpapasaway ng ilang estudyante, lalo na sa Mangga. Kinailangan ko pang magalit at magsermon.
Bago mag-8:30, nasa bahay na ako. Agad akong naghapunan dahil sa bus pa lang ay nagugutom na ako. Minadali ko rin ang pagkain dahil kailangan kong ayusin ang laptop. Ayaw raw mag-charge.
Aguy! Ayaw ngang mag-charge. Ginawa ko na ang life hack na ginawa ko wala pang isang linggo ang nakalipas. Nag-blackout din kasi ito. Kaso, hindi na talaga gumagana. Malamang, charger na ang may problema.
Nakakainis din kasi nawalan ng internet. Gumagawa pa naman ako ng PPT sa Filipino. Hindi ko tuloy napaganda nang husto. Hindi rin ako nakapanood ng BQ at nakapag-post ng quotes at video. Haist!
Natulog ako nang maaga.
Setyembre 12, 2023
Past 12 ng madaling araw, nagising ako. Nag-check ako ng internet. Meron na! Kahit aandap-andap, nag-post ako sa Watty ng Chapter 65. Marami kasi ang nag-aabang kaya kailangang mai-post agad.
Wala pang 6, bumangon na ako para maghanda sa pagpasok. Namalantsa ako. Si Emily naman ang naglaga ng itlog. Naiayos ko pa ang Powepoint ko sa Filipino at nagawan ko ng tatlong slogan ang anak ni Ma'am Ana. Pagbaba ko, nagprito pa ako ng skinless longganisa para makaragdag sa almusal.
Bago ako naligo, nakagawa pa ako ng video para sa Tiktok at Reels.
Eight-thirty, umalis na ako sa bahay. Nagsulat ako sa biyahe, pero nang nasa Cavitex na, nakaidlip ako.
Nine-thirty, nasa PITX na ako. Hindi muna ako sumakay sa dyip. Nagsulat uli ako roon.
Before 11, nasa school na ako. Nakasabay ko sa lunch ang original Tupa group.
Second day ng palitan ng klase. Maayos ang naging pagtuturo. In-inspire ko sila na mahalin ang Filipino. Tinuruan ko silang kumita habang bata, gaya ng pagba-vlog. Pinakitaan ko sila ng mga proofs na pinagkakakitaan ko ang pagsusulat at pagba-vlog. Na-inspire sila at naging interesado. Kaya lang, may mga hindi talaga nakikinig, lalo sa Mangga.
Amg hirap, disiplinahin ng Buko. Parang katulad sila ng mga Buko last year. Pero, dumating naman sa point na nagbago sila. Kaya, umaasa akong mangyayari iyon sa tamang panahon. Kailangan ko lang magtiyaga.
Grabe ang hilab ang sikmura ko pagkatapos ng klase. Gutom na gutom ako. Nagmeryenda naman ako. Napabili tuloy ako ng mani, na napakamahal. Beynte, na dating sampu. Pagdating sa bahay, kaunti lang ang kinain ko. Para kasi akong masusuka nang nasa biyahe ako.
Gumawa muna ako ng PPT bago ako nanood ng BQ. Dalawang episode ang pinanood ko nang magkasunod kasi hindi ko napanood kagabi ang isa.
Setyembre 13, 2023
Almost 6:30 na akong nagising ang sarap sanang matulog kasi malamig, pero pinilit ko ang sarili ko. Hindi pa puwedeng magpakatamad sa panahon ngayon. Hindi ko na kinakaya ang mga gastusin. Sobra-sobra ang expenses sa pumapasok na pera.
Agad akong namalantsa bago naghanda ng almusal. Hindi na ako nakagawa ng iba sa laptop. Isang quote design lang ang nagawa ko. May nagawa rin ako sa cell phone ko, bago ako naligo.
Eight-thirty, umalis na ako sa bahay. Nagsulat naman ako habang nasa biyahe. Sa school na ako nakapag-post ng Chapter 66.
Maayos na sana ang palitan namin ng klase, kundi lang mag-ASAP ang pasahan ng nutritional status ng mga bata. Pagkatapos ng recess, si Sir Hermie na lang ang lumipat. Nakagawa naman ako kahit paano.
