Followers

Thursday, May 9, 2024

Ang Aking Journal -- Disyembre 2023

 Disyembre 1, 2023

Maaga naman akong nag-off ng wifi kagabi, pero late na ako dinalaw ng antok. Nakakabuwisit kasi ang aso ng kapitbahay. Tahol nang tahol kahit wala namang dahilan. Ang tagal nitong tumahol. Nakakabuwisit din ang may-ari, hindi man lang sinaway. Kung kailan maaga akong gigising, saka naman ako napuyat.

Kaya, kahit parang katutulog ko lang at kahit aandap-andap pa ang mga mata ko, bumangon na ako para maghanda sa pag-alis. May program sa school ng bandang 9:30. Magpi-perform ang pupil ko, kaya kailangan kong agahan ang pagpasok.

Habang nagkakape, nagsulat muna ako. Kahit paano, mahaba-haba na rin ang naisulat ko.

Wala pang nine, nasa school pa ako. Naabutan ko pa ang investiture ng mga kab scouts. Tumambay muna ako sa isang room na may malakas na wifi. Past 9, bumaba na ako sa bulwagan upang abangan ang pupil kong magtutula.

Antagal kong naghintay, pero ang bilis lang din ng perdormance niya. Nakalimutan pa. Aguy, parang nagsisi pa tuloy akong siya ang napili ko. Sabagay, kulang na kulang talaga sa praktis. Kahit nga ang mga sumayaw at kumanta, walang kabuhay-buhay. Katuwaan lang talaga. For MOV's sake.

Past 11 na kami natapos. Andami kaming technical problems.

Sunod, faculty meeting. Ni-present ng faculty president ang by-laws. Pinagkasunduan naman ang bawat section. In-edit na rin namin.

Paat 1, nasa classroom na ako. Kinuha rin ang mga boy scouts after 10 minutes para sa investiture. Nagpa-activity ako sa pupils na naiwan.

Nakaraos na naman sa isang linggong pasok. Umalis agad ako sa school. Pero pagdating sa PITX, may mini-concert ang My Ex-Girlfriend. Nanood ako. Ang gaganda naman ng mga kanta nila, kahit ang revival ng "Bituing Walang Ningning."

Fifth anniversary pala ng PITX. naroon ang Love Radio. Naghahagis ng mga shirts. Hindi man lang ako nakasalo. Peeo, natuwa ako sa mga nag-host na DJs.

Pagdating aa bahay, kumain agad ako para manood ng BQ.

Nagsulat ako after BQ at bago natulog bandang past 11. Nakapag-post ako ng isang chapter.

Disyembre 2, 2023

Dahil walang NUMERO ngayon, nakatulog ako nang mahaba-haba. Salamat sa Pasay Day! Mga 7:45 am na ako nagising. At past 8 ako bumangon.

Pagkatapos mag-almusal, nagdilig muna ako ng mga halaman, saka ako nag-record ng mga quizzes ng Grade 4. May ginawa pa akong iba bago ako nag-assemble ng aming Christmas tree, habang nasa palengke si Emily.

Siya ang nagluto, kaya nakapagsimula akong gumawa ng PPT, gamit ang kuwentong pambata ni Sir Genaro na Makinang Makinang.

After lunch, nanood kami ng movie. Hindi ko naman natapos kasi nakatulog ako sa sofa.

Gabi ko na natapos ang paglalagay ng voiceover sa vlog. Nai-post ko rin naman agad, kaya nakapanood na ako ng balita.

Aguy! May Walking Pneumonia na sa China. Nangangamoy face shield na naman.

After dinner, nagsulat ako ng article tungkol aa pagsulat ng kolum (pitak) o column writing.

Past 9, umakyat na ako. Hindi ko natapos ang pagsusulat. Binigyan ko ng panahon ang pagbabasa sa anthology book kong "Ikaw at Ako sa Huling Pahina."

Past 10, nabasa ko na ang isang love story sa aming anthology. Maganda ang story concept niyon at hindi tradisyonal ang writing style, pero maraming technicality issues, gaya ng paggamit ng ng at nang. Haist! Bakit hindi dumaan sa editing and proofreading?

Disyembre 3, 2023

Nagbabad muna ako sa higaan bago naglaba. Maaga ko namang natapos ang paglalaba kaya nakapagsimula na ako sa.paggawa ng vlog. Natapos ko rin iyon agad, kaya nakapaghanda pa ako ng PPT ng pang-abay para bukas.

After lunch, umidlip ako. Paggising ko, ipinagpatuloy ko ang pagsusulat tumgkol sa column writing. Gabi ko na iyon nasimulang gawan ng PPT. Nang matapos ko, nanood naman ako ngg movie.

Worth it ang araw ko ngayon!

Disyembre 4, 2023

Hindi mahimbing ang tulog ko kagabi. Malamig ang kapag may electric fan. Mainit naman kapag wala. Tapos, may kumakagat pa sa katawan ko. Haist!

Gayunpaman, sinikap kong bumangon nang maaga at masigla para simulan ang Lunes. Kaunting tiis na lang naman, Christmas break na.

Eight-thirty, umalis na ako sa bahay. Siyempre, nagawa ko na ang mga routines ko.

Magsulat ako habang nasa biyahe. Mahaba-mahaba rin ang naisulat ko.

Sa school, hindi ako nakapagsulat kasi may RMFO at may inasikaso akong transfer ng estudyante.

Nagpalitan kami ng klase at grades. Hindi ako nakapagturo sa Avocado dahil may Values Ed ang Bethany Church.

Maayos naman ang pagtuturo ko. Hindi ako masyadong na-stress. Mas stressful pa ang recess time.

Umuwi agad ako after class. Past 7, nasa bahay na ako. Agad akong nagtanggal ng uniporme. Bago ako kumain, sinimulan ko na munang isalin sa cards ang mga grades mula sa mga subject teachers, gayundin ng mula sa akin. After dinner, natapos na iyon. Nanood na ako ng BQ.

Pagkatapos ko namang manood, nagsulat ako para sa Wattpad. Dinagdagan ko lang ang nasulat ko kanina.

Wala pang 10:30, nakapag-post na ako ng isang chapter. Natulog na rin ako.

Disyembre 5, 2023

Six-thirty na ako nagising. Ang sarap matulog! Nakakatamad bumangon. Gayunpaman, pinilit ko ang sarili ko.

Pagkatapos mamamlantsa, naghanda ako ng almusal. Nakapagdilig din ako ng mga halaman habang naglalaga ng itlog. Si Emily na ang nagtuloy ng pagluluto ko-- ginisang corned beef lang naman.

Eksaktong nine, nakasakay na ako sa bus. Agad akong nagsusulat habang hindi pa ako inaantok. Wala pang 11 am, nasa school na ako. Dapat may training ako sa pagsulat ng balita. May pinapunta akong estudyante, pero hindi siya nagpakita. Nainis pa ako sa mga magulang na kumukuha ng financial assistance. Kailangan pa akong pumirma sa baba dahil sa problemang sila mismo ang may gawa, gaya ng pagkawala ng school ID.

Nagpalitan kami ng klase kaya napakabilis ng oras. Pero ang bilis din ng mga pangyayari nang lumindol. Naglilinis pa lang ang mga estudyante. Hindi na natapos kasi pinababa at pinasundo na namin.

Umuwi agad ako. Bumili lang ako ng gift wrapper sa Mr. DIY at nag-grocery sa may subdivision namin. Past 7:30 nakauwi na ako.

Eight-thirty na ako nakapanood ng BQ. Hindi na rin ako nakapagsulat sa Wattpad.

Nag-chat sa akin si Taiwan at si Lizbeth. Hinahanap daw ako ni Mama. Sabi ko, sa Christmas break pa ako pupunta.

Disyembre 6, 2023

Asynchronous learning kami ngayon dahil sa nationwide tree planting. Nag-send ako ng gawain ng mga bata. Then, gumawa na ako ng vlog. Nilagyan ko ng boses ang PPT ng pagsulat ng kolum.

Bago magtanghali, sinabihan ko si Emily na mamamasyal kami sa Torres Farm bandang gabi, kaya natuwa siya at naging aktibo. Naipagpatuloy ko naman ang ginagawa ko sa laptop, gaya ng pagrerekord ng scores, paggawa ng PPT para sa meeting bukas, at iba pa.

Hapon, umidlip ako. Pagkatapos, gumawa uli ako ng vlog, gamit ang kuwentong pambata.

Six pm, umalis na kami sa bahay. Past 7 na kami nakarating sa Naic. Nag-take out na lang kami ng pagkain. Sa Torres Farm na kami nag-dinner.

Ang ganda roon! Disappointing lang ang mga camera ng cell phone namin. Low quality. Hindi kaaya-aya ang kuha ng pictures. Mas okey kapag video. Gayunpaman, na-enjoy namin ang mga amenities. Mas dumami na ang mga spots kumpara noong huli naming punta.

Nine, umuwi na kami. Mga 20, nasa bahay na kami. Pagod man at magastos, pero napasaya ko ang aking mag-ina.

Disyembre 7, 2023

Nakakatamad pumasok! Kung wala nga lang homeroom PTA meeting, baka umabsent na ako. Tinatamad nga rin akong kumilos-kilos, kaya hindi na ako nagbukas ng laptop. Hindi ako nagsulat. Sa bus na ako nagsulat-- mga bandang 9 am.

Maaga sana akong nakarating sa PITX, ang kaso ang tagal kong nakapila, pero wala namang dyip na dumating. Ten-thirty ko na naisip na mag-iba ng way. Nag-Baclaran pa ako. Tapos, traffic naman ang kasunod na aberya. Late na tuloy akong nakapag-time in. Mabuti na lang, may reward ako mula kay Kapitana Tubo. Isinama ako sa binigyan niya ng ticket mula sa city hall. Baka may ayuda akong matatanggap. Pinapirma ako sa barangay hall. Inilista ko rin ang aking mag-ina.

Hindi na ako nakadalo sa RMFO kasi mas pinili kong maki-bonding sa aking mga ka-Tupa.

Nagturo ako nang nagturo sa Buko dahil walang palitan ng klase at maaga silang pauuwiin dahil sa HRPTA meeting.

Kakaunti lang ang dumalo, tapos may mga late na dumating. Akala nila, magdamag ako sa school. Nakakainis talaga! Mabuti na lang maunawaan ako, at nakapagpigil ang bibig ko.

On-time naman ang adjournment ko sa meeting. Minadali ko ang pagsasalita. Masasaya rin silang umuwi kahit ang ilang parents o guardians ay disappointed sa grades ng mga bata nila.

Traffic. Andaming pasahero. Walang bus. Ang haba ng pila. Iyan ang mga dahilan kaya natagalan akong makauwi. Nag-dinner na nga lang ako sa PITX.

Past 10 na ako nakauwi. Hindi na ako nakapanood ng BQ. Si Emily, kasunod ko lang umuwi. Galing siya sa Christmas party. May mga dala siyang pagkain, kaya kumain pa ako bago natulog.

