Followers
Saturday, May 11, 2024
Alter Ego: Dugo
Third year high school na si Paul. Tanggap na niya ang pagkamatay ng kanyang ina. Ngunit, hindi pa rin siya napapatawad ng kanyang ama. Madalas pa rin itong umuwi ng lasing at sisihin siya. Halos gabi-gabi siya nitong inaalimura.
Isang gabi---alas-onse ng gabi, sunod-sunod na katok ang narinig ni Paul mula sa pinto ng kanyang kuwarto.
"Paul, buksan mo ang pinto!" sigaw ng kanyang Daddy. Lasing ito.
Agad na bumangon si Paul at pinagbuksan ang ama.
"Dad? Lasing na naman po kayo."
"E, ano ngayon? I-ikaw ba ang nagpapainom sa akin?'
"Hindi po.. Gabi-gabi na lang po kasi kayong lasing.."
"Wala kang pakialam! Hala sige.. bumaba ka at panhikan mo ako ng pagkain." Makapangyarihan ang boses ng ama. Noon lamang siya inutusan ng ganun sa ganung oras. Madalas, hindi na kumakain ang ama. Natutulog na lang ito pagkatapos siyang pagsalitaan ng kung anu-ano.
"Pero. Dad.. wala na pong pagkain. Di ba po, hindi naman kayo kumakain dito? Hindi po ako nagluto.."
"E, di.. magluto ka! Punyeta ka! Anong silbi mo kung di mo ako pagsisilbihan?!" Kinuha pa niya ang kuwelyo ni Paul at itinulak siya palabas.
Napilitang magsaing si Paul. Mabigat ang loob. Nasasaktan siya ng husto ngayon. Hindi na maganda ang trato ng kanyang ama sa kanya.
Dumating ang Daddy ni Paul sa kusina habang di pa kumukulo ang sinaing niya. "Gutom na gutom na ako, Paul! Demonyong bata ka! Hindi mo man lang ako inisip. Asan na ang pagkain ko?!" Nanlilisik ang mga mata nito.
"Nagsasaing pa lang po ako, Dad.. Teka po, titimpalahan ko na lang po kayo ng kape.."
"Tarantado!" Binato niya si Paul ng maliit na jar nakapatong sa tabi ng microwave oven, na naging dahilan para matumba si Paul. Sa ulo kasi siya natamaan. "Tanga! Bobo! Hindi na ako kakain!" Umalis ang ama nang hindi tiningnan ang anak.
Umaagos ang dugo mula sa ulo ni Paul. Nawalan siya ng malay.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment