Hulyo 1, 2022
Parang ayaw kong pumasok sa school, pero bumiyahe pa rin ako. Before 11, nasa school na ako. Nauna sa akin si Marekoy sa classroom.
Nakapaglinis at nakapag-ayos na kami ng classroom nang pinababa kami ni Ate Bel para kumain. Katatapos lang ng awarding/recognition day nila. May mga magulang na nagdala ng pagkain.
Kumuha lang kami ng paglain, tapos bumalik kami sa classroom. Kasalo namin si Ma'am Joan. Absent si Hermie, kaya kaming tatlo lang.
Nagkuwentuhan kami after lunch. Mabuti dumating si Sir Joel G, kaya apat na kami. Inabutan kami ng past 4.
Past 5, umuwi na kami. Nakauwi ako sa bahay bandang 7:30. After dinner, nanood ako sa Netflix. Hindi ako agad inantok kaya nakadalawang movies ako.
Hulyo 2, 2022
Pag-alis ni Emily, humarap na ako sa laptop para mag-digital illustrate. Maghapon kong ginawa iyon. Mabagal ako makabuo ng sang page, pero okay lang kasi enjoyable naman. Sinisikap kong maging quality ang gawa ko.
Habang nagluluto ako ng ulam, naglinis ako sa sala. Nagpunas ako ng sahig kasi malagkit. Kagagawan ni Herming.
Hindi pa ako tapos maglinis dumating na ang asawa ko. Bad trip siya. Ayaw ko nang ganoon, kaya nainis din ako.
Ngayong araw, nakagawa ako ng apat na pages ng digital illustrations. Not bad.
Past 10, sinimulan kong magsulat ng chapter ng Wattpad novel ko.
Hulyo 3, 2022
Hindi muna ako naglaba. Mas inuna ko ang digital illustration. Hindi na rin naman kasi ako papasok bukas at hindi rin ako dadalo sa graduation sa Martes. Sayang lang ang pamasahe ko.
Marami akong natapos ngayong araw. Nakatutuwa ang mga outputs ko. Improving!
Naisingit ko rin ang panonood sa Netflix. At siyempre, umidlip din ako. Past 9 ng gabi, nagsulat ako.
Hulyo 4, 2022
Naglaba muna ako bago ako humarap sa laptop para mag-digital illustrate. Alas-diyes na ako natapos sa paglalaba.
Two pages lang ang natapos kong illustrations ngayong araw. Okay lang dahil worth it naman. Naisingit ko rin ang panonood sa Netflix. Hindi nga lang ako nakaidlip.
Gabi, nagsulat ako para sa Wattpad.
Hulyo 5, 2022
Maghapon uli akong nag-digital illustrate. Walang idlip-idlip. Ang tanging pahinga ko lang ay ang pakikipaglaro kay Herming. Nakakatuwa ang kaniyang kakulitan. Para tuloy kaming may baby o batang maliit na inaalagaan at sinasaway. Ang sarap din niyang kuhaan ng videos o pictures.
Gabi, nanonood ako ng mga vlogs about writing and digital illustrations. Nakaka-inspire!
Hulyo 6, 2022
Ikalabindalawang kaarawan ngayon ni Zillion. Bumangon din ako nang maaga lasi aalis silang mag-ina para dumalo sa graduation general rehearsal. Kailangan ko kasing bigyan ng pera si Emily para makabili ng handa.
Pagkaalis ng mag-ina ko, naglinis ako sa sala at kusina. Binisita ko rin ang aking garden. Nang matapos, gumawa ako ng digital illustration ng mukha ni Emily para gamitin sa birthday greeting sa July 10, na ginawa ko naman kay Ion. After ko niyon, nag-karaoke ako. Naabutan ako ng aking mag-ina bandang 12.
Hindi talaga ako nag-digital illustrate ngayong araw para sa kuwento ko. Nanood lang ako ng Pinoy indie film. Nag-digital illustate din ako as practice. Na-inspire ako ng mga nakikita kong usong larawan sa social media at internet.
Gabi, sinimulan kong i-illustate si Herming. Pagod lang ang kamay ko kaya hindi ko muna tinapos at minadali.
Hulyo 7, 2022
Nag-goodluck ako sa.mag-ina ko bago sila umalis patUngo sa venue ng graduation. Natutuwa ako dahil graduate na ang anak ko. Parang kailan lang.
