Followers

Thursday, May 9, 2024

Ang Aking Journal -- Oktubre 2023

 Oktubre 1, 2023

Alas-6, bumangon na kami. Nauna akong gumamit ng banyo. Past 7:30, nag-aalmusal na kami. At alas-8, bumiyahe na kami pauwi.

Nagkuwentuhan kami habang nasa biyahe. Kaya lang, para kay bilis naming nakarating sa Pasay. Bitin ang kuwentuhan at tawanan. Gayunpaman, na-enpower na ako sa naging gala at overnight namin. Nakaka-inspire nang bumalik sa klase.

Past 10, nasa bahay na ako. Sobrang antok ko, kaya pagkatapos makipagkuwentuhan sa mag-ina ko, nahiga muna ako. Past 12 n ako bumaba para kumain. Natulog uli ako pagkatapos mag-lunch. Kahit paano ay nanumbalik ang lakas ko. Nakatulog naman kahit sobrang init.

Habang nagkakape, nag-digital illustrate ako. Gabi ko na natapos ang kuwentong 'Kwek-Kwek.' Dating 'Tokneneng ni Neneng' ang title nito. Mabuti na pang nalaman ko sa mga estudyante ko. Ang una kong research kasi ang pinaniwalaan kong ang tokneneng ang itlog ng pugo na nilagyan ng orange na harina.

Bago ako nag-dinner, gumawa naman ako ng isang Tiktok at Reels video.

Maaga akong nagpatay ng internet at natulog.

Oktubre 2, 2023

Masarap sanang matulog kasi umulan at umaambon pa paggising ko bandang 5 am, kaya lang kailangang pumasok. Walang rason para tamarin ako.

Past 8, umalis na ako sa bahay. Umaasa akong maganda uli ang pakikitungo ko, hindi lang sa Buko, kundi sa lahat ng section. Ang palagi kong dasal ay ang maayos na pagtuturo, pagdidisiplina, at pakikisama.

Nagsulat ako habang nasa biyahe. Kahit paano ay mahaba-haba rin ang naisulat ko bago ako nakarating sa school.

Nauna akong nakarating sa remedial area. Naabutan ko pa ang mga batang nire-remedial ni Ma'am Edith.

Napag-summative test lang ako sa mga klase ko sa Filipino. Naging maayos naman ang lahat, maliban sa pag-blackout. Pumutok pala ang linya sa construction site, kaya hindi pa nga nakokolekta ang mga papel ng Mangga, nagpulasan na kami kasi may sunog daw.

Naibaba na ni Sir Hermie ang Buko. Ako naman ay umakyat pa sa classroom para kunin ang naiwang gamit ko.

Then, sa baba, binatayan konang mga naiwang Buko na hindi pa nasundo. Grabe! Nakakakaba kasi baka may masaktang bata o kaya ay hindi makauwii dahil sa kaguluhan.

Wala pang 6:30, umuwi na kami kasi wala namang kuryente sa school. Hindi na kami nakabalik sa classroom para maglinis.

Blessing-in-disguise naman ang pangyayari dahil gusto ko talagang makauwi nang maaga. Bumiyahe si Emily pa-Aklan, kaya si Ion lang ang nasa bahay na aabutan.

Past 8, nasa bahay na ako. Nagsasaing pa lang si Ion. Pero, nakabili na siya ng ulam. Napakaresponsable naman pala ang anak ko kapag wala ang nanay.

Pagkatapos mag-dinner, gumawa ako ng PPT para bukas. Sinimplehan ko lang kasi kulang na sa oras.

Maaga akong natulog--- mga past 10.

Oktubre 3, 2023

Past 6, gising na ako upang alamin kung may class suspension. Dahil wala naman, bumaba na ako upang maghanda.

Habang nagkakape, nagrekord ako ng summative test score ng Pinya. Nag-edit din ako ng tulang pasalaysay ng isang estudyante. May potential siya. Sana nga lang ay siya talaga ang sumulat niyon.

Quarter to nine, nasa bus na ako-- nagsusulat. Almost done na nang makarating ako sa PITX. Sa school na ako nag-post sa Wattpad.

Sa Math remedial, hindi muna ako nagturo sa mga bata. Gumawa muna ako ng minutes of the meeting. Natapos ko naman. Ang enclosure na lang ang ilalagay ko. Kailangan kong piktyuran ang attendance sheet.

Maayos na sana ang pagtuturo ko sa lahat ng section, maliban sa Mangga. Hindi ko na talaga kayang palampasin, kaya tumahimik ako. Sinermunan sila ng kanilang class president habang tahimik ako. Bago naman ako lumabas, pina-realize ko sa kanila ang kanilang kamalian.

Kahit ang Buko, pasaway rin maghapon. Bago ako nagpa-recess ay nanermon ako. At bago mag-uwian, tumahimik ako. At ako ang nagwalis. Sabi ko, "Tandaan ninyo ang araw na ito." Nag-decide din akong umabsent bukas. Ayaw kong tumanggap ng kaplastikan na regalo. Hindi nila masusuklian ang serbisyo ko.

Sa biyahe pauwi, nagsulat ako ng Chapter 2 ng bagong book ko sa Wattpad. Magaganda kasi ang feedback ng readers ko. Excited na sila sa mga susunod na pangyayari.

Naputol naman ang pagsusulat ko nang isang dalaga ang sumigaw ng "May manyak dito! Nasaan ang konduktor?" Hinahawakan daw ng lalaki ang suso niya. Sinubukang lumayo ang lalaki, ngunit agad itong naharang ng pasahero. Sa Zeus, pinahuli sa mga pulis ang manyak. Naawa ako sa biktima. Nanginginig ito at umiiyak. Naawa rin ako sa perpetrator dahil tiyak akong magdurusa ito.

After dinner, nag-chat si Ma'am Mina. Nais niyang may entry kami sa Category 6 ng National Storybook Writing Contest. Tinanong niya ako kung puwede ang mga gawa ng bata. Kaya, agad kung ni-review ang gawa ni Althea. Ni-review ko rin ang memo. Pasok nga! Ipinaalam ko iyon kay Ma'am Joann upang siya na ang magsabi kay Thea at siya na ang maging writing coach nito.

Bago ako natulog, may kaunting na-accomplish ako tungkol sa entry. Bukas, aalamin ko ang learning competency ng akda ni Thea, since required itong ilagay sa manuscript.

Oktubre 4, 2023

Past 6, gumising ako para alamin kung suspended ang mga klase dahil sa ulan. Nabigo ako. Sayang, hindi matatakpan ang pag-absent ko.

Naghanda ako ng almusal para sa amin ni Zillion bago ako umalis para bumili ng laptop charger.

Sa Robinson's Tejero ako unang pumunta. Nagtanong ako sa Octagon, pero wala raw silang tinda. Anong klaseng tindahan?! Haist! Napilitan tuloy akong pumunta sa MOA. Sigurado akong makakabili na ako roon. Dati nga sa Harrison Plaza, nakabili ako. Sayang, wala na ito.

Past 11, nasa MOA na ako. Agad akong pumunta sa Octagon. Aguy! Wala rin silang charger. Kaya sinamahan ako ng isang agent sa isang store. Doon, hinanapan ako ng charger. Mga gago lang sila. Gusto pa akong tagain sa presyo. Worth P2,700 daw. Kako, P1000 lang ang alam kong presyo. Binabaan nila ng P1,000. Hindi pa rin ako kumuha. Sabi ko, iyon lang talaga ang budget ko. Kaya humanap pa ako ng iba.

Kinakabahan ako nang makahanap ako ng isa pang store. Ginawan na naman kasi niya ng paraan para mahanapan ako ng Acer laptop charger.

Okey na raw kasi umiilaw na. Kako, 'Di ba dapat pula?" Akala niya hindi ko alam. Kaya hayun, may dalawa raw akong problema. May problema pa raw ang motherboard. Bigyan ko raw siya ng 3 hours para maayos. Hindi ako nagpa-repair kasi P3,500 din. Bibili pa ng charger, although P1,000 lang sa kaniya, malaki pa rin ang gagastusin ko.

Nalungkot ako nang sobra. Gusto ko pa sanang ipa-second opinion. At gusto ko sanang pumunta pa sa Gilmore para ipaayos.

Nasa sakayan na ako patungong PITX nang maisip kong bumili na lang ng cell phone na worth P5,000 to P6,000. Sigurado kasi akong malulungkot si Zillion kapag umuwi akong hindi na talaga magagamit ang laptop.

Naalala ko ang sinabi ng salesman sa Octagon na tumingin sa.laptop at charger ko. Aniya, "Quota na 'to." Tama naman siya. Sulit na rin ang serbisyo ng laptop ko. June 2020 ko pa iyon binili. Nagamit nang husto habang may pandemic. Tanggap ko na.

Bumalik ako sa MOA at bumili ng OPPO A17k. Worth P5,999 lang. Okey na rin naman para kay Ion.

Masaya akong umuwi. Magtitipid na lang ako at magdadagdag ng income para matakpan ang gastos ko sa bagong cell phone niya. At least, may sarili na siyang gadget. Hindi na sila mag-aaway ni Emily. Sana lang maging responsable siya.

Past 1:30, nasa bahay na ako. Pinalungkot ko muna si Zillion bago ko inilabas ang bago niyang cell phone. Muntik nang umiyak.

Natulog ako pagkatapos kong mag-late lunch. Mga alas-4 na ako nagising.

Pagkatapos magmeryenda, humarap na ako sa laptop. Nanood ako ng BQ episode kahapon, nag-edit ng akda, nag-illustrate, naglagay ng voiceover sa PPT, naghanda ng entry para sa 8Letters, gumawa ng Reels, at marami pang iba.

After dinner, pinanood ko ang video recording ng 8Letters. Orientation iyon. Nice to be part of the anthology. Nakaka-excite.

Oktubre 5, 2023

Kahit malamig at masarap matulog, hindi pa rin ako pinagbigyan ng mga mata ko. Nagising talaga ako bandang 6:30. Okey lang naman kasi maaga pa nang natulog ako kagabi.

Habang nagpapainit ng tubig na pangkape, dinalaw ko ang garden ko. Malumot na ang semento kaya kapag umaraw ay magkukuskos ako niyon. Nagwalis lang ako, bago nagprito ng itlog para sa sliced bread.

Alas-8, pagkatapos kong mag-send ng asynchronous learning activity sa Buko, bumili ako ng niyog na panggata sa santol.

Pagdating ko, inihanda ko lang ang mga sangkap. Maaga pa naman kaya hindi muna ako nagluto. Sa halip ay tinawag ko si Zillion. Nag-brush kami ng mga lumot sa garden.

Nakagawa ako ng isang vlog ngayong araw. Ginamit ko ang PPT ko noong isang araw, gayundin ang kuwentong 'Kwek-Kwek.'

After lunch, nagpagupit ako ng buhok. Gustong-gusto ko talaga ang gupit sa suki kong barber shop. Lesbian ang gumugupit sa akin.

In between ng panonood ng movie, natulog ako. Five o' clock na ako nagmeryenda.

Gabi, nag-illustrate ako. Tina-try ko ang bagong estilo. Parang ang hirap. Matagal din bago makatapos ng isang figure. Baka hindi ko ituloy ang nasimulan ko.

Bago ako natulog, nag-post ako ng isang digital illustration at tula ko tungkol sa guro at Teachers' Day.

Oktubre 6, 2023

Alas-4, tumunog na ang alarm ko. Bumangon na agad ako upang maghanda sa pag-alis. Gusto kong makarating sa Pasay nang maaga. Kailangan ko pang pumunta sa school para kunin ang WTD celebration shirt ko, na ibinigay lang noong Miyerkoles, kung kailan absent ako.

Past 5, nasa bus na ako. Nagsulat agad ako.

Past 6, nasa PITX na ako. Medyo napaaga ako, pero okey lang. Nagsulat pa rin naman ako kahit nasa dyip.

Past 7, nasa school na ako. Naisuot ko na amg uniform. Agad din akong umalis at pumunta sa Cuneta Astrodome.

Wala pang 7:30, naroon na ako. Naabutan kong nagkukiwentuhan sina Ma'am Joan R at Ma'am Dang. Nagkuwentuhan kami habang naghihintay ng mga kasamahan. Pumila na rin kami.

Pasg 8, binuksan na ang gate. Nakatanggap kami ng freebies. Worth it naman kasi may cooking oil.

Ang dami sanang prizes, pero ni isa ay wala akong napanalunan. Mabuti pa ang mag kaguro ko, nakatanggap ng P1000 each. Okey lang naman. Ganoon talaga. Isa pa, may good news naman akong nalaman-- out na pala ang anthology book na kinabilangan ko sa 8Letters. Ang An 8Letters HappyEverAfter Collection-- Ikaw at Ako sa Huling Pahina.

Before 2, tapos na ang celebration. Umuwi na agad ako. Past 3 ako nakauwi. Nagutom ako, kaya nanginain ako. Ininit ko ko ang ginataaang santol. Pinartner ko sa pipino at tocino.

After meryenda, gumawa na ako ng DLP na pang CO. Sa October 11 na ako magpapa-observe.

Nakagawa na rin ako ng digital illustration para sa gagawin kong storyboard. Ang tulang "Ako'y Isang Pulubi" ang gagamitin ko.

Oktubre 7, 2023

Nasa banyo ako nang tumawag na si Kuya Natz. Akala ko, hindi kami tuloy kaya hindi ako bumangon nang maaga.

Nagbihis lang ako, saka umalis na ako. Siyempre, ginising ko si Ion at iniwanan ng pera.

Sa Nusa Dua kami pumunta mabilis lang kami doon. Gusto ko sanang maligo sa pool, kaso may baptismal palang magaganap doon. Kinain lang namin doon ang palabok na dala niya. Binili lang din niya sa kapitbahay niya.

Next stop is pumunta kami sa loteng nabili niya sa Navarro, GenTri. Mabilis lang din kami doon. Nagtagal talaga kami sa bahay niya. Nagkape kami sa rooftop niya. Maganda na roon. Ang sarap tumambay. Marami-rami ring kaming napagkuwentuhan, kahit habang nakamotor kami. Binigyan niya ako ng cutting ng sea hibiscus, ng buto ng curry, at seedling ng badyang. Kaya nang hinatid niya ako sa bahay, binigyan ko rin siya ng newly-propagated lemon lime rubber tree, ng aloe vera seedling, at silver satin pothos cuttings.

Dahil past 11:30 na ako dumating, active na active pa ako. Nagpalit ako ng tubig ng isang aquarium. Nilinis ko rin ang tanke ng hermit crabs. Then, naglaba ako. Habang naglalaba, nilinis ko naman ang kulungan ng mga land snails ko. Nakapagwalis din ako sa garden.

After maglaba, nagpahinga lang ako nang kaunti, saka ako naligo. Umidlip din ako nang inantok ako. Hindi ko nga natapos ang pinanonood kong movie.

Hindi naman yata ako nakatulog, kaya bumangon na lang ako nagsimulang gumawa ng PPT ng CO 1 ko.

Past 9:30, almost done na ako. Pinupulido ko na lang. Matagal ding gawin ang game-based parts.

Oktubre 8, 2023

Alas-7:30 na ako nagising. After 30 minutes, saka lang ako bumangon para maghanda ng almusal. Kaya, mga nine na kami nakapag-almusal.

Habang nagpapatunaw ng kinain, tinapos ko na ang PPT ko para sa class observation. Nakagawa rin ako ng Reels at nakapag-post sa Wattpad at Blogsite.

Then, naglinis ako sa garden. Inipon ko ang mga lupa, mula sa pinabulok kong mga paleta. Pagkatapos niyon, naghugas na ako ng mag pinagkainan. Nainis ako kay Ion kasi wala na namang kusa. Kagabi pa ang ibang hugasan. At nang naglilinis na ako ng sahig sa kusina, napansin kong marami siyang labahan, kaya inutusan ko siyang maglaba. Panahon na upang matuto siyang maglaba.

Quarter to 11, tapos na akong maglinis ng sahig sa sala at kusina. Nagpahinga muna ako sa kuwarto.

Pagkatapos maligo at kumain, gumawa ako ng vlog mula sa PPT na ginamit ko last week sa Filipino 4. Bago mag-2:30, uploaded na sa YT.

After meryenda, nag-illustrate naman ako ng kalabaw. Nakagawa rin ako ng unggoy bago mag-10 pm. Nangusina kasi ako kaya dalawa lang ang nagawa ko. Tapos, inintindi ko pa ang tungkol sa Category 6 ng National Storybook Writing Contest na sasalihan ni Althea G. Hinikayat ko si Ma'am Joann na makapagpalit ng story dahil hindi pasok ang kuwentong "Si Lira."

Oktubre 9, 2023

Hindi maayos ang tulog ko magdamag. Bukod sa may mga langgam, na panay kagat sa akin, andami ko pang panaginip na parang totoong pangyayari. Haist! Ganito ako tuwing Lunes-- kulang sa tulog.

Pagkatapos, wala pang six am, gising na ako. Nagbanyo lang ako, saka namalantsa na ako.

Pagkatapos kong gumawa ng tipaklong video, lumabas ako para bumili ng almusal. Tulog pa kasi ang senyorito ko. Sliced bread at macaroni salad ang nabili ko.

Past 8, umalis na ako sa bahay. Maikli lang ang naisulat ko sa bus kasi nakaupo ako kung saan may mga nakatayong pasahero. Sa PITX na lang ako nagsulat, bandang 9:20 am.

Wala pang 11, nasa school na ako. Nag-Math remedial kami. Wala ako sa mood, kaya para lang akong nakalutang.

Dahil absent si Ma'am Ivy, naiba ang schedule ng mga klase. Pinaikli ang contact time sa bawat section upang bago mag-recess ay nakapag-ikot na kami sa lahat ng subject. Past 4 na kami nakapag-recess. Pagod na pagod na rin ang lalamunan ko.

Ang pang-CO ang itinuro ko. Grabe! Hindi kakayanin ng isang araw iyon. Ni hindi ko nga nakalahati kanina.

Nag-chat kami ni Ma'am Joann tungkol sa kuwentong kasusulat lang ni Thea. Ipinayo kong i-enhance namin iyon sa pamamagitan ng pagdadagdag ng mga literary devices.

Past 10:30, nagpatay na ako ng wifi. Sobrang antok ko na.

Oktubre 10, 2023

Maganda-maganda na ang tulog ko kagabi. In fact, almost 6:30 na ako nagising.

Pagkatapos, mamalantsa, bumaba na ako para magkape. Habang nagkakape, binasa ko uli ang memo ng national writing contest. Napag-alaman kong hindi pala ako makakapag-entry ngayon kasi kailangan ng illustration sa Category 1. Inaral ko naman ang competency na sakop ng 'Hindi Ako Mahal ni Mama,' pero walang akma para dito. Kaya, pass muna ngayon. Titingnan ko naman mamayang gabi kung puwede kong maisali ang 'Kwek-Kwek' sa Category 3. Ngayong araw ang deadline, kaya sana umabot pa.

Past 8:45, nasa bus na ako--nagsusulat. Plano kong mag-post ng Chapter 3 sa nobela ko.

Bago mag-10:30, nai-post ko na sa Wattpad ang Chapter 3 ng nobela ko. Nakapag-reply na rin ako sa mga comments at tanong ng mga avid reader-followers ko. Nakaka-inspire magsulat dahil sa kanila at magandang feedback.

Nag-Math remedial kami. So far, nagiging maayos na ito. Medyo sikip lang kami sa area namin lalo na kung pumasok lahat ang mga bata.

Nagpalitan kami ng klase kaya ang bilis ng oras. Hindi rin stressful ang mga bata ngayon. Sana palaging ganoon.

Pagdating ng hapon o after recess, hindi na kami nagpalitan. Nagturo na lang uli ako sa Buko. Good thing, lumipat si Sir Hermie kaya nakapag-record ako ng mga scores sa activity.

Wala pang 8:30 nasa bahay na ako. Mabilis ang biyahe, pero siyempre nakakapagod. Twelve hours akong wala sa bahay. Apat na oras o mahigit pa akong nasa biyahe. Six hours naman ang teaching hours. Haist! Life is challenging.

After dinner at habang nanonood (nakikinig) sa BQ, inihanda ko ang ipapada kong illustrations ng Kwek-Kwek sa LRMDS. Past 10:45, submitted ko na ito. Bahala na kung isasali ni Ma'am Mina sa contest o hindi. Ang mahalaga, nakapagpasa ako.

Oktubre 11, 2023

Parang hindi na naman ako nakatulog nang mahimbing. Andami kong panaginip na realistic. Pero ayos lang, ang mahalaga ay isang paggising na na naman ang biyaya sa akin.

Past 6:30 nga ay bumangon na ako para magplantsa. Seven na ako nakababa para naman maghanda ng almusal. Habang nagsasaing, nag-isip ako ng gagawing video. Ang Bato Gan video sana ang gagawin ko, kaya lang wala akong maisip na ideya para sa script niyon. Sa halip, ang tulang gagamitin ko mamaya sa observation ang ginawa kong mp4. Tamang-tama dahil nalagyan ko na iyon kagabi ng.voiceover.

Past 8:30, umalis na ako sa bahay. Nagsulat ako habang nasa biyahe. Kahit paano ay mahaba-haba ang naisulat ko. Kaunti na lang ay isang chapter na uli.

Sa school, dumating ako bago mag-11. Kahit may class observation ako, hindi na ako nag-abala pa. Ready na ako.

Nang dumating ang 12:10, agad akong in-observe ni Sir Jess. Sa tingin ko, nagawa ko naman nang maayos-- hindi lang basta maayos. Nagulat nga ako dahil may mga nakapagsulat ng tula, batay sa itinuro ko.

Ipinagpatuloy ko ang pagtuturo at mga activities kahit umalis na siya bago ang group work.

Hindi uli ako na-stress maghapon. Nakipagkulitan pa nga ako sa mga estudyante. Kaya, umuwi akong masaya.

Kumain agad ako pagdating ko kasi sa bus pa lang, kumakalam na ang sikmura ko. Pagkatapos kumain, nanood na ako ng BQ. Actually, nakinig lang. Nag-edit kasi ako ng mga chapters ng nobela ko. May hinahanap akong detalye tungkol sa isa sa mga characters kaya kailangan kong magbasa uli. Diretso edit na.

Past 10, nagsulat at nakapag-post ako ng Chapter bago matulog.

Oktubre 12, 2023

Past 6, gising na ako. Kahit paano ay mahimbing ang tulog ko, hindi kagaya kagabi. Thank you, God!

Wala akong ibang ginawa maliban sa pamamalantsa ng mga uniporme namin ni Ion, pagwalis sa garden, paglaga ng itlog, at pagpakain sa mga alaga. Hindi ako nagbukas ng laptop. Hindi ako gumawa ng video para sa Tiktok at Reels.

Bago mag-8:30, umalis na ako sa bahay. Nagsulat ako sa biyahe.

Muntik naman akong abutan sa biyahe ng pag-alburuto ng sikmura ko. Mabuti, nakaabot ako sa school.

Twice akong nagbanyo ngayong araw sa school. Ang pangalawa ay habang nasa klase ako ng Guyabano.

After recess, hindi na kami nagpalitan ng klase, kaya hirap na hirap na naman ako sa mga ugaling ng Buko. Muntik na akong ma-highblood.

Mainit ang ulo ko pag-uwi ko. Mabuti, hindi ko napagalitan si Zillion.

Past 11:30 na ako natulog kasi nag-edit pa ako ng akda ni Thea na dapat maipasa bukas. Deadline na bukas.

Oktubre 13, 2023

Wala pang 6, nagising na ako. Sinubukan kong matulog uli. Haist! Hindi na yata ako nakatulog. Past 6, bumangon na ako.

Habang nag-iinit ng tubig, naghugas ako ng mga pinagkainan kahapon at kagabi. Nag-init na rin ako ng mga tira-tirang ulam para may almusal kami.

Inaliw ko naman ang sarili ko sa garden habang nagkakape. Kailangang maging positive ako ngayong araw. TGIF!

Before 9, nagsusulat na ako sa bus. Sinisikap kong matapos ang Chapter 5 ngayong araw. Kahut paano, nang makarating ako sa school, almost ready na. Isang upuan na lang ay mapo-post na.

Nakipaghuntahan ako sa aking mga kaTupa sa Guidance bago mag-lunch time. May magulang pang nagbigay ng pansit, kaya nakakain pa ako.

Since Friday ngayon, wala kaming palitan ng klase. Sumubok akong magpabasa para sa PhilIRI, pero nakita ko ang flaws nito. Hindi nga akma ang mga tanong sa babasahing seleksiyon. Isa pa, hindi talaga makabasa ang dalawa sa una kong pinabasa. Kaya, paano sila makakasagot sa tanong, na sila mismo ang magbabasa? Itinigil ko. Nagturo na lang ako.

Hindi ako masyadong stress ngayon. Panay ang sermon ko kanina habang nagtuturo ako ng pagsulat ng talatang pasalaysay o pagsulat ng diary. Nakapagturo rin ako sa ESP at Health.

Wala pang 8:30, nasa bahay na ako-- nagdi-dinner. Agad akong umakyat pagkatapos kumain para manood ng BQ. Hindi ko napanood ang episode kagabi kaya 2 episodes ngayon ang pinanood ko.

Nagsulat naman ako para sa Wattpad. Umidlip ako sa bus nang pauwi na kaya hindi ko natapos ang Chapter 5. Good thing, bago ako natulog, ay natapos ko na. Posted na iyon before 11:30.

Oktubre 14, 2023

Maaga pa rin akong nagising. Hindi ko talaga nagawang matulog up-to-sawa.

Nagpalit ako ng mga tubig ng isang aquarium, naglinis ng mga tangke ng mgga alaga kong isda, hermit crabs, at snails, saka ako nagpokus sa paggawa ng PPT para sa Lunes at sa mga susunod na araw. Maghapon akong gumawa. Hanggang gabi, gumagawa pa ako.