Kaya lang, sobrang ingay at gulo ng Buko. Grabe! Mga hayop ang mga ugali. Kahit paulit-ulit kong sawayin, tuloy pa rin. Masakit sa dibdib. Kung puwede nga lang, ayaw ko nang maging adviser. Ang hirap! Malala ang didiplina ngayon ng mga kabataan.
Pagdating sa bahay, kumain ako agad. Marami akong nakain kasi nagtinola si Emily.
Mga 9 pm, nagprint ako ng stars. Ipamimigay ko sa Buko as rewards. Maaari nilang ipunin para sa mga prizes at advantages, like CR pass, plus points, priority pass, etc.
Pagkatapos kong manood ng BQ, hinarap ko naman ang paggawa ng slides para bukas. Nagsulat din ako ng Chapter 67.
Setyembre 14, 2023
Pasado alas-otso, umalis na ako sa bahay. May meeting kaming Grade 4 teachers ng alas-onse.
Wala pang 8:30, nasa bus na ako patungong PITX. Nakaupo ako, kaya nakapagsulat ako.
Past 10, nasa school na ako. Nakipag-bonding muna ako sa mga kaTupa ko, bago ako umakyat sa 2nd floor ng old building para makipagmiting sa mga kasamahan ko sa grade level para sa implementation ng RFMO.
Wala kaming palitan ng klase dahil tatapusin daw nila ang Nutritional Status ng klase nila. Gusto ko sana nang nagpapalitan kami kasi mas mabilis ang oras. Mabuti na lang, effective ang pamimigay ko ng stars sa mga mabubuti, masisipag, at responsableng estudyante. Hindi ako masyadong nainis, nagalit, at sumigaw.
Almost done ko na ang Chapter 67 ng novel ko, bago ako inantok sa pagsusulat sa bus. Kung kailan, malapit na akong bumaba, saka aki nakaidlip.
Past 8:30 ako nakauwi. Past 9 na ako nakanood ng BQ. After nito, saka ako nagsulat at nag-post sa Wattpad. Wala na akong ginawang iba-- kahit ang quote design. Haist! Ang bilis ng oras.
Setyembre 25, 2023
Past 5:30 nang magising ako. Kahit antok pa, pinilit ko ang sarili ko na mag-move one. Joke.
Bago mag-8, umalis na ako sa bahay. Dapat 10 ay nasa school na ako para sa aming Professional Forum.
Nagsulat ako sa biyahe. Dumarami na ang active readers ng aking nobela. Halos lahat sila ay atat sa update ko. Sila pa nga ang nag-eedit, nagsa-suggest ng mga pangyayari, at nagki-critique.
Wala pang 10, nasa school na ako. Hindi naman agad nagsimula ang forum. Pero, worth it naman ang pagpasok nang maaga at paghihintay dahil may birthday treat si Ma'am Ana. May biko pansit, at biko. Hindi ko na nakain ang binili kong ulam.
Hindi na naman kami nagpalitan ng klase. Kailangan pang tapusin ang 4 Fundamentals. Kaya naman, hirap na hirap na naman ako sa mga ugali ng Buko. Nasampolan ko nga ang tatlo. Pinatawag ko ang mga magulang. Dumating ang dalawa. May isa pang kakausapin ako sa Lunes.
Past 8:30, nasa bahay na ako. Pagod man, pero masaya ako dahil Biyernes na. Makakapagpahinga na naman ako ng 2 araw. Nanood lang ako ng BQ pagkatapos kumain at nag-cell phone, saka ako natulog.
Setyembre 16, 2023
Wala pang 7 am, bumangon na ako. Humilab na kasi ang tiyan ko. Pero, pagkatapos kong magbanyo, bumalik ako sa kuwarto upang magsulat. Past 8 am, nakapag-post na ako sa Watty ng Chapter 68.
Bumaba ako nang alam kong may almusal na. Nagluto si Emily. Aalis silang mag-ina. Ako na nga ang pinauna niyang maglaba. Every Sunday talaga ako naglalaba.
Mga 11 na ako natapos maglaba. Gumawa ako ng video pagkatapos kong makapagsampay. At siyempre, naghanda na ako ng lunch. Mga lefovers ang inihanda ko. May tirang monggo kagabi, kaya ininit. Prinito ko rin ang paksiw na bangus. May tira pang dilis kanina sa almusal. At gumawa ako ng ensaladang pipino. Solb ang pananghalian!
Pagkatapos kumain, nagrekord at nagtsek ako ng mga activities ng mga Buko. Hinihigpitan ko sila sa mga gawain. Kailangang malaman ko ang totoong deserving makatanggap ng mataas na marka.
Umidlip ako habang nanonood ng One Piece Live Action. Mga past 3 na ako nanood uli. Nang matapos ang Episode 5, nagmeryenda na ako.
Bandang 5:30, nakita ko sa FB ang call for applications nf Pinagpala Publications. Naghahanap sila ng co-authors at editors para sa Kindergarten books. Naengganyo ako, kaya kaagad akong gumawa ng resume.
Bago ako nag-dinner, almost done ko na ang resume. References na lang ang kulang. Kailangan ko munang mag-chat kina Ma'am Mina at Ma'am Nhanie.
Past 8, nakagawa at nakapag-post ako ng quote designs. At bago ako natulog, may dalawang Tiktok at Reels videos akong nai-post.
Setyembre 17, 2023
Maaga akong nagising, pero hindi agad ako bumangon. Maaga namang bumaba si Emily kasi may lakad sila, pero ako pa rin ang naghanda ng almusal pagbaba ko.
Pagkatapos mag-almusal, gumawa ako ng video. Nag-post agad ako. Then, nag-print ako ng DLLs. Medyo natagalan ako kasi ayaw na namang mag-on ng printer.
Past 10, pagkatapos maligo, lumabas ako upang bumili ng pagkain, at mag-grocery.
Umidlip ako sa sala pagkatapos kumain. Hindi naman ako nakatulog nang mahimbing kasi tumabi sa akin si Herming. Dumating din si Ion bandang 3 pm.
Pagkatapos kong magmeryenda, gumawa ako ng vlog, gamit ang kuwentong pambata na 'Sa Tapat ng Tindahan ni Mang Teban." Ito rin kasi ang gagamitin ko bukas sa demo teaching sa mga parents ng mga pupils na kasali sa remedial at enhancement programs.
Gabi, na ako nagkapag-voice over, kaya lang hindi pa natapos kasi nagluto pa ako ng ulam. Isa pa, umulan nang malakas. Itinigil ko kasi magiging pangit ang outcome dahil sa ingay. Sa halip ay nag-take notes ako ng mga info tungkol sa reading for children, mga tips, mga benefits, at facts tungkol dito. Pinag-aralan ko rin ang flow ng demo ko. Nag-decide din akong mamigay ng prize. Ipamimigay ko ang tatlong small book.
Nang tumigil ang ulan, saka ko lang natapos ang pagbo-voice over. Mga 10 pm, uploaded na sa YT ang video. Natulog na rin ako.
Setyembre 18, 2023
Wala pang 6 am, gising na ako. Hindi ko alam kung nakatulog ako ng kahit 6 hours. Andami kong panaginip na parang totoo. Ang babaw ng tulog ko-- pagising-gising ako. Hindi naman ako masyadong excited sa storytelling, pero parang isa sa panaginip ko iyon. Panay ang salita ko. At ang panghuli, naghiwalay kami ni Emily dahil sa pera. Aguy!
Seven-twenty, umalis na ako sa bahay. Seven-forty, nasa bus na ako. Nakaupo ako, kaya nakapagsulat ako.
Nine-thirty, nasa school na ako. Ako na ang nagkabit ng tarpapel sa stage bago nagsimula ang launching at orientation.
First time kong mag-storytelling nang live sa GES at sa mga parents. Wala na akong kaba dahil nakaranas na ako nito sa Nagcarlan, Laguna. Isa pa, nahasa ako nang sinali ako ni Ma'am Mina sa online kuwentuhan. Kaya naman, pang-regional na raw ang demo ko, sabi ni Ma'am Joan R. Nakaka-proud! Sana lang, marami akong nahipong puso. Sana sundin ako ng mga dumalong parents.
Nagpalitan kami ng klase kaya napakabilis ng oras. Nagsermon nga lang ako sa Mangga at Buko bago mag-uwian.
Bukas, may training ako online. Hindi ako papasok sa klase, pero nasa school ako.
Setyembre 19, 2023
Hindi naman ako excited sa online training, pero past 3, pabaling-baling na ako sa kama. Kaya, 4 am bumangon na lang ako. Balak ko sanang pumunta na lang sa school, gaya ng regular na araw, at sa biyahe na lang ako mag-join sa MS Teams. So kahit kulang sa tulog, naghanda na ako sa pag-alis. Past 5, umalis na ako sa bahay.
Mas excited ako sa paggawa ng educational innovation para sa ranking o teacher's award man sa hinaharap. Bago nga ako umalis, nag-Google ako kung ano ang maaaring gawin. Nakita kong maaaring gumawa ng audiobooks, reading materials, etc. Tutuklasin ko pa ang iba. At sisikapin kong magkaroon na nito sa lalong madaling panahon.
Quarter to 8, nasa classroom na ako ni Ma'am Joann. May gamit siyang speaker kaya dinig na dinig ang boses ng mga resource person. May palugaw at pakape pa siya sa akin.
Maagang natapos ang seminar, kaya nakaka-disappoint. Akala ko, hindi na ako makakapagklase. Mali ang sistema. Baka sa Huwebes, sa hotel pa kami magkagulo sa distribution of tasks. Hindi nasunod ang breakaway session na nasa matrix.
Naki-bonding ako sa aking mga ka-Tupa sa pag-lunch, bago ako humarap sa aking IV-Buko.
Hindi kami nagpalitan ng klase kasi nagpa-test kami ng TOFAS. Isa itong assessment test upang sukatin ang kaalaman ng mga bata sa mga basic mathematical operations.
Hindi ako masyadong na-high blood ngayong araw. Nakuha ko ang kiliti nila.
Setyembre 20, 2023
Nagmadali akong umalis sa bahay kasi naalala kong may launching pala kami ngayon ng project ni Mareng Janelyn-- ang RFMO. Mga 10 am iyon magsisimula, at may part ako roon. Kaya, kahit gusto kong makinig muna sa opening ng day 2 online seminar namin, hindi ko na nagawa. Nag-load na lang ako para sa biyahe na ako mag-join.
Mabuti, wala akong nakalimutang gawin at dalhin pag-alis ko sa bahay bago mag-8:30.
Nakarating naman ako on-time sa school. Hindi pa nagsimula ang program.
Sa part ko, naaliw ko ang mga manonood. Masasabi kong confident na akong humarap sa madla. Nagagawa ko pang magpatawa.
Wala nang online seminar, kaya nagklase pa rin ako. Itinuloy ko ang TOFAS habang nagpapa-Math activity ako.
Magulo, maingay, at makalat talaga ang Buko. Stressful. Mabuti na lang, may mga teknik ako. Hindi ko kailangang magpa-stress masyado.
Sa biyahe pauwi, hindi ako nakapagsulat. Umidlip ako. Ilang araw na rin kasi akong kulang sa tulog. Kahit paano, nakatulog ako.
Pagdating sa bahay, gutom na gutom ako, pero hindi ko na-enjoy ang pagkain ko kasi nagmadali ako. Kailangan ko pang mag-empake ng mga gamit para sa writeshop bukas.
Namalantsa ako after dinner. Then, nanood ng BQ. At bago ako nagpatay ng laptop at ilaw, nakagawa pa ako ng Reels.
Nahirapan akong matulog. Siguro mga 12 na rin ako nakatulog.
Setyembre 21, 2023
Two-thirty pa lang, nagising na ako. Nauna pa ako sa alarm. Okey lang. Ayaw ko namang ma-late. Six-thirty raw ay dapat nasa school na kami kasi makikisakay lang kami sa L300 ng ABES.
Past 5:30, nasa school na ako. Napaaga ako masyado. Umidlip pa nga ako nang kaunting minuto sa PITX. Ayos lang, at least hindi ako ang huli.