Disyembre 8, 2023

Past 8 na ako bumaba, kahit past 7 ako nagising. Ang sarap magpahinga. Salamat kay St. Mary dahil may holiday.

Pagkatapos mag-almusal, gumawa agad ako ng vlog. Isiningit ko lang ang pagdidilig at pag-idlip. Halos magjapon at hanggang gabi ako gumagawa ng videos.

Dalawa ang nagawa ko ngayong araw. Una, ang videos at photos namin sa Torres Farm. Pangalawa, ang kuwentong pambata.

Nakapanood pa ako ng horror movie habang naghihintay ma-convert ang PPT sa Mp4.

Nanood ako ng BQ, saka nagsulat sa Wattpad. Past 10 na ako nakaakyat sa kuwarto. Posted na ang isang chapter.

Disyembre 9, 2023

Four-thirty, tumunog na ang alarm ko. Gusto ko pa sanang matulog hanggang 5 am, pero hindi ko na rin nagawa. Naisip ko ang Numero. Ayaw kong nagmamadali ako at nahuhuli ako. Lalong ayaw ko nang hinihintay ako.

Past 7, nasa school na ako. Nakapag-almusal pa ako bago dumating ang mga estudyante.

Maayos naman sana ang klase namin kung hindi lang ako nainis sa tatlong lalaki na kumain pa sa karinderya. Pinayagan na ngang bumili sa baba, lumayo pa nang husto sa school. Paano kung napahamak? Kasalanan ko pa?

Sinermunan ko sila nang sinermunan. Tapos, imbes na tapusin na ang gawain, tawa pa sila nang tawa. Naghaharutan. Sobra talaga akong napikon. Sana huwag na silang pumasok sa susunod. Nakakasira ng mood!

Mabuti na lang, naimbitahan kami ni Sir Jess sa Christmas party nila sa ALS. Nakalibre kami ng lunch.

Past 1, umuwi na kami. Past 3 naman ako makarating sa bahay. Hindi ako nakaidlip kasi panay ang pindot ko sa cell phone. Inabutan ako ng past 5 sa kuwarto.

Pagkatapos, magmeryenda, nag-isip ako ng gagawin. Alanganin na ang paggawa ng vlog, gamit ang aklat-pambata, kaya tungkol na lang sa science writing ang isinulat ko.

Past 9:30 na ako huminto. Almost done na ang article ko.

Disyembre 10, 2023

Wala pang 7 am, gising na ako. Sinubukan kong matulog uli, pero nabigo ako. Bumangon na lang ako para makapaglaba nang maaga.

Habang nagkakape, naglalagay na ako ng tubig sa washing machine. Kaunti lang naman ang mga labahin ko, kaya wala pang 9 am, tapos na ako. Nakapaglinis pa nga ako sa garden. Nailipat ko ang garden set at ibang mag potted plants.

Quarter to nine tapos na ako. Hinarap ko naman ang paggawa ng vlog, gamit ang kuwentong pambata.

Umidlip ako pagkatapos kumain. At nagpagupit bandang 1:30. Bago ako nagsimulang mag-record ng audio para sa vlog, umidlip muna ako.

Past 4, posted ba ang vlog ko. Sinimulan ko namang gawan ng PPT ang article ko tungkol aa science writing. Past 7:30, almost done na. Voiceover na lang ang kulang nito.

Disyembre 11, 2023

Past 6:30 na ako naalimpungatan. Kahit ang sarap pang matulog, pinilit kong bumangon para magplantsa ng uniporme. Nang matapos, naghanda naman ako ng aking babaunin at aalmusalin. Sa garden ako nag-almusal. Nakakagana pala talagang kumain sa garden!

Quarter to nine, nakasakay na ako sa bus. Nagsulat ako ng bagong chapter. Mahaba-haba rin ang naisulat ko bago ako nakarating sa PITX.

Sa school, hindi na ako nakapagsulat dahil sa Math remedial. Wala naman akong ginawa roon. Tinatamad akong magturo. Mabuti, dumating nang maaga si Ma'am Joan kahit late ang GL namin.

Wala kaming palitan ng klase dahil sa pagtanggap ng mga bayad sa order ng pagkain ng mga pupils namin sa Christmas party. Nagturo na lang ako nang nagturo. Mabilis natapos ang klase. Hindi ako masyadong stress. Mababait ngayong araw ang mga mag-aaral ko. Gumagawa na rin ang karamihan. Isa na lang ang ayaw gumawa.

Past 7:30, nasa bahay na ako. Hindi muna ako nag-dinner. Mag-record muna ako ng mga activities. Habang nanonood ng BQ, naghahapunan ako.

Pagkatapos manood, nagsulat na ako para sa WP. Ten-thirty na ako nakapag-post ng isang chapter.

Disyembre 12, 2023

Six am ang alarm ko, pero parang gusto ko pang matulog. Ten-thirty pa naman kasi ang GAD seminar namin. Kaya lang hindi ko natiis. Naisip kong baka mahuli ako. Bumangon din ako after 10 minutes. Namalantsa na ako bago bumaba. Then, nagdilig ng mga halaman. Nagkape at nagtinapay lang ako bago ako naligo. Past 8, umalis na ako sa bahay. Grabeng traffic lang sa Gahak kaya 9:30 na ako nakarating sa PITX. Tapos, wala pang dyip doon. Aguy! Hindi pa ako nakapagsulat sa bus kasi hindi ako nakaupo sa may bintana. Sayang ang oras.

