Followers

Wednesday, May 8, 2024

Hijo de Puta: Ciento beynte-nuwebe

 


"Salamat uli, Howard, kung hindi dahil sa 'yo, baka napaano na kami," pasalamat ko habang kaakbay ko si Lianne.

Nginitian ni Lianne si Howard.

"No probs, Hector. Biktima rin niya ako. Naging sunod-sunuran ako para lang masuportahan ko ang tatay kong nagpapa-dialysis. Hindi ko naman alam na hahantong sa ganito, e," malungkot na saad ni Howard.

Tinapik-tapik ko ang balikat niya. "Huwag mong isipin 'yan. Malaki ang naitulong mo para sa amin-- sa akin, sa future wife ko, at sa daddy ko."

Nagkulay rosas ang mga pisngi si Lianne, pero hindi ko na muna siya pinansin dahil alam kong may oras kami para sa isa't isa.

"Pagkatapos nito... paano si Papa?" Tuluyan na siyang lumuha.

Bumitaw ako sa pagkakaakbay kay Lianne para aluhin si Howard. "It's alright! Maraming trabaho ngayon. Ako nga rin, kailangan ko nang mag-resign sa gay bar."

Tila nagitla si Howard sa sinabi ko. "Puwede mo ba akong ipasok doon?"

Natawa ko. Nakita kong napangiti si Howard, kaya sinagot ko siya. "Oo naman! You have the looks and the body."

"Sige, pasok mo naman ako."

Tumingin ako sa paligid. Naglabasan na ang mga pulis na mag-e-escort sa at mga medics na magdadala kay Val sa hospital.

Nauna nang naisugod ang ama ko.

"Masalimuot ang buhay sa club, Howard. Gaya nito. Kaya mo ba?" Muli kong inakbayan ang aking pakakasalang babae.

Saglit na tumitig sa akin si Howard, saka tiningnan ang pagpasok sa walang malay na si Val sa ambulansiya. "Nakaya ko nga siyang tiisin, sa bar pa kaya. Oo, Hector, kaya ko. Kakayanin, para sa aking ama."

Napatango na lang ako. Labis ang paghanga ko sa kanya. Para lamang sa kanyang ama, gagawin niya ang lahat. Ako naman, wala nang rason para manatili pa sa pagbibilad at pagbebenta ng katawan. Nahanap na ako ng aking ama. Natagpuan ko na rin ang babaeng magpapabago sa takbo ng buhay ko-- Lianne.

Nayapos ko tuloy si Lianne. Hinayaan naman niya akong yapusin ko siya habang kausap si Howard.

"Salamat, Hector! Hindi ako nagsisisi kung bakit tinulungan ko kaya," tugon ni Howard.

"Salamat din," kako. "Napakabuti mo. Magiging proud sa 'yo ang Papa mo kahit malaman niyang magtratrabaho ka as macho dancer."

Tumango lang si Howard upang ipakita ang pagsang-ayon. "Hangga't maaari ayaw kong malaman niya."

"Tama 'yan. Pero, tandaan mong walang lihim na hindi nabubunyag, 'di ba, Mahal?" pabirong sabi ko. Niyugyog ko pa ang balikat ni Lianne para matawa siya.

Nagtawanan kaming tatlo.

"Alam mo ba, Howard? Itong si Hector, nagkatulo."

Hindi na ako nag-react sa pagbibida ni Lianne. Hindi ko dapat ikahiya ang bagay na iyon. May natutuhan kasi ako.

Tumingin sa akin si Howard. "Talaga? Masakit ba 'yon?"

Ako na ang sumagot. "Oo. Kaya, ingat ka. Kapag nakapasok ka sa bar, safety first," payo ko.

"Okay! Susundin ko 'yan. Mahirap na yatang makahawa pa ng iba."

"Talaga!" mataray na singit ni Lianne. "Kaya itong si Hector, hindi makakaiskor sa akin kapag hindi siya nagpasa ng medical clerance. Nungka!" Nagtiklop pa siya ng mga braso at pairap na tumingin sa akin.

Natawa na lang kami ni Howard.

"Uy, malinis at safe na ako," protesta ko. Siniko pa ako ni Lianne nang aakbayan ko siya.

"How will I know? Isa pa, hindi pa tayo!" Tumalikod si Lianne sa akin.

Alam ko namang nagpre-pretend lang siya.

"Ano'ng gusto mong uri ng pangliligaw-- husto-style o probinsiyano-style?" Kinindatan ko si Howard para maki-ride sa akin.

"Kahit ano, basta may medical clearance ka."

Napakamot-ulo na lang ako, habang tawa nang tawa si Howard.

Mayamaya, nablangko kaming tatlo. Binasag na lang ni Howard ang katahimikan.

"So, pa'no? Kailan mo ako ipapasok sa bar?" tanong niya.

"Magkita tayo bukas ng gabi sa Xpose Bar. Alam mo ba 'yon? Sa may Malate."

"Sige, sige, hanapin ko na lang. Maraming salamat!" Nakipagkamay pa siya sa amin ni Lianne.

Pagkatapos, tumalikod na kami, para pumasok naman sa police car, na naghihintay sa aming tatlo. 


No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...