Eksaktong 6:30, sinundo na kami ng van ng ABES. At wala pang 8, nasa Axiaa Hotel na kami. Hindi agad nagsimula, kaya late na ang lunch. Tapos, ang haba pa ng pila.
Hindi naman halosnkami nakinig ni Ma'am Joann sa resource speakers kasi nagkukuwentuhan kami. Isa pa, narinig na naman ang mga iyon sa mga past writeshop namin.
Past 1, nag-check in na kami sa hotel. Wala akong kasama sa roon. Siguro hindi dumalo sa writeshop ang dapat ka-share ko sa room. Okey nga iyon para solo ko.
Past 2, nag-breakaway session na kami.
Nagulat kaming Kinder writers at master illustrators nang sabihin ni Ma'am Mina na kailangan naming makabuo ng 5 wordless books. Isasali raw niya sa national writing contest.
Pinag-aralan namin ang mechanics, saka nagsulat ang kasamahan ko. Kami ni Ma'am Joann ang taga-edit.
Past past 6, nasa pila na kami para sa dinner.
Past 7:30, nasa hotel room na ako. Nanood muna ako ng BQ, bago ako nag-draft ng kuwento para gawing wordless book.
Nine-thirty, sumuko na ang mga mata ko. Hindi ko na ipinagkait ang pagtulog nang maaga.
Setyembre 22, 2023
Alas-7 na ako bumangon. Nagmadali akong naligo at umalis para maaga akong makapag-almusal. Naroon na rin kasi sa venue ang mga kasamahan ko.
Nagbuga ng asupre ang Bulkang Taal ngayong araw, kaya sinuspende ang mga klase. Isa ang Pasay ang maagang nag-anunsiyo. Kaya naman, ngayong araw din ay makatatanggap kami ng service credit sa workshop.
After ng short program, bumalik na kami sa breakaway session. Tumulong ako sa pag-eedit ng mga kuwento ng kapwa ko writers sa workshop na iyon. Hanggang 12 lang kami roon. Nakapagpasa na ang lahat.
After lunch, nag-closing program na agad.
Past 2, nasundo na kami ng van ng ABES.
Past 3, nasa GES na kami. Sumabay ako kay Ma'am Wylene sa car niya hanggang Kawit. Nakisabay rin sina Ma'am Karen at Mareng Lorie.
Nang nakababa na ang dalawa, nagkuwentuhan kami ni Ma'am Wylene tungkol sa outstanding ratings Sa IPCRF ng mga katrabaho naming hindi naman deserving.
Past 5, nasa bahay na ako. Nakipagkuwentuhan muna ako sa mag-ina ko bago ako umakyat para mag-digital illustration. Wala na akong sasayanging oras. Kailangan kong matapos agad ito dahil gagawin ko pa ang illustrations ng kuwento ni Ma'am Joann.
Setyembre 23, 2023
Pagkatapos kong mag-almusal at pag-alis ng mag-ina ko, maghapon na akong nag-digital illustrate. Ligo at idlip lang ang pahinga ko. Before seven naman, namalengke ako at nag-grocery.
Before 10, dumating na ang mag-ina ko. Grabe! Saka lang ako tumigil sa paggawa. Alas-diyes na pala. Kaya pala malabo na ang paningin ko at naluluha na ang mga mata ko.
Setyembre 24, 2023
Maaga akong nagsimulang maglaba, kaya maaga rin akong natapos. Habang maglalaba nga ako, nakagawa pa ako ng ibang gawain, gaya ng gardening, paggawa ng video para sa Reels, at iba pa.
Umakyat agad ako pagkatapos kong maglaba para mai-print ko ang mga DLLS ko. Nang matapos, ang digital illustration naman ang hinarap ko.
Halos maghapon akong nag-illustrate. Hindi ako umidlip, I mean, nakaidlip. Ganito siguro kapag excited.
Malapit nang matapos ang Tokneneng ni Neneng. Tatlong pages ba lang ang i-illustrate ko.
Gabi, nag-chat ako kina Ma'am Mina at Ma'am Nhanie upang magpaalam na gawin silang reference. Pumayag naman agad sila. Nahingi ko na rin ang mga details nila. Bukas na ako mag-sesend ng application ko.