Twelve na ako natulog kasi nag-edit pa ako ng nobela ko sa Wattpad.

Oktubre 15, 2023

Maaga ulit akong nagising. Pero past 7 na ako bumangon para maglaba. Habang nagkakape, nagsimula na akong magsahod ng tubig sa washing machine. At habang kumakain, nasa harap na ako ng laptop. Kaya, quarter to nine, tapos na akong magsampay. Nakapag-record na akong ng mga activities. Nakapag-encode ng tula ng bata. At nakapagkuskos ng lumot sa garden. Nakapagwalis na rin.

Maghapon akong nasa sala. Gumawa ako ng vlog mula sa bahagi ng Powerpoint kong ginawa kahapon. Then, ipinagpatuloy ko ang pagggawa ng isa pang PPT para sa dalawang araw. Hindi ako nakaidlip. Nag-edit din ako sa Wattpad. At sa gabi, bago ako lumabas para bumili ng ulam, nagawan ko na ng design ang mga tulang naisulat ng mga estudyante ko. May maipo-post na naman ako sa KAMAGFIL. Sigurado akong matutuwa ang mga napili at ang mga magulang nila.

Before 10, umakyat na ako. Nanood ako ng pelikula.

Oktubre 16, 2023

Dahil walang pasok ngayon-- asynchronous lang ang klase, sinikap kong makatulog nang mahaba-haba. Hindi naman ako nabigo. Seven-thirty na ako nagising. Nabitin pa nga ako. Past 8 naman kami nakapag-almusal. Okey lang, maaga pa naman.

Wuarter to 10, marami na akong nagawa. Nakapag-send na ako ng gawain ng mga Buko. Nakapagwalis sa garden. At nakapaghanda at nakapag-email ng entry sa Circles Mag 4.0 ng 8Letters. Sana mapili uli ang akda ko. Hinikayat ko rin si Ma'am Joann na magpasa.

After kong mag-dinner, nag-edit ako sa Wattpad. Nang inantok ako, umidlip ako. Hindi naman ako nakatulog, pero ayos lang dahil naipahinga ko ang mga mata ko at kamay ko. Ipinagpatuloy ako ang pag-edit habang tumatanggap sa GC at DM ng mga submissions ng outputs at pictures. Maaga rin akong nakapagpasa ng MOV.

Gabi, habang nanonood ng balita, sinimulan kong sumulat ng artikulo tungkol sa pagsulat ng diary. Nasimulan ko rin agad ang paggawa nvg PPT. Kailangan ko pa ng isang araw para matapos ko.

Oktubre 17, 2023

Kahit nabitin ako sa long weekend, pinilit ko ang sarili ko na simulan ang araw nang masigla, kaya bumangon ako bandang 6:20. Bago ako bumaba, namalansta muna ako ng mga uniporme namin ni Ion.

Habang nagkakape at naghahanda ng almusal, nag-edit ako sa Wattpad. Naaadik ako sa editing ng nobela ko.

Quarter to nine, nasa bus na ako-- nagsusulat. Kailangan kong makasulat ng Chapter 6 para sa mga nag-aabang na reader-followers.

Nang makarating ako sa school bago mag-11, mahigit kalahati na ng isang chapter ang naisulat ko. Isang biyahe pa, makakapag-post na ako ng ikaanim na chapter.

Nakipagkuwentuhan ako kay ms. Krizzy sa library habang naghihintay ng 11. Past 11 na nga lang ako nakarating sa Math remedial area. At hindi pa nagtagal, nag-lunch na kami. Ang bilis ng oras.

Ang bilis din ng oras sa bawat klase. Palibhasa, nagpalitan kami.

Na-enjoy ko naman ang lahat ng klase. Maganda kasi ang story ang inihanda ko para sa kanila. Walang pasaway masyado. Sama palaging ganoon.

Sa biyahe pauwi, nagsulat ako nang nagsulat. Tinapos ko talaga bago ako nakababa sa bus. Kaya pagdating sa bahay, posting na lang.

Past 8, nakauwi na ako sa bahay. Kararating lang din ni Ion, kasi magsasaing pa lang siya. Past 9 na tuloy ako nakakain.

Habang nanonood ng BQ, nag-eedit ako ng nobela sa Wattpad.

Past 10, umakyat na ako kasi inaantok na ako. Marami na rin aking na-edit na chapters kaya okey na 'yon.

Oktubre 18, 2023

Wala pang 6, gising na ako dahil sa panaginip ko. Tumawid kami ni Mama sa kalsadang may lampas-baywang na baha. Muntikan nang mabasa ang backpack ko. May kinalaman ang panaginip na iyon sa suiseki. Parang malapit ang kalsada sa ilog. May malaki, pero magandang bato akong iniwan dahil sobrang bigat. Isang maliit na spherical na bato lang ang dinala ko. Haist! Nakaka-miss mag-rockhounding.

Kakaunti lang ang na-edit ko sa Wattpad kasi nagdilig ako ng mga halaman at nakipagharutan kay Herming. Gusto ko kasi sanang gumawa ng video para sa Reels, pero wala akong maisip na magandang ideya.

Past 8:20, umalis na ako sa bahay. Nagsulat ako sa biyahe. Bago ako makarating sa school, nasa 6000 plus characters na anag naisusulat ko. Kalahating chapter na ito or nasa 1000 words.

Past 10:30, nasa school na ako. Naki-bonding muna uli ako kay Ms. Krizzy bago ako umakyat sa sa Math remedial area.

Ngatong araw, napakabilis ng oras. Siyempre, dahil nagpalitan kami ng klase. Naging maayos din ang pagtuturo ko. Marami ang natuto. Marami ang na-inspire. Alam ko. Ramdam ko. Sana palaging ganoon.

Masaya akong umuwi. Pagod man, hindi ko masyadong ramdam.

Sa bus, nagsulat ako. Sinikap kong makasulat hanggang 10,000 characters. Nagawa ko naman bago ako bumaba. Naisip kong kaunti na lang ang idadagdag ko bago ko i-post sa WP.

Nagsasaing pa si Ion nang dumating ako, kaya nag-edit muna ako at nanood ng BQ. Nakaka-hook pala talaga ang nobela ko. Kaya pala, marami ang nakasubaybay.

Oktubre 19, 2023

Almost 6:30 na ako nagising. Pangalawang tulog ko na iyon. Nagising kasi ako bandang 4:45 am.

