Followers
Saturday, May 11, 2024
Alter Ego: Luha
"Ray, huwag ka munang uuwi. Bantayan mo si Senyorito." utos ng yaya ni Paul sa anak habang tinatapos ang mga hugasin.
"Pero, 'Nay.." Kakamot-kamot ang anak sa kanyang ulo. Ayaw niyang magbantay kay Paul. Ni minsan hindi siya nagpagabi sa bahay nila. Natatakot siya. Kahit pilitin niyang paniwalain ang sarili niya na walang kakambal na kamalasan si Paul, hindi niya maiwasang maisip ang mga nangyari sa pamilya niya.
"Ayan ka na naman, e." Nagtaas ng boses ang ina. "...May sakit ang amo natin, nilalagnat. Alangan namang iwanan nating pareho! E sino'ng magbabantay?!"
"Oo na po!" Lumayo na si Paul sa ina. Umakyat siya upang tingnan si Paul sa kuwarto nito.
Himbing na himbing si Paul sa paningin ni Rayson subalit pinikit lamang niya ang kanyang mga mata nang maramdaman niyang may papasok.
Hinipo ni Rayson ang noo at leeg ng kaibigan. "Ang init mo pa rin.." Hinagilap niya ang bimpo upang basain at ipatong sa noo ng ni Paul. Ginawa niya ito ng tatlong beses, bago nagsalitang muli. "Magpagaling ka na, Paul'' bulong niya. "...Gusto ko kasing ikaw ang maghatid sa akin sa terminal sa pagpunta ko sa Maynila sa Mayo trese."
Gumalaw si Paul at ibinaling niya ang kanyang pisngi sa kaliwa kung saan hindi makikita ni Rayson ang nangingilid niyang mga luha. Itinuloy naman ng kaibigan ang pagdampi-dampi ng tinuping face towel sa kanyang noo.
Bahagyang bumaba ang temperatura ni Paul. Natuwa siya. Pero, hindi pa siya makakauwi. Tanggap na niyang sa unang pagkakataon ay matutulog siya sa bahay ni Paul.
"Una na ako, Rayson." paalam ng ina niya pero hindi pa naman agad umalis. Pumasok pa siya upang hipuin ang noo ni Paul. "O, ayan! Bumaba na ang lagnat niya. Mamaya, pwede ka nang matulog.." Nakita niya ang plangganita. "Palitan mo na ito. Maitim na, o!" Inabot niya na ito sa anak, saka umalis. ''Bahala ka na kay Paul! Pakisabi... ikaw na lang ang pinagbantay ko."
Hindi kumibo ang anak. Maya-maya ay bumaba siya, dala ang plangganita upang palitan ang tubig dito.
Nakuyom ni Paul ang mga kamao niya pero di nagtagal nanghina siya't tuluyang tumulo ang mga luha ng kanyang kalungkutan at galit.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment