Followers

Saturday, May 18, 2024

Bakit Kaya?

 

 Beast mode ka na naman, kaibigan. Bakit ba?

Nayayamot ka ba dahil kaibigan mo'y may iba na? 

Naiinis ka ba tuwing siya'y nakangiti at tumatawa? 

Nakaismid ka kapag barkada niya ang kasama? 

Nalulungkot ka ba kapag sila ay masaya? 

Naaasar ka ba kapag hindi ka nila niyaya? 

Nabubuwisit ka ba kasi parang 'di mo na siya kilala? 

Selos lang 'yan! ‘Di naman siya nagbago talaga. 

Natuto lang siya na malayo ka sa tabi niya. 

Tanungin iyong sarili, kung naging mabuti ka ba.  

Kung hindi, tama lamang na layuan ka niya. 

 Walang forever, but change is inevitable, 'ika nga. 

Magbago ka't huwag magtatampo sa kanya.  

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...