Isang malakas na tili ang pinakawalan ni Pamela nang magkita na sila ni Daniel sa park. Halos piratin pa siya nito sa yakap.
"In fairness, Bes, ang guwapo mo pa rin, kahit payatot ka. Promise! At, miss na miss kita," anito nang kumawala kay Daniel.
Napilitang ngumiti si Daniel. Gusto niyang itago ang mga braso.
"Di bale, Bes... kapag dito ka na uli, patatabain kita, like me." Natiklop pa siya ng isang manggas ng damit at pinalobo ang muscle. "O, 'di ba? Parang si The Rock lang."
Tuluyan nang natawa si Daniel.
Hinampas ni Pamela ang braso ni Daniel. "Hoy, si The Rock ang sabi, hindi darak! Hindi ako baboy, 'no."
Nagkunwaring nasaktan si Daniel.
"Ay, sorry, Bes... Napalakas yata ang palo ko." Hinimas-himas pa nito ang braso ng kaibigan. "Sorry, nakalas yata ang mga buto mo..." Lalo pang umarte si Daniel. "Sige na nga, yakapin na kita uli para mawala ang sakit."
"No! Okay na ako. Okay na, Bes!" Umayos siya ng upo. Umayos na rin ng upo si Pamela. Pagkatapos, umubo siya nang bahagya. "Kumusta ka na?"
"Ako ba dapat ang tanungin mo ng ganyan?"
"Oo, kaya sagutin mo."
"Sige... I'm okay. Moved on na. Ikaw?"
Tinabihan ni Daniel si Pamela. Isinandal niya ang kanyang ulo sa balikat ng kaibigan at ikinalawit ang kamay sa baywang nito. "Hindi ako masaya sa piling ng asawa ko. Ang pagsasama namin ay para ng isang malamig na kape."
"Bakit?"
"Hindi ko nga siya mahal, 'di ba? Pinaniwala niya lang ako noon na buntis siya..."
"I mean, bakit hinayaan mong lumamig?"
Napipi si Daniel. Matagal niyang inisip ang dahilan.
"Sabi mo... susubukan mo siyang mahalin," ani Pamela. "Bakit nagkaganoon? May iba ba?"
Umiling lang si Daniel.
"Bes, hindi sa kinakampihan ko ang asawa mo... Alam mo naman, noon pa, na patay na patay ako sa'yo... Kahit ngayon, puwede kitang agawin sa kanya... pero, 'di ko gagawain 'yon. Bes, to tell you frankly, may kasalanan ka rin, e... Why? Kung lumamig na ang kape, dahil hindi mo ininom agad. Hindi mo pinahalagahan ang nagtimpla. Am I right?"
"Maybe..."
"Daniel, noon pa man, lahat ng babae ay walang halaga sa'yo. Kahit nga ako, pinalamigan mo lang ng kape. So, you can't blame her..."
Hindi nagsalita si Daniel. Nilaro-laro niya na lang ang mga matatabang daliri ni Pamela.
"Ayan ka na naman, e!" sabi ni Pamela. Inilayo niya ang kanyang kamay.
"I just missed you... Sana... sana ikaw na lang..."
Si Pamela naman ang natahimik.
"Ang hirap niyang mahalin. Akala ko noon, madali ko na lang siyang matatanggap. Noong una, oo, parang siyang kape na maraming froth. Maganda at masarap tingnan, pero kapag naubos na, mapait pala."
"Naiyak ako, Bes?" Humikbi-hikbi siya kunwari.
"Bakit?"
"Ang lalim mo, e. Di ko ma-dig."
Nagtawanan sila. Pagkatapos, pinisil-pisil ni Daniel ang pisngi ng kaibigan. Nang nagtama ang mga mata nila, saka lamang siya tumigil.
"Kung kailan nawala ang isang bagay, saka natin nakikita ang halaga..." Unti-unting bumaba ang tingin ni Daniel, kasunod ng pagbuhat sa kanyang ulo.
Sumandal naman si Pamela sa kanyang likod at ilinalawit ang kanyang kamay sa balikat ni Daniel. "Matututuhan mo ring tanggapin ang lahat. Natuturuan natin ang ating mga panlasa. Time will come..."
Matagal na sila sa ganoong posisyon nang tumunog ang cellphone ni Daniel. Naghiwalay sila.
"Beh, dnla q n s hspital c Bby. Ngssuka tae cia." Iyan ang text ni Lorenzana.
"Bkit? Anong pnkain mo?"
Agad na umuwi si Daniel. Naunawaan naman iyon ni Pamela.
"Just pray," payo ni Pamela, bago sila tuluyang naghiwalay. "Ipapanalangin ko rin ang anak mo. Just calm down. Ingat sa pag-uwi. I'll text you later. Thanks!"
Hindi na iyon pinakinggan ni Daniel. Mas pinakinggan niya ang hagupit sa kanyang puso. Ramdam na ramdam niya ang sakit nito.
"My babae k jn no?" text ni Lorenzana.
Hindi niya ito ni-reply-an. Alam nilang pareho ang sagot.
No comments:
Post a Comment