Before 10:30, nasa venue na ako ng seminar. Matagal-tagal pa bago nagsimula. Pero, nang dumating ang resource speaker, nagsimula na rin agad.

Marami akong natutuhan sa VAWC. Mabilis ang discussion, pero malinaw. Magaling ang pulis.

After lunch, naghintay kami ng 1:45. Matagal-tagal din kaming tumambay. Napaaga kasi ang seminar.

Hindi kami nagpalitan ng klase. Magturo ako ng Music, ESP, at Filipino. Sakto sa uwian!

May natanggap kaming Christmas package mula sa aming estudyante. Grabe! Nakakalula! Mamahalin. Imported ang iba. Ang iba, produktong Pinoy, na hindi commercialized.

Tuwang-tuwa si Emily nang makita. Pero, sayang ang sweet potato chips. Expired na. Maanta na ang mantika. Two days expired pa lang naman.

Pagkatapos manood ng BQ, sinubukan kong magsulat. Nahirapan akong magdugtong, kaya nanood na lang ako ng Reels.

Disyembre 13, 2023

Salamat sa Diyos dahil sa bagong umaga. Mabigat man ang katawan sa pagbangon, pero may drive pa ring pumasok para sa mga bata at pamilya.

Naghanda ako ng almusal nang masaya, at umalis sa bahay nang masigla.

Hindi nga lang ako nakapagsulat sa bus. Umidlip ako. Kung kailan malapit na sa PITX, saka naman parang ang lalim na ng tulog ko. Haist! Nakakabitin!

Sa school, saglit akong nakipag-bonding sa mga ka-Tupa ko bago ako nag-join sa RMFO. Doon na rin ako nag-lunch.

Kakaunti lang ang pumasok sa klase. Okey lang naman dahil bukas na ang Christmas party. Nagturo na lang ako ng cursive writing. Pagkatapos niyon, nagpagawa ako ng Christmas card. Tinuruan ko rin silang gumawa ng snow flakes mula sa papel. Wala man lang nakagawa nang maayos. Okey lang naman. Pamatay-oras lang. Pinag-Tiktok ko rin sila bago mag-recess. Hayun, pagod na pagod at gutom na gutom.

Kung masaya ako pag-alis sa bahay, malungkot naman akong umuwi. Naiinis kasi ako sa isang parent. Atat masyado. Gustong may sagot agad sa tanong niya, e, wala pa ngang sinasabi sa amin. Uwian at susuutin lang sa party ang problema. Aguy! Kababaw na tao. Kami ngang faculty, kanina lang nag-decide kung saan kakain sa party.

Nakakasira ng mood ang GC. Haist! Mabuti na lang, nawala rin pagdating ko sa bahay. Lalo na nang manood na ako ng BQ.

Hindi muna ako nagsulat. Pagkatapos kong manood, nag-off na ako ng laptop.

Disyembre 14, 2023

Kay sarap matulog! Kaunting tiis pa, magki-Christmas break din.

After magluto ng spinach and parsley omellete, nag-almusal na ako, havang gumagawa ng PPT para sa Project Numero sa Sabado. Hindi ko man natapos, pero kahit paano ay may maituturo na ako. Kailangan ko na lang gumawa ng worksheet.

Before nine, nakasakay na ako sa bus, na patungong PITX. Naiinis lang ako sa isang parent na nag-PM kung magpapalitan daw ng regalo ang nga eatudyante. Siya rin ang nagtanong noong isang araw kung mga "change gift." Aguy, walang ex. Parang hindi nag-Grade 2. Sa tanda na niya, dapat alam na niya ang katuturan ng exchange gift. Haist!

Nakipagkuwentuhan muna ako kina Ms. Krizzy at Ate Bel habang maghihintay ng 12 am. May klase pa ang Grade 3 sa classroom namin.

Maiingay at magugulo pa rin ang Buko kahit Christmas party na. Masasaya silang lahat, pero nalulungkot ako. Hindi ko alam kung bakit para kasing may kulang. Kung ikukumusta ko last school year, mas masaya ako noon.

Gayunpaman, sinimulan ko ang party sa pamamagitan ng game na longest greeting. May cash prize siyempre ang nanalo. Pero, may twist ang prize. May online roulette ako ng cash prizes na P10, P20, P50, at P100.

Kahit party, kinailangan kong magsaway. Haist! Sinige ko pa rin naman ang pagpapalaro. Tuwang-tuwa naman sila.

Kaso, nainis ako sa McDo. Kulang ang deliver. Late ba nakakain ang iba. Tapos, sa halip na burger, chicken at rice ang kapalit. Malamang, may masasabi na naman ang parents. Parang kasalanan ko pa.

Grabeng dumi, putik, at lagkit ng silid namin pagkatapos. Mabuti, may nagpaiwan para tumulong maglinis.

Past 4, inimbita kami ni GL sa silid nila. Kumain kami roon. Nakitagay rin ako ng wine at beer.

Nakisabay ako kay Ma'am Joan sa sasakyan nila. Sinundo kasi siya ng husband niya. Binaba ako sa Gahak. Hindi ako nahirapang magdala ng Christmas bag at wine na binigay sa akin ni Kapitana.

Past 7:30, nasa bahay na ako. Tuwang-tuwa ang mag-ina ko sa dala ko.

Tinuruan ko naman si Ion mag-chess, gamit ang chess board na natanggap niya sa exchange gift. Naunahan ako sa gift idea ko. Anyway, may nakabalot na rin namang gift para sa kaniya. Next year na lang ang chess board. Kailangan niya munang matuto.

Habang nagkakape, nanood ako ng BQ. Nang matapos, nagsulat ako nang kaunti para sa Wattpad. Wala pa rin ako sa mood, kaya itinigil ko na muna. Antok at pagod na rin kasi ako. Isa pa, maaga pa akong aalis bukas para sa faculty Christmas party namin.

Disyembre 15, 2023

Wala pang 6, namulat na ako. Hindi na ako nagpumilit matulog. Kailangang makarating ako sa school bago mag-ten para mag-time in. Bibiyahe ulit patungo sa Seaside Paluto sa Macapagal.

Naka-ready ba ako nang mabasa ko sa GC naming Grade 4 ang kulay ng suot namin sa party. Brown pala. Mabuti, may brown jacket ako. Naka-read and black ako, kaya agad kong pinalitan.

Past 7, umalis na ako sa bahay. Past 9, nasa school na ako. Nakipagkuwentuhan ako kay Ms. Krizzy habang naghihintay sa mga kasamahan. Gutom na gutom na ako. Mabuti na lang, may parent na nagdala ng lumpiang shanghai. May nanguya-nguya ako.

Ang tagal kong naghintay. May meeting pa kasi sina Ms. Krizzy. Past 11 na kami nakarating sa Sharmila. Kaya nang nagdeklara na ng kainan. Isa ako sa mabilis na lumapit sa buffet table. Agad akong kumain pagkasandok ng mga pagkain.

Masasarap sana ang pagkain,.like pusit, hipon, alimasag, chicken, at pork barbeque, pero makukunat ang iba. Over-cooked ang seafood. Mabuti, may sinigang na isda. Na-enjoy ko rin ang alimasag.

After kumain, nagpakontes ang principal. Presentation by grade level. Walang praktis. Nasorpresa ang lahat. Kami ang huling nag-present. Kinanta namin ang 'Sana Ngayong Pasko," na kinanta namin noong virtual ang party. Third kami noon.

Nagulat ako kasi first kami ngayon. Nakatanggap kami ng P1500. May P300 each kami. Sulit ang pinambili namin ng gift para sa aming MT at principal.

After party, nagkape sa SB ng mga ka-Tupa ko. Inis na inis lang ako kasi iniwan kami ni Papang. Ni hindi nagpaalam sa amin. Ideya niya pala iyon. Gayunpaman, tinuloy namin at sinikap kong maging masaya kasama sina Mj, Ms. Krizzy, Melay, Ate Bel, at Putz.

Past 4 na kami natapos. Worth it naman!

Past 5, nakauwi na ako. Hindi na ako nakapagpahinga. After mag-cell phone sa kuwarto, bumaba ako sa sala para ihanda ang PPT ko para bukas sa Math class. Nang matapos, ang reading intervention material ko naman sa Filipino ang inihanda ko.

Naka-chat ko si Ms. Krizzy mula past 9 hanggang almost 11 pm tungkol kay Papa P. Pareho kaming disappointed sa kaibigan namin.

Disyembre 16, 2023

Past 4:30, narinig ko na ang pinakanakakainis na tunog, kaya bumangon ako para maghanda sa pag-alis.

Past 5;30, umalis na ako sa bahay. Mabilis ang biyahe kaya past 7, nasa school na ako. Nakapag-almusal pa ako roon.

Nagturo ako ng addition of similar fractions sa tatlong babaeng estudyante. Hindi pumasok ang mga pasaway na lalaki. Medyo malungkot ako. Sayang ang PPT ko. Tatlo lang ang natuto. Ang pang-apat, late pa dumating. Haist! Remedial na nga, nagpapakahina pa.

Past 12, after naming magkuwentuhan, lumabas na kami sa school. Sa PITX na ako nag-lunch. Mga past 1 na ako nakakain.

Past 3, nasa bahay na ako. Sa sala ako tumambay hanggang 9:30 ng gabi. Worth it naman dahil nakausad ang reading innovation ko. Then, natapos ko nang lagyan ng voiceover ang PPT sa pagsulat ng agham. Nai-upload at nai-post ko na rin. Isinunod ko naman ang paggawa ng article tungkol sa pagsulat ng science news, as requested by Ma'am Madz. Gagamitin niya sa journalism training niya.

Almost done na ang article nang inantok ako. Bukas, pagkatapos kong maglaba, itutuloy ko ito.

Disyembre 17, 2023

Past 7 na ako bumangon para sana maglaba, pero inabot ako ng katamaran. Mas pinili kong ituloy ang paggawa ng PPT sa sinulat kong artikulo.

After lunch, nanood ako ng movie. Hindi ko natapos dahil inantok agad ako. Alas-3 na ako bumangon para ituloy ang paggawa ng vlog.

Gabi ko na natapos ang isang vlog. Na-upload ko na rin, kaya nanood na uli ako ng movie. Pagkatapos, nagsulat uli ako ng article tungkol sa pagsulat ng science editorial.

Before 9 pm, nanood naman ako ng animated film. Tapos ko na kasi ang isang article. At nagawan ko na rin iyon ng PPT. Bukas ko na lalagyan ng voiceover.

Nagsulat pa ako para sa Wattpad hanggang past 11. Nasa 1120 words na ako. Kailangan kong makapag-update sa nobela ko kasi may nagtanong na. Bukas, uunahin mo ang pagsusulat bago ang lahat.

Disyembre 18, 2023

Past 8 na ako bumaba kahit past 7 ako nagising. Ang sarap lang kasing mahiga. Pero dahil naisip ko ang mga gagawin ko, nag-start agad akong magsulat para sa Wattpad. Nagawa ko naman bandang 9:30, kaya sinimulan ko naman ang pagbo-voiceover sa PPT, na ginawa ko kagabi. Nahirapan ako kasi mga scientific terms ang iba. Gayunpaman, nagawa kong mai:-upload ang video bago mag-lunch. Ako pa nga ang nagluto nvg ulam.

Hapon, sinimulan ko ang pagsusulat ng science feature writing. Naisingit ko ang pag-idlip at panonood ng movie at BQ. Siyempre, kasama rito ang pag-reresearch.

Before 9:30, nasa taas na ako. Nanood naman ako. Bukas naman ang paggawa ng article, PPT, at vlog.

Disyembre 19, 2023

Past 8 na ako nagising kaya almost na ako nakapag-almusal. Okey lang naman.

Hinarap ko na agad ang paggawa ng vlog. Sinikap kong matapos bago mag-lunch.

Nanood ako ng Pinoy horror movie bandang 2 pm. Naki-join si Emily. Nakadalawang movie kami.

Isinunod ko naman ang pagsusulat para sa Wattpad. Before 10 pm, nakapag-post na ako. Nakatulong sa mabilis na pagsusulat ko ang pag-offline ko sa FB. Naiinis kasi ako. May tawag nang tawag sa akin. Pinsan ko. Puwede namang mangumusta sa chat, e. Videocall pa ang gusto. Kaya, offline muna hanggang tumigil siya sa kakatawag.

Disyembre 20, 2023

Hindi agad ako nakatulog kagabi. Siguro, past 12 mn na ako dinalaw ng antok. Tapos, andami ko pang panaginip. Parang mga totoo, kaya parang hindi rin ako natutulog.

Kahit kulang sa tulog, bumangon pa rin ako bandang 6:20. Nagkape at nagtinapay lang ako. Wala pang 7:30, umalis na ako sa bahay.

Before 9:30, nasa school na ako. Naunahan ko pa sina Ms. Krizzy at Ate Bel. Hindi naman ako nainip sa paghihintay.

Pagkatanggap namin ng SRI at Christmas package namin, umalis na kami sa school. Sa Kenny Rogers kami dumiretso para mag-lunch.

May binili muna si Ate Bel sa MOA kaya kami muna ni Ms. Krizzy ang nagkuwentuhan. Mabilis lang naman siya.

Marami kaming napagkuwentuhan. Sulit din ang gastos namin sa food. Nakapag-unwind na, nabusog pa.

Past 3:30, nasa bahay na ako.

Pag--alis ni Emily para magsimbang gabi, nagsulat naman ako para sa aking reading intervention project sa Filipino. Pagdating niya, nahinto ako kasi gusto niyang manood ng movie. Pero, okey lang kasi marami na akong natapos. Sa kabuuan, mayroon na akong 30 plus reading materials.


Disyembre 21, 2023

Past 8 na ako bumaba para maglaba. Ako pa ang naghanda ng almusal. Nagbabad kasi si Emily sa higaan.

Habang naglalaba ako, nag-chat si Flor. Niyaya na akong magpasko kina Taiwan. Doon din daw magpapasko sina Jano. Chinat din ako ni Tai. Kako, kausapin ko pa si Emily. Nakapagdesisyon na rin kami. Hindi lang muna ako umuo sa mga kapatid ko. In fact, nag-isip na ako ng mga ireregalo ko sa mga pamangkin ko.

Bago ako nanood ng Malay series, na sinimulan namin ni Emily kahapon, nakapagsulat ako ng dalawang reading materials. Nagluto pa ako ng pasta habang nanonood.

At bago ako pumunta sa SM Rosario para bumili ng books para sa mga pamangkin ko at AquaFlask para kay Emily, umidlip muna ako. Mga 5 pm na yata ako nakaalis.

Six-thirty, nakauwi na ako. Agad akong gift wrap. Habang nanonood ng balita.

After BQ, nanood na kami ni Emily ng series. Hanggang 10:45 kami nanood. Umakyat na kami pagkatapos ng episode 6.

Disyembre 22, 2023

Past 8 na ako bumaba para magpainit ng tubig. Sa kuwarto na ako nagkape at nag-almusal kasi na-offend ako kay Emily. Hinahanapan na naman niya ako ng hindi ko pa kayang ibigay. Kako, kapag may pera. Kung wala, matuto munang magtiis. At kung may pera siya, e, di siya ang gumastos.

Nagsulat ako ng isang chapter ng nobela. Bago ako nakapagluto, posted na sa Wattpad.

Isinunod ko naman ang paglilista ko ng mga koleksiyon ko ng aklat-pambata, na gawa ng mga manunulat na Pilipino. Grabe! Marami-rami na rin pala akong nakolekta. Pero, andami ko parang gustong bilhin at dapat kolektahin. Pera lang ang kulang. Nasa cart na nga ang mga iyon. Sana magkaroon ng sale.

After lunch, nagsimula akong gumawa ng PPT, gamit ang isang kuwentong pambata. Hindi ko natapos kasi naloko ang cell phone ko. Hindi na-capture ang ibang pahina. Isa pa, madilim at blurred ang kuha. Nanood na lang ako ng Malaysian series na The House on Autumn Hill.

Gabi, pag-alis ni Emily, bumaba na ako para maghanda ng dinner. Ipinagpatuloy ko ang panonood hanggang matapos ko.

