Followers

Saturday, May 11, 2024

Ang Aking Journal -- Mayo 2023

 Mayo 1, 2023

Medyo napuyat ako kagabi dahil late na natulog sina Ion, Emily, at Kuya Emer. Wala naman akong magawa kahit maingay sila. Kaya, late na ako bumangon. Magpa-past 8 na iyon.

Maghapon, nasa baba lang ako. Hindi ako gumawa ng vlog. Nakipag-collab ako sa pagsulat ng balagtasan. Then, nag-karaoke ako saglit. Mahina lang ang net kaya itinigil ko. At bago nag-lunch, nagpalit ako ng tubig sa aquarium. Nagpalit na rin ako ng aquascape.

Hapon, natulog ako. Past 5 na ako nagising. Naalala kong sasali pala ako sa 8Letters Call for Submissions, kaya in-edit ko ang isa kong akda. Past 6, nakapag-email na ako ng entry. Pagkatapos, magdilig ng mga halaman, namalantsa ako ng mga damit.

Bukas, balik-eskuwela na naman.

Mayo 2, 2023

Pinilit kong magising nang maaga kasi alam kung mahirap sumakay ngayong araw. Hindi man nagmamadali, pero umalis ako bandang 8 am. Hayun, hindi nga ako nahuli. Maaga akong nakarating sa school. Naka-bonding ko pa ang ilang kaguro ko.

Pero bago iyan, napadalhan ko si Hanna ng P5,000 sa GCash para sa kaniyang allowance. Ang P1,000 doon ay para sa down payment sa graduation fee.

Sa klase, 13 lang ang pumasok, plus ang journalist na tini-train sa labas ng classroom.

Nagtuturo ako habang may training. Pinagsasabay ko para hindi sayang ang oras. Wala nang pormal na klase simula pa nang matapos ang periodic test.

Nagloko pa ang printer kaya kinailangan kong i-troubleshoot. Tinuruan ko pa ang layout artist.

Hindi nila nai-print ang pangalawang layout, pero okay na. Mas mabilis-bilis na silang gumawa. Bahala na sa content.

Past 8, nakauwi na ako sa bahay. Ang sarap magpahinga. Pero, hindi ko naman pinalampas ang panonood ng 'Ang Batang Quiapo' bago natulog.

Mayo 3, 2023

Nagdilig ako ng mga halaman bago nagkape. Hindi ako nakapagdilig kahapon kaya medyo kumuluntoy na ang ibang halaman.

Past 8, umalis na ako ng bahay. Gusto kong maagang makarating sa school para makapagsulat ako sa PITX.

Nagawa ko naman, pero hindi pa puwedeng i-post sa Wattpad. Kulang pa.

Sa school, Set A ang pumasok. Kasingdami lang sila ng Set B kahapon, pero matino at tahimik sila. Sina R-Gie at Michael Angelo kahapon, sobra! Parang hindi naturukan ng pampakalma.

Tuloy-tuloy pa rin ang collab training namin. So far, bumibilis na sila. Sana lang hindi magkaroon mg technical problem sa actual, gaya ng nangyari kahapon at kanina.

Naipasa ba kanina ng 2 laptops na gagamitin sa laban para sa check-up ng files. Ang laptop ko ang ginamit kanina sa training.

Mayo 4, 2023

Kagaya kahapon, nagdilig agad ako ng mga halaman pagkagising ko. Nagkape ako pagkatapos niyon.

Bago ako nagligo, nag-post muna ako sa Reels at Tiktok. Nakadalawang videos ako.

Past 8, umalis na ako sa bahay. Nakapagsulat ako sa bus kasi nakaupo ako, hindi kagaya kahapon. Kaya pagdating sa PITX, nakapag-post na ako sa Wattpad.

Set B uli ngayon ang may pasok. Maiingay talaga sila. Si Michael, pumasok pa.

Last day ng collab training bago ang division contest. Nakikita kong ume-effort naman ang mga journalists. Nakadalawang diyaryo sila maghapon. Not bad for beginners. Ang nakakatuwa pa, gusto rin nilang makarating sa Regional.

