Followers

Saturday, May 11, 2024

Alter Ego: Nilalang

Hindi nagtanim si Paul ng galit sa ama. Sa kabila ng ginawa nito sa kanya ay hindi niya ito tinuring na kaaway. Mahal na mahal niya ang kanyang ama. Lalo nga niyang minahal ang kanyang ama, pati na rin ang kanyang ina nang mag-isa na lang siya sa buhay. Ilang buwan ang nakalipas mula nang mawalan siya ng malay bunga ng pagkakabato sa kanya ng isang maliit na jar sa ulo ay binawian ng buhay ang kanyang ama. Nagising na lamang siya isang araw na hindi na kumikilos ang lasengong ama. Kung anuman ang dahilan ng pagkamatay ng ama ay hindi na niya inusisa. Para sa kanya, tama na iyon para magkasama na sila ng kanyang ina. Kahit naiwanan siya ng mga ari-arian ay hindi naman niya iyon ikinatuwa. Pagkatapos nga ng libing ng kanyang ama ay tila gusto na niyang magpatiwakal. Madilim ang tingin niya sa buong kabayahan. Wala na siyang naririnig na mura at pagalit mula sa kanyang ama. Isa na siyang lubos na ulila. Wala siyang mga kamag-anak na maaaring lapitan. Tanging katulong lang nila ang kasama niya sa bahay. Nang gabing iyon, hindi siya dalawin ng antok. Inisip na lamang niya ang mga araw na kasama pa niya ang mga magulang niya. Maya-maya, bumuhos ang malakas na ulan, kasunod ang kidlat at kulog. Takot siya sa ulan, lalo na kapag mag-isa siya sa kuwarto. Pakiramdam niya ay may nilalang na lalapa sa kanya at tatangay sa malayo Kinalakhan na niya na kapag umuulan ay humayakap siya sa kanyang ina o ama. Ngunit ngayon ay wala siyang kasama. "Huwag po! Huwag niyo po akong kunin!" pakiusap ni Paul. Nakatingin siya sa bintana na naaaninagan ng kidlat at ilaw sa kalsada. Tapos, tumakbo siya sa sulok ng kuwarto. Nagtakip siya ng unan sa ulo at isinubsob ang mukha sa pagitan ng mga tuhod. "Mommy! Daddy, tulungan niyo ako! Lumayo ka sa akin!" Tumigil ang ulan. Ngunit, hindi pa rin bumalik si Paul sa kanyang kama.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...