Naglinis muna ako sa kusina at nagwalis sa sala bago ako bumarap sa laptop para maghanda ng mga MOVs sa IPCRF. Ayaw kong ma-stress kaya hindi ko masyadong sineryoso.
Then, nagsimula na akong mag-illustrate. Gusto ko nang matapos ang 'Kadang-Kadang..." para makapagsimula naman ako ng isa pang kuwento.
Past 11:30, dumating na ang aking mag-ina. Masaya ko silang sinalubong. Masaya rin sila sa dinaluhang event.
Hapon, umidlip ako sa taas since malamig naman ang kuwarto. Then, ipinagpatuloy ko ang digital illustration. Isa o dalawang pahina na lang ang gagawin ko, pero sa isang pahina, kailangang makagawa ako ng limang cliparts dahil lima o anim katao ang nasa isang pahina. Bukas, baka matapos ko na.
Hulyo 8, 2022
Pagbangon ko, ready na ang almusal. Himala! Palibhasa, naglalaba ang mag-ina ko.
Habang naglalaba sila, tinapos ko ang digital illustration ni Herming, na nasimulan ko kahapon. Then, gumawa ako ng logo ng school supplies business ni Emily. Kailangan daw kasi ng logo para makasali sa FB group, as online seller.
Nanood muna ako ng movie bago ako nagpatuloy sa paggawa ng digital illustration s ng kuwento ko. Dumating naman ang mag-asawang Sir Hermie at Ma'am Anne bandang 4 pm kaya nahinto ako sa paggawa o panonood.
Nagdala sila ng pizza, kaya nagmeryenda uli ako para saluhan sila.
Mabilis lang sila. Kaunting kuwentuhan lang ang nangyari. Binigyan ko rin ng mga halaman si Sir.
Ipinagpatuloy ko ang panonood pag-alis nila. Then, digital illustration uli hanggang 10.
Si Emily, gising na gising pa sa mga oras na pagod na ang mga mata ko. Naadik na sa K-Drama. Maghapom siyang nanood. Tambak na ang mga hugasan sa lababo.
Si Zillion naman, maghapon ding magsi-cellphone. Haist! Sana may katuturan ang mga ginagawa nila.
Ako, passive income ang pinagkakaabalahan ko. Pahinga ko lang ang Netflix. Kapag nakilala ang mga stories ko sa YT, malaki ang kikitain ko monthly.
Hulyo 9, 2022
Sinimulan ko kaagad ang pag-digital illustrate habang nagkakape at habang naghihintay ng almusal. Medyo bad trip ako kasi parang ayaw magsikilos ng mag-ina ko.
Past 12, tapos ko nang lagyan ng audio ang digital illustrations ko. Nai-post ko na sa YT, FB pages, at FB groups.
After lunch, nanood naman ako ng pelikula ni Sarah G-- ang 'Unforgetable.' umidlip din ako pagkatapos. At paggising, nanood uli ako. Gabi na ako nakapagsimulang mag-digital illustrate uli. Ang kuwentong "Hindi Nakabasa si Rico" ang ginamit ko. Naisip ko ring gawing isda si Rico.
After dinner, nag-Netflix na ako. Masakit na kasi ang kamay ko sa kaka-illustrate.
Hulyo 10, 2022
BIrthday ngayon ni Emily. Gusto ko sana siyang handaan, kaso wala siya sa mood. May dalaw siya. Late na nga siya nagising. Late na rin kami nakapag-almusal.
Hinarap ko maghapon ang pagtapos sa digital illustrations ng ''Hindi Makabasa so Rico.' Enjoy na enjoy ako sa paggawa ng mga isdang characters at iba pang lamang-dagat.
Past 7, natapos ko na. Sobrang na-appreciate ko ang gawa ko. Masasabi kong improving na ako.
Bukas, audio recording naman.
Nanood ako ng cartoons hanggang 10 pm. Makatutulong kasi sa akin ang panonood nito.
Hulyo 11, 2022
Late na naman ang gising ng asawa ko. Kung hindi ko pa ginising, hindi pa babangon. Masama pa ang loob. Haist!
