Followers

Saturday, May 11, 2024

Alter Ego: Aksidente

Mahal na mahal si Paul ng kanyang mga magulang. Pinalaki siyang maginhawa ng mga ito. Pinag-aral sa pribadong paaralan at tinamuhan siya ng mga karangyaan. Hindi naman binigo ni Paul ang kanyang mga magulang. Binigyan niya ang mga ito ng karangalan at kasiyahan. Lumaki siyang may takot sa Diyos, may respeto at may paggalang sa kapwa. Pinahalagahan din niya ang edukasyon. Isang mabuti at mapagmahal na maybahay ang ina ni Paul. Ang ama naman niya ay isang negosyante. Mayroon silang grocery sa bayan. May mga paupahang apartment din sila. Mahal na mahal ng mga magulang niya ang isa't isa. Kaya, ang pagmamahal na iyon ay nararamdaman at nararanasan din ni Paul mula sa dalawa. Ngunit sa di inaasahang pangyayari. Nasawi ang kanyang ina sa isang aksidente noong pauwi silang mag-ina mula sa field trip. Muntik nang masagasaan si Paul ng rumaragasang kotse. Naitulak si ng kanyang ina, kaya nakaligtas siya sa posibleng kamatayan. Ngunit sa kasawiang-palad, namatay ang kanyang ina pagkatapos masagasaan. Simula nang mawala ang kanyang ina, nag-iba ang pakikitungo ng kanyang ama. Madalas na siya nitong singhalan, pagalitan at murahin. Naging lasenggo din ang kanyang ama. Minsan nga ay napapabayaan na ang kanilang negosyo. Lumipas ang mga taon, hindi pa rin nagbago ang mapait na pakikitungo ng ama ni Paul sa kanya. Sinisisi siya ng kanyang ama dahil sa maagang pagkawala ng kanyang ina. "Daddy, sorry po.." minsang sabi ni Paul sa kanyang ama. "Sorry? Mabubuhay ba ng sorry mo ang ina mo?" Umiiyak na si Paul noon sa sobrang takot dahil lasing ang kanyang ama. Kinuwelyuhan ng ama ang anak. "H-hindi po.." "Hindi talaga! Buwisit ka! Ikaw ang pumatay sa kanya! Sana ikaw na lang ang namatay!" Binitawan ng ama ang umiiyak at takot na takot na anak.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...