Setyembre 25, 2023
Before 6, gising na ako. Kahit gusto pang matulog ng katawan ko, pero ang isip ko ang tumanggi. Kailangan kong makapasok sa school bago mag-10:30 kasi shortened ang mga klase. Kainang Pamilyang Pilipino Mahalaga Day ngayon.
Seven-thirty, umalis na ako sa bahay. Nakaupo ako sa bus kaya nakapagsulat ako.
Ten-thirty, nasa klase na ako. Nagpanood lang ako ng mga videos sa Music at Arts, saka nagpa-activity. Parang ang tagal ng oras kasi wala na namang palitan. Mabuti na lang, may Values teacher na dunating, na galing sa Bethany Baptist Church. Nabawasan ng halos isang oras ang contact ko sa mga Buko.
Hindi ako masyadong na-stress. Kalmado naman sila kahit paano. Nakakatakot pa kasing magalit nang magalit. May mga magulang na hindi ko pa nakikita. Kailangang matuloy na ang parents-teacher assembly.
After class, hindi muna ako umuwi. Inayos ko muna nang kaunti ang classroom. Naglinis ako ng sahig dahil nangingitim na. Saka ako nagmeryenda. Past 4 na ako umuwi.
Past 6, nasa bahay na ako. Ang lungkot ng bahay kasi walang tao. Nasa school pa si Ion. Si Emily, umalis pala. Past 6:30 na siya dumating.
Bago ako nag-illustrate, nag-post muna ako sa GC ng Buko ng tungkol sa TOFAS. Then, gumawa ako ng Individual Development Plan. Isiningit ko ang panonood ng BQ, kaya past 9:45, pagod na ang mga mata ko. Isa't kalahating pages na lang ang ii-illustrate ko. Tapos, nawili pa ako sa pag-live ng bago kong alagang hermit crab na binili ko sa estudyante ko.
Setyembre 26, 2023
Maaga akong nagising. Hindi ko na pinilit matulog uli. Tinatawag na rin kasi ako ng banyo.
Pagkatapos mamalantsa, naghanda na ako ng almusal at gumawa ng Reels video. Siyempre, napakain ko na ang mga pets ko. At ang mahalaga kong nagawa, habang nagkakape, ay nakapag-enroll ako ng 20 plus na pupils sa LIS. Muntik ko na nang matapos, kundi lang mahirap ma-search ang mga learners. Kailangang may hawak akong LRN nila. Pero, mabuti pa ang dalawang transferees, na-enroll ko na.
Nasa bus na ako bandang 8:30 ng umaga. Gaya kahapon, nakaupo ako. Sinamantala ko ang pagkakataon para magsulat.
Pagdating sa school, may pa-blowout si Ate Bel dahil graduation ng pamangkin niya. Nakalibre ako ng lunch.
Eleven-thirty na ako nakadalo sa Math remedial. Iyon ang first time kong makadalo simula nang mag-launch kami.
Naging madali ang pagtuturo ko ngayong araw dahil nagpalitan kami ng klase. Less saway. Less stress sa Buko. Ang bilis ng oras kapag ganito.
Habang pauwi, nagsulat ako. Bago ako nakarating sa PITX, natapos ko na ang Chapter 69. Ready to be posted na.
Agad akong nag-dinner pagdating ko. Hindi muna ako nagpakain ng aking mga pets. Sarili muna.
Habang nanonood ng BQ, nag-record ako ng mga scores ng Mangga at Buko. Nagawa ko na sa school ang sa ibang section.
Nag-illustrate muna ako bago nagpatay ng wifi. Isang pahina na lang at ang cover ang gagawin ko. After nito, ang kuwento naman ni Ma'am Joann ang gagawin ko.
Setyembre 27, 2023
Ilang minuto ang lumipas pagkatapos ng 6:00, gising na ako. Sinikap kong bumangon kahit parang gusto ko pang matulog. Ganoon talaga. Maraming obligasyon, kaya hindi kailangang magpasarap sa buhay.
Habang nagkakape, nag-enroll ako ng learners sa LIS. Dalawa na lang ang hindi ko pa na-eenroll.
Bago ako naligo, gumawa muna ako ng Bato Gan video para sa aking Reels. Tungkol sa limang bagay na dapat itinatago sa sarili ang topic ko.
Bago mag-8:30, nasa bus na ako. Siyempre, nagsulat ako habang nasa biyahe.
Before 11, nasa achool na ako. Kakuwentuhan ko si Ms. Krizzy habang nag-iillustrate ako. Kahit paano ay nakatapos ako ng isang mukha ng lalaking stroke patient.
Eleven, pumunta ako sa remedial area..naroon ang mga Grade 4. Wala roon ang mga kaguro ko, kaya ako na ang nag-asikaso sa mga bata. Nawala sa loob ko na may meeting kami with Sir Jess, kaya nang dumating si Ma'am Joan, saka lang ako nakaalis. Very late na ako sa topic. Okey lang naman. Maiinis lang ako sa isang agenda--- HRPTA election na tinalo pa ang Comelec.
Hindi na ako nakapahturo aa Buko, pero nagawa ko sa ibang section. Nag-storytelling ako. Sa Mangga, nagpasaway sila nang kasisimula ko pa lang, kaya hindi ko binasa sa kanila. Nanghinayang ang mga nakapokus sa akin. Nagsermon muna ako, saka ako nagtawag para sila ang magkuwento o magsalaysay. Pagsasalaysay kasi ang aralin namin. Abaw! May mga napaiyak habang nagsalaysay. Natuwa akong bigla.
Pagdating sa bahay, pagod at gutom na gutom ako. Pero ayos lang, ganito talaga ang buhay-guro.
Pagkatapos kong kumain, nanood ako ng BQ. Isiningit ko ang paggawa ng bionote para sa 8Letters. Nai-send ko naman agad pagkahawa ko.
Then, nag-record ako ng mga activities, gumawa ng family reunification, at naghanda ng PPT. Hindi na ako nakapag-illustrate.
Setyembre 28, 2023
Bago mag-6, bumangon na ako para mamalantsa. Pumungas-pungas pa ang mga mata ko. Nakaka-miss matulog nang hanggang 8 am. Puwede naman kaya lang, magmamadali na ako niyan. Ayaw ko nang ganoon.
Bago ako nagluto ng almusal ko, gumawa muna ako ng Bato Gan video. Since nagawa ko na ang PPT kagabi, wala na akong ibang ginawa, bago nag-almusal, naligo, at umalis.
Wala pang 8:30, nakaupo na ako sa maluwag na bus. Natagalan pa nang kaunti sa Tejero upang makapagsakay pa. Okey lang naman dahil nagsusulat ako. Napakahaba pa ng oras.
Past 10, nasa school na ako. Nakapag-illustrate pa ako sa Guidance bago ako umakyat para maki-join sa Math remedial class.
Before 12, nag-lunch na kami.
Mabilis ang oras ngayong araw dahil nagpalitan kami ng klase. Nakakapagod lang pagtuturo sa maingay na environment, specifically ang Guyabano at Mangga classrooms.
Grabe ang traffic patungong PITX. Antagal kong nakatayo sa bus.
Almost 9 na akong nakarating sa bahay. Very late na rin tuloy ang dinner ko.
Pagkatapos kong mag-dinner, gumawa na ako ng PPT. Bale dalawa ang nagawa ko. Ang isa ay summative test.
Setyembre 29, 2023
Past 6 na ako nagising. Thanks, God! Mahaba-haba rin ang tulog ko kahit panay ang bangon ko para umihi.
Maaga ring bumangon si Emily, kaya siya na ang nagluto ng ulam, pagkatapos kong magsaing. Nakagawa pa ako ng Bato Gan video bago ako naligo.
Past 8:30, nasa bus na ako. Nagsulat ako siyempre.
Before 10, nasa PITX na ako. Nag-post ako ng ika-70 chapter ng nobela ko sa Wattpad. Winakasan ko na ito kasi POV naman ang isang character ang isusulat ko sa susunod.
Mga 11, nasa school na ako. Pagkatapos kong mag-time in, tumuloy na ako sa remedial area namin. Nagkuwentuhan kami ni Ma'am Joan doon. Wala naman pala kaming remedial day ngayon. Okey lang. Marami naman akong natutuhan at nai-share.