Habang nagkakape, nag-record ako ng audio ng kuwento. Natapos ko at nai-post ko ang videos bago mag-12 noon. Nagsimula na naman akong mag-digital illustrate. Ang kuwentong "Masaya na si Ampalaya" ang pinili ko.
Marami-rami din akong nagawang illustrations ngayong araw. Masakit lang sa kamay, kaya kailangang ipahinga. Panonood lang sa Netflix ang pahinga.
At dahil hindi nakaidlip, maaga akong inantok. Wala pang 9:30 ng gabi, nag-off na ako ng laptop. Hindi ko na natapos ang pinanonood kong cartoons. Sabagay, kailangang matulog na nang maaga dahil pupunta ako bukas sa Pasay.
Sana bukas may balita na tungkol sa royalty ko sa St. Bernadette. Sabi ni Ma'am Nhanie, ngayon daw niya ipa-follow up kasi iyon ang pangako ng pub house. Ayaw kong ma-excite masyado kasi napuournada. Naniniwala naman akong mababayaran ako. Patience is a virtue.
Hulyo 12, 2022
Past 10:30 am, nasa school na ako. Nag-message ako sa GC na puwede nang kumuha ng card, kaya may ilan nang parents ang kumuha bago ako sumama sa Tupa group para sa lunch out. Iniwan ko kay Sir Hermie ang cards para sa mga darating habang nasa Tramway ako.
Siyam kaming nag-buffet. Almost complete sana ang Tupa kung naroon si Papang. Kasama rin namin si Ma'am Anne at Ate Jing.
Busog na busog ako. Mas dumami na kasi ang nakahain sa buffet tables, kumpara last time nang kumain kami.
Past 2, nasa school na uli ako. Namigay na ako ng cards habang nagpi-print ng MOVs para sa RPMS. Kahit paano, nakaipon ako ng MOVs. Kaunti na lang, makokompleto ko na.
Inabot kami ng six pm sa school kasi nagpameryenda pa si Ma'am Joan. Nanalo raw siya sa ending ng volleyball.
Past 8:30, nasa bahay na ako. Dahil busog pa rin ako, nagkape na lang ako habang nanonood ng cartoons sa Netflix. Happy ang life!
Hulyo 13, 2022
Nakakainis si Herming! Ang aga niya akong ginigising. Tumatabi sa akin. Mabuti sana kung natutulog siya, e hindi naman. Panay ang hilahid. Nais makipagharutan. Nagkukulang tuloy ako sa tulog.
After breakfast, digital illustration na ang ginawa ko. Magapon. Naisingit ko ang panoood ng cartoons at pag-idlip para ipahinga ang mata at kamay.
Nine o' clock, natapos ko na. Bukas na ang audio recording.
Naiinis ako sa St. Bernadette. Hindi pa rin nagbibigay ng royalty. Anong petsa na. Si Ma'am Nhanie, wala ring maibalita. Gayunpaman, naniniwala akong maibibigay na on or before my birthday.
Hulyo 14, 2022
Nasolo ko ang bahay maghapon. Umalis kasi ang mag-ina ko patungong FVP office. Alas-7 sila umalis. Kaya, pagkatapos kong mag-almusal, naglinis muna ako nang kaunti. Nagtanggal ako ng poo sa cat litter. Then, nanood na ako ng cartoons sa Netflix. Na-inspire uli ako, kaya sinimulan kong gawan ng digital illustrations ang kuwento kong "Walong Gabi ng Pag-iisa." Naisip kong gawan ng kakaibang estilo ang kuwentong ito.
Hapon, nagawa kong umidlip. Kahit paano nakatulog ako.
Bago magdilim, umalis ako sa bahay para mag-withdraw at bumili ng ulam.
Nagsasaing pa lang ako nang dumating na ang mag-ina ako. Hindi mainit ang ulo ni Emily kaya hindi rin ako nag-bad trip.
After dinner, nag-suggest si Sir Hermie na gumawa ako ng NFTs. Naririnig ko na ito at muntikan na akong makasali sa isang webinar. Interesado ako, kaya nanood ako sa YT. Pinagpuyatan ko. Nag-install na rin ako ng Metamask at Opensea para makapagsimula na ako.
Hulyo 15, 2022
Past 7, bumangon na ako para maglaba. Mabilis ko lang natapos kasi isang salang lang sa washing machine ang mga damit ko. Nakaragdag lang sa labahin ko ang mga door mats at quilt.