Masaya akong umuwi. Bitbit ko ang positivity sa laban ng collab team ko.

After dinner, nanood ako ng 'Batang Quiapo.' Hanggang May 1 episode na ako.

Mayo 5, 2023

Three-thirty, bumangon na ako para maghanda sa pag-alis. Seven o' clock ang usapan namin. Ito ang oras ng pag-alis namin sa school para sa laban ng collobarative publishing.

Nakapag-almusal pa ako room bago kami umalis. Hinintay pa kasi namin si Ma'am Ivory.

Sa venue, antagal bago nagsimula at bago nakapag-settle ang team sa kanilang designated classroom. Ang init pa naman. Pero kahit ganoon, natuwa ako kasi may 5 hours sila para makapag-print ng layout. Akala ko, two hours lang.

Pinagtiyagaan namin ang init sa paghihintay sa team. Natuwa ako nang makita silang palapit na bandang 2:30. May 1 hour pa silang sobra. Akala ko, nakinig sila sa mga judges, hindi pala. Hindi nila nasunod ang directions. Disappointed ako.

Bumalik kami sa school. Doon ko sila pinaliwanagan at inulit-ulit ko ang kahalagahan ng pakikinig. Hindi sila nakinig kaya hindi nila nasunod ang panuto.

After iyon, nag-out na kami sa school. Nag-stay muna ako hanggang past 7 sa PITX. Nagpalamig ako.

Past 8, nasa bahay na ako. Magkasunuran lang kami nina Emily at Ion.

Mayo 6, 2023

Hindi ako dumalo sa awarding ng journalism contest. Kahapon pa, decided na ako. Alam kong hindi kami mananalo.

Tama naman ako. Anim lang ang nanalo sa GES. Mga individual categories lahat. Masaya pa rin ako para sa kanila.

Nanood na lang ako ng 'Batang Quiapo', naghanda ng learning material, nagpahinga, nagluto, kumain, gumawa ng Reels, at iba pa.

Bukas na ako maglalaba.

Mayo 7, 2023

Marami akong na-accomplish ngayong araw. Naglaba. Nagdilig. Nag-aquascape. Naglinis sa garden.

Hindi ko natapos ang paglilinis sa garden kasi madilim na.

Panonood naman ng suiseki videos sa YT ang ginawa ko habang nagpapahinga at nagpapaantok. Nakaka-inspire tuloy mag-collect ng figure stones.

Mayo 8, 2023

Pagkagising ko, ako na ang naghanda ng almusal. Agad din akong kumain para matunawan agad. Plinano kong umalis nang maaga dahil Lunes ngayon.

Past 8, nakalabas na ako ng bahay. Past 9:30, nasa PITX a ako. Nagsulat muna ako roon hanggang 10:30.

Past 11, nasa school na ako. Nilapitan kami ni Ma'am sa bonding place naming Reseta group. Natutuwa siya sa resulta ng journalism contests, kahit hindi nanalo ang collab team. At least daw next year may edge na ang mga bata.

Mababait ang Set A. Tahimik at masisipag. Pagkatapos kong magturo, naglinis sila. Then, naglaro sila after recess.

Bukas, back to normal na kami. Wala nang set-set, pero shortened. One-thirty na ang pasok nila.

Maaga akong nakauwi sa bahay. Nauna si Emily sa akin.

After dinner, nagpalit ako ng tubig sa dalawang aquarium kasi may tannins dahil sa mga driftwoods na nilagay ko. Ayaw ko ang brownish na kulay ng tubig.

Mayo 9, 2023

Marami muna akong nagawa bago nakaalis. Ako ang naghanda ng almusal. Nagligpit ako nang kaunti sa garden. Nilinis ko ang kulungan ng giant African snail. Then, namalantsa ako.

Sa PITX at sa biyahe, nagsulat ako. Pero, hindi pa rin tapos. Hindi ko pa maipo-post sa Wattpad.