Wala kaming palitan ng klase ngayon. Every Friday, walang palitan, kaya nagsermon muna ako sa mga estudyante ko. Habang nagseermon, nagkukuwento. Then, ginulat ko sila dahil pinasulat ko sila ng 10 learnings mula sa aking mga sinabi. Iyon na ang aming pinaka-Homerooom Guidance.
Kanina sa klase, kahit maingay at magulo, hindi ako masyadong pagod at stress. Nakuha ko na naman ang teknik sa Buko. Unti-unti ko na silang nagagamay.
Nakatanggap ako ng Teacher's Day greeting card at sulat mula sa dating Buko. Very advance, pero nakakatuwa ang mga mensahe nila.
Past 8, nasa bahay na ako. Medyo maaga akong nakauwi ngayon. Pero parang ang bilis ng oras. Pagkatapos kong mag-dinner, nanood na ako ng BQ. Then, nag-record ng mga activities ng Buko. Namalayan ko, past 10 na. Hindi na naman ako nakapag-illustrate. May PTA meeting pa naman bukas.
Setyembre 30, 2023
Dahil alas-10 ay dapat nasa school na ako para sa General Assembly, gumising na ako nang maaga. Kahit pupungas-pungas pa, bumaba na ako para magkape. Habang nagkakape, naghanda ako ng mga agenda para sa HRPTA meeting. Nais kong maging masaya ang aking pagharap sa mga parents.
Alas-siyete, umalis na ako sa bahay. Past 9, nasa school na ako.
Maagang nagsimila ang general assembly, at hindi rin gaanong nagtagal, kaya wala pang 11, nasimulan ko na namin homeroom PTA meeting. Kaya lang, wala pang kalahati ang dumating. Gayunpaman, tinuloy ko iyon. Ginawa kong good vibes ang pagharap ko sa kanila. Kaya naman, as expected, hinangaan nila ako at na-inspire ko sila. Naluha pa ako nang magkuwento ang isang nanay na gusto ako ng anak niya. May mga parents din na nagsabing kilala ako ng pamangkin o anak nila bilang magaling at mabait na guro. Nagplano naman ang mga HRPTA officers ko ng donation nila at surprise sa akin kahit ayaw ko ng regalo at ambagan.
Nakakataba ng puso ang tuwa sa kanilang mga labi nang makilala nila ako at ang aking misyon, adbolasiya, at pangarap para sa kanilang mga anak, kahit sa maikling panahong pagkikita.
Past 12 na kami natapos kasi may mga parents na nagpaiwan at nakipagkuwentuhan pa sa akin.
Nag-bonding kami ni Ma'am Edith sa Guidance habang naghihintay kina Ma'am Mel at Papang. Sasama raw sila sa Laguna.
Wala along ideya kung anong gagawin sa Laguna. Mag-swiswimming pala-- overnight. Hindi ako nagtanong kay Ma'am Edith kagabi nang i-chat niya ako. "Sige" lang ang sagot ko. Okey lang naman.
Past 4, nasa biyahe na kami patunging Indigo Bay sa Calamba, Laguna. Sa JesB Resort talaga kami pupunta-- sa resort ng kapatid ni Ma'am Edith.
Five-thirty, naroon na kami. Kahanga-hamga ang resort na iyon. Ang ganda! Hindi ako nanghinayang sa pagsama ko. Hindi pa nakaka-out-of-place.
Pagkatapos kumain, nabigyan na kami room. Ang ganda rin ng room at restroom. Shala!
Nagkuwentuhan kami sa kuwarto, tapos bumaba na naman para kumain. Pagbaba uli namin ay naligo na kami. Mga 12 na yata kami umahon. Nagkape lang kami,.saka umakyat na.
Hindi rin naman agad kami nakatulog agad. Bukod sa maingay ang karaoke sa ibang resort, sobrang lamig pa. Walang kumot. Tanging jacket, pantalon, at medyas ang proteksiyon ko. Tapos, nanonood pa ng volleyball sa cell phone si Ma'am Edith, naririnig ko. Okey lang. Kahit paano, may 2 o 3 oras akong tulog.
No comments:
Post a Comment