After maglaba, digital illustration naman ang hinarap ko. Na-eenjoy ko ang ginagawa ko lalo't nakakuha na naman ako ng bagong kaalaman sa ginagawa ko. Sa PPT na mismo ako gumawa. Mas maganda pala roon kasi may Draw.
Past 1, pinatuli namin si Zillion sa maternity clinic. Mabilis lang matuli. Sana mabilis din ang paggaling ng sugat niya. At sana tuluyan na siyang mag-mature at magbinata.
Maghapon akong nag-digital illustate. Hindi ko na nagawang manood sa Netflix. Worth it naman dahil natapos ko ang "Walong Gabi ng Pag-iisa," pasado alas-9 ng gabi.
Bukas, gagamitin ko ang boses ni Ion sa audio recording, since Zillion naman ang character name.
Hulyo 16, 2022
Pag-alis ni Emily, nagdilig muna ako ng mga halaman, saka na ako humarap sa laptop para mag-record ng audio.
Natapos ko kaagad ang recording kaya nai-post ko rin agad sa YT at FB pages. Then, nagsimula na naman ako ng bagong kuwento. Ang kuwentong "Mga Bulaklak para kay Quennie" ang napili ko.
Gusto ko sanang crayon style ang coloring ng figures, kaso mabagal ang PPT kapag nagdo-draw ako. Natatagalan lang ako. Kaya nagpalit ako ng style.
Ako ang naglinis at nagpalit ng gasa ng sugat ni Zillion. Iba talaga ang mga kabataan ngayon. Noon, ako lang ang naglilinis at naggagamot sa sarili ko.
Gabi na ako nakapagsimula ng baging estilo ng digital illustration. Kahit paano, naka pagsimula ako ng isang page. Medyo madetalye kasi ang bawat figure, lalo ang bulaklak.
Before 8, dumating na si Emily. Mainit na naman ang ulo. Medyo nasisi pa ako kasi sumakit ang tiyan at ulo ni Ion. Sabi ko, nasobrahan sa laptop radiation. Hinayaan ko lang kung saan siya masaya. Ayaw kong maging kontrabida sa kanya. May sarili naman siyang isip. Kung gustong matulog, matutulog naman siya. Ang kaso, ayaw matulog kapag hapon.
Hulyo 17, 2022
Past 8, bumangon na ako. Ako na ang naghanda ng almusal.
Nag-digital illustrate ako maghapon. Nagagandahan ako sa mga output ko kaya nakakaadik. Parang ayaw ko nang tumigil. Kung hindi nga lang masakit sa mata at kamay hindi ako iidlip.
Before dinner, tumigil na ako. Mabagal na kasi ang net at isa pa, kailangan ko nang ipahinga ang mata at kamay ko. Nanood na lang ako sa Netflix.
Pinanood ko ang Trese. Nahihiwagaan ako sa komiks na ito, kaya pinanood ko. Maganda naman.
Hulyo 18, 2022
Pagkabangon ko, na-inspire akong gawan ng vlog si Emily. Nabasa ko kasi ang post ni Ma'am Jenny tungkol sa dengue. Wala pa kaming vlog tungkol dito, kaya nahgdesisyong akong gawin iyon ngayong araw.
Humarap agad ako sa laptop kahit hindi pa nag-aalmusal. Nagsulat muna ako ng article.
After breakfast, nagli-layout na ako sa PPT. Gumamit na ako ng sarili kong cliparts, na ginagawa ko ora mismo.
Worth it naman ang effort ko. Natapos ko bago mag-lunch.
Tinapos ko munang panoorin ang ilan pang episodes ng Trese bago ko tinapos ang "Mga Bulaklak para kay Quennie." Past 8:30 ko na ito natapos. Nagluto pa kasi ako.
Bumibilib na alo sa sarili ko. Unti-unti akong natututo sa sarili kong pagpupunyagi at pag-eekspiremento. Maganda naman ang kinalabasan ng digital illustrations ko.
Bago matulog, nanood muna ako ng cartoons sa Netflix upang kumalap ng maraming ideya at inspirasyon. Hindi naman ako nabigo dahil next time, may bagong estilo na naman akong susubukan dahil sa napanood ko.
