Followers

Saturday, May 18, 2024

Ano Ba Talaga?

 

Kapag nanalo, magaling raw siya.

Kapag natalo, nadaya raw siya.

 

Kapag mainit, nagrereklamo.

Kapag malamig, nagrereklamo.

 

Bubuksan ang aircon magdamag,

Pero magkukumot naman agad. 

 

Magtitimpla ng mainit na kape

Pero hihintaying lumamig nang kaunti.

 

Hindi nag-lunch, diet daw siya, 

Pero ang sasarap ng dinner niya.

 

Ang hilig niyang mag-hashtag OOTD.

Suot naman niya lagi ay uniporme.

 

Sa beach, nagpapa-tan daw siya,

Dati naman talaga siyang negrita.

 

Hindi raw siya grade conscious,

Pero nagtanong kung ilang points.

 

Sabi ng jeepney driver, may isa pa.

Pagsakay ko, mga baboy, nauna na.

 

Mabait lang daw, OK ng maging asawa.

Huwag ka, guwapo pala ang hanap niya.

 

Wala raw siyang kahilig-hilig sa tsismis,

Pero kilala niya ang may ibang misis.

 

Very strict daw ang mga parents niya,

Pero sa kalsada, nagpapaligaw siya.

 

Maka-Diyos daw siya at relihiyosa,

Pero ang lutong niyang magmura.

 

Siya raw ay purong Pilipino,

Pero imported ang paborito.

 

Kapag nakasakit ng kapwa, ang bait.

Kapag nasaktan ng kapwa, ang sungit.

 

Hay, naku! Ano ba talaga?

Paki-explain nga.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...