Sa school, nainis ako sa Buko na pumasok nang napakaaga. Nagkulong nga ako sa classroom para masulatan ko ng details ang kanilang SF10, silip naman sila nang silip. Sinabi nang 1:30 ang pasukan. Kaya nga pinaikli ang pasok, atat naman tumambay sa room, porket naka-aircon.

Maghapon ko silang hindi kinibo. Nagpanood lang ako ng mga lessons sa YT at nagpa-activity. Nakaraos din.

Pagdating sa bahay, sinalubong naman ako ng away ng mag-ina ko. Napagalitan ko silang pareho. Kako, ako nga dapat ang mainit ang ulo dahil ako ang bumiyahe, napagod, nagtrabaho, at ako ang nagpapakain sa kanila. Hayst!

Mayo 10, 2023

Six-thirty pa lang ng umaga, nakaplantsa na ako ng uniporme at nakapagdilig na ako ng mga halaman. At habang nag-aalmusal, nag-post ako sa ITWNG FB group ng 'Word of the Day.'

Past 8, lumarga na ako. At wala pang 10, nasa PITX na ako. Nag-stay muna ako roon hanggang 10:30 para magsulat. Dinugtungan ko ang pang-update ko sa Wattpad.

Past 11 na ako nakarating sa school. Nakisalo agad ako kina Papang at Mj sa pagkain.

Then at 12:10, nasa taas na ako para magsulat sa SF10. Ito ang 2nd day nf 1:30 na 0asok ng mga bata. Nakakatuwa kasi nabawasan ang contact time namin sa kanila. May natatapos kaming schoolwork.

Nagturo ako ng pagsulat ng patalastas. Then, maghapon silang nagsulat ng 10 halimbawa. Ang tagal nilang makatapos.

Dahil sa ulan, hindi agad ako nakauwi. Seven na ako nakalabas sa school. Then, naglakad pa ako patungong Buendia para makasakay ako sa bus na patungo sa PITX. Past 8:30 na ako nakauwi sa bahay. Pagod man, pero hindi mainit ang ulo ko.

Mayo 11, 2023

Past 6:30 nang magising ako. Hindi naman ako dapat magmadali kasi wala na akong journalism training, pero para pa rin akong hinahabol ng taga habang nagdidilig at namamalantsa. At past 8:30 nga, umalis na ako sa bahay.

Nagsulat uli ako sa PITX. At nang matapos ko ang isang chapter, pinost ko na iyom

Saka ako umalis.

Sa school, nakisalo ako sa Tupa group sa pagkain ng lunch, bago ako umakyar.

Sa room, nakapag-general cleaning ako ng puwesto ko kasi nagbawas ako ng mga puting papel, gaya ni Mareng Lorie. Mabuti, may umakyat na estudyante ko. Nagpatulong ako kaya mas mabilis akong natapos.

Bago mag-uwian, nagpasaway si Angelo. Umakyay siya sa lababo sa baba. Paano kung naaksidente siya? Kasalanan ko pa.

Kinausap ko ang kapatid nang sinundo siya. Pinapunta ko ang nanay sa kuhaan ng card bukas.

Mayo 13, 2023

Nauna pang umalis ang mag-ina ako. Dadalo sila sa Sizzle event sa FVP office. Hindi rin nagtagal, umalis na ako. Nakapagdilig na rin naman ako.

Nakisalo uli ng lunch sa Tupa group. Wala roon sina Papamg at Putz, kaya hindi kami masyadong maingay. Saka, umakyat din agad ako para maglagay ng grades sa card. Natapos ko iyon bago nagsimula ang klase.

Hanggang alas-4 lang ang klase. Hindi muna ako namigay ng card. Umidlip muna ako. Ang kukulit ng mga magulang nagmamadali. Sinabi nang 5 pm ang kuhaan.

Nag-birthday treat sa amin si Ma'am Ivory. Nagkainan kami pagkatapos ng bigayan ng card. Sakto sa biyahe ko papuntang Lucena. Makakatipid ako sa dinner.

Nagpahatid ako kay Sir Hermie sa Jac Liner. Mga 7 pm na iyon. Pagdating doon, ang haba ng pila. Ang tagal ng bus. One hour din akong nasa pila-- nainitan.