Hulyo 19, 2020
It's my 42nd birthday!
Napangiti ako sa lambing ni Herming. Parang alam niyang birthday ko kasi ginising ako at panay ang lapit sa pisngi ko. Nang hinayaan ko, parang humalik pa. Naghiga pa sa balikat ko. Nakuhaan ko nga ng picture. Hayun, may My Day ako.
Nagsabi ako sa Tupa Group na hindi muna ako mag-treat kasi hindi pa dumating ang royalty fee ko. Naunawaan naman daw nila.
Sinimulan ko ang araw ko sa pag-record ng audio. Natapos ko iyon at nai-upload at post bandang 11 am. Then nagsimula akong mag-digital illustrate ng "Ranny Tingi." Cubism ang estilo ko. Natuwa ako sa una kong output, kaya nagtuloy-tuloy ang paggawa ko.
Hindi kami naghanda. Nagpa-deliver lang si Emily ng carbonara. Okay lang. Masaya pa rin naman ako.
Hulyo 20, 2022
Past 6:30, ginIsing na ako ni Herming. Wapa na akong nagawa kundi ang bumaba. Hindi na ako nakatulog muli kahit pinalabas ko na siya. Naisip ko kasi ang plano kong maglinis sa garden.
Kahit hindi pa ako nagkakape, nagtanggal na ako ng mga laylay na sanga ng puno. Nag-ayos na rin ako ng mga halaman sa labas ng bakod.
Marami-rami din akong nagawa sa garden bago ako nagpahinga. Mga past 9:30 na iyon. Naisingit ko siyempre ang pag-aalmusal.
Ngayong araw, nakapag-record ng audio si Emily para sa vlog niya. Nai-upload ko na rin sa YT niya.
Habang ini-edit ko ang audio recordings niya, nagkasagutan kami. Gusto niya kasing magpakasal daw kami sa pari. Kailangan daw kasi niya as requirement para makapag-serve sa simbahan. Tumutol ako kasi parang pinapawalang-bisa niya ng pari ang kasal namin sa civil. Besides, hindi ako Katoliko. Kung magpapakasal man ako uli, sa pastor na. Hindi sa pari. Kapritso ng pari, kako.
Maghapon, nakapag-digital illustatre ako. Naisingit ko ang panonood ng 'Carmen Sandiego,' isang animation series sa Netflix. Ma-action, kaya nakaka-enggayong panoorin at tapusin. Marami rin akong styles na na-observe at natutuhan.
Hulyo 21, 2022
Maghapon akong nasa kuwarto --nagdi-digital illustrate. Hindi naman ako masyadong naabala, kaya marami-rami akong nagawa. Hindi naman talaga whole day dahil may idlip din at may panonood sa Netflix. Nakiayon ang panahon kaya komportable ako sa kuwarto. Hindi masyadong mainit.
Hulyo 22, 2022
Five-thirty pa lang, tumabi na sa akin si Herming, kaya hindi na ako nakatulog uli. Gusto niya pang paglaruan anv buhok ko. Nakakatakot lang kasi baka makagat o makalmot niya ako.
Naunang umalis si Emily. Mga past 8 siya umalis. Patungo siya sa FVP office at Caloocan para kumuha ng baptismal certificate ni Kaylee. Ako naman, patungo sa school para magpasa ng RPMS-IPCRF.
Past 10:30, nasa school na ako. Magkasunuran lang kami ni Sir Hermie. Sa classroom namin ni Mareng Lorie kami nag-print ng ilang kulang naming MOVs, kasi wala kaming susi sa Grade 4 classroom. Mabuti na lang sinabi niya noon na sakin na maaari kong gamitin ang printer. Naayos at nabilang na rin namin doon ang mga returned books.
Dumating si Ma'am Joan para ibigay ang susi sa classroom namin, kahit paano nakatulong kasi may kinuha kami roon.
After lunch, nagpatulong kami kay Ate Jing sa pag-ring bind ng aming MOVs. Mabilis lang namang natapos. Para akong nakahinga nang maluwag. Wala na akong alalahanin pa. Puwede nang magbakasyon.
Mga 2pm, bumibiyahe na ako pauwi. Three o' clock, nasa bahay na ako. Napahinga agad ako. Before 5, saka lang ako nagmeryenda.