Bago ako bumaba, pinalantsa ko muna ang mga uniporme namin ni Ion. Saka ako naghanda ng almusal. Habang nagkakape, editing sa Wattpad naman ang ginawa ko. Nakapageekord pa ako ng mga papel ng mga estudyante.

Quarter to 9, nagsusulat na ako. Maluwag ang bus, kaya nakaupo ako.

Tulad kahapon, 5000+ characters na ang naisulat ko bago ako sumakay ng dyip, mula sa PITX.

Mapalad ako ngayong araw. Una, nilibre ako ng ulam ni Kapitana Tubo. Iyon ang ikalawang libre niya sa akin. Last time, birthday niya raw.

Pangalawa, dinalaw ako ng mga estudyante ko--sina Gannie at Shan. Hindi sila magka-batch. Nakinig at nag-observe sila sa discussion namin. Sa tuwa ni Gannie, namigay pa ito ng mga papremyo, lalo na't nakita niya akong namimigay ng stars. Tuwang-tuwa ang Buko. Ang lalakas ng boses kapag nagbabasa. Panay ang sagot nila.

Nagpalitan kami ng klase hanggang recess kahit absent si Ma'am Joan. Ang bilis uli ng mga pangyayari.

Matagal naman ang oras pagkatapos ng recess. Pero dahil nagpa-activity ako, naging active uli ang mga bata.

Past 8, nasa biyahe na ako. Ang bilis ng biyahe. Hindi ko nga natapos ang sinusulat ko.

Nanood muna ako ng BQ at nag-record ng mga scores ng pupils ko, saka ako nag-edit. At bandang 10 pm, itinuloy ko ang pagsusulat. Kaunti na lang naman ang idaragdag ko.

Bago ako natulog, nai-post ko na sa Wattpad ang Chapter 8.

Oktubre 20, 2023

Naisip kong um-absent ngayong araw. Ang bigat ng katawan kong bumangon. Parang gusto ko na lang munang matulog hanggang uminit sa kuwarto. Kaya lang, tinalo ang katamaran ko ng kasipagan ko. Napagtanto kong Friday na rin naman, bakit hindi pa ako aabsent. Isa pa, wala na ngang pasok noong Lunes.

Hayun, bumangon ako bandang 6:30. Naglinis sa garden. Nagdilig nang kaunti habang nagpapainit ng tubig. At habang nag-eedit sa Wattpad, naisingit ko ang pagsaing at pagluto ng ulam.

Ginising ko si Ion bago ako umalis kahapon kasi nasa kuwarto siya nang umalis ako. Nalaman ko kay Emily, hindi raw nakapasok dahil may sakit pa rin. Alalang-alala ang ina.

Alas-9, nasa bus na ako. Sa may bintana uli ako nakaupo, kaya malaya akong makapagsulat. Walang makakasilip sa cell phone ko.

Eleven to twelve, sa Guidance ako tumambay at nakisalo sa lunch sa Grade 2 teachers. Nakapag-edit pa ako roon ng mga chapters ko sa Wattpad.

Wala kaming palitan ng klase, pero si Sir Joel, pumasok sa klase ko, after Filipino period. Pumasok din si Sir Hermie sa last period bago ang cleaning time. Kahit paano, marami ang natutuhan sa akin ng Buko. Kasama na ang disiplina at life lessons.

Grabe lang ang natuklasan namin. May nawalang pera at stars ang mga bata, sa period ng Science natuklasan na ang kagagawan ay isang tao lang. Hindi ko maisip kung paano niya iyon nagawa, lalo na ang stars. Sinadya niya. Kung ang pera ay maaaring nahulog lang, ang mga stars na reward ko sa kanila ay nakuha npa niya. Parang professional. Tindi!

Past 8:30 na ako nakauwi. Nagpa-Cash pa kasi ako at nag-grocery nang kaunti.

Late na ang dinner namin ni Ion. Nagsasaing pa siya nang dumating ako. Late na rin ako nakapanood ng BQ.

Oktubre 21, 2023

Dahil sa ulan, magdamag yata akong gising. Haru, Diyos ko! Kung kailan malamig, saka ako nahirapang matulog. Panay tuloy isip at plano ko. Okey lang naman dahil worth it naman.

Six-thirty, tinapos kong isulat ang Chapter 9 ng Wattpad novel ko. Nai-post ko rin ito agad, saka ako bumaba para mag-almusal. Andami kong gustong gawin ngayon sa laptop, about writing. Hindi rin kasi ako agad makakapaglaba ngayong araw.

Pagkatapos mag-almusal at mangusina, humarap na ako sa laptop upang makagawa ng makabuluhang gawain. Ipinagpatuloy ko ang paggawa ng vlog tungkol sa diary. Nag-edit din ako ng nobela sa Wattpad.

Hapon, bandang alas-dos, pinagbigyan ko ang mga mata ko. Ang sarap matulog. Past 4 na ako nagising. Mga past 5 na ako bumaba para magkape.

Habang nanonood ng balita, tinapos ko na ang vlog. Bago mag-7 pm, nakapag-upload na ako sa Youtube. Nag-edit naman ako ng periodic test ko sa Filipino 4. Ready na ako sa submission.

Bago ako umakyat, bandang 10:30, nakatapos akong gumawa ng PPT ng Red Diary ko. Nakapag--illustrate din ako ng isang figure para doon.

Oktubre 22, 2023

Past 7 na ako nagising. Ang sarap matulog dahil malamig ang panahon.

Naglaba agad ako pagkatapos magkape at magtinapay. Mabilis lang akong natapos kahit nilabhan ko rin ang mga damit ni Ion.

Pagkatapos na pagkatapos kong maglaba, naglinis naman ako sa sala. Ipinalinis at ipinaayos ko naman kay Ion ang book shelf habang naglilinis ako sa kusina, hagdan, at kuwarto ko. Gumanda, umaliwalas, at bumango ang sala namin. Kay sarap nang tumambay.

Habang naghihintay na i-deliver ang ulam, gumawa ako ng PPT ng Panghalip, na gagamitin ko bukas. Sinikap kong matapos ko iyon kaya kahit antok na antok na ako, sinige ko pa. Sinubukan ko namang umidlip sa sofa pero hindi naman ako makatulog dahil sa ingay ng mga politiko at sa lamok na makulit.

Gabi, bago ako lumabas para bumili nh ulam, natapos ko na ang PPT para bukas. Nadugtungan ko pa nga PPT na sinimulan ko kagabi.

Bago at pagkatapos mag-dinner, editing naman ang ginawa ko. Extended iyon hanggang past 10. Grabe, 100 plus chapters na ang na-edit ko simula noong isang araw. Kayang-kaya kong matapos ang buong isang book hanggang sa Undas.

