Followers

Saturday, May 11, 2024

Alter Ego: Pangarap

Hindi alam ni Rayson na mas nauna pa si Paul na nakasakay sa bus bago siya dumating. Hindi rin niya napansin o nakilala ang kaibigan dahil nakasuot ito ng itim na hoodie at shades. Sa loob ng dose oras na biyahe, nagawa ni Paul na ikubli ang sarili sa kaibigan. Madilim na nang makarating sila sa bus terminal. Dahil first time ni Rayson sa Manila, nakita ni Paul kung paano ito magtanong-tanong. Ang hula niya'y hinahanap niya ang terminal ng bus na patungong Baguio City. Nilalandas ni Rayson ang bawat direksiyong itinuturo sa kanya ng mga napagtatanungan habang nakasunod naman sa malayo si Rayson. Ingat na ingat siyang hindi makita o maramdaman man lang ng kaibigan. Sa isang carinderia, huminto si Rayson. Matagal-tagal din siyang nag-isip ng uulamin. Panay ang tanong at turo niya sa mga ulam. Ang hula ni Paul ay naghahanap siya ng mura o kaya'y humihingi ng diskuwento sa tindera. Maya-maya, nag-order na siya at nagbayad. Habang kumakain ang amigo, sinamantala ni Rayson ang pagkakataon. Naglakad-lakad siya. May tila hinahanap. Ilang sandali pa, kausap na niya ang isang hindi mapagkakatiwalaang lalaki. Isinama rin niya ito sa karinderya at palihim na inginuso si Rayson. Nagsenyasan sila. Isang ngiting-aso ang nasilayan sa mukha ni Paul habang sinusundan si Rayson ng kinausap niyang lalaki. Naisip niyang maya-maya lang ay ibibigay na sa kanya ang bag, kapalit ng napagkasunduang halaga. Doon sa karinderyang kinainan ni Rayson, umorder siya ng kape. "Paalam sa pangarap mo, Rayson!" piping sambit ni Paul pagkatapos humigop ng kape.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...