Pagkatapos.manood ng BW, umakyat na ako para sumulat naman ng mga reading materials. Nakalimang titles yata ako bago ako huminto.

Disyembre 23, 2023

Alas-siyete ako nagising. Hindi ako ang unang bumaba, pero ako na ang nagluto o nag-init ng mga ulam. Nagsasaing na kasi si Emily.

After breakfast, hinarap ko na ang laptop ko. Gumawa ako ng vlog. Ipinagpatuloy ko ang sinimulan ko kahapon. Past 10, posted na sa YT at FB pages ko ang video.

Nagsulat naman ako ng reading materials. Nang inantok, bandang hapon, natulog ako. Masaya na ang pakiramdam ko nang bumangon ako. Para akong tatrangkasuhin. Mabuti, nakainom na ako ng FVP.

Nanood ako ng mga suiseki videos ngayong hapon. Nanumbalik na naman ang interes ko sa mga bato.

Ipinagpatuloy ko ang pagsusulat ng reading materials habang nasa baba ako. Inaabangan ko si emily, na nagsimbang-gabi o si Kuya Natz, na mag-dedeliver ng leche flan.

Past 8:30, umakyat na ako para magsulat naman para sa Wattpad. Past 10, huminto na ako kasi maaga kaming bibiyahe bukas patungong Morong. Kina Taiwan kami magpapasko.

Disyembre 24, 2023

Alas-4, gising na kami. Agad akong naghanda ng almusal namin, kaya past 5, nakaalis na kami sa bahay.

Mabilis ang biyahe. Wala pang traffic. Mga 8 am, nasa Antipolo Bayan na kami. Dumaan kami sa simbahan at Christmas village doon. Nagpiktyur-piktyur kami roon bago namili ng mga prutas at cake. Past 9:30, nasundo na kami ni Taiwan.

Antok na antok ako kaya natulog muna ako bago ako nag-lunch. Pagkatapos, natulog ako uli kahit maingay.

Masaya ang lahat sa paghahanda sa Noche Buena. Sina Jano at Taiwan ang mga punong abala sa kusina. Chill-chill lang kaming mag-anak. In fact, bumaba lang ako nang maghahapunan na.

Pagkatapos maghapunan, nag-videoke at nag-inuman kami. Hindi ako nagpakalasing. Kailangan ko kasi ng tulog at pahinga..

Sinalubong namin ang kapaskuhan nang masaya. Andaming pagkain. Sa dami, umurong na naman ang sikmura ko. Hindi na nga ako kumain pa.

Past 2 na ako umakyat para natulog. Iniwanan ko ang dalawa. Bukod sa antok, ayaw ko talagang makainuman ang mga kapatid ko. Awkward.

Disyembre 25, 2023

Alas-7, nagising ako para umihi, pero bumalik ako sa pagtulog hanggang past 8. Siksikan kami sa higaan kaya hindi mahimbing ang tulog ko. Gayunpaman, nakatulog din ako kahit 4 na oras.

Masaya ang aming pag-aalmusal. Andami ko nang nakain. Nawala ang umay ko. Namigay na rin ako ng mga regalo sa mga pamangkin ko.

After lunch, naghanda na kami sa pag-uwi. After mag-Sharon, hinatid na kami ni Taiwan. Nakarating naa kami sa bahay ni Jano. Mabilis lang kami doon. Uminom lang ng sofdrink. Si Emily na lang nga ang hinayaan kong kumausap kay Jano.

Past 6:30, nasa bahay na kami. Pagod man, pero masaya.

Nagsulat ako para sa Wattpad pagkatapos manood ng BQ. Before 11, nakapag-post ako ng isang chapter. Sana magustuhan uli ng nga followers ko..

Disyembre 26, 2023

Past 8:30 na ako nagising, kaya past 9 na ako nakapag-almusal. Okey lang kasi wala naman akong gagawin kundi ang gumawa ng vlog at magsulat.

Pagkatapos ko ngang mag-almusal, sinimulan ko na ang paggawa ng vlog. Mga past 10:30, posted sa sa YT ang video. Isinunod ko naman ang pagsusulat ng reading materials para sa reading intervention na binubuo ko.

Past 2:30, umidlip ako. Then, after magmeryenda, nanood ako ng documentaries. Gabi na ako muling nagsulat, habang nanonood ng balita.

Bago mag-9:30, nasa kuwarto na ako para magsulat naman para sa Wattpad. Past 12 na ako nakapag-post. Past 12 na rin ako nag-off ng wifi para matulog.

Disyembre 27, 2023

Pagkatapos mag-almusal, gumawa ako ng vlog, gamit ang kuwentong pambata. Before 11:30, posted na ang video sa YT at FB pages ko. Nagsulat naman ako ng reading materials.

Pagkatapos manood ng documentary tungkol kay Alexander the Great, natulog ako. Itinuloy ko ang panonood bandang 4 pm. Ang ganda pala ang story o history niya!

Gabi, lumabas ako at nag-stay sa garden para magsulat naman para sa Wattpad. After dinner, pumasok na ako kasi umaambon na.

Before 10, posted ang isang chapter sa Wattpad.

Ayos na! Hindi nasayang ang araw ko. Marami akong na-accomplish. Bukas, maaga akong aalis. Inimbitahan ako ni Kuya Natz na mag-breakfast sa kanila. Invited din si Bro. Joni at ang anak niya. Niyaya nga rin si Zillion.

