Followers

Saturday, May 11, 2024

Stop Loving a Woman

Habang pinakikinggan kita, kaibigan, hindi ko lubos na maintindihan kung bakit hindi kayo nagkakilala man lang ng ama mo o hindi man lang nakita ng Mama mo ang Daddy ni Anna sa loob ng limang taon ninyong pagiging magkasintahan. To think na hindi na imposible sa panahon ngayon, dahil sa social media at teknolohiya. Okay lang ba na ulitin ko ang kuwento mo? Okay! Thank you! Naging bahagi ng love story niyo ang gotohan sa university na pinapasukan ninyo ni Anna. Sweet! Pero, ordinaryong love story kung tutuusin. Pero, parang bombang sumabog sa puso ko at utak ko nang sabihin mong ang lolo pala ng anak niyo ni Anna ay siyang ama mo, na matagal mo nang itinatanong sa iyong ina. Durog na durog ang puso ko ngayon. Ramdam ko ang pag-iyak mo, bro! Kakaiba. Nakakalungkot. Magandang istorya ito. Hindi pala maganda. Masalimuot. Kung ako man ay magiging nobelista, isusulat ko ang kuwentong mo. Salamat sa pagtitiwala mo sa akin, Lawrence. It's my pleasure na ibahagi mo sa akin ang iyong kuwento. Hindi ko actually alam ang sasabihin ko. Nakakapangpa-speechless ang kuwento mo. Grabe! Imagine, apat na taon kayong naging mag-jowa. Sa loob ng mga panahon na iyon, hindi man lang ba naitanong ng magulang ni Anna ang background mo? Hindi man lang ba nila kinilala ang kasintahan ng anak nila? O kahit ikaw, hindi mo man lang ba naisip na kilalanin ang mga magulang nila at ikuwento sa iyong ina? Alam mo, may pagkakamali ka rin, bro! Nagkulang ka. Oo, sinabi mong naging busy kayo sa pag-aaral. Ikaw, ay sa pag-aabogasya. Si Anna ay sa pagiging nurse. Pero, iba kapag pumasok kayo sa isang relasyon. Hindi lang dapat ang isa't isa ang kikilalanin ninyo. Dapat ding makilala ninyo ang mga pamilya at kamag-anak ng bawat isa, dahil kahit papaano ay makakasama niyo sila. Tingnan mo 'yan! Nangyari ang isang relasyon na bawal. Nakabuo kayo ng isang anghel sa inyong pag-iibigan. Oo, hindi niyo alam na magkapatid kayo sa ama. Pero, I guess, maiiwasan sana ninyo kung noon pa lamang ay naging matapat kayo sa inyong mga magulang. Oo! Nandun na ako! Unang nagkamali ang Mama mo, dahil inilihim niya sa'yo ang pangalan at apelyido ng inyong ama. Bata ka pa lang ay parang pinatay na niya ang iyong ama. Mali naman na maghiganti ka pa sa iyong ama. Ama mo pa rin siya. Kung may sisihin ka pang iba, isama mo ang iyong ina. Pero, huwag na, bro. Huwag mo nang dagdagan pa ang bigat ng iyong pasanin. Sige, bro..iiyak mo 'yan. .. Ngayon, tell me. Anong gusto mong itanong sa akin? Huwag mo nang sundan! For goodness'sake, Lawrence. Si Anna na mismo ang gumawa ng paraan para layuan ka. Sabi mo nga, ipinasabi lang niya sa kaibigan mo na aalis na siya. Asawa mo siya, dapat nag-usap kayo. Pero, hindi..iniwan ka niya. Tinakas ang anak niyo. Oo, natural na magagalit ka sa iyong ama! Kahit ako..kung tatay ko siya, binatukan ko na. Kaso, wala na rin siya. Nasa America na silang mag-anak, kasama ang iyong anak. Masakit. Napakasakit. Pero, wala ka nang magagawa, bro. Sila mismo ang umayaw na makipag-usap sa'yo. Sinadya nila. Ilang araw ang lumipas, simula