Followers

Saturday, May 11, 2024

Alter Ego: Utang na Loob

"Kayo na lang po, Yaya Melly ang tatayo bilang magulang ko sa graduation. Okay lang po ba?" Tanong ko "Kayo na lang po, Yaya Melly ang tatayo bilang magulang ko sa graduation. Okay lang po ba?" tanong ni Paul sa yaya ko na kasama na niya sa loob ng labing-anim na tao. Tumigil sa pagsubo si Yaya Melly. Ngumiti siya. "Natutuwa akong malaman na ako ang napili mo. Sige, Paul. Salamat!" "Ako nga po ang dapat magpasalamat sa inyo dahil kung wala kayo baka napariwara na po ako. Salamat po, kayo na po ang tumayong magulang ko simula ng maulila ako." Nginitian niya ang yaya, gaya ng dati. "Walang anuman. Malaki ang utang na loob ko sa Daddy at Mommy mo. Tumatanaw lang ako ngayon sa kanilang mga kabutihan." "Si Daddy, kahit pala nagbago siya nang mamatay si Mommy, ay may nagawa palang maganda para kay Yaya Melly. Natutuwa ako. Naniniwala akong mabuting tao si Daddy." Naisaloob ni Paul. "Kung nabubuhay lang sana sila.." wika niya. Bigla siyang nalungkot. Naisip kasi niya na mas masaya sana ang high school graduation niya kung kasama niya ang mga magulang sa pagtanggap ng diploma. "Oo. Sigurado akong masayang-masaya sila ngayon dahil sa kabila ng pagkawala nila ay hindi ka nagpabaya." "Opo. Iyon po kasi ang pangako ko sa kanila." Sumubo na siya ng pagkain at sandaling naputol ang kanilang usapan. "Saan ka nga pala magkokolehiyo?" Binuksan uli ni Yay Melly ang usapan. Sandaling nag-isip si Paul. "Dito na lang po. Iyon po kasi ang usapan namin ni Rayson." "Naku, hindi pa pala nasabi sa'yo ng anak ko?" "Ang ano po?" "Na..nakapasa siya sa PMA. Sa Mayo ay.." Biglang nag-iba ang timpla ng mukha ni Paul. Naibagsak nga niya ang kutsara at tinidor. "Sabi niya kahapon, dito lang siya magka-college para sabay kami. Bakit po ganun?" "Hindi pa masabi sa'yo ng best friend.mo. Nahihiya siya sa'yo. Pasensiya ka na. Matagal na niya kasing pangarap na maging sundalo. Thankful nga siya sa Daddy at Mommy mo dahil nakatapos siya ng pag-aaral sa sekondarya noong nakaraang taon dahil sa pinasiyal na tulong nila sa anak ko." "Hindi naman po iyon ang point ko, e." Medyo umalsa ang boses ni Paul. Noon lamang siya umasta ng ganun sa kanyang yaya. "Paul, ako na ang humihingi ng tawad para kay Rayson. Di niya kasi masabi sa'yo." Walang salita na lumabas sa bibig ni Paul, nang tumayo siya at lumayo sa dining area. Naiwan si Yaya Melly. Nalulungkot sa yaya niya na kasama na niya sa loob ng labing-anim na taon na. Tumigil sa pagsubo si Yaya Melly. Ngumiti siya. "Natutuwa akong malaman na ako ang napili mo. Sige, Paul. Salamat!" "Ako nga po ang dapat magpasalamat sa inyo dahil kung wala kayo baka napariwara na po ako. Salamat po, kayo na po ang tumayong magulang ko simula ng maulila ako." Nginitian niya ang yaya, gaya ng dati. "Walang anuman. Malaki ang utang na loob ko sa Daddy at Mommy mo. Tumatanaw lang ako ngayon sa kanilang mga kabutihan." "Si Daddy, kahit pala nagbago siya nang mamatay si Mommy, ay may nagawa palang maganda para kay Yaya Melly. Natutuwa ako. Naniniwala akong mabuting tao si Daddy." Naisaloob ni Paul. "Kung nabubuhay lang sana sila.." wika niya. Bigla siyang nalungkot. Naisip kasi niya na mas masaya sana ang high school graduation niya kung kasama niya ang mga magulang sa pagtanggap ng diploma. "Oo. Sigurado akong masayang-masaya sila ngayon dahil sa kabila ng pagkawala nila ay hindi ka nagpabaya." "Opo. Iyon po kasi ang pangako ko sa kanila." Sumubo na siya ng pagkain at sandaling naputol ang kanilang usapan. "Saan ka nga pala magkokolehiyo?" Binuksan uli ni Yaya Melly ang usapan. Sandaling nag-isip si Paul. "Dito na lang po. Iyon po kasi ang usapan namin ni Rayson." "Naku, hindi pa pala nasabi sa'yo ng anak ko?" "Ang ano po?" "Na..nakapasa siya sa PMA. Sa Mayo ay.." Biglang nag-iba ang timpla ng mukha ni Paul. Naibagsak nga niya ang kutsara at tinidor. "Sabi niya kahapon, dito lang siya magka-college para sabay kami. Bakit po ganun?" "Hindi pa masabi sa'yo ng best friend mo. Nahihiya siya sa'yo. Pasensiya ka na. Matagal na niya kasing pangarap na maging sundalo. Thankful nga siya sa Daddy at Mommy mo dahil nakatapos siya ng pag-aaral sa sekondarya noong nakaraang taon dahil sa pinasiyal na tulong nila sa anak ko." "Hindi naman po iyon ang point ko, e." Medyo umalsa ang boses ni Paul. Noon lamang siya umasta ng ganun sa kanyang yaya. "Paul, ako na ang humihingi ng tawad para kay Rayson. Di niya kasi masabi sa'yo." Walang salita na lumabas sa bibig ni Paul, nang tumayo siya at lumayo sa dining area. Naiwan si Yaya Melly. Nalulungkot.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...