Oktubre 23, 2023

Wala pang 8:45, nakasakay na ako sa bus. Siyempre, naihanda ko na ang almusal ni Ion. Naipagplansta ko na rin siya ng kaniyang polo.

Pumuwesto ako sa may bintana para malaya akong makapagsulat. Chapter 10 na ang isusulat ko ngayon.

Pagdating sa school, agad akong isinama ni Ma'am Joan sa mga classrooms namin sa new building. Lilipat na raw kami ngayong araw.

Nag-bonding muna kaming Tupa group sa Guidance habang nagla-lunch. Nilutuan kami ng mommy ni Ms. Krizzy ng adobong paa ng manok.

After naman ng Values Education class mula sa Bethany Baptist Church, naglipat na kami. Nagpatawag ako ng mga parents. Mabuti, may dumating na mga tatay at nanay. Malaking tulong talaga sila. Napabilis ang paglipat namin mula sa old building 3rd floor patungo sa new building 4th floor. Ang iingay lang ng mga bata. Gayunpaman, nakaraos kami maghapon. Nakita kong masama sila sa bago naming classhome. Hindi pa lahat nahakot ang gamit sa kabila at hindi pa masyadong nalinis, pero okey na. Makakapagsimula na ng klase bukas. Magigng maayos na ang palitan ng klase.

Hindi na naman daw pumasok si Zillion kasi masakit ang ulo. Ito namang si Emily, ginagamit iyon para makahingi sa akin ng pang-airplane pauwi. Sinusuwerteng nilalang. Binigyan ko na ng pocket money nang papunta siya, pati ba naman pabalik, ako pa ang sasagot? Hindi ko naman inutos sa kaniya na umuwi siya. Masyado naman yata akong agrabyado. Sobrang bait ko na ba para abusuhin? Tsk-tsk!

Nagsulat ako sa biyahe pauwi. Halos natapos ko na ang isang chapter. Dinagdagan ko iyon habang nanonood ng BQ. Kaya nakapag-post na ako.

Oktubre 24, 2023

Puro paghahanda sa pagpasok ang nagawa ko bago ako nakaalis. Nakapag-edit lang ako ng isang chapter sa Wattpad at nakapag-reply ako sa mga comments sa post ko kagabi.

Before 9, nagsusulat na ako sa bus. Dahil lowbat na ang cell phone ko, hindi ako nakapagsulat nang mahaba.

Sa school, hindi rin ako makapagsulat, una, dahil nag-charge ako, at pangalawa, maraming tao sa Guidance-Library. Okey lang naman.

Pangalawang araw namin sa new classroom. Hindi kami nagpalitan dahil periodic test na namin bukas. Isa pa, busy si Sir Alberto. Kaya naman, kay tagal ng oras. Ang hirap mag-isip kung ano ang ituturo. Mabuti na lang, ready ang PPT ko.

Nakaka-highblood nang uwian na dahil marami ang pabida. Nagbasa ba naman ng sahig, habang may nagwawalis. Aguy! Parang walang mga bahay na nililinis. Ipinakita ko rin sa kanila ang tamang pagwawalis.

Sa bahay, pagdating ko, nasermunan ko si Ion. Nakita ko pa kasi sa table ang pritony itlog na almusal kanina. Ang chicken lang ang kinain niya. Grabe! Lagi na lang ganoon.

After manood ng BQ, saka ako nag-edit sa Wattpad. Pero nakapag-send na rin ako ng resume sa Instabright Publication. Naghahanap sila ng authors para sa Matatag Curriculum. Nagamit ko rin ang resume na inihanda ko para sa Pinagpala Publishing. Noong una sa Pinagpala, discouraged ako kasi may hinihingi silang pera. Ngayon, wala na sa Instabright. May royalty pa nga akong matatanggap kung sakaling mapili. Sana mapili ako.

Oktubre 25, 2023

Alas-9:45 na ako nakaalis sa bahay. Okey lang, hindi naman ako nagmamadali. Isa pa, periodic test naman namin ngayon. Ang mahalaga, nakapagpasa ako ng Phil-Iri report at nakapag-input ng ID card details ng Buko. Isa na lang ang kulang ko. Ang tigas ng ulo at mukha ng parent na iyon. Nasa GC naman, pero ayaw mag-comply. Siguro, hindi rin makabasa gaya ng anak niya. Haist!

Before 11, nasa school na ako. Maaga kaming nag-lunch. Hindi ako nataranta sa pasukan, hindi gaya kahapon. Naiwan ko nga ajg baunan ko.

Unang araw ng periodic test. Haru, Diyos ko! Nadiakybre ko ang kahinaan ng Buko. Hindi talafa sila marunong makinig at sumunod sa panuto. Pinaliwanag ko na lahat ng gagawin. Isinulat ko pa, pero mali-mali pa rin sila. Pinaulit ko ang test. Binasa ko ang mga tanong at choices. Kulang na lang isubo ko sa kanila. May isa roon na lutang. Hindi talaga nakasunod kahit anong gawin ko. Napagsasalitaan ko lang ng hindi maganda. Siya rin ang hindi pa nagpapasa ng ID details. Slow. Very slow. Hindi talaga makabasa.

Grabe ang pagpapasaway ng Buko kahit may test na. Kinailangan ko pa silang pagalitan, bago tumigil.

Mabuti na lang maraming biyaya dumating ngayong araw. Sa PITX, nakatanggap ako ng free samples ng 3 Dove Body Wash at 2 Ceeamsilk condition er. Sa school, may parent na nagbigay ng mga prutas. Isang box. Hati-hati kaming anim na guro. Siguro, worth P300 din ang napunta sa akin. May malaking melon na binigay sa akin si Ma'am Joan, since pupil niya ang nagbigay. Si Sir Joel naman, nagbigay rin ng spagheti, lumpia, at rice and chicken ng MCDo. Birthday ng pupil niya. Busog na busog ako. Hindi ko na nakain ang isa pang suman ko. Mabuti, may bumili.

Thank you, God!

Pagdating ko, ni-chop ko na ang malaking melon. Malapit nang mabulok. Ni-cube ko ang kalahati at nilagay sa freezer. Nilagay ko rin ang kalahati pang hindi pa nabalatan at na-cube.

Nanood muna ako ng BQ, saka ako nagsulat. Hindi ko natapos sa biyahe kanina ang Chapter 11. Before 10:30, posted na iyon sa WP.

Oktubre 26, 2023

Bago ako pumasok, naihanda ko na ang almusal ni Ion. Nakapagwalis na ako sa garden. Nakapagpakain ng mga isda. At nakapag-edit ng tatlong chapters sa Wattpad.

Nakapagsulat ako sa biyahe. Masakit lang sa kamay at sa utak. Kinailangan ko rin mag-research.

Naging maayos naman ang ikalawang araw ng periodic test. Hindi sila.masyadong maingay at pasaway. Nagawan ko ng paraan upang maging behave sila.

Past 5, wala na sila sa classroom. Shortened ang klase hanggang bukas. Required naman kaming mga guro na mag-stay hanggang sa normal dismissal time.

Naglinis ako sa classroom bago ako nakipag-bonding sa mga kaguro ko. Naghintay kami hanggang 6:30.

Bandang 9, tapos na kaming mag-dinner ni Ion. Nakapaghugas na rin ako ng mga pinagkainan. Nanood na ako ng Batang Quiapo.

Before 11, natapos ko na ang Chapter 12. Nai-post ko na rin sa Wattpad.

Oktubre 27, 2023

Nagising ako sa panaginip tungkol sa walis.

May isang estudyanteng nagpakita sa akin ng walis. Sabi nito, " Sir, one-sided na rin po, o." Nakita ko ang bagong-bagong walis tambo na parang sirain upang maging luma at patapon.

Pagkabangon ko, agad akong maglabas ng mga pagkain mula sa ref. Nag-init-init lang ako ng mga leftover. Itlog lang ang prinito ko. May lumpia shanghai pa kasi, at may dalawang klase ng adobo.

Bago mag-alas-nuwebe, nagsusulat na ako sa loob bus. Umaasa akong makakapag-post ako ng isa pang chapter mamayang gabi.

Past 11, nasa school na ako. Dumiretso ako sa ICT room kasi alam kong naroon ang mga kaTupa ko. Nandoon nga, pero may LAC session pala sila. Gusto ko sanang tumambay kahit nagsi-session sila pero anisip kong mali. Pumunta na lang ako sa classroom ko. Mabuti, wala na roon ang roommate ko.

Doon, nagbasa ako tungkol sa novella. Sasali ako sa pakontes ng 8Letters. Maganda ang offer nila sa mga mapipili.

Sa Buko classroom na rin ako nag-lunch. Wala akong kasalo ngayong araw. Okey lang naman.

Nagpatsek ako ng mga answer sheets sa Filipino 4. Natapos namin bago mag-recess. Naging maayos naman iyon.

Five o' clock uli ang uwian ng mga bata. Inihatid ko lang sila sa ibaba, tapos umakyat na ako para maglinis. Nakapag-record na rin ako ng scores sa Filipino. Isang section na lang ang hindi ko nai-record.

Past 6 na ako bumaba. Naroon sa ground floor ang mga kasamahan ko. Naghintay kami ng 6:30.

Sobrang traffic na ngayon. Antagal ko sa bus, na patungong PITX. Nakatayo pa naman ako. Siksikan pa.

Quarter to nine na ako dumating sa bahay. Okey lang dahil simula na bukas ng mahabang 'long weekend."'

Past 12 na nga ako natulog dahil pagkatapos manood ng BQ at mag-edir, nagsulat pa ako para matapos na ang Chapter 13. Nagawa ko naman agad.

Oktubre 28, 2023

Past 7 na ako bumaba. Parang kulang ako sa tulog,.pero ayos lang.

Paglatapso mag-almusal, naglinis ako sa garden. Nagtabas ako ng blue ternate vine na nasa labas. Nakakaabala na kasi sa mga dumaraan. Masukal na rin uli ang garden ko, kaya kapag may time, uunti-untiin ko.

Maghapon akong nag-edit sa Wattpad. Kung hindi lang ako dumalo sa online orientation ng Project Numero, baka mas marami akong na-edit.

Before 10 pm, huminto na ako sa editing, kasi inaantok na ako.

Oktubre 29, 2023

Naglalaba na ako bandang alas-otso. Kailangang agahan para marami akong matapos na gawain.

Past 9, tapos na akong maglaba. Saka lang kami nag-almusal ng kanin ni Ion. May mga nagawa na rin akong iba sa garden.

Quarter to ten, humarap na ako sa laptop. Editing uli ang ginawa ko. Naisingit ko ang pagsasaing, pagligo, paghugas ng mga pinagkainan, at panonood ng documentary.

Past 2, nang matapos kong eedit ang Chapter 150, sumulat naman ako para sa isa pang novel. Nasa Chapter 14 na ako niyon.

Maghapon uli akong nag-stay sa sala. Nag-edit. Umidlip. Nagsulat. Gabi na ako nakapag-post ng isang chapter. Pagkatapos, editing uli ang ginawa. Nanood rin ako ng balita at isa pang documentary.

Niyaya ako ni Ma'am Edith na mag-swimming sa beach sa Olongapo sa November 1, kasama uli si Ma'am Mel. Noong una, ayaw ko kasi walang kasama si Ion, pero nang malaman kung uwian lang, pumayag na ako.

Oktubre 30, 2023

Past 7 na ako bumaba para simulan ang araw. BSKE ngayon. Hindi naman ako bumuboto, kaya sa bahay lang uli ako maghapon.

Magpalit muna ako ng tubig ng isang aquarium. Nilinis ko rin ang tangke ng mga hermit crabs ko. Pagkatapos, humarap na ako sa laptop upang gumawa ng activity para sa asynchronous learning bukas. Sa Googls Forms ako gumawa. Past 10 am, okey na. Naipasubok ko pa kay Ion ang gawa ko, kaya soguradon akong hindi magkakaproblema bukas.

Maghapon uli akong nag-edit, at kahit gabi, habang nanonood ng balita ag BQ, editing ang ginawa ko. Nais ko nang matapos eedit ang book 1.

Mga 9:30 pm, nasa Chapter 184 na ako. Kaunti na lang matatapos na. Hooked na hooked na rin ako sa sarili kong akda at sa mga characters.

Oktubre 31, 2023

Past 7 na ako bumaba para mag-send sa GC ng link ng Google Form. Asynchronous learning kami ngayon.

Maghapon uli akong nag-edit sa Wattpad. Natapos ko na ang Book 1 at nasimulan na ang Book 2.

Mga past 1, pumunta ako sa Robinson's para bumili ng bag. Bukod sa kailangab ko bukas sa outing namin nina Ma'am Edith, kailangan ko rin sa pagpasok araw-araw.

Manjaru ang tatak ng binili ko. Naka-thirty percent less ako. Sale sila, kaya bumili pa ako ng isa para kay Ion. Naisip kong iyon na lang ang regalo ko sa Pasko.


No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...