nang malaman mong siya ang tatay mo, pero gumawa ba sila ng paraan para magkausap kayo? Hindi! Oo nga! Pinatay mo ang koneksyion mo para pagtuunan ang bar exam mo. No Facebook. No cellphone. Wala lahat! As in zero communication. Kaya, may mali ka rin doon, kaibigan... Mali ka. Maling-mali na pinatay mo lahat ang posibilidad. Well, it's too late.. Kahit nga ang Mama mo ay walang aksiyong ginawa. After ng incident na magkita-kita kayo noong magba-bar exam ka, anyare? Wala, di ba? Ni hindi kayo nag-usap ng Mama mo. Nagpokus ka sa exam mo. Makasarili ka rin, e. Kung sana'y pumunta ka bahay ng mga biyenan mo, disin sana'y hindi sa'yo nawala ang pinakamamahal mong anak. There's no point, Lawrence, na habulin mo pa ang anak mo. Hayaan mo na siya. Magiging mabuti ang buhay niya dun sa States. Hindi! Huwag mong isipin na sinadya mo. Magkaiba kayo ng tatay mo. Oo, naulit ang pangyayari sa'yo at sa anak mo. Maramot ang nanay mo at si Anna. Ayaw nilang makilala nila ang tunay na ama ng mga anak nila. Oo, natural nakakatakot. There's a possibility na mangyari uli sa anak niyo ni Anna ang nangyari sa inyong ni Anna. Na-gets mo ba? Let's put it this way. Ang anak mo na tinakas ni Anna ay hindi ka na makikilala. Posible iyon. Dahil ngayon pa lang ay ipinaramdam na iyon ni Anna at ng kanyang pamilya. So, malaya ka. Malaya ka naman talaga dahil hindi naman kayo kasal ni Anna. Be thankful for that. Hindi naman talaga pwede, kasi. But! Kapag na-in-love ka uli sa isang babae, chances are magkaanak kayo. Pwedeng babae ang maging anak niyo. Who knows, magtagpo ang anak niyo ni Anna. Ano ngang name niya? Ah... Jorge! Nice name! Darating ang araw ay magbibinata si Jorge. Hindi sa hinihingi ko, pero posible. Posibleng ang magiging anak mo sa mamahalin mong babae ay magtatagpo at magkakaibigan, not knowing that their father is you. Wow! Napakasalimuot ng buhay! Tragical.. Hindi kita masasaklawan, kaibigan. I just listened to you. It so happened na na-inclined ako kaya nag-re-react ako ng ganito. Okay!? You want to hear my side... Huwag ka ng mag-asawa, kung ako, ikaw.. Sorry, bro, pero iyon ang nakikitang tamang desisyon. Maiisip o kasi lagi na baka ang babaeng minamahal mo ay kapatid mo pala. Maiisip mo rin na baka maulit ang history. So, to stop the curse... Sorry, for the word. It's not actually a curse. It's God's trial. So, para matigil na ang paulit-ulit na pangyayari.. you better stop loving a woman. You focus on your career. Sabi mo nga, mas priority mo noon ang pagiging lawyer kaya hindi mo kaagad naisip na kausapin ang iyong ama. Sige, be a career man na lang para makalimutan mo ang pangyayaring ito. Isipin mo na lang na walang suspect o dapat i-prosecute. Lahat kayo ay biktima. Pinakakawawa lang talaga si Jorge. But God is good all the time. Tutal. Lawyer ka na ngayon.. You know what is right and wrong. Ikaw pa rin ang may hawak ng desisyon. Sorry lang dahil.. lalo yatang gumulo ang isip mo. Salamat kung ganun. Sayang kulang ang oras natin. Salamat! Salamat sa pagtitiwala. Ipagdarasal kita..

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...