Past 8 na nakalarga ang bus. Mabuti na lang, sunod-sunod na ang dating ng bus.

Eleven-thirty na ako nakarating sa Domoit. Agad kaming naglakad-lakad. Nag-stargazing kami.

Mayo 13, 2023

Past 12, naghanap kami ng makakainan. Bukas ang Jollibee, pero underconstruction, kaya sa lugawan kami nakakain.

Past 2 na kami nakatulog.

Past 5:30, gising na kami. Binalikan namin ang lugar kung saan kami nag-stargazing. Ang ganda pala kapag umaga roon! Parang na-miss ko sa Polot. Panay nga ang picture at video ko.

Nang iniwan ako room ni Jhon kasi magluluto siya, mag-explore ako. Hinanap ko ang daanan patungo sa ilog. Nahanap ko naman agad at narating iyon. Ang ganda rin doon! Mas malinis at malinis nga lang ang sa Tanay. Marami ring bato, pero kakaunti lang ang for keeps.

Nawili ako sa paghahanap ng figure stones. Panay ang video ko para sa Reels. Marami-rami rin akong nakuha kaya nag-chat ako kay Jhon na dalhan ako ng sako bag.

Mga 9, nasa bahay na ako ni Jhon. Pinakain niya ako at pinaidlip. Mga 11, umuwi na ako.

Nakatulog ako sa biyahe kahit paano. Mga 3:30, nasa bahay na ako.

Hindi naman ako nakatulog kasi may bisita si Emily. Nanood na lang ako ng 'Batang Quiapo.'

Then, naghugas ako ng mga batong dala ko sobrang saya ko dahil naragdagan na naman ang koleksiyon ko. Sabi nga ni Emily, 'adik na ako sa bato.'

Dahil sa pagod at puyat, maaga akong inantok. Pinagbigyan ko na. Hindi ko na nga inintindi ang ingay sa paligid.

Mayo 14, 2023

Maaga akong nagising. Okey lang naman dahil medyo mahimbing ang tulog ko kagabi. Agad akong nagdilig ng mga halaman. Pagkatapos, nagsimula na akong magsahod ng tubig para sa paglalaba ko.

Nine-thirty, tapos na ako maglaba. Nagpalit naman ako ng aquascape sa mga aquarium ko. Siguro mga 11 am na ako natapos. Worth it naman.

Maghapon akong nag-stay sa kuwarto. Masyadong mainit, pero dahil bukas ang bintana, lesser na ang alinsangan. Nakaidlip naman ako kahit paano.

After meryenda, nag-ayos ako sa garden. Nagtanim. Nag-transplant. Nag-landscape. Mas maganda na ngayon ang garden ko. May tambayan na ako sa gitba ng mga halaman. Featured o naka-diaplay pa ang mga figure stones ko.

Gusto ko sanang lumabas kami dahil Mother's Day ngayon, kaso nagsimba si Emily, may FVP meeting siya, saka may mga gagawin pa ako. Okey lang na hindi natuloy. Nagluto naman siya ng spaghetti. Nakatipid ako. Ang matitipid ko, magagamit ko pa sa birthday namin sa July.

Mayo 15, 2023

Namalantsa muna ako bago bumaba. Hindi muna ako nagdilig kasi basa pa.

Past 8, umalis na ako sa bahay. Nagsulat ako sa biyahe ng pang-update sa Wattpad. May isa akong reader na demanding. Gusto niyang habaan ko pa ang bawat chapter at gawin kong araw-araw ang pag-update. Nabibitin daw siya. Sabi ko naman, hindi ko iyon kaya dahil busy ako sa work. Nakaka-pressure siya.

Sa school, kumain agad ako pagdating ko. Tinapay at itlog lang kasi ang almusal ko. At palibhasa uminom ako ng First Vita Plus Dalandan bago umalis.

Then, gumawa ako ng listahan ng learners na qualified sa FA. Asar man ako dahil sa paulit-ulit na trabaho, ginawa ko pa rin.