Disyembre 28, 2023

Nang tumunog ang alarm ko nang 6 am, nag-set uli ng oras. Kinulang ako ng tulog. Haist! Kundi lang mahalaga ang pakikisama at word of honor, baka hindi ako sumipot sa bahay ni Kuya Natz.

Before 7:30, naroon na ako. Inabangan ko siya sa labas. Namili siya kaya pagdating niya, sinabay na ako.

Nahuli ng dating ang mag-amang, kaya kami lang ni Kuya Natz ang unang nagsalo sa almusal. Bago iyon, nagpatulong siyang magdilig ng mga halaman niya.

Mabilis lang ang mag-ama. Umalis sila pagkatapos kumain. May lakad pa kasi. Pero, pumayag ito na mamasyall kami sa Sabado sa Maragondon. Si Kuya Natz ang nagyaya.

Hanggang past 9 kami nagkuwentuhan ni Kuya Natz. Napansin siguro niya na naiinip na ako.

Namili ako bago ako umuwi. Bumili ako ng cargo pants namin ni Ion. Bumili ako ng lakatan at sabong pampaligo.

Pagdating sa bahay, gumawa agad ako ng video para sa YT. Gumamit uli ako ng kuwentong pambata. Before lunch, nai-post ko na iyon.

After lunch, umidlip ako. Past 4 na ako nagising. Ang sarap sa pakiramdam.

After meryenda, gumawa na ako ng reading materials hanggang bago mag-BQ. At habang pinapanood ko ang BQ, isinisingit ko ang sa NUMERO.

Past 9, umakyat na ako para magsulat ng nobela..

Sinimulan ko namang gawan ng PPT ang post test ng NUMERO.

Nasabi ko na pala kay Emily ngayon ang plano ko sa New Year kasi nagyaya siyang manood ng countdown sa BGC. Napanood niya yata sa Tiktok or Reels. Kaya, sinamantala ko nang i-reveal. Kako, sa MOA kami sasalubong ng Bagong Taon. Aniya, ano pa? Kako, manonood muna tayo ng sine. Tuwang-tuwa at excited na siya.

Before 11, nag-off na ako ng laptop para matulog. Hindi ako nakapag-post ng new chapter aa Wattpad. Nasa 1200 plus words lang ang naisulat ko. Eight hundred words pa..

Disyembre 29, 2023

Maaga akong gumising para makapagluto ng spaghetti. Andami naming spaghetti, kaya lutuin na bago mag-New Year. Pinamigay na nga namin ang iba, lalo na't last year ang iba roon.

Before 8:30, nakaluto na ako. Tulog pa ang mag-ina ko. Nakapag-almusal na ako nang magising si Emily.

Pagkatapos magdilig ng mga halaman, nabasa ko ang chat ni Ma'am Madz. Nakiusap siyang isali ako sa Google Meet ng trainee niya sa science writing. Pumayag naman agad ako. Nine-thirty, nagsimula na kami. Past 11 na kami natapos. Wew! Humanga ako sa sarili ko. Ang husay ko pala sa biglaang engagement.

Then, chinat niya ako na kung puwede, isali ako uli sa Google meeting niya sa isa pang trainee. Pumayag ako kasi 4:30 pa naman. Nag-edit ako ng mga outputs ng trainiees niya pagkatapos ng meeting. Lalo pa nga akong sinipag nang pinadalhan niya ako ng P500 sa GCash. As token daw iyon.

Nakapag-post ako sa Wattpad ng isang chapter ngayong araw. Then, nakapagsimula pa ako ng isa pang chapter. Nasa 900 words na iyon bago mag-11 pm.

Hindi kami tuloy nina Kuya Natz bukas sa Maragondon. Mabuti nga iyon.

Disyembre 30, 2023

Ako ang nagluto ng almusal, kahit parang kulang ako sa tulog dahil sa pangangagat ng mga langgam.

Pagkatapos kong mag-almusal, hinarap ko na ang pagtapos sa PPT ng post test sa NUMERO. Gumawa rin ako ng reading materials.

Bago umalis sina Emily para dumalo sa Christmas party nila sa church, bumaba na ako. Mag-stay ako sa sala para sumulat. Gabi na ako nakapag-post sa WP ng isang chapter.

Bago ako umakyat, nanood ako ng pelikula. Nanood uli ako bago natulog.

Disyembre 31, 2023

Past 7, gising na ako. Hindi na ako masyadong nagbabad sa higaan. Kailangan kong maghanda ng almusal.

Past 9, umalis na kami sa bahay. Matagal mapuno ang bus, kaya natagalan kami sa biyahe. Panay ang hinto. Almost 12 na nang makarating kami sa PITX. Kaya, doon na kami nag-lunch.

Pagkatapos mag-lunch, pumunta na kami sa MOA para manood ng sine. Ang pelikulang 'Firefly' ang pinanood namin. Mga 1:30 nagsimula.

Grabe ang iniluha ko. Ang ganda! Best picture talaga. Ang galing ng child actor bilang baguhan. Past 3:30 na iyon natapos.

Nag-window shopping muna kami sa mall. Tumambay muna sa Christmas park. Then, mga past 5, nag-dinner na kami para makapunta kami nang maaga sa concert venue, kung saan magpi-perform ang mga piling Kapuso stars bago mag-countdown at mag-firework display.

Antagal magsimula ng concert. Ten-thirty. Antagal naming naghintay. Sobrang dami rin ng tao, kaya ang init at ang hirap nang magpakad-lakad. Gayunpaman, worth it naman ang pinili naming pagsalubong. Kakaibang experience. Nakauwi kami bandang 2 am. Pagod at antok, pero masaya. 


No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...