Then, hinarap ko na ang digital illustration. Nakadalawang pages ako ngayon bago ako nag-stop.
Seven, nasa bahay na si Emily. Saka pa lang ako magluluto.
After dinner, nag-Netflix na ako.
Hulyo 23, 2022
Sa pagitan ng pagdi-digital illustration ko, nakapag-gardening ako sa umaga at nakapanood ng Netflix sa hapon. Nakakawala ng pagod ang mga halaman ko. Nakaka-revive ding manood ng cartoons.
Ngayong araw, nalaman kong naipasok na ng Adsense ang payment sa akin. May pang-grocery na ako. Ang royalty fee na lang ang kulang. Sana ibigay na ng St. Bernadette.
Hulyo 24, 2022
Maagang bumangon si Emily para maghanda ng almusal. Bumangon na rin ako habang naghahanda siya. Hinarap ko kaagad ang laptop para mag-digital illustrate.
Before lunch, pinag-record ko si Zillion ng audio. Ni-read aloud niya ang "Pulis ang Daddy Ko." Nagdilig naman ako habang ginagawa niya iyon.
Malapit nang matapos ang "Ranny Tingi." Medyo maaksiyon lang ang mga eksena kaya natagalan ako. Kulang-kulang 10 pages na lang, matatapos ko na.
Quarter to five, pumunta ako sa simbahan para sunduin si Emily. Usapan naming mag-grocery pagkatapos niyang mag-serve.
Past 5 na natapos ang misa, kaya rush hour na ang pag-grogrocery namin. Mabuti, maiksi pang ang pila. Past 6:30, nakauwi na kami.
Tuwang-tuwa ang mag-ina ko sa mga pinamili namin. Bumili rin ako ng stand fan para sa sala. Nalaman nilang katas ng Youtube ang pinambili ko niyon at pinang-grocery. Ang totoo, wala pa akong na-withdraw kanina. Marahil ay hindi pa naipasok sa account ko dahil Sunday ngayon. Mabuti, nagdala ako ng pera.
Saglit lang akong nag-illustrate kasi pagod at antok na ako. Habang nagpapatunaw ng kinain nanood ako sa Netflix bago matulog.
Thanks God sa mga biyayang natanggap ko sa araw na ito.
Hulyo 25, 2022
Bago ako nag-illustate, bumisita muna ako sa garden. Nagwalis ako roon at gumawa ng ilan pang mga gawain. At kahit paano, naarawan ako.
Sinikap kong matapos ko ngayong araw ang digital illustrations ng "Ranny Tingi." Nagawa ko naman bandang 1:30 pm. Isinunod ko na rin agad ang pag-rerecord ng audio. Kaya pasado alas-3, nakapag-upload na ako sa Youtube.
Masasabi kong worth it ang efforts ko. Hindi nakakahiyang i-post.
After meryenda, nag-sound trip ako sa kuwarto. Hindi rin naman ako napakali. Nag-iisip na ako ng susunod kong gagawin.
Binasa ko ang "Kay Sayang Mamasya." Travelogue ito pero natakot akong bigla kasi parang political. Ayaw kong mag-bash. Kailangan kong i-edit iyon para makaiwas sa anomang problema.
Sa halip na iyon, ang "Ang Dadddy Ko ay Papa Nila" ang napili kong illillustrate. Sinimulan ko ngang gawin ang main character. Ibang drawing style naman ang gagamitin ko.
Hulyo 26, 2022
Gardening ang paraan ko para ipahinga ang mata at kamay ko sa pag-didigital ilustrate. Worth it naman kasi nawawala ang sakit at nakadaragdag ng inspirasyon. Ang lulusog ng mga halaman ko. Thriving talaga sila. Ang iba, namumulaklak na.
May nadiskunre na naman ako sa ginagawa ko, kaya patuloy na nag-iimprove ang mga output ko.
Hulyo 27, 2022
Dahil nandito si Kuya Emer kagabi, maaga ang aming almusal. Maaga rin akong nakapag-gardening.
Then, hinarap ko na ang pagtapos sa "Ang Daddy Ko ay Papa Nila." Alas 11:30 nga ay nag-rerecord na ako ng voiceover. Ala-una, posted na ang video sa YT at FB.