Naasar naman ako sa Buko kasi may mga napakaaga pa ring pumasok. Pasilip-silip pa ang iba sa classroom. Wala akong privacy sa vacant period ko. Nakakainis!

Pinagalitan ko sila bago nagturo.

Nagpalitan kami ng klase kaya parang ambilis ng oras. Uwian na agad.

After class, nag-withdraw kami ni Sir Hermie ng aming mid-year bonus. Idaragdag ko ito sa pang-debut ni Hanna.

Naasar ako kay Emily kasi hindi niya ginawan ng paraan na ma-provide niya ang order na Guyabano Gold. Pinagalitan ko siya. Nakakahiya sa customer, umaasang makakainom na bukas, pero hindi pa pala.

Mayo 16, 2023

Dahil nagising na nang maaga ang mag-ina ko, nanibago na naman ako sa ingay. Hindi na ako nakatulog nang tumunog ang alarm nila. Nagbasa na lang ako ng mga children's books para antukin, pero hindi na rin ako nakatulog. Bumangon na lang ako para gumawa ng videos para sa Tiktok at Reels. Umulan din kaya hindi na ako nakapagdilig.

Maaga naman akong umalis sa bahay pero 11:45 na ako nakarating sa school. Napaka-traffic kasi.

Nagpalitan uli kami ng klase kaya napakabilis ng oras. Ang recess namin, mabilisan din. Okey nga ang ganoon!

Ngayong araw, hindi ako na-highblood. Okey ngayon ang mga estudyante. Sana palaging ganoon.

Mayo 17, 2023

Ang sarap pa sana ng tulog ko, bigla naman akong nagising. Mga 5:45 pa lang. Pero okey lang, marami naman akong nagawa, gaya ng pamamalantsa, gardenworks, creating content, at iba pa.

Past 8:30, umalis na ako sa bahay. Nakapagsulat ako sa biyahe. Malapit nang matapos ang Chapter 52.

Past 11, nasa school na ako. Hindi ako late ngayon. Hindi rin naman maagang-maaga.

Sa klase, tinatamad akong magturo. Kakaunti ang estudyante ko. May rehearsal ang iba sa Kumpil o Kumpisal ba 'yon. Nag-play na lang ako ng video.

Naistorbo pa ang klase namin nang ang walong estudyante ay pinalabas para mag-paint sa binili nilang plaster of Paris craft.

After recess, nagturo uli ako at nagpa-activity. Nakaraos naman maghapon kahit walang palitan ng klase.

Past 8, nakauwi na ako. Kumain agad ako ng dinner kasi nag-live ako. Binidyuhan ko lang ang mga aquarium ko. Mahigit isang oras akong live. Nakapanood pa ako ng BQ.

Mayo 18, 2023

Nakakainis ang kulog! Paasa. Akala ko uulan, hindi pala. Hindi ako nagdilig kasi umasa akong uulan. Hayun, bago ako umalis sa bahay, may nakita akong kuluntoy na mga halaman. Kinailangan ko munang buhusan ng isang tabo ng tubig, bago ako lumarga.

Sa PITX, nai-post ko na ang isang chapter sa nobela ko. Sana magustuhan ng mga followers ko.

Past 11, nasa school na ako. Nakipaghuntahan muna ako sa mga close friends bago umakyat.

Sa classroom, tinapos ko lang ang paglalagay ng entries sa SF 10 ng boys-- sa original. Marami pa namang araw. Hindi ko kailangang magmadali.

Gaya kahapon, kakaunti ang pumasok dahil sa rehearsal sa simbahan. Gayunpaman, nagturo ako at nagpa-activity. Okey naman sana sila maghapon, kaya lang nang malapit na ang uwian, nagpasaway pa sila. Napagalitan ko pa tuloy sila. Nakapagmura pa ako.

Pero, nawala ang inis ko nang pumunta kami ni Sir Hermie sa Cartimar. Nakabili ako ng aquatic plants na 3 for P50. May tatlong klase na ako ng halamang pantubig. Nakabili rin ako ng bettafish, worth P100.

Dahil dito, 9 pm na ako nakauwi. Okey lang, worth it naman. Natanggal ang pagod ko.

Mayo 19, 2023

Wala pang 6 am, gising na ako. Agad akong nagdilig ng mga halaman. Bukod dito, may mga nagawa pa ako bago ako nagligo. Pero, mabilis ang oras, kaya para akong hinahabol ng taga.

Before 11, nasa school na ako. Nakipag-bonding ako sa Tupa group at nakisalo sa lunch bago umakyat sa classroom.

Nagsulat uli ako sa SF 10 bago magsimula ang klase.

Walang palitan ng klase kaya antagal ng oras. Gayunpaman, nagturo ako at nagpa-activity.

Pagdating sa bahay, wala si Ion. Nasa Astro camp daw.

Maagang natulog si Emily. Ako naman, nanood ng BQ sa baba. Nagkape pa nga ako at kumain ng cornik habang nanonood. Pero wala pang 11:30, inaantok na ako. Dahil siguro sa ininom kong Vitamin C with Zinc.

Mayo 20, 2023

Humarap ako sa laptop pagkatapos mag-almusal. Gumawa ako ng PPTs. At dahil naglaba si Emily, ako ang naghanda ng aming lunch.

Hapon, nanood ako ng videos tungkol sa suiseki. Umidlip din ako. Paggising ko, mga bato pa rin ang inasikaso ko. Nilagyan ko ng oil ang iba.

After ng balita, nanood kami ng The Voice Kids. Ang galing ni Shane Bernabe!

Mayo 21, 2023

Past 7, gising na ako. Hindi muna ako bumaba kaya nauna si Emily. Naghanda na siya ng almusal. Nagdilig naman ako. At pagkatapos mag-almusal, naglaba na ako. Past 9:30 ako natapos. Isinunod ko naman ang paglilinis sa kuwarto. Nagpalit din ako nga tunbig at aquascape sa mga aquarium ko.

Dahil maaliwalas na ang kuwarto ko, nag-stay ako roon after lunch. Maalinsangan man, pero kinaya. Nanood ako ng suiseki videos, kaya hindi ako nakatulog. Nakaidlip lang siguro ako.

Gabi, nanood kami ng TVK Final Showdown. Nanalo si Shane. Deserve niya. Ang husay kasi talaga!

Mayo 22, 2023

Lunes na naman! Parang kulang ako sa tulog. Bukod kasi sa mainit, masakit na naman ang likod ko at ang singit ko. Parang may tama na naman ang kidney ko dahil sa kakape ko. Haist! Sana nagkakamali ako.

Nakapaghanda ako nang maaga. Hindi na ako nagdilig kasi kumukulog, baka umulan.

Past 9:30, nasa PITX na ako. Nagsulat ako roon ng para sa Chapter 53. Medyo mahaba naman ang naisulat ko.

Sa school, wala ako sa mood, makipagkulitan kaninoman. Wala rin akong ganang makipagpalitan ng klase, pero nagpalitan pa rin kami. Okey lang naman kasi mabilis ang oras. Nakaraos din!

Stressful lang dahil kailangan na ng schedule ng observation. COT 2 na!

Mayo 23, 2023

Maaga akong nagising. Gustuhin ko mang matulog, hindi na puwede kasi baka mapasarap. Hayun, nagdilig ako ng mga halaman bago nag-almusal. Ako ang naghanda ng mga kakainin ko. Actually, ininit ko lang ang ibang ulam. Nagprito lang ako ng itlog.

Past 8:30, lumabas na ako sa bahay para bumiyahe. Nakarating ako sa PITX ng past 9:30. Nakapagsulat pa ako roon.

Sa school, nagulat ako nang malaman kong may homeroom awarding ng certificates para sa mga estudyanteng may honors sa Q3. Hindi ko nasabihan ang mga pupils ko. Mabuti na lang, may isang dumating.

Okey lang naman. At ang mas okey, maraming pagkaing dala ang ibang sections, lalo na ang Avocado. Nakakain na roon, nakapag-Sharon pa.

Walang palitan ng klase. Nagturo ako ng radio broadcasting. Pinagbasa ko sila ng script. Wala halos akong mahanap na trainee para sa next journalism contests. Pero, may ilang mahusay magbasa. Madadaan naman siguro sa training.

Mayo 24, 2023

Past 8:30 na ako nakaalis sa bahay. Hindi naman ako nagdilig ng mga halaman, pero natagalan ako sa paghahanda. Marami kasi akong ginawa, gaya ng paggawa at pag-post ng FBReels.

Sa biyahe, nagsulat ako ng pang-update sa Wattpad. Medyo mahaba-haba ang naisulat ko. Soon, makakapag-post na naman ako ng Chapter 53.

Nagpalitan kami ng klase. Na-enjoy ko ang lesson namin. Kaya nag-enjoy ay natuto ang mga estudyante ko. Nakapagpatawa pa nga ako. Mas okey talaga ang magturo nang masaya. Mas nakikinig sila. Ramdam kasi nila ang emotion ng guro.

Masama na ang panahon bago ako nakalabas sa school. Mabuti, hindi ako natagalan sa biyahe. Hindi pa uumulan nang dumating ako sa bahay. Wala pa si Emily. Mabuti, hindi na sumama si Ion. May nakahanda nang pagkain.

After dinner, nanood ako ng BQ at suiseki videos sa YT. Maaga akong inantok kaya pinagbigyan ko na ang mga mata ko kahit wala pa si Emily.

Mayo 25, 2023

Masaya akong bumangon para paghandaan ang pagpasok. Ginawa ko ang mga routinary works bago ako umalis ng 8:30.

Sa biyahe, sinikap kong matapos ang sinusulat kong chapter ng nobela. Nagawa ko naman iyon bago ako bumaba sa PITX. Doon na ako nag-post. Gusto ko na rin nga sanang magsulat pa, pero may kailangan pala akong gampanan sa school.

Absent si Ma'am Joan ngayon kasi may sakit. Sa akin napunta ang mahigit sampung estudyante niya. Punong-puno ang classroom ko. Mabuti, may mga absent akong pupils.

Masaya akong naturo sa kanila. Medyo magulo at maingay pala kapag dalawang sections ang magkasama sa room.

Okey pa bago mag-recess, pero pagkatapos niyon ay high blood na ako. Saway ako nang saway sa madadaldal. Kaya bago mag-uwian, nakatikim sila sa akin ng maaanghang na salita.

Pagdating ko pa sa bahay, nadala ko pa ang inis ko, kaya pati nakapasok na langaw ay naging dahilan para manermon ako sa mag-ina ko. Hinayaan nilang palipad-lipad at padapo-dapo sa mga pagkain at kasangkapan, gayong puwede naman nilang raketahin. Maghapon naman silang nasa bahay.

Umakyat agad ang mag-ina ko. Umiwas.

Ayaw ko kasi talaga ng may langaw sa loob ng bahay. Kaya nga bumili kami ng raketang pamatay-langaw at lamok. Tapos, hindi nila nagawa. Kaninang umaga pa pala iyon nakapasok kasi may bisita sila. Hindi raw naisara agad ang screen. (Nagrason pa.)

Mayo 26, 2023

Umalis ako sa bahay nang tahimik. Wala pa rin ako sa mood makipagbiruan.

Sa school, hindi naman ako na-highblood dahil bukod sa 19 lang ang pumasok, nakonsumo pa ni Sir Hermie ang halos lahat ng oras ng klase. Nagpa-groupwork siya.

Past 8:30, nakauwi na ako. Pagkatapos kumain, nag-stay na ako sa room ko. Nanood ako ng BQ at suiseki videos.

Mayo 27, 2023

Nagdilig ako ng mga halaman kasi mukhang hindi naman uulan. Wala pa yata ang bagyong Betty.

Pagkatapos niyon, tinapos ko na ang vlog ko last Saturday. Past 11:30, uploaded na ito.

Nagpalit naman ako ng tubig at aquascape ng mga aquariums ko.

Then, maghapon akong nag-stay sa kuwarto. Nanood ng suiseki videos at umidlip. Tinatamad akong gumawa ng mga schoolworks at iba pa. Nakakaadik kasi ang mga bato. Parang gusto kong magbakasyon sa Bulan.

Mayo 28, 2023

Past 9:30, nakapaglaba na ako. Agad akong umakyat sa kuwarto, hindi upang magpahinga, kundi gumawa ng Filipino 4 PPTs for 1 week.

Nang dumating si Kuya Emer, lunch time na. Saka naman ako bumaba. Nakakain na sila.

Dahil nakaligo na ako bago mag-lunch, umidlip muna ako habang nanonood ng suiseki videos. Grabe na talaga ang pananabik kong mag-rock hunting.

Sobrang init ngayong araw. Wala pa ring ulan. Mabuti pa kagabi umulan.

Mayo 29, 2023

Maliban sa pagdidilig, nagawa kong lahat ang mga routinary activities ko bago pumasok. Sinigurado ko ring busog ako.

Sa biyahe, nakapagsulat ako ng para sa Chapter 54 ng nobela ko. Kahit paano, mahaba-haba ang naidugtong ko.

Past 11 nasa school na ako. Sobrang init. Natunaw na yata ang bagyong Betty. Nakakapanghina ng katawan.

Twenty-four lang ang pumasok sa Buko. Okey lang naman. Ang mahalaga, nagturo ako kahit walang palitan ng klase. Absent kasi si Sir Hermie at kailangan naming asikasuhin ang Amplified Numeracy Assessment (ANA).

Hindi ako stress sa arae na ito. Hindi masyadong pasaway ang Buko. Pagdating naman sa bahay, tanggal ang pagod ko dahil sa mga betta fish at figure stones ko.

After dinner, nanonod ako ng BQ. Kapana-panabik talaga ang bawat eksena.

Mayo 30, 2023

Wala pang 6, gising na ako. Okey lang naman kasi kailangan kong mag-exercise, mamalantsa, at magdilig ng mga halaman. At siyempre, naisingit ko pa ang pag-Reels. Nakalimitan ko nga ang task ko sa ITWNG.

Past 8:30, umalis na ako. Nagsulat uli ako habang nasa biyahe, pero dahil inantok ako, umidlip ako.

Ngayong araw, hindi na naman ako na-highblood masyado. Maiingay talaga ang Buko, pero kayang-kaya ko sila kanina.

Namigay ng mga damit at sapatos ang SM MOA sa school. Marami akong napiling damit para sa akin, kay Ion, at kuya Emer. May mga sapatos at sandals din para kay Emily. Sulit! Para akong nag-shopping. Sana palaging ganoon.

Mayo 31, 2023

Hindi ko alam kung anong oras bumagsak ang napakalakas na ulan. Basta ang alam ko, nagdasal ako sa Diyos. Hindi rin ako agad nakatulog agad. Kaya naman, nang magising ako bandang 5:25, natulog uli ako. Muntik naman akong magising nang 7:00.

Hindi naman ako mahuhuli, pero ayaw kong nagmamadali ako sa pagpasok. Gusto kong marami akong time allowance.

Hindi na muna ako naglagay ng 'Word of the Day' sa ITWNG group. Parang wala nang kumikilos. Busy na lahat. Anong nangyari? Wala na ang dating sigla. 

Past 11:30 na ako nakarating sa school. Nakakain na ang Reseta Group, kaya mah-isa na lang akong nananghalian.

Nagpalitan kami ng klase kasi puamsok na si Sir Hermie. Ang bilis ng oras pero high blood ako sa Guyabano. Tatlo lang ang gumawa ng activity.  Medyo maingay rin ang Buko. Pumasok kasi ang mga pasaway. 

Tuwang-tuwa si Emily sa mga sapatos na uwi ko. Nagustuhan niyang lahat. Blessings talaga ang pamimigay ng SM MOA. 

Natuwa rin si Kuya Emer sa mga polo. 





No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...