Nag-gardening uli ako bilang pahinga. Nang manumbalik ang normal na paningin, sinimulan ko ang pag-illustrate sa kuwentong "Si Isagani at si Yani."
Unique ang drawing style ko. Expiremental pero sa tingin ko, maganda ang kalalabasan. Medyo mahirap nga lang sa una. Kaya nga, nang tumigil ako, nakatatlong pages pa lang ako.
Ngayong araw, grounded si Zillion. Hindi ko muna siya pagagamitin ng laptop ko. Napuno na ako kagabi. Sobrang tamad na niya. Kahit ang pagkain at pagsisipilyo ay kinatatamaran. Kaya hangga't hindi ko nakikita ang pagbabago, hindi siya magagamit ng gadget. Sana si Emily ay maging strict din sa pagpapahiram ng cell phone.
Hulyo 28, 2022
Nakaalis na si Emily nang bumaba ako. Mga 6:30 pa lang yata iyon. Maaga akong bumangon para maglaba.
Habang nagkakape, nagsalang na ako ng mga labahan sa washing machine. Nagawa ko ring magtanim.
Past 8:30, nakasampay na ako. Hinarap ko na ang pag-iillustrate.
Tinotoo ko ang pag-ground kay Ion. Hindi siya nakagamit ng laptop ko. Tahimik siya maghapon. Naglaro siya sa kuwarto niya. Minsan, nanonood ng telebisyon. Sana maisip niya ang mga pagpapabaya niya sa sarili niya dati. Sana rin maisip niya na ang paggamit ng gadget ay hindi lang for fun, kundi pagkabuhayan. Gaya ng ginagawa ko. Sana sa dami ng oras na ginugol niya sa gadget, nakaisip na siya ng mga bagay-bagay na dapat niyang pasukin at pagkakitaan.
Hulyo 29, 2022
Desidido akong matapos agad ang in-illusrate ko kaya pagkatapos kong maglinis sa kuwarto, gumawa na ako. Past 10:30, nagluto naman ako. Nag-crave ako ng pansit canton kaya nagpabili ako ng mga sangkap. After an hour, luto na. Ang sarap ng pagkaluto ko.
Nagtuloy-tuloy ako sa pag-illustrate hanggang sa antukin ako. Umidlip naman ako, pero hindi yata ako nakatulog.
Past 6:30, umalis ako para mag-withdraw at magpa-GCash. Andami na naman kasing bills.
Past 8 na ako nakarating kasi naglakad lang ako papuntang Umboy at pauwi.
Natapos ko ngayong gabi ang "Si Isagani at si Yani." Nakapag-voiceover na rin ako. At siyempre, nakapag-upload sa YT at nakapag-post sa FB pages.
Kahit hindi gaanong pinanonood ang mga kuwento ko ng mga FB friends ko, inspired pa rin ako Hindi lang sila ang tao sa mundo. Besides, walang rason para tumigil ako. Kumikita na Kahit paano ang YT ko, kaya naniniwala akong tataas pa ang income.
Hulyo 30, 2022
Hindi muna ako nag-illustrate ng kuwento ko ngayong araw. Sumulat muna ako ng article tungkol sa pneumonia para gawing vlog ni Emily.
Past 11, naisulat ko na. Agad ko namang ginawan ng digital illustrations. Dahil sa sobrang haba ng article, hindi ko natapos ngayong araw. Okay lang naman kasi Sunday pa lang bukas. Sa Monday na ako mag-illustrate ng kuwento ko.
Hulyo 31, 2022
Past 11, tapos na ang PPT ng 'Pneumonia.' Ang kaso, hindi pa malalagyan ni Emily ng voiceover kasi busy siya sa paghahanda ng talk niya sa FVP webinar. Okay lang naman. At least natapos ko na.
Nagluto uli ako ng pansit pananghalian. Kasingsarap ng una kong niluto.
Ipinagpatuloy kong iillustrate ang 'Cali Kaliskis.' Nasimula ko na ito bago pa ako ng workshop sa digital illustration. Nakalimutan ko lang tapusin. Mabuti nakuha ko ang files.
Nakapanood ako ng dalawang cartoons ngayong araw. Kahit paano naipahinga ko ang kamay ko. Siyempre, naaliw ako, natuto, at na-inspire.